Mabilis na lumipas ang linggo ng aming final exams. Lahat kami ay abala at puyat sa pagrereview ng mga aralin. Sa wakas ay tapos na lahat ng aming mga exam.
"Yes! Tapos na ang exams! Tara, kain na tayo," anyaya ni Scarlet
Sumunod na kami papuntang cafeteria dahil talagang nagutom kami dahil sa aming finals. Habang kumakain ay hindi namin maiwasang pag usapan ang eksamen
"Ang hirap nung number 15, anong sagot dun?" tanong ni Scarlet
"Letter A" tugon ko
"Naku, mali ang hula ko!" ani Berna
"Bakit ko pa pinalitan! Yun yung una kong sagot," maktol ni Scarlet na pinagtawanan naman ni Petra
Abala kami sa kainan at kwentuhan nang dumating din sa cafeteria sina Sir Morgan at Matt.
"Sir Matt! Dito po may bakante!" alok ni Scarlet. Marami kasing kumakain ngayon dito sa canteen kaya mukhang nahirapan din silang maghanap ng bakanteng mesa.
"Thanks Scarlet," tugon ni Sir Matt at naupo sa bakanteng upuan katabi ng bakla. Samantalang si Sir Morgan ay naupo sa tabi ni Petra.
"Guys, kamusta ang exams nyo? Ang dali lang diba?" masayang tanong ni Sir Morgan.
"Anong madali, Sir? Ang hirap kaya!" ani Petra
"Well, basta sa subject ko wala na kayong exam, naging successful ang Brigada Eskwela," pagyayabang nito
"As long as you did your best, I'm sure papasa kayo," ani Sir Matt
"Awww, ang sweet mo talaga Sir!" ani Scarlet kaya tumawa na naman ang grupo pati sina Sir Matt at Morgan dahil sa kalandian nito
"Okay, the drinks are on me. Who wants to join me para bumili?" ani Sir Matt habang nakatingin sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Dahil hindi ko rin maintindihan ang aking damdamin ay mas lalo akong dapat umiwas.
Nagpapakiramdaman ang grupo hanggang sina Zach at Scarlet na ang nagprisenta. Nahuli ko pang tumingin ulit sa akin si Sir Matt ngunit ibinaling ko ang atensyon kina Berna at Petra.
"Alright, Zach and Scarlet will bring your drinks sa classroom nyo. Morgan, sumama ka na sa amin,"
"Yes, dude!"
Tumango naman kaming mga babae at dumiretso na sa classroom. Ilang minuto ang lumipas at dumating na sina Scarlet at Zach bitbit ang aming mga inumin.
Sa wakas ay natapos na ang klase ngayong araw at nagsiuwi na kami. May ibang lakad sina Petra at Scarlet kaya hindi muna kami sabay umuwi. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa sakayan ng jeep nang may bumusina sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Eros sakay ng kanyang sasakyan
"Elle!"
Napalitan ng tuwa ang aking stress mula sa exams nang makita ang kaibigan.
"Sumakay ka na sa kotse," yaya nito
Sumunod naman ako at sumakay sa kanyang sasakyan.
"Kamusta na? Na miss kita," bati nito
"Okay naman. Napagod lang dahil sa final exams. Ikaw, kamusta? Lalo kang sumikat dahil ang galing ng project presentation mo sa Singapore!"
"Thanks, Elle. Project namin yun as a team, kaya credit goes to my team as well,"
"Tama naman ang sinabi mo, Eros. Pero hindi matatanggi na ikaw ang tumayong lider at nasagot mo nang tama ang mga tanong ng mga judges, kaya congrats sa yo at sa grupo ninyo!"
"At dahil dyan, itetreat kita,"
"Naku Eros, hindi mo na kailangan gawin yan,"
Nagpumilit pa rin sya kaya pumayag na ako. Masaya rin ako na makita ulit ang malapit na kaibigan. Napagkasunduan naming dumaan sa isang cafe at tikman ang kanilang burger at milktea. Puno ng tawanan at biruan ang aming kwentuhan. Masaya ako dahil kahit paano ay nakalimutan ko sa ilang sandali ang aking naguguluhang damdamin.
Hindi rin kami nagtagal at inihatid na rin nya ako pauwi. Kinabukasan, maaga kaming nagpunta sa tindahan. Kakatapos lang ng dagsa ng mga bumibili nang dumating si Conrad
"Conrad, kamusta?" bati ko
"Pumasok muna kayo para makapag usap kayo ni Elle nang maayos," anyaya ni Mama
"Mabuti naman ako Elle. Magandang umaga po, Mrs Santos. Pumunta lang po ako para kamustahin kayo nina Elle at Ading,"
Inimbitahan namin si Conrad sa tindahan at inalok namin ang kakanin bilang meryenda. Kinamusta nya lang kami at ang aking pag aaral.
"Conrad, ang sabi sa akin ng aming adviser ay maganda ang aking standing sa klase. Hinihintay ko lang ang resulta ng mga exam, pero pinagsusumikapan ko talagang makakuha ng matataas na marka. Sana ay maging proud sa akin si Chairman,"
"Salamat Elle. Natutuwa ako dahil nagsusumikap ka sa pag aaral. Naikukwento ko rin kay Chairman na magaganda ang mga marka mo kaya proud sya sa 'yo. At kahit hindi ka maging parte ng honor roll, masaya sya dahil masikap ka,"
"I'm sure lalong matutuwa yon kapag dumating na ang grades mo. Birthday pa naman nya sa susunod na linggo," dagdag nya
"Talaga po? May pagkakataon po na magkita kami?"
"Uh, nasa ibang bansa kasi sya ngayon Elle. Pero h'wag kang mag alala, magkikita rin kayo in the future,"
"Naiintindihan ko, Conrad," Bagamat malungkot dahil gustung gusto ko talagang makita si Chairman, naiintindihan ko naman lalo na kung hindi pa talaga pwede sa ngayon. Ang importante ay nasa isip nya ako at balang araw ay magtatagpo rin kami.
Simula nang malaman ko ang tungkol sa kaarawan ni Chairman ay nag isip na ako ng ireregalo sa kanya. Nakiusap ako kay Conrad na ipaabot ang aking sorpresa at sumang ayon naman sya.
Pagkatapos ng klase ay agad akong gumayak dahil balak kong dumaan sa isang sikat na bilihan ng regalo. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at sumakay na ng jeep. Pagkababa sa tapat ng shop ay dumiretso na ako sa loob para maghanap ng pangregalo. Maraming mga interesanteng items dito sa shop at habang naglilibot ay natagpuan ko ang balak kong iregalo. Isa itong larawan na mabubuo sa pamamagitan ng mga beads at pagsunod sa pattern.
Gamit ang aking naipon mula sa baong binibigay ni Chairman ay binili ko ito. Bitbit ko ang pinamili nang makasalubong ko si Sir Matt. Nabigla naman ako dahil sa lahat ng makakasalubong ay sya pa
"Ms Santos, mukhang may pagbibigyan ka ng regalo,"
"Uh, opo Sir. Mauna na po ako,"
"Iniiwasan mo ba ako Ms Santos?"
Natigilan naman ako sa kanyang tanong. Nang lingunin ko sya ay seryoso ang tingin na iginawad nya sa akin.
"H-hindi po Sir," sagot ko
"Ayaw mong sumama na bumili ng drinks, pero may panahon ka para sumama sa manliligaw mo. At ngayon, bibilhan mo pa ng regalo ang lalaking 'yon,"
Kumunot ang aking noo at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Bakit ba ang hilig mangbintang ng lalaking ito?! Si Eros ba ang tinutukoy nya? Naiirita na ako sa asta nya!
"Sir, ano po ba ang pakialam ninyo? Wala na kayong pakialam kung kanino man ako sumama at kung sino ang gusto kong regaluhan." Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataong sumagot at tumalikod na ako paalis ng shop.
Sa mga sumunod na araw ay lumabas na ang mga resulta ng exam. Sa awa ng Diyos ay matataas ang mga nakuha kong marka. Masaya din ako dahil pasado kaming magkakaibigan.
Balak kong isama ang kopya ng aking mga marka sa regalong ibibigay ko kay Chairman. Pinagtyagaan ko itong tapusin tuwing gabi. Dinadala ko rin ito sa eskwela at ginagawa tuwing breaktime. Kailangan ko kasi itong matapos agad dahil malapit na ang kaarawan ni Chairman.
Kakatapos lang ng huli naming PE class at kinuha ko na ang aking bag pati ang ginagawang bead painting. Lumabas ng gym sina Petra, Scarlet at Berna para bumili ng meryenda
"Oh, here's the star student!" ani Karen na kasama ang kanyang mga kaibigan
"So Elle, how does it feel na palaging ikaw na lang ang bida. Ikaw ang mataas ang grades, ikaw ang model student, ikaw ang palaging pinapansin ni Eros,"
"Karen, ano ba ang pakay mo?"
Sarkastiko itong tumawa. "Wow ha, ang tapang mo naman. Sa bagay, kung sino ang mga wala namang sinabi sa buhay, sila pa ang matapang. And I also wonder, bakit nga ba pinapayagang pumasok dito ang mga busabos na katulad mo?" panunuya nito
"Nagtataka din nga ako Karen, ikaw ang mayaman, pero bakit nga ba hindi ka pinapansin ni Eros, at bakit ka insecured sa busabos na tulad ko. Hindi ba't mas katawa tawa ka?"
Hindi nakaimik ang dalawang babaeng kasama nito habang namumula naman sa galit itong si Karen. Ayoko nang aksayahin ang oras ko para sa mga babaeng ito kaya dumiretso na ako paalis
"Talagang sumosobra ka nang babae ka!" Natigil ako sa paglalakad nang bigla nitong hatakin ang aking buhok. Dahil sa pagkapuno ay nakipagsabunutan na rin ako kay Karen. Ngunit pinagtulungan din ako ng mga kasama nya nang itulak nila ako. Sa lakas ay nabitawan ko ang buhok ni Karen at nalaglag ako sa sahig. Sinamantala ito ni Karen upang umupo sa aking ibabaw at sampalin ako ng kabila't kanan. Gumanti naman ako at kinalmot ang kanyang mga braso. Hinila ko ang kanyang buhok at sinabunutan sya. Habang nagsasabunutan kami ay natigilan naman ako nang kunin nang isa nyang kasama ang kahon na laman ang aking bead painting. Binuksan nito ang kahon at inilabas ang aking ginagawang painting.
"Oh, look what we found here!" ani ng kasama ni Karen
"Bitawan mo yan!" sigaw ko.
Lumingon si Karen at nakita ang aking bead painting. Ngumisi ito, "Oh dear, why are you so afraid? Di ba magaling ka, edi kaya mo ulit gawin yan!"
"Please Karen, h'wag nyong pakialaman yan!"
She devilishly smirked, "Lei, sirain mo na yan!"
Sa isang iglap ay ibinagsak ni Lei sa sahig ang aking pinaghirapan. Nagkalat ang ilang mga beads kaya nasira ang isang parte ng painting. Napaiyak ako dahil nasayang lang ang aking pinaghirapan.
Sasapakin na ako ni Karen nang may pumigil sa kamay nito. Nang lumingon ito ay takot ang bumalot sa kanyang mga mata
"S-sir?"
Sumalubong sa kanya ang galit na mukha ni Sir Matt. Kahit sino ay matatakot sa nanlilisik nitong mga mata.
"Subukan mong ituloy yan Karen at baka makalimutan kong babae ka," madiin nitong sabi
Marahas nitong hinila si Karen mula sa pagkakaupo sa aking ibabaw.
"S-sir, nasasaktan po ang braso ko," daing ni Karen dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Sir Matt sa kanyang braso. Halos kaladkarin nya ito at padarag na itinulak kay Sir Morgan na sumaklolo rin sa nangyari.
"Bring her to guidance office, and I want her out of this university!" galit na sabi ni Sir Matt.
Kahit nanghihina at masakit ang katawan ay nakita ko naman ang mga kasama ni Karen na nakalagapak sa sahig. Naroon sina Berna, Scarlet, at Petra na pawang magugulo rin ang buhok. Kinaladkad nila ang dalawa patungo rin kay Sir Morgan.
Agad na lumapit sa akin si Sir Matt. Ang nanlilisik at galit nitong mga mata ay biglang lumambot at napalitan ng pag aalala. Inalalayan nya akong makaupo at hinaplos ang aking mukha
"I'm sorry, hindi kita naprotektahan. May masakit ba sa 'yo?"
Umiling ako at napaiyak. Hindi ko alintana ang sakit ng katawan ngunit nasasaktan ako dahil nasira ang ireregalo ko sa taong espesyal sa akin. Agad akong tumayo at kinuha ang nasirang bead painting. Pinilit ko itong ayusin at nilikom ang mga nagkalat na beads habang patuloy sa pag iyak.
"Bes, kailangang malapatan agad ang sugat mo. Tama na yan!" ani Berna nang lumapit sya sa akin
"Hindi mo naiintindihan, sinira nila ang pinaghirapan ko! Kailangan ko itong tapusin ngayon!"
Naluha rin si Berna at niyakap ako habang patuloy ang aking paghikbi. "Don't worry Bes, tutulungan kita. Pero unahin mo muna ang sarili mo,"
"Elle, sumama ka na muna sa akin. We'll need to fix your wounds," ani Sir Matt na hawak na rin ang aking bag
"Pero itong painting, paano ito?"
"Forget about that damn painting!" at bigla akong binuhat nito.
"Bitawan nyo po ako Sir!" protesta ko. Ngunit wala syang narinig at dire diretso sa paglalakad. Tumingin ako kay Berna na bitbit ang painting at nakasunod sa amin. Tumango ito sa akin na tila sinasabi sa aking magiging maayos ang lahat. Nakarating kami sa kotse ni Sir Matt kung saan ipinasok nya ako sa tabi ng driver's seat. Inabot din sa akin ni Berna ang painting.
"Ako nang bahalang magpaalam kay Tita," ani Berna
Pumasok na rin ng sasakyan si Sir Matt at nagsimula nang magmaneho. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanyang condo unit.
Nakaupo ako sa kanyang kama at ilang sandali ay dumating sya bitbit ang tuwalya, palanggana na may tubig at first aid kit. Gamit ang basang tuwalya ay pinunasan nya muna ang aking mukha. Ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tuwalyang dumampi sa aking balat. Pinunasan nya rin ang dugo sa isang sulok ng aking bibig, mula sa pumutok kong labi. Sunod nyang pinunasan ang aking mga braso. May ointment syang ipinahid sa aking sugat sa labi pati sa mga gasgas sa aking balat. Nilapatan nya rin ng ice compress ang aking mga pasa.
"Magpahinga ka muna. Yung painting, ako na ang bahala," seryoso nitong sabi.
Ngayon ko iniinda ang sakit ng katawan at tila hinihila akong magpahinga. Nagpaubaya na ako at ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
Hapon na nang magising ako. Napansin ko ang tuwalya at pajamas na pangbabae na nasa bedside table. Marahil ay nilagay nya ito upang makapaglinis rin ako ng katawan, dahil kanina pa ako pawisan mula sa PE class.
Kinuha ko ang mga ito at dumiretso sa banyo. Pagkapasok ay napansin ko ang bath tub na mukhang inihanda na nya dahil sa mainit init na tubig na naroon. Hinubad ko ang aking saplot at lumusong sa bath tub. Nakakaginhawa sa katawan ang pagkakalubog sa tubig. Hindi ito sobrang init, hindi rin malamig, tamang tama lang habang nararamdaman pa rin ang init na nagbibigay ginhawa. Nakakarelax din ang amoy ng bodywash at shapoo na aking ginamit. Tinapos ko agad ang paliligo at nagtuyo ng katawan at isinuot ang pajamas.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang aking painting at may mga bote ng beads na maaaring gamitin. Napatingin ako kay Sir Matt na naghahain na ng dalawang mangkok ng noodles.
"Kumain na muna tayo," sambit nito
Tumango ako at sumunod sa kanya. Naupo kami pareho at sinimulang kumain. Kakaiba ang noodles na ito kumpara sa instant noodles na aking nakagisnan
"Sir, ano pong tawag dito?"
"It's Pho, Vietnamese noodles. Masarap ba?"
Tumango ako. Bago sa aking panlasa at talaga naman malinamnam. Kahit madalas ay naiirita ako sa kanyang pagbibintang at kapilyuhan ngunit hindi ko maitatanggi na mayroong parte sa kanya ang pagiging maalaga.
Nag alok ulit ako na maghugas ng pinggan ngunit tumanggi sya kaya dumiretso na ako sa sala para ipagpatuloy ang aking ginagawang painting. Nang matapos sya sa ginagawa ay lumapit sya sa akin
"Sir, uuwi na po ako sa amin,"
"Mas mabuti kung dumito ka muna. Mas lalong mag aalala si Tita kapag nakita nya ang sugat mo. Bukas dadalhin kita sa doktor para matignan ka nang maayos. Ipinagpaalam na kita sa adviser mo na hindi ka papasok bukas,"
"Pero Sir, maayos naman po ang kalagayan ko,"
"Hindi ba't gagawin mo pa yang regalo mo? Hindi ka matatapos kapag nagtalo pa tayo,"
Napabuntung hininga na lang ako. Kinuha ko ang painting at nagsimulang buuin ito muli. Ilang sandali pa ay tumabi sa aking kinauupuan si Sir Matt at tinulungan ako
"Sir, salamat po pala sa mga extra beads na binigay ninyo," sambit ko habang inilalagay ang mga beads ayon sa pattern.
"Ganoon ba talaga ka espesyal sa 'yo ang taong bibigyan mo ng regalo?" tanong nya habang tumutulong din na ilagay ang mga beads
Tumango ako. "Sobrang espesyal para sa akin ang taong bibigyan ko nito,"
Nanatili lamang syang tahimik habang ipinagpatuloy ang ginagawang beads.
"Mahal mo na ba sya?" Hindi ko maintindihan bakit may pait sa kanyang boses.
"Oo, mahal ko sya pero hindi bilang karelasyon,"
"Huh? Paanong hindi bilang karelasyon. Di ba nililigawan ka nya?"
Kumunot naman ang aking kilay dahil hindi ko sya maintindihan. Bakit ba pinagpipilitan nyang mayroon akong manliligaw?
"Binigyan ka nya ng rosas. Dinala ka nya sa cafe, anong tawag mo doon?" masungit nyang tanong
Kung ganoon, si Eros nga ang kanyang tinutukoy. Bakit ba ang kalalaking tao nito pero marites!
"Una sa lahat, hindi ko po maintindihan bakit kayo nanghihimasok sa buhay ko. Pangalawa, malapit kong kaibigan ang tinutukoy ninyo at walang anumang namamagitan sa amin. Pangatlo, hindi para sa kanya ang regalong ito!"
Bahagya naman syang natigilan ngunit agad na nakabawi. "Para kanino ngayon ito?"
"Para ito kay Chairman." Ilang sandali akong nanahimik habang nanariwa sa aking alaala ang kanyang kabutihan, "Sa hirap ng kalagayan namin sa buhay, kulang ang kinikita ko sa pagtitinda at pagjajanitress sa bar para makapag aral. Kaya nga napilitan akong kumapit sa patalim nang magkasakit ang aking kapatid,"
"Pero salamat sa isang taong nagtiwala sa akin at nagbigay sa akin ng pagkakataon. Kahit hindi namin kilala nang lubos ang isa't isa, para akong nakatagpo ng isang malapit na kaibigan sa kanya,"
"Kaya napili ko itong larawan ng isang bahay," pagpapatuloy ko
"Sa kanya ako nakahanap ng kanlungan. Bata pa lang ipinagpalit na kami ng aking ama sa iba, naranasan ko rin ang kalupitan ng mundo, pero nakatagpo ako sa kanya ng kakampi, ng pag asa,"
"Kaya naman sobrang espesyal nya sa akin. Kaya nagsusumikap ako sa pag aaral para hindi ko sya biguin at masuklian ang lahat ng kanyang kabutihan. Sana kahit papaano, matuwa sya sa regalo ko,"
Ilang sandaling tahimik kaya inangat ko ang tingin kay Sir Matt. Tahimik lamang syang nakatingin sa akin.
"Nandito lang ako palagi para sa 'yo," sambit nito
"P-po?" Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi
"Uh, well, ang ibig kong sabihin, I'm sure yun ang sasabihin sa 'yo ng Chairman. Sabi mo nga kakampi mo sya, so I guess he will always be there to support you,"
Tumango naman ako, "Salamat,"
"Uh, at salamat din po sa inyo, kung hindi kayo dumating baka napuruhan na ako ni Karen," dagdag ko
Bigla ulit nag igting ang panga nito, "I don't know what I could do to her if nasaktan ka nya nang husto,"
Nagbuntung hininga na lamang ito at hinawakan ang aking kamay. Pinisil nya ito, "Forget about it. Ang importante ay safe ka at hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit. What do you want for a night cap? Chocolate, milk, coffee?"
Nagkabuhulbuhol na naman ang puso ko dahil sa magkahawak naming mga kamay. Ang malambot at mainit nyang kamay ay tila lalong nagpapagulo sa nalilito kong puso.
"Elle? Are you okay?"
"Uh, chocolate po,"
Tumango ito, "Okay, ipaggagawa kita ng hot choco,". Tumayo na sya at dumiretso sa kusina.
Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng t***k ng aking puso. Pinilit kong h'wag madistract at itinuon ang pansin sa ginagawa.
Matapos ang ilang oras ay natapos na ang painting. Ang aking mga luha ay napalitan ngayon ng ngiti. Sulit ang pagod dahil natapos ko na ang aking regalo. Nang lingunin ko si Sir Matt ay natagpuan ko itong tulog na sa aking tabi.
Tulad nang una kong makita ay napaka amo ng mukha nito. Bakit ba iba ang t***k ng puso ko kapag nakikita sya? Iwinaksi ko ang nararamdaman at kumuha ng unan at kumot. Inalalayan ko syang makahiga sa carpeted na sahig at isinuporta sa kanyang ulo ang unan. Pagkatapos ay kinumutan ko sya.
Nagsulat pa ako ng isang liham para kay Chairman. Pagkatapos ay naglatag din ako at nahiga sa sala para matulog.
Kinabukasan, sinamahan ako ni Sir Matt sa doktor upang ipacheck up. Maayos naman daw ako sabi ng doktor kaya wala naman syang ipinagawa pang ibang tests.
Pagkatapos sa Clinic ay tumawag si Conrad,
"Hello, Conrad," bati ko habang nasa loob ng sasakyan ni Sir Matt.
"Elle, nandito ako ngayon sa Empire Tower, dito kita aantayin para maipaabot mo ang regalo kay Chairman. Anong oras ka makakapunta?"
"Uh, punta na po ako dyan,"
"Okay, antayin kita. Para maipahabol ko sa courier,"
"Saan tayo pupunta?" tanong sa akin ni Sir Matt habang nagmamaneho
"Uh, Sir, pwede po bang pumunta tayo sa Empire Tower. Doon ko po kasi iaabot yung regalo ko kay Chairman,"
"Alright,"
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Empire tower. Nakita ko si Conrad na nakaupo sa lounge ng lobby. Nilapitan ko sya,
"Conrad, ito yung regalo ko para kay Chairman,"
"Makakaasa ka Elle," nakangiti nitong sabi. Ngunit tila nagulat ito nang dumako ang tingin sa aking likod
"S-sir," sambit ni Conrad
Nang lumingon ako ay nasa likod ko si Sir Matt
"Magkakilala po kayo?" tanong ko
"Uh, oo" sambit ni Conrad
"Hi Conrad," bati ni Sir Matt
"Sir," parang naengkanto si Conrad at tila hindi maintindihan ang gagawin
"So, si Conrad pala ang kausap mo. Ibig sabihin, si Philip ang tinutukoy mong Chairman?"
"Philip? Yun po ang pangalan nya?" tanong ko
"Uh, oo," tugon ni Conrad
Philip. Ito pala ang pangalan ni Chairman.
"Elle, matalik kong kaibigan ang tinutukoy mong Chairman. Small world,"
Gumuhit ang ngiti sa aking mukha. Ngayon ay alam ko na ang pangalan ni Chairman. Kahit papaano ay palapit ako nang palapit na makilala sya. Gayundin, may isang tao na malapit rin sa kanya ang pwedeng kong pagtanungan para mas makilala pa sya.
"Sir, Elle, paano, mauna na ako. Elle, makakaasa kang iaabot ko ito kay Chairman,"
"Salamat Conrad," tugon ko
Umalis na si Conrad. "Sir, salamat po ulit sa tulong nyo," sambit ko
"So, sem break na. What's your plan?"
"Wala po akong planong lakad. Tutulungan ko si Mama sa pagtitinda,"
"Birthday pala ng Chairman mo. Sira ulo talaga yung Philip na yun, hindi ka man lang binigyan ng birthday treat!"
Bahagya naman akong natawa sa kanyang sinabi, "Okay lang po yun, naiintindihan ko naman si Chairman dahil nasa ibang bansa daw sya ngayon,"
"Ako na lang ang magtetreat sa 'yo total missing in action yang si Philip,"
"Naku Sir, hindi na po kailangan. Sobra sobra na ang abala na idinulot ko,"
"Just think of it na proxy ako ni Chairman mo. I'm sure gusto rin nya na makasama ka sa kanyang birthday,"
Pumayag na rin ako. Dinala nya ako sa isa sa mga mamahaling restaurant dito sa syudad. Maganda at tahimik ang ambiance. Mayroon ding banayad na tugtugin sa paligid.
Tahimik lamang kaming kumakain. Nang matapos ay tumayo si Sir Matt at lumapit sa grand piano na nasa restaurant. Nagsimula syang magtipa ng nota at unti unting sinabayan ng tumutugtog ng violin.
Ilang sandali pa ay nilapatan nya ng awit habang tinitipa nya ang piano, "When the visions around you... bring tears to your eyes... "
"And I will take, you in my arms..."
"Every word I say is true, this I promise you"
Hindi ko maintindihan bakit iba ang epekto sa akin ng kanyang ginawa. Bakit tumatagos sa puso ko ang bawat salitang binibigkas nya. Bakit parang matagal na nya akong kilala. Nagtagpo ang aming mga mata at may parte sa akin na ayaw na itong matapos. Ngunit alam ng isip ko na hindi ito pwede. Siguro ay naguguluhan lang ako at kailangan ko lang ng bakasyon