chapter 2.1

1949 Words
Kahit na gustong matulala at manatiling hindi makapaniwala ni Francis, pinilit niya ang sarili na huwag patagalin iyon. Hindi niya gustong mapahiya sa babaeng nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Lalo pa't alam niyang hindi maganda ang pakiramdam nito. Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita niya sa totoong buhay ang babaeng nakita niyang namatay sa pangitain niya? And to think he would meet her at the time he decided to go out to clear his mind after a long while. Siya kasi ang tipo ng nilalang na mas gustong manatili sa kuwarto kaysa ang magpunta sa kung saan. Maliban na lang kung talagang kinakailangan niyang lumabas, tulad na lang ng mga labang kailangan niyang harapin na may kinalaman ang mga Agorions. At mula nga ng magtungo sila sa Human Realm, idinagdag na rin nilang mga Osmerth Guardians ang pagtulong sa laban ng mga Power Casters sa mga Draohins. "Are you sure you're okay?" tanong niya sa babaeng kaharap niya ng mga sandaling iyon. Pero wala itong naging tugon. Patuloy lang itong nakatitig sa kanya na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. Then again... this was the first time that they've actually crossed paths, right? "Meron bang kung ano sa mukha ko at ganyan ka makatingin sa akin ngayon?" Sa totoo lang, wala sa ugali ni Francis ang magbiro, lalo pa't ganitong magulo ang takbo ng kanyang isipan. Pero hindi niya napigilan sa dahilang hindi na rin niya maiwasang mailang sa matamang pagtitig ng babaeng ito sa kanya. "S-sorry..." tanging nasabi nito at saka nagbaba ng tingin. 'Thank goodness she stopped looking at me. Parang hindi ako makahinga nang maayos sa titig niya, ah.' It was the truth. May kung ano sa titig na iyon ng babaeng kaharap para makaramdam siya ng 'di maipaliwanag na pagbilis ng t***k ng kanyang puso. But for some reason, he couldn't help feeling that... this wasn't the first time he felt like this. Would that be even possible? "Hindi yata maganda ang pakiramdam mo, ah," pagsisimula na lang ni Francis para lang maialis ang isipan sa kakaibang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Huminga na lang siya ng malalim bago nilapitan ang babae. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit, eh. This doesn't usually happen often." "What do you mean?" hindi niya napigilang pangunutan ng noo sa narinig. Pero isang malalim na buntong-hininga lang ang naging tugon nito. Gustuhin man niyang tanungin pa ito para klaruhin ang nais nitong sabihin, ang pag-ring ng cellphone niya ang pumigil sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Alexander na nagpa-flash sa screen. 'Now that's rare. Ano'ng meron at naisipan akong tawagan nito ngayon?' Nagtataka man, pinili niyang sagutin ang tawag na iyon. "Hello?" "Francis, alam mo ba kung saan nagpunta si Stephen?" bungad ng kaibigan sa kabilang linya. "Hindi. Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari ba?" Hindi gusto ni Francis ang naramdamang kaba sa boses ni Alexander. Ilang sandali pa ay narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito sa kabilang linya. "Mukhang may pinaplanong malaki ang lalaking iyon, eh. He only said that he had to do something important and then he left. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta." Now that was strange. Hindi ganoong masikreto si Stephen, maliban na lang kung talagang mahalaga ang dapat nitong gawin o 'di kaya ay masyadong personal ang kailangan nitong asikasuhin. Pero hindi alam ni Francis ang dahilan kung bakit ng mga sandaling iyon, ang paggamit sa ikalawang kakayahan ni Stephen ang naiisip niyang mahalagang bagay na kailangan nitong gawin. 'But that's crazy! He already used that skill twice this year!' At alam niyang hanggang doon lang ang limitasyon ng kakayahang iyon ni Stephen. Any more of that could potentially harm Stephen's body. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan nitong gawin ang delikadong bagay na iyon. Si Francis naman ngayon ang huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Walang mangyayaring maganda kung magpa-panic siya. "Alex, you stay there in the mansion. Ako na ang bahalang maghanap kay Stephen dito. Tutal, nandito na rin lang ako sa labas," aniya makalipas ang ilang sandaling pag-iisip ng gagawin. "Sigurado ka?" Tila nag-aalangan pa si Alexander. "Mabuti nang may magbantay riyan at mag-abang kung sakaling may mangyaring hindi maganda rito. Sasabihan na lang kita kung ano man ang mangyayari." Sapat na iyon para pumayag ang kaibigan. Matapos putulin ang tawag ay agad na napalingon si Francis sa bench kung saan iniwan niya ang babaeng kanina lang ay kausap niya. Pero ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo at ang paglukob ng matinding pag-aalala nang makitang wala na ito roon. Ilang sandali rin niyang inilibot ang tingin sa paligid pero wala siyang nakitang anumang senyales na naroon pa rin ang misteryosong babae. "Where did she go?" For some reason, his heart felt heavy upon asking that question to himself. Gusto na lang niyang isipin na may dahilan ito kung bakit umalis ang dalaga na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Maraming puwedeng dahilan at hanggang haka-haka na lang ang maiisip niya sa mga sandaling iyon. Pero may ibang bagay pa siyang dapat na pagtuunan ng pansin. Saka na niya bibigyang atensyon ang sariling problema kapag muli silang nagkita ng babae sa kanyang pangitain. 'Iyon ay kung magkikita pa nga ba kami...' Then again, he didn't like the thought of not seeing that woman again after this. Wala naman sigurong masama kung maging optimistic siya pagdating sa bagay na iyon, 'di ba? Iyon ay kahit hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang ang pag-aasam niyang makitang muli ang babae. xxxxxx There were two strong energies present in the area. Sa bagay na iyon ay sigurado si Ilsie. Kahit na nasa fountain area ng mall siya naroroon nang maramdaman niya ang dalawang magkaibang enerhiya na iyon, hindi maikakailang madali lang para sa kanya na maramdaman iyon. She was a Wind Caster, after all. A White Wind Caster, to be exact. And since the wind helped her sense it, naging madali na lang para kay Ilsie na malaman kung saan nagmula ang dalawang klase ng energy na naramdaman niya. Agad siyang nagmadaling umalis sa mall para marating ang pakay na lugar --- at isang park iyon. Habang tumatakbo palapit sa park, hindi niya napigilang humingi ng paumanhin sa ginawang pag-iwan doon kay Francis na hindi man lang nagpapaalam dito. Sana lang ay magawa niyang ipaalam dito ang dahilan kung sakali mang magkita sila nitong muli. 'Iyon ay kung bibigyan ako ng pagkakataong magkita kami ulit.' Then again, would that be a wishful thinking on her part? Oo nga't nalaman na rin niya sa wakas na nag-e-exist nga sa totoong buhay ang lalaking sa panaginip lang niya nakikita noon. Pero hindi naman nangangahulugan na ganoon lang kadali na makita ito ulit. "Oh, well. I guess I'll just figure it out later." Agad nang nagmadali si Ilsie upang marating ang bahagi ng park na pakay niya ng mga sandaling iyon. The energies were getting stronger. And if she was right, they appeared to be clashing. An even more dangerous fact that she had to deal with sa sandaling marating na niya ang lugar na iyon. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Ilsie's eyes widened at the sight that greeted her the moment she reached the area of the park that intended to go to. "You've got to be kidding!" Hindi normal ang lakas ng hangin sa lugar na iyon. Pero agad na niyang nakita ang dahilan kung bakit. It was Stephen --- surrounded by several Agorions and Draohins. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi makalapit dito dahil sa barrier na nakapalibot sa lalaki. And yet, why did it look like... "Is he... doing a ritual while inside the barrier?" Hindi niya maiwasang itanong iyon sa sarili habang patuloy na pinapanood ang mga pangyayari mula sa kanyang posisyon. Himala na lang talaga na hindi pa siya napapansin ng dalawang grupo ng kalaban na patuloy na nagtatangkang atakihin si Stephen. "He's really going to kill himself if he keeps up with this." Agad na napalingon si Ilsie sa pinagmulan ng tinig na iyon. Para lang manlaki ang kanyang mga mata sa tumambad sa kanya. "A-ano'ng... ginagawa mo rito?" Sa hindi maintindihang dahilan, iyon lang ang nagawa niyang itanong sa kadarating na lalaki. Francis turned to her with a grave expression before sighing. "Stopping a friend from doing something suicidal." "Suicidal?" Napatingin siya kay Stephen na wala pa ring pakialam sa paligid nito at patuloy lang sa ginagawa. "You mean, that ritual he was doing inside the barrier right now?" Tumango si Francis. "A wide area search that he could only do twice a year. Or at least, iyon lang ang kaya ng katawan niya. Lalo na kung dito sa Human Realm niya gagamitin ang kakayahan nitong iyon." "Pero... bakit?" Mukhang hindi rin magawang sagutin iyon ni Francis kung ibabase niya sa ekspresyong nakikita niya sa mukha nito. Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ito. "Honestly, I don't know what the hell he is thinking para gawin iyan ni Stephen. But it looked like he was already desperate. At mukhang hindi naman nito gagawin ang ritual na iyan kung wala siyang tulong mula sa iba," paliwanag ni Francis na hindi inaalis ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Wala nang nasabi pa si Ilsie pagkatapos niyon. But she could understand what he meant. Stephen was aware of the risk, and yet he still chose to do the ritual. Kung kadesperaduhan man o may iba pang dahilan para gawin iyon ni Stephen, ito lang ang makakasagot niyon. Naputol ang pag-iisip niya nang may maramdamang mali sa paligid niya. In particular, she sensed something wrong with Stephen's wind barrier. "It looks like his barrier isn't going to hold on much longer," she couldn't help commenting. Hindi na rin niya napigilang mag-alala para sa lalaki dahil ramdam niya ang panghihina ng energy na ginamit ni Stephen para mapanatili ang barrier na iyon. At alam nilang dalawa ni Francis na hindi maganda ang kahahantungan niyon. "Mukhang hindi lang si Stephen ang desperado ngayon, ah." Napatingin si Ilsie kay Francis nang marinig iyon. Pero nanatiling nakatuon ang atensyon nito sa puwesto ng wind barrier kung saan nasa loob niyon si Stephen. At doon niya naintindihan ang gustong ipunto ng lalaki. The weakening barrier prompted the groups of Draohins and Agorions to attack more aggressive than they were a while back. At sa nakikita niya, hindi na kakayanin pa ni Stephen ang lumaban sa oras na tuluyang maglaho ang barrier. "I'll drive them off." Her declaration seemed to have been enough to shift Francis' attention from Stephen to her. At hindi niya alam kung para saan ang naramdaman niyang tuwa sa kabila ng sitwasyon nila ng mga sandaling iyon. Of course, she considered it a little absurd for her to think that way. "Are you crazy? You don't have to do that. Mag-isa ka lang." Okay. She never knew this guy could be a worrywart. At mukhang hindi lang dahil babae siya. "Mukhang matatapos na rin ang ritual na ginagawa ng kaibigan mo. Mas mabuting siya na muna ang pagbuntunan mo ng pag-aalala mo ngayon kaysa sa akin." "Jethro is surely going to scold me when he finds out about this." So ang kuya pala niya ang mas pinag-aalala nito. Why did that sound so disappointing to her, by the way? 'Mas gusto mo yatang mag-alala siya para sa kapakanan mo na hindi ang kuya mo ang dahilan.' Okay, hold up! Where did that thought came from? Napailing na lang siya at saka huminga nang malalim. She was hoping that it could dissipate whatever disappointment she was feeling at the moment. This was really strange for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD