Chapter 3

2707 Words
"KAIN tayo, guys,” ani Iris at itinulak pa nito ang maliit na tupperware na may lamang tocino sa gitna ng mesa. “Kumuha kayo diyan, paghati-hatian natin kahit kaunti.” Kumuha naman ang mga kasama ng tocino sa maliit na lalagyang iyon.   Tumayo si Loui sa kinauupuan para mag-init ng pagkain. Kumain naman kasi siya ng hapunan bago umalis ng bahay kaya tinapay na lang ang baon niya.   “Saan ka pupunta, Loui?”   “Mag-iinit lang ako nito,” sagot niya kay Benjie, at ipinakita niya rito ang tinapay na dala. Pagkatapos initin ang pagkain ay bumalik siya sa upuan niya.   Nang sinimulan na niyang kainin ang baon niya ay Isang nagtatakang tingin naman ang ipinukol sa kanya ni Benjie. " ‘Yan lang ang kakainin mo? Hindi ka kaya magutom niyan?"   Umiling siya bilang sagot. “Hindi naman siguro. Nag-dinner naman kasi ako kanina sa bahay bago umalis." Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin ni Benjie sa tinapay na hawak niya at sa sariling pinggan. Kapagkuwa’y itinulak ang pinggan ng bahagya sa direksyon niya. "Gusto mo magshare? Nagbaon din ako."   Sa ginawa ng binata ay tila ba ay mainit na kamay ang humaplos sa puso niya, ngunit pilit niyang pinanlalabanan iyon. “Sige lang, okay na ako dito. Pero, salamat.”   “Sure ka?”   Tumango siya bilang sagot. “Yep, I’m fine.”   “Picture tayo, guys,” ani Russel pagkatapos nilang kumain. Nakatambay na lang sila sa pantry dahil wala naman silang pupuntahan, dahil alas-tres naman ng madaling araw. Mula sa bulsa nito ay dinukot nito ang cellphone at bumaling kay Benjie. "O, Benjie, ikaw na ang kumuha ng picture nating lahat."   Kinuha naman ni Benjie ang cellphone mula kay Russel at nagsimulang pumindot roon. Iniharap nito ang camera sa kanilang lahat, kaya naman kanya-kanya na sila ng ngiti at pose. "One... Two... Three... Smile!"   Pagkatapos nitong tingnan ang picture na nakuha ay iniumang uli nito ang camera sa kanila, kaya naman kanya-kanya sila ng ngiti at pose. "Isa pa."   Nang makuhanan ang pangalawang picture ay iniabot ni Benjie ang cellphone kay Russel. Ngayon ay dinampot naman nito ang sariling cellphone sa nasa mesa at iniharap ang camera sa kanya. Nakita pa niya ang pagdaan ng ngiti sa labi nito. "Picture ka, Loui."   Ngumiti naman siya at nagpose sa camera ng binata. Tinitingnan nito ang mga kuha niya at muli na naman niyang nakita ang pagdaan ng ngiti sa mga labi nito. "O, baka ipang - DP mo 'to, ha?"   Ha? Ano raw? Anong DP sinasabi nito? Di ko gets. Nagtataka man sa sinabi ng binata ay ngumiti siya para hindi nito mahalata na hindi niya ito naintindihan sa terminong ginamit nito. “Hindi ko nga nakita eh, baka mukha na akong ewan diyan ah,” aniya sa binata at akmang aabutin rito ang cellphone. Nang napagtanto nito ang gagawin niya ay inilayo nito ang cellphone mula sa kanya.   “Hindi, ah,” sagot nito at isang ngiti na naman ang sumilay mula sa mga labi nito. Umangat ang kanyang paningin at napatitig siya sa mga mata nito - dahilan para malunod na naman siya at maramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.   “Tara, videoke tayo sa baba, pag-aaya ni Iris, dahilan para maputol ang pagkakatitig niya sa binata. "Tutal 3:30 pa naman tayo pinapabalik ni Alex."   "Oo nga. Samantalahin nating training pa lang at maluwag pa ang schedule natin. Pag nag-start na tayo mag-calls, limited na ang oras natin," ani naman ni Russel. Bumaba sila sa ground floor at tinungo nila ang carinderiang may videoke machine sa tapat ng building nila. Naroon na pala ang ibang kasama nila na nagkakantahan na rin, kaya dinampot na ni Loui ang songbook na nasa mesa.   Nasa pangalawa na siyang linya ng kanta nang lumapit sa kanya si Nikka. "Loui, pahiram ng mic," anito sa tonong pautos. Ayan na naman siya, nagpapansin na naman! Biglang napataas ang kilay niya sa ginawa nito pero ibinigay na lang niya ang mic. Napipikon man ay nanahimik na lang siya. Huwag mo nang patulan. Ikaw ang mas nakakaintindi kaya hayaan mo na.   “Gusto mo nang umakyat?" tanong ni Benjie sa kanya. Marahil nararamdaman nito ang pagkainis niya kaya nag-aaya na umakyat na sila. “Tara, doon na tayo sa training room magpalipas ng oras.”   Nanatili siyang walang imik kaya naman hinila na nito ang braso niya - dahilan para mapatayo siya sa kinauupuan niya. “ ‘Lika na.”   Lihim siyang napangiti sa inasal nito ay pinili niyang huwag magpakita ng reaksyon at nagpatianod na lang rito. Nang nasa loob na sila ng elevator ay nagsalita muli si Benjie.  "Ano kayang itsura ng 6th floor kapag gabi? Tingnan kaya natin?"   "Tara, akyat tayo," sang-ayon niya at muli na namang nagtama ang kanilang paningin at napangiti. Tila ba sa simpleng tinginan nilang iyon ay nabasa na nila ang laman ng utak ng isa’t-isa.   “Dad, sa 6th floor tayo,” ani Benjie at pinindot ni Daddy Robert ang number “6”. Pagbukas ng pinto ay bumulaga sa kanila ang madilim na paligid. Walang katao - tao at halatang walang nagagawi roon. Ano bang pumasok sa isip naming pare - pareho at natripan naming umakyat sa floor na mukhang abandonado? Ang creepy ha.   "Hala ang dilim. Labas ka na, Loui."   Tingnan mo 'tong lokong 'to. Mag-aaya dito sa 6th floor tapos ako ang itutulak palabas. "Ikaw kaya mauna.”   "Ikaw na, tapos susunod kami ni Daddy.”   Nagkukulitan na sila sa kung sino ang ang lalabas sa madilim na parteng iyon, Kapag umaakma siyang palabas ng pintong iyon ay hinihila siya ng binata pabalik. Para na rin silang mga sira-ulong tumatawa sa pinagagawa nila at pati si Daddy Robert ay nakikisali na rin sa kanila. Dahil din sa ginawa nito ay nawala pansamantala ay nalimutan niya ang inis niya kay Nicka.   "Tama na nga, para na tayong timang dito." aniya. "Saan ba tayo tatambay? Maaga pa, e.”   "Sa fifth floor na lang," ani Daddy. "Doon sa tapat ng recruitment area."   "Tama, Dad. May may upuan tayo roon."   Nakarating sila sa 5th floor at naupo sa benches na naroon. Dahil nagpapalipas ng oras ay dinukot ni Loui ang cellphone sa bulsa, at nakita ang notification sa messenger. Binuksan niya iyon at nakitang galing ang mensahe sa kapatid niya.   Bunso : Ate, may babayaran kaming project.   Nagpakawala siya ng buntong-hininga, saka nagtipa ng reply para sa kapatid. Hay, buhay Ate. Ganoon talaga, may estudyante ka, aniya sa sarili. Wala kang choice. Pagkatapos ng reply niya ay ibinalik niya ang cellphone sa bulsa.   “Parang ang lalim ng buntong-hininga na ‘yon, ah,” ani Benjie, para maputol ang kanyang pagmuni-muni at lumingon siya rito. Hayun na naman ang mga mata nito sa kanya na tila inoobserbahan siya, dahilan para kumabog ang kanyang puso. Sa bawat pagkakataon na napapatingin siya sa itim na itim na mga mata ni Benjie ay laging ganito - at ito lamang sa lahat ng lalaking nakilala niya ang nagbibigay sa kanya ng ganitong pakiramdam.   “Wala.” Tumingin siya sa sahig para iwasan ang mga mata nito. Pakiramdam kasi niya ay lalo lang lalakas ang pagpintig ng kanyang puso at sa ingay noon at baka marinig na iyon ng binatang nasa harap niya. “Nagtext lang ‘yong kapatid ko na may kailangan daw silang bayaran sa school.”   “Ah, responsibilities,” sagot naman nito. “Ikaw pala ang panganay ‘no? Pareho pala tayo.”   Tumango siya. "Oo, eh. Kaya nga sinasabi ko sa kapatid ko na umayos siya sa pag aaral niya. Hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili ko. Para naman ito sa future niya."   "Naku, Loui. Ilang taon ka na ba at para ka ng magulang magsalita?" ani naman ni Daddy Robert na nakisali na rin sa usapan nila.   "24 na po ako."   "Sana yung mga anak ko, ganyan mag isip gaya ng sayo. Yung panganay ko, halos kasing edad mo lang pero hindi kasing matured mo," ani naman ni Daddy Robert.   Napalingon naman siya kay Daddy Robert. "Siguro kasi maaga akong namulat sa responsibilidad, kaya ganun. Saka ayoko naman pagdaanan ng kapatid ko kung ano man ang pinagdaanan ko noon. Tama nang ako na lang."     "LOUI, magstay ka ba dito?" ani Mommy Jane sa kanya pagkatapos ng shift nila para sa araw na iyon. Biyernes na at first payday na nila. Ilan sa kanila ang mag-aantay sa sweldo sa opisina at ang iba naman ay uuwi rin.   "Di, po, My. Kailangan ko umuwi, inaantay din kasi nila ako sa bahay. Wala na rin silang budget, e." sagot niya rito. Dinukot niya ang wallet sa bulsa at tiningan ang loob niyon. Kulang na ang pamasahe ko. Saan naman kaya ako manghihiram e pare-pareho na kaming critical wallet day?   Si Iris kaya? Sana meron pa siya. Ibabalik ko na lang mamaya pagsweldo namin. Lumapit siya sa kaibigan. "Girl, may pera ka pa ba? Pwede ba akong makahiram ng pamasahe pauwi?"   Dumukot ito sa bulsa at iniabot ang 100 pesos sa kanya. "Eto, meron pa naman. Hiramin mo muna,"   "50 lang, baka wala nang matira sa ‘yo."   "Sus,” sagot naman ni Iris at ngumiti. "Huwag mo akong alalahanin, mayroon pa naman ako kahit paano dito. Mas kailangan mo ito dahil uuwi ka pa sa inyo."   "Sigurado ka?"   "Sure."   "Sige, salamat, ha? Mamaya na lang 'to pag suweldo natin. Uwi na ako."   "Ingat ka."   Kaagad siyang nakasakay sa bus pauwi ng Cavite, at dahil sa pagod at puyat ay nakatulog siya sa bus. Buti na lang, kung hindi, lalagpas na naman ako.   Dumiretso siya kaagad sa bangko kung saan siya mag-over the counter, ngunit wala pang sweldo. Late naman ata? 11:30 na, a. Pero imposible naman siguro na wala pa lalo't holiday bukas. Babalik ako ng alas tres, siguro naman mayroon na pagpunta ko uli mamaya.   Kinahapunan ay nagpunta siya uli sa branch na iyon para mag-check ngunit sa gulat niya ay wala pa ring laman ang account number na ibinigay sa kanila. Anong nangyayari? Bakit wala pa rin? Holiday at weekday bukas. Walang branch na open para mag over the counter!   Unti-unti na siyang naiirita ngunit pinilit niyang kumalma. Walang magagawa kung mangingibabaw ang galit sa sistema ko, para malaman ko kung anong nangyayari. Pero nakakainis talaga! Papasok na lang nga ako ng maaga para makibalita sa kanila.   Nakarating man siya ng maaga sa opisina ay hindi pa rin niya nagawang makatulog sa inis na nararamdaman kaya naman nang pumatak ang labinlimang minuto bago ang alas diyez ay pumasok na siya sa loob ng training room upang doon na hintayin ang mga kaibigan.   “Mukhang hindi ko na kailangang manghula, tingin ko lahat kami, hindi sumweldo," bulong ni Loui nang nakita ang mga nakabusangot na mukha ng mga kaibigan, tanda na hindi lang siya ang sumapit ng ganitong kalagayan.   "Ano pa nga ba?” naiiritang sabi ni Daddy Robert. “Nga pala, may ATM cards na raw, ah? Kinuha mo na ba iyong sa ‘yo?”   Naiiritang umiling siya at lalo pang bumabangon ang inis sa kanyang sistema .nang maalala ang nangyari tungkol sa sweldo nila. “Hindi pa nga, Dad eh. Kung may ATM card nga tayo at wala namang laman ‘yon, wala rin. Wala pa namang bangko bukas lalo pa’t holiday.”   “Eh di sana hindi na lang nila tayo pinaasa kung hindi nila tayo pasusuwelduhin ngayon. Dapat man lang nilinaw na lang muna nila ‘yan,” mahabang litanya naman ni Mommy Jane. “Abala itong ginawa nila eh, halos matulog na ako doon sa branch na malapit dito."   Lalong nairita si Loui sa narinig mula sa mga kaibigan. Tatayo na sana siya sa kinauupuan nang isang kamay ang humila sa braso niya. Napalingon siya sa gumawa noon ay nakita niya si Benije na ngayon ay nakatingin sa kanya.   "Kumalma ka muna," ani Benjie sa kanya. "Huwag kang pumunta doon nang mainit ang ulo mo. Hindi maso-solve ang problema sa sweldo natin yung init ng ulo," malumanay na sabi nito. Nang umupo siya ay ngumiti ito, saka binitawan ang braso niya. "Easy. Makukuha din natin ang para sa atin."   Hindi siya nakakibo ngunit hindi niya rin alam kung bakit nagawa niya ring kumalma kahit pa handa na siyang bumuga ng apoy sa mga taong naging dahilan kung bakit ito nangyari  sa simpleng pagngiti ng binata sa kanya.   "Nag-antay ako dito at hindi pa ako umuuwi," ani muli ni Mommy Jane. "Wala rin akong makain dahil wala na akong pera, at pabalik-balik pa ako sa bank dahil nga umasa kami na may sweldo ngayon." "I've never experienced this before. I even asked my Mom to ask one of the Bank's heads, only to find out that the problem isn't coming from them, but it was the company's problem," si Russel naman. Napatingin siya sa gawi nito at nakitang nasa tabi nito si Iris. Hinahagod nito ang likod ng binata na halatang mainit na rin ang ulo.   "Don't worry guys," ani ng training manager nila na si Franz. "We'll find a way to solve this issue. And since this happened, lunch is on us."   "See, gagawa sila ng paraan para maayos ang issue natin," bulong ng binata sa kanya. "Kalma lang kasi."   "Oo na nga, kalmado na nga ako." aniya. Nang nag-lunch sila ay nagtungo na sila sa pantry. Halos puno ng tao ang pantry kaya okupado na rin ang mga mesa - at kulang na rin ng mauupuan.   "Dito, Loui," sabi ni Daddy Roberto kaya lumapit sila sa mesang nakuha ng mga ito. Katiting na lang ang espasyo na natitira doon kaya naman pinagkasya na lang niya ang sarili, kaya naman si Benjie ay naupo sa armrest ng upuan sa tabi niya. Ilang saglit pa ay may nabakanteng isang upuan sa harap nila, ngunit hindi umalis ang binata sa tabi niya kaya naman isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Iris - ngunit hindi ito nagsalita.   "Coke, guys, o." ani Russel, dala ang isang bote ng 2 liters na Coke at inilapag sa table na nasa harap nila. "Para sa ating lahat ito."   "Uy, salamat."   Isa-isa na silang kumuha ng paper cups, at aabutin na rin sana niya ang paper cup para sa sarili niya para magsalin nang binigay ni Benjie ang isang paper cup na may laman na.   Uy, meron talagang para sakin agad, ang sweet naman, sa isip-isip niya. Hoy, Loui, gentleman lang si Benjie kaya niya ginagawa yan! Kontra naman ng kontrabidang parte ng isip niya. Pwede bang wag kang feeling! Nagtatalo man ang nasa loob niya ay pinili niyang wag magpahalata ng kahit ano kaya isang matipid na ngiti ang isinagot niya sa binata.   "Salamat," aniya. Pinilit man niyang maging normal ang reaksyon ay hindi naman nakatakas sa paningin ni Mommy Jane ang ginawa ni Benjie.   "Ay sus. Kanina pa ako nanghihingi sa yo ng Coke, Benjie e. Palibhasa priority mo si Loui, ‘no?"   She did not react but she can feel the heat rising on her cheeks. She glanced at Iris, which was now smiling ear to ear, and it seemed like that she was pleased with what she's seeing. Benjie kept silent, too, but she can see that there was a faint trace of smile on his lips and he kept sitting on the armrest beside her.   Hindi pa rin maawat ang pang aasar ng mga ito sa kanilang dalawa hanggang sa matapos silang maglunch. Hinayaan na lang nilang dalawa ang mga ito, hanggang sa humupa rin ang panunukso ng mga kaibigan.   NAKATAMBAY sina Loui sa loob ng training room at walang ginagawa nang nagsalita si Cyril. "I-shoot kaya natin yung ibang portion nung para sa video, guys?"   "Oo nga, that's a good idea," ani Russel. Gamit ang cellphone ay nagsimula nang i-shoot ni Cyril ang video, at nag-aantay siya sa hudyat nito nang iabot sa kanya ni Iris ang isang hoodie.   "Girl, isuot mo 'to."   Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa jacket na hawak ng kaibigan. "Para saan naman 'to?"   "Di ba, antukin ang character mo? So dapat may hoodie yung jacket mo para kunwari nagtatago ka para matulog at gigisingin ka kunwari ng SME mo," anito.   Iniabot niya ang jacket at isinuot ito. Kanino ba 'to? She was still asking herself when Nikka appeared at her side and was grinning. She then realized that the hoodie she was wearing was Benjie's.   "Uyyyy.. Jacket ni Benjie, yan," tudyo nito. Hay naku, itong mga ito talaga. Hindi na nagsawa na iisue kaming dalawa. At ikaw, tuwang tuwa ka naman!  Sermon niya rin sa sarili niya.   Pasimple niyang inamoy ang jacket ng binata na ngayon ay suot niya. A faint mixture of fabric conditioner and a trace of his cologne attacked her nose, making her cling to it more.   Ang bango-bango naman nito, ang sarap-sarap suotin. Pasimple niya pang inaamoy ang jacket ng binata nang sumigaw si Cy, kaya naman kaagad niyang i-shoot ang parte niya. Nang natapos siya ay inabot niya ang jacket kay Benjie at nagpasalamat dito. "Mag-aantay ka ba dito, Loui?" tanong nito sa kanya tungkol sa sweldo nila.   "Oo, e. Hindi ko na kasi kayang hintayin ang Lunes, kailangan na namin ng budget sa bahay." sagot niya. "Ikaw ba?"   "Wala pa akong card, e. Baka sa Monday na lang.” "Mabuti pa, sumabay ka na lang sa amin, tutal may service naman tayo." Saglit itong napaisip sa sinabi niya, saka tumango. "Sige na nga. Anong oras ba?" "Alas-diyez daw, 'yon ang pagkakarinig ko kanina." "Ah, ganoon ba. Sige, pupuntahan ko na lang kayo dito mamaya." "Okay. See you later."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD