(ANGELA POV)
"Ummm... pinsan uwi muna ako ha?" Pamaalam ko sa kanya na busy pa sa pagkain.
"Hindi pa tapos ang party Angela." Biglang sabat ni JJ.
"Ummm...babalik din naman ako...Ano lang kasi magbabanyo lang ako sa bahay." Nahihiya kong tugon sa kanya.
"May banyo dito sa amin. Pasok ka lang sa loob at magtanong ka sa mga katulong na nasa loob kung saan." Pahayag niya.
"Oh pinsan sige na huwag ka ng umuwi sa bahay." Sabat ni Pinsan.
"Sige salamat." Pumasok ako sa loob.
Nagtanong ako sa katulong na nag-slice ng watermelon at tinuro naman sa akin ang sinasabing banyo.
Nang matunton kuna ay dali kong binuksan ang banyo at pumasok sa loob tapos dali kong sinarhan ang pinto. Naiihi na talaga ako hindi kuna matitiis.
Sawakas nakapag-ihi rin ako kaya lumabas ako at sinara pabalik ang banyo. Bago paman ako tuluyang makalabas ay may biglang humablot sa aking braso na kinagulat ko ng sobra at sinandal ako ng malakas sa pader na kinaigik ko dahil nasaktan ang aking likuran.
"Arayyy!" Daing ko. Tiningnan ko ang lalaking humablot sa akin. 'Andrie' Ang lalaki na wala kang mababasang emosyon sa awra nito.
"Ano ba ang kailangan mo?!" Nagpupumiglas ako habang nakahawak parin siya sa aking braso.
"I knew it! Ikaw nga ang babaeng nakabangga ko doon sa mall." Galit nitong sabi. 'Huh? si Andrie ang lalaking iyon?' bulong ng aking isipan.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Pag-iwas ko.
"Don't deny it! Alam ko na ikaw yun dahil sa mahaba mong buhok at sa pamilyar mong boses!" Sinakal ako nito at lumaki naman ang mga mata nito sa galit. Panay naman ako tanggal sa kanyang kamay. Subalit sobrang lakas nito.
"W-Wala a-akong al-alam sa s-si-sinasabi mo..." Abot hininga kong sabi. Sobrang sakit ng aking leeg. Parang hindi na ako makahinga.
"Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa mga taong kinakalaban ako? Lahat sila hindi na nasisikatan ng araw...wala kang karapatan na sabihan akong bulag! Ikaw lang ang kauna-unahang nilalang ang nakapagsabi nun! Ngayon makikita mo kung sino ang kinakalaban mo! at kung sino ang bulag!" Unti-unting kong nararamdaman na itinaas niya ako dahil hindi na nakaapak ang aking mga talampakan sa sahig.
"Help!" Bulong ng aking isipan na hindi ko naman mailalabas sa aking bibig. Sobrang lakas ng taong ito. Wala man lang awa ang makikita ko sa mga mata nito. Nakahawak lang ako sa kanyang isang kamay na nakasakal sa aking leeg. Pilit kong kumawala ngunit hindi ko siya kaya..."Sana hanapin ako ni pinsan..." Maiiyak kong bulong sa isipan.
Hindi sinadyang tumulo na ang aking mga luha.
(AUTHOR'S POV)
"JJ, baki't kaya ang tagal ng pinsan ko sa loob? baka may nangyari na sa kanya sa loob..." Nababahala si Brainy.
"Don't worry lalabas narin iyon."
"Iba kasi ang nararamdaman ko ngayon...Kanina pa siya sa loob." Nawalan na gana kumain si Brainy.
"Natunton kaya niya ang banyo?" nababahala niyang sabi. Napansin ni JJ na wala si Andrie sa mahabang mesa. Kaya napag-isip siya bigla.
"Para mapanatag kay ay puntahan natin sa loob." Sumang-ayon naman siya at nauna si JJ na nagmamadaling papasok sa malaking banyo.
Pagtulak niya sa pinto ay napalingon si Andrie sa kanya na galit lang ang mababasa sa awra nito. Sobrang nagulat si JJ sa nasaksihan at hindi sinadyang mapasigaw si Brainy na kakapasok palang sa C.R.
"Pinsan!"
Walang pasabi na dinumog at inupakan ni JJ si Andrie ng malakas sa sikmura nito at nabitawan niya si Angela na pulang-pula na at makikita na sa mga mata ay hinang-hina na...
Sinalo niya si Angela at napaubo naman ito at tarantang lumapit si Brainy sa kanyang pinsan. Umubo siya ng umubo at ang pangatlong ubo nito ay dugo.
"Angela? look at me? are you alright?" Kinakabahang tanong ni JJ. Blurry ang paningin ni Angela kay JJ pero alam ni Angela na si JJ ang nagtatanong sa kanya.
Nilingon ni JJ at tiningnan ng masama si Andrie na napaubo rin ng kunting dugo dahil sa sobrang lakas na pag-upak ni JJ. Hindi alam ni JJ kung saan galing ang lakas niya kanina.
Binalik niya ang tingin kay Angela at tiningnan lang namumula nitong leeg.
Bigla ring dumating si Diego na puno pa ang bunganga ng kanin pati na ang mga lalaking nakaitim. Pinaalam pala ng katulong kay Diego na kanina pagbalik niya sa mesa ay wala na ang tatlo kaya mag-isa siyang kumakain sa mesa habang hinihintay sana ang tatlo na makabalik. Narinig pala ng katulong ang pagsigaw ni Brainy.
"A-Anong n-nang-y-yari?" Nabubulol na tanong ni Diego. Nakita lang niya na lumuluwa ng dugo si Angela at Andrie.
"Dō shita masutā?" (What happened to you master?) tanong ng isang matangkad na lalaki na lumapit kay Andrie at nakatingin kina JJ, Brainy at Angela.
"Nashi. Deteike." (Nothing. Just get out) Cold niyang sabi. Lumabas naman ang lalaki.
Hinimatay si Angela sa bisig ni JJ.
"Angela? Hey wake up?" Mas lalo siyang kinakabahan.
"Pinsan? Juskoo mananagot ako nito kay papa." Naiiyak nitong sabi.
"Sana...hindi na lang kita dinala dito..." Umiiyak niyang pagsisisi sa sarili.
"Angela? please wake up!" Hinawakan niya ang pulsuhan at pumipitik naman ito at tiningnan ang mata. Mahina ang kanyang heartbeat. Nakita ni Andrie ang ginawa ni JJ bigla siya nakaramdam ng kunting pangamba na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya.
"JJ may maitutulong ba ako?" singit ni Diego na wala ng lamang pagkain ang bunganga niya at pati siya nababahala. Alam niya na si Andrie ang may kagagawan. 'Ano kaya ang kasalanan ni Angela?' naitanong niya sa isipan.
"Tara na brain dalhin natin siya sa hospital!" Natarantang binuhat ni JJ si Angela na walang malay. Tumayo naman ang luhaang Brainy.
Bago siya humakbang ay huminto siya at nagsalita.
"I'm so disappointed you Andrie!" Matigas niyang sabi na nakatalikod kay Andrie at si JJ nakaharap sa pintuan at tuluyan na siyang lumabas na nakabuntot lang si Brainy.
Nilingon ni Diego si Andrie na nakaupo sa tiles. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya si JJ na pangalan ni Andrie nito mismo ang binanggit at hindi ang word na pinsan.
"Andrie ano ba ang nangyayari? Baki't lumaluwa ng dugo 'yung pinsan ni Brainy?" Cold lang siyang tiningnan ni Andrie at hindi ito nagsalita. Tumayo siya at binuksan ang gripo at saka naghugas siya ng kanyang kamay.
Bago niya hinugasan ay tiningnan niya ang kamay na ginamit niya pangsakal kay Angela. Kanina panay ang pagpupumiglas nito at umiiyak na... at kanina biglaan na at muntik na siyang makaramdam ng pagkalambot. Sa buong buhay niya ngayon pa lang niya naramdaman ang ganito.
"Sinaktan mo ba ang babaeng iyon?" Nalilitong tanong ni Diego.
"Long story to tell." Aniya at nilapagsan lang niya si Diego at lumabas.
Nakarating sila sa JJ at Brainy sa hospital at dinala agad siya sa emergency room. Pagkatapos isinuri ay lumabas ang doktor.
Daling lumapit si Brainy at JJ sa doktor.
"Kumusta siya dok" Nababahalang tanong ni JJ ng makalapit sa doktor.
"She's okay. Mild lang naman ang natamo niya sa kanyang leeg. Lalagyan lang namin ng cream at bandage." Pahayag ng doktor.
"Baki't po siya nawalan ng malay" tanong ni Brainy.
"Dahil sa takot at sa pagduwal niya ng dugo at bumagal ang pagtibok ng kanyang puso. But don't worry she's okay. Need lang niya ng rest at manatili muna kayo dito hanggang tuluyan ng bumuti ang kanyang kalagayan." Saad ng doktor.
"Thanks dok." Pasalamat ni JJ. Nag-nod lang ang doktor.
"It's my honor na paglingkuran ko ang aking mga pasyente. Maiwan ko muna kayo may aasikasuhin pa akong ibang pasyente." Pamaalam nito at inilabas si Angela na nakahiga pa at tulak-tulak ng lalaking nakasuot na panghospital.
Dinala siya sa isang private room at si JJ na mismo ang bumuhat kay Angela at inilipat sa malambot na kama saka kinumotan.
"In behalf of my cousin. I would like to apologize. Hindi deserved ni Angela ang ganitong pagtrato sa kanya." Nakatingin siya sa walang malay na si Angela.
"Wala kang kasalanan. Ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit ganun na lang kainit ng dugo ni Andrie sa pinsan ko? Gaano ba kalaki ang kasalanan niya para tratuhin siya ng ganoon na lang?" Naguguluhan niyang tanong.
"Iyan din ang iniisip ko." Tugon ni JJ. 'Sobra akong nadismaya sa kanya. Hindi ko akalain na mananakit siya ng inosenteng babae na wala man lang kalaban laban.' Bulong sa isipan ni JJ. Mas lalong nainis si JJ habang naalala niya ulit kung paano niya sinakal si Angela at ito'y nahihirapan ng makahinga.
"Mananagot ako kina papa nito..." Dagdag na wika ni Brainy. Habang nakatingin sa walang malay niyang pinsan. Kinakabahan siya at alam niya na malalaman ng kanyang ama ang buong pangyayari dahil magtatanong ito. Nangangamba siya para kay Andrie dahil nga sa crush niya ito...pero... dahil sa ginawa ni Andrie ay nadissapointed siya at para sa kanya mas mahalaga ang kanyang pinsan kaysa sa kanyang pagkagusto sa binata.
"Ipapakulong natin si Andrie." Tumayo si JJ at sumandal sa pader. Nagulat naman si Brainy sa narinig.
"Pag bayarin natin siya sa kanyang kasalanang nagawa." Dagdag na wika ni JJ na nakatingin kay Brainy.
Biglang bumukas ang pinto at sabay napalingon sila JJ at Brain. Iniluwa doon ang ama ni Brainy na natarantang lumapit sa natutulog na si Angela.
"Kumusta na siya?" Tanong ng ama ni Brain.
"Okay lang po siya papa. Kailangan lang po niya ng pahinga dahil sa trauma at pagduwal ng dugo." Natatakot na tugon ni Brain.
"Ano ba ang nangyayari? Kung hindi ako umuwi sa bahay at magtanong ay hindi ko malalaman ang nangyayari. Sino ba ang may kagagawan nito?" Galit na tanong ni Senior Inspector Walter na ama ni Brain. Tiningnan niya ang kanyang anak at nilipat kay JJ ang tingin.
"Sir, I would like to apologize in behalf of my cousin Andrie." Panimula ni JJ at tumayo siya upang harapin ang Inspector.
"Si Andrie po ang may sala dahil sinakal niya si Angela na walang kalaban-laban. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil..."
"Kahit anong dahilan ay wala akong pakialam! Kailangan niyang pagbayaran ang kanyang ginawa sa aking butihing pamangkin. Ka lalaki niyang tao pero wala siyang respeto sa mga babae!" Galit nitong pahayag at binalik ang tingin sa nakahigang si Angela.
"Don't worry sir ako mismo ang magpapakulong sa kanya." Nakayukong saad ni JJ.
"Mabuti kung ganun dahil kung hindi ako mismo ang gagawa ng warrant of arrest para mahuli lang ang lapastangan na anak ni Jeska!" Galit parin na saad ni Walter.
"Kailangan niyang pagbayaran ang kanyang ginawa." Saad niya at naaawa siya sa kalagayan ng anak ng kanyang kapatid na si Angie. Malaking bandage ang nilagay nito sa kanyang leeg. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa sinapit ng kanyang paboritong pamangkin.