(ANGELA POV)
Sa unang pasukan sa eskwela kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makatuntong sa first year high school. I'm just 13 years old at hindi pa ako nagkaroon ng regla. Yes totoo, masyado pa akong bata hindi ba? Bagaman ang aking edad ay hindi coincide sa aking height na 5'4 at athletic body ako at hindi naman kaputian at hindi rin tan skin sakto lang. Nakuha ko ang aking height sa aking ama. Mas malala ay hindi rin ako nagkaroon ng dibdib. In short, hindi pa lumalaki ang aking dibdib. Samantalang ang aking mga kaklase may umbok na at nagsusuot na sila ng baby b*a at iba b*a na talaga. Habang ako ay walang pangloob na suot tanging blouse at palda tapos napailaliman ng short at panty . Nakakatawa hindi ba? Hindi rin ako attractive na babae at hindi rin kagandahan ang aking boses. Hindi rin ako marunong sumayaw tanging alam ko lang ang mag drawing ng anime's kaya lahat nang pabalat ng aking kwaderno ay bleach at naruto. Mahaba ang aking buhok hanggang beywang, hindi rin matangos ang aking ilong kundi sakto lang. Ang importante ay ang makahinga.
Dalawang palapag ang building ng aming paaralan. Lahat nang mag-aaral ay naka complete uniform. Magkaiba ang buhay sa high school kesa sa panahon na elementarya pa ako sa taong 2008.
After ng klase ay nag-iigib kami ng tubig sa 'di kalayuan gamit ang caritoon at sa caritoon namin nilalagay ang mga galloons. Sa puso kami nag titimba. Mahirap lang kami at aming bahay ay gawa lamang sa mga kahoy. Maaliwalas at malinis dahil ayaw ni inay na palaging may dumi ang loob. Lalong-lalo na sa sahig na kahit gawa sa kawayan ay makintab.
Tuwing weekened pinapunta ako sa aking tito na isang pulis na kapatid ni mama sa syudad ng San Nikolo upang may makasama ang aking pinsang bakla sa malaki nilang bahay.
Pinapasakay ako ni inay ng dyip at si tito ang sumusundo sa akin sa babaan ng sasakyan at pagkababa ko ay nakangiti ito.
"Ang mataray kong pamangkin kumusta kana?" nagmano ako sa kanya.
"Okay naman po ako tito." sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun. Tara na kanina ka pa hinihintay ng pinsan mo." Tumango lang ako at pumasok sa loob ng kotse sa may backseat ng driver seat. Pumasok din si tito sa driver seat at nilulan namin ang daan at makalipas ang limang minuto ay narating namin ang Ballesteros Village kung saan ang kanilang bahay.
Palabas pa lang ako ng kotse ay tumitili na ang pinsan kong bakla mula sa second floor untill pababa. Dinamba ako ng isang mahigpit na yakap.
"Pinsan hindi na a-ko maka-hinga..."
"Ayyy sarry pinsan. Namiss lang talaga kita!" tili niya. Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay. Siya mismo ang nagdala sa aking backpack na may lamang damit.
"Jusmiyoo bakit ang bigat nang bag mo?" Hinihingal na paakyat kami sa second floor.
"Akin na nga iyan!" kinuha ko ang bag ko sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay.
"Huwag na kaya ko naman eh!" Nagrampa siya paakyat.
Nang nasa loob na kami ay nahiga ako agad sa malambot niyang kama. Ang hinihigaan namin kasi sa bahay ay gawa lamang sa kawayan tapos banig. Napansin kong kanina pa ito nakadungaw sa bintana.
"Anong tinitingnan mo diyan?"
"Halika pinsan! dali!" Kinikilig nitong tawag.
"Anong merun?" nagtataka kung tanong.
"Did you know may bago kaming kapit-bahay na saksakan nang kapogian. Oh my gasshh!" his daydreaming again.
"Wala naman ah? akala ko pa naman kung sino ang tinitingnan mo." Akmang aalis na sana ako nang pinigilan niya ako.
"Nakita mo iyon? iyong matangkad na lalaki na naka-headphone? Habang nakapikit sa upuan sa may katabi ng swimming pool?" turo nito ngunit hindi ko alam kung saan banda ang tinuturo nito.
Nang makita kuna sana ang tinutukoy nitong lalaki ay siya din ang pagtawag ni tito para bumaba at kumain nang tanghalian.
Sabay kaming kumain sa hapag. Ang asawa ni tito, at ang dalawa kong pinsan. Si bakla at ang kuya niyang pulis rin.
After namin kumain ay sinama ako nina tito na pumunta sa gaisano. Habang nasa men's Levi's department kami dahil bibili si kuya Jacob ang pulis na anak rin ni tito nang sumbrero.
May napansin akong matangkad na binata na singkit ang mata at maputi. Namili ito ng polo shirt.
Sa unang pagkakataon nabihag niya ang puso ko. Alam kong bata pa ako pero kakaiba itong nararamdaman ko. Nabibighani ako sa kapogian niya.
"Pinsan ano ang tinitingin-tingin mi riyan? tanong ng pinsan kong bakla.
"Wala." Pag-iwas ko.
"Anong wala? eh kanina ka pa nakatingin kay JJ. Ayehhh type mo siya ano?" bulong ng pinsan kong malandi.
"Gaga ka rin ano? alam muna pala ang tinitingnan ko, nagtanong ka pa!" tinarayan ko siya.
"Shunga! sinigurado ko lang kung tama ang hinala ko!" maldita nitong sagot.
"Teka bakit mo siya kilala?" mataray kong tanong.
"Syempre siya lang naman ang gwapong pinsan ng aking gwapong crush na si Adrien Mizushima." kinikilig niyang sabi at nagrampa papunta sa gawi ng binata.
"Hi JJ! " ani ng aking pinsan sabay hawak sa braso ng binata.
"Hey Brainy. May binili ka rin ba dito?"
"Yes! with my family and my sassy cousin." pakilala niya sa akin. Bigla naman akong kinabahan. Bwesiit talaga ito kahit kailan.
Nakatitig sa akin ang binata at nakangiti. Hinila ako ng aking pinsan papunta sa lalaki.
"Hi, I'm Joyful John! JJ for short." lahad ng kamay nito at dali ko namang inabot. Dali ko naman binaba ang aking kamay.
"Hindi mo sinabi na may pinsan ka palang cute." Aniya. Cute? akala ko pa naman na sabihin niya na maganda ako.
"Cute ka raw pinsan." nakangisi ang bakla.
"Hindi ako bingi narinig ko iyon." mataray kong sabi. Akmang hahampasin niya ako ng nakahanger na polo. Pinigilan siya ni JJ.
"Brainy babae iyan." Pigil nito.
"Mataray kasi!"
"Buti alam mo!" Annoyed kong sagot sa kanya. Ngumiti lang ng ngumiti si JJ sa aming dalawa . Lalo tuloy sumingkit ang mga mata niya.
"Brain, hindi mo sinabi kung ano ang pangalan ng pinsan mo?" malumanay nitong sabi.
"Ummm yes, sorry. Jj, si Angela pinsan ko." Napansin kong feeling close si pinsan sa crush ko. Kailangan talagang nakadikit?
"Angela pag may oras ka pwede kang sumama kay Brainy sa aming bahay." Aniya na nakangiti parin.
"Kapag hindi pa ako makauwi sa amin."
"Oh sayang naman." Nadismaya ba siya?
"Every weekend lang kasi siya bumibisita sa amin." Singit ni Bakla.
"Sinong kasama mo?" tanong ni pinsang bakla.
"Si Andrie." tipid niyang sagot.
"Talaga? OMG! asan siya?" kinikilig na naman si bakla.
"May binili lang siya sa itaas ng floor."
Tinawag ako ni tito at nagpaalam naman ako at si pinsan kay JJ. Niyaya kami pumunta sa girls department at bibilhan ako ni ante ng damit pang-eskwela at pang-bahay.
Pagkatapos naming mamili ay umuwi kami sa bahay. Pagdating namin sa bahay ay naghanda na sila ng pang-hapunan. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit pang-bahay.
After ng haponan ay umakyat ako sa terrace at lumanghap ng sariwang hangin. Nakaupo ako sa semento at nakatingala sa langit. Kay liwanag ng buwan at kay kislap ng mga bituin sa langit.
Paglingon ko sa kabilang bakuran ng bahay may nakita akong lalaki na nag-night swimming? Dim ang lights sa katabi ng pool kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha. Matangkad ito at makisig ang pangangatawan. Umahon ito mula sa pool at kumuha ito ng tuwalya at pinunas sa sarili. Kung hindi lang sana ako binulaga sa aking pinsang bakla ay baka makalimutan ko na nakatitig pala ako sa lalaki.
"Hoy dai anong ginagawa mo dito?" tanong nito na nakapameywang.
"Kung maka dai ito wagas ah! Ikaw dong anong ginagawa mo rin dito?!" naiinis kong sabi.
"You! how could you call me dong?! I'm not dong! I'm Brenda!" Tinaas niya ang kanyang isang kamay at nagrampa. Bakit pa ako nagkaroon ng pinsang bakla?
"Sabi ni popskie matulog na tayo ng maaga!" Aniya at nauna ng bumaba sa hagdan. Lumingon ako muli sa may pool ng kabit-bahay ngunit wala na ang lalaki doon.
Kinaumagahan nauna akong gumising sa kanila. Ako ang nagsaing at ang nagprito ng itlog, hotdog at ham.
"Aga mo gumising pamangkin ah! Good morning!" Si tito.
"Good morning din po tito. Kumain na kayo at ito kape ninyo." Tinimplahan ko ng kape si tito ang nescafe steek at nilagyan ko ng kunting sugar.
"Thank you pamangkin!" nakangiti nitong pasalamat at inihipan ang kape saka hinigop.
Nagising rin si Auntie at nag good morning din ako sa kanya. Laking pasalamat niya na nakasaing na ako at nakahanda na ang lahat ng almusal. Late kasi siyang natulog kagabi kaya matagal siyang nagising hindi tuloy niya na asikaso si tito at mahuhuli rin siya sa kanyang duty sa bangko.
Night shift si tito Jacob kaya sa tuwing umaga siya umuuwi at nabungaran niya kaming kumakain. Si tito ay tuwing umaga ang kanyang duty. Nagkape lang ito at after magkape ay daling tumayo at nagpalit suot na pangbahay at natulog. Si Brainy ay tulog pa napuyat siya sa kakanood ng anime sa kanyang laptop kagabi.