CHAPTER 1
Disclaimer:
Ang pabalat ng aking aklat ay hindi ko tunay na pagmamay-ari. ©Ctto sa tunay na may ari ng mga larawan. Ang lalaki nasa larawan ay isa sa hinahangaan kong actor sa japan. And the girl na nasa larawan ay isa lamang itong modelo at hindi ko kilala.
Ang mga larawan na iyan ay kinuha ko lamang sa google at inedit ko sa Photoshop. Anyway,I love editing covers, tarpaulins, pictures at iba pa. But, im not that totally expert just the basic ones. One of my hobbies aside sa pagsusulat.
Ang mga pangalan, lugar, eksena at mga pangyayari ay hindi sinadyang maihantulad sa totoong buhay. Ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda.
°FadeyDrucilla✍️
___________________________________________
(ANGELA POV)
Hi! ako nga pala si Angela Bejer. Isang hamak na mahirap at anak ng isang masipag na mga magulang. Sila ay nagsasaka sa aming dalawang ektaryang lupa. Mga pananim namin ay mga palay. Mayroon akong tatlong mga kapatid. Si Eding, Ace, Ekay at ako ang panganay. Nag-aaral ako sa isang pampublikong paaralan sa San Nikolo High School. Nakatira kami sa lungsod ng San Nikolo. Sa tuwing kami ay mamimili nang aming pangangailangan ay sumasakay pa kami ng dyip o kaya'y van papunta sa city ng San Nikolo.
Gusto kong ibahagi ang kwentong ito na kung saan nakilala ko ang isang lalaki na akala ko sa unay hindi marunong manakit. Siya ay nagmula pa sa East Asia na nakatira na ngayon sa San Nikolo parte ng pilipinas. Bago ang lahat nagsimula ito sa:
(AUTHOR'S POV)
"Oh anak alis na tayo!" tawag ni Aling Angie sa dalagang anak na ngayon nasa loob pa ng kanyang kwarto.
"Anong aalis? eh, saan ba tayo pupunta mama?" tanong ni Angela sa kanyang ina.
"Bibili tayo ng bago mong gamit sa eskwela." paliwanag ng ina sa labas ng pinto nakatayo.
"Salamat na lang po mama ngunit tinatamad ako hindi ko kayo masasamahan sa ngayon." nakabusangot nitong tugon.
"Baki't naman anak?"
"Inaantok pa ho ako kasi gusto ko pang magpahinga kayo na lang po at ang kapatid kong si Eding." wala sa sarili nitong tugon.
"Hindi ko siya pwede isama may ginagawa siya ngayon." sagot ng kanyang ina.
"Inay naman eh tinatamad nga ako eh! sige na nga sasama na ako!" pagpupumilit nito sa sarili.
"Alam mo anak kaya kita isasama kasi ikaw na mismo ang pipili kung anong gusto mong desenyo ng mga bago mong kwaderno o kulay ng bag mo." Paliwanag ng ina. Mailap pa naman ang dalaga pumili ng mga gamit niya at may sarili itong gusto at prinsipyo kaya pag may gusto ito ay siya mismo ang pinapabili ng ina para ng sa ganun ay hindi ito magrereklamo. Kadalasan pag hindi niya gusto ang binili ng kanyang nanay ay nagrereklamo mas minabuti sa ina niya siya na lang ang bibili o gagawa. Hindi sumagot si Angela sa sinabi ng kanyang ina at lumabas na ito ng kanyang kwarto na nakabihis. Nakajeans at t-shirt lang ang suot nito at naka- sneakers shoes.
Pasakay na sila ng van papunta ng bayan ng San Nikolo. Nauna na ang ina ni Angela sa loob ng mall. "Anak pumasok kana dito sa loob!" tawag ng kanyang ina.
"Susunod lang po ako inay." sagot ni Angela sa kanyang ina.
" Baki't naman?ano ba ang hinihintay mo dyan ha?" tanong ng ina.
"Wala po inay basta susunod na lang po ako inay sa inyo." sagot ng dalaga.
"Basta sumunod ka ha?" panigurado ng ina. Tumango lang si Angela.
Nang patapos na si Angela sa pagsintas ng kanyang sapatos at nang papasok na siya sa entrance ay may bigla na lang niya nabundol ang isang matangkad na lalaki.
"f**k!!!" mura ng lalaki
"Ouch!" tanging lumabas sa bibig ni Angela.
"Are you a blind woman?! hindi mo ba tinitingnan ang nilalakaran mo?!" singhal ng lalaki.
"So-sorry...hindi ko sinasadyang mabundol kayo..." paumanhin ni Angela.
"Hindi sinasadya? are you f*****g kidding me?!" asik ng lalaki.
"Naghingi na nga ako ng sorry diba? hindi paba iyon sapat? hindi mo ba matanggap ang paghingi ko ng sorry? Saka hindi lang naman ako ang hindi nakatingin sa dinadaanan ha?! Pati ikaw bulag rin! Ikaw kung nakita mo akong nakatingin sa harap ikaw mismo dapat ang umiwas!" galit na pasagot ni Angela sa lalaki.
"Mam and sir huwag kayo dito mag-away po...bawal dito kung gusto ninyong mag-away doon sa labas huwag dito sa loob ng mall." pakiusap ng gwardiya. Kanina pa nakikinig sa bangayan ng dalawa at ng hindi makatiis ay pinagsabihan niya. Walang naisagot ang lalaki at wala man lang itong emosyon na makikita sa kanyang awra. Umalis ito na hindi man lang humingi ng paumanhin sa dalaga o kaya'y sa gwardiya. Matulin itong naglakad papunta sa garahe ng mall kung saan nakaparada ang sarili nitong kotse.
"Sorry guard..." paumanhin ni Angela sa gwardiya at tumango lang ito. Padabog ang pagsara ng lalaki sa pintuan ng kanyang kotse at hinampas ang manubela at saka pinaandar. Pinuntahan si Angela ng kanyang ina sa entrance, "Oh anak kanina pa kita hinihintay sa loob sa loob ah! ano ba ang nangyari? may problema ba?" tanong ng ina.
" Wala naman mama." sagot ni Angela.
"Eh bakit parang biernes santo ang expression ng mukha mo?" nagtataka tanong.
"Wala naman inay."
"Tayo na nga sa loob ng school supplies department para makauwi tayo ng maaga. Inaantok na ako ng sobra." pag-iwas ni Angela.
Pagkatapos bumili ng gamit sa eskwela at umuwi sila ng maaga sa kanilang bahay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh dude adrien, meron bang problema? baki't parang gusto mong pumatay ng tao?" Tanong ni Diego sa kaibigan walang ka emosyon ang mga mata.
"Im not in the good mood." cold nitong sagot at naupo sa sofa. Tumango lang ang binata na si Diego Guzman the Second na magkasing-edad lang ni Adrien na nasa twenty years of age.
Si Diego ay anak sa mayamang angkan. Ikalawang anak sa mag-asawang Diego Guzman the First at Xynthia Morales Guzman.
"Anong dahilan baki't ka bad mood?" tanong ni Diego sa kaibigan.
"Naiinis ako sa nakabangga ko kanina sa loob ng mall. Embis na sa entrance siya papasok ay doon ito dumaan sa exit kung saan palabas ako at ito pa ang galit na nabangga ko siya. f**k!" mura ng binata. Ngumisi lang si Diego.
"Why you smiling?" naiinis na tanong ni Adrien sa kaibigan.
"It sounds like may katapat ka na." ngumisi lang ng ngumisi si Diego.
"He or she?" tanong nito kung babae ba o lalaki.
"She. Stops smiling hindi niya ako kilala. Ito ang unang beses na sabihan akong BULAG! Damn! I hate her!" galit na wika ng binata.
"Oh she? she's interesting..." nag-iisip si Diego kung sino ang babaeng ito na hindi man lang nag-iisip nang tamang sasabihin. Hindi ba alam ng babae kung sino si Adrien? maybe hindi nga.
"Shut-up!" walang emosyon na sagot ng binata at tumayo ito papunta sa kanyang music room.. Natatawa lang si Diego at gusto niya malaman kung sino ang babaeng ito?
'Paano ko kaya hanapin ang babaeng iyon?' tanong ni Diego sa sarili.
Nang nasa music room si Adrien ay nakikinig ito ng musika sa kanyang headphone at nakapikit. Sa tuwing wala ito sa mood kaagapay niya ang musika na nakapagpagaan sa kanyang loob. Tumunog ang kanyang cellphone. Ang caller ay ang kanyang ama na nasa japan. Dinampot niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng side table na katabi ng kanyang inuupuan.
"Otōsan nani ga hoshī no?"
(What do you want dad?) na wala sa sarili.
"Anata to anata no okāsan wa genkidesu ka?"
(How are you and your mom?) tanong ng kanyang ama sa kabilang linya.
"Yoku yatte imashita."
(Were doing great.) tamad nitong sagot.
"Sore wa yokattadesu! Tonikaku imasugu denwa o kirimasu. Daijina yōji ga arimasu. Sayōnara, watashi no musuko."
(Good to hear that! Anyway i will hang up it now. I have something important to do. Bye, my son. ) boses ng ama nito sa kabilang linya at hindi sumagot si Adrien hinayaan niya na ang kanyang dad na mismo ang unang nagbaba sa tawag. Nangungulila ang kanyang ama sa kanyang mag-ina dito sa pilipinas.
Si Adrien ay anak sa isang kilalang mayaman na negosyante sa japan si Ruko Mizushima. Ang kanyang ina ay si Madam Jeska Bejer Mizushima. Mas mayaman ang kanyang ama't ina kesa sa magulang ni Diego na isang tunay na filipino. Siya ay matalino, gwapo, maangas at napaka-talentado.
May kumatok sa loob ayaw pa naman ng binata ang ginagambala siya sa kanyang pakikinig ng musika. Tinanggal niya ang nakasalapak na headphone sa kanyang tenga.
"What do you want?!" galit na tanong niya.
"It's me your cousin, JJ." malumanay na boses mula sa labas ng pinto. Dali itong tumayo at pinagbuksan ang pinsan na matagal niyang hindi nasisilayan. Ngumiti ang pinsan nito at dinakmal ng yakap ni Adrien.
"Kailan ka dumating?" tanong nito at tumungo sila sa sala kung saan andoon pa ang binatang si Diego na panay ang pag scroll down sa kanyang IG account at panay din ang pag love sa mga babaeng nakatupis sa beach.
"Kanina lang." mahinhin nitong sagot. Siya ang tipong lalaki na tipid kong magsalita, tahimik pwera ni Diego na madaldal, matalino, matangkad. Magkasing tangkad lang silang tatlo. Marunong sumayaw, kumanta at marunong magbyolin. Mas singkit ang kanyang mata kesa sa mata ni Adrien. Siya rin ay maputi. Magkapatid ang kanyang mama at mama ni Adrien. Ang kanyang ama ay isang chinese ambassador.
Nag-uusap na kanina sila JJ at Diego kaya hinahayaan nila na malibang si Diego sa kanyang ginagawa at ang magpinsan ay nag-uusap.
Sa bahay ni Angela abala itong nag-ayos ng kanyang gamit pang-eskwela para sa unang pasukan kinaumagahan. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang naganap kanina sa entrance ng mall. Ayyy mali exit ng mall. Napag-isip niya na siya talaga itong may kasalanan at hindi ang lalaki.
Hindi ko lang na kontrol sarili ko kanina dahil sabihan pa naman akong blind? Bullshitt siya eh! Edi sinabihan ko siyang bulag. English sa kanya sa akin filipino. Napapangiti si Angela habang iniisip niya ang pangyayari kanina. Sino kaya iyon? Hindi ko gaano napansin ang anyo nito kasi sa sobra kong pagkainis.