Tinatawag nila akong makasalanan, pero kaya kitang dalhin sa kalangitan.
Dahil namulat sa kahirapan, lumaking hindi buo ang pamilya at bunga siya ng pagkakamali ay hindi aakalain ni Rachel na matutulad siya sa kaniyang ina na tanging ang pinagkakakitaan ay bilang isang Call Girl. Pera-pera lang at walang personalan! No feelings nvolve at pinangako niya sa sarili na hindi siya matutulad sa kaniyang ina na nagpabuntis sa lalaking hindi siya kayang panindigan. Sa rami ng kaniyang nakilala ay may isang lalaking namumukod tangi na bumihag ng puso niya at tila hindi niya makalimutan. Susubukin ng tadhana ang kanilang pag-iibigan at handa ba siyang magbago para sa lalaking walang ibang hangad kun'di ang makasama siya habang buhay? Paano kun malagay sa panganib ang buhay niya? Mananaig ba ang kaniyang puso o pipiliing lumayo?