LAKAD-takbo ang ginawa ni Loui at napangiti siya nang makita na niya ang pinto ng training room dahil nagawa niyang makaabot sa oras. Late siyang nakaalis sa bahay at naipit siya sa traffic dahil Lunes ng gabi, kaya ang resulta ay muntikan pa niyang pagkaka-late. Ayaw pa naman niya ng ganito kaya naman kahit hingalin pa siya ay halos takbuhin na niya ang pagtungo sa training room.
“Pambihira, mukhang matututuluyan pa yata ako ngayon.” Pinihit niya ang seradura ngunit hindi niya ito mabuksan. Sinilip niya ang salaming siwang ng pinto at nakitang madilim ang kwarto, palatandaang walang tao sa loob nito. Pumasok rin siya sa loob ng pantry sa pagbabakasaling baka naroon ang mga kaibigan, ngunit hindi niya nakita ang mga ito roon. Naiiritang kinuha niya ang cellphone sa bag at nagtipa ng message sa group chat nilang magkakabarkada.
“NASAAN kayo?” aniya sa mga kaibigan. Ilang saglit lang ay nakita niya ang paglitaw ng tatlong dot sa group chat.
Daddy Robert is typing a message…
Daddy Robert :
4th floor, Loui. Bumaba ka sa escalator tapos iyong unang door sa harap, doon ka pumasok.
Ako :
Thanks, Dad. Papunta na ako.
Ibinalik niya ang cellphone sa bag, at sinipat ang oras sa palapulsuhan. 5 minutes to 10. Buzzer beater ka ‘day. Kung bakit naman kasi nagawa pa niyang magpabandying- bandying sa pagkilos at mahuli siyang makaalis sa bahay. Lunes ngayon ay naipit siya sa traffic ng EDSA, kaya heto siya at tila ba sinisilaban ang puwit niya sa kamamadali.
Mula sa 5th floor kung saan siya naroon ay mabilis niyang nilakad pababa ang nakahimpil na escalator at kaagad na tinungo kung saan ang bagong room nila. Binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang mangilan-ngilang kaibigang naroon na rin at kanya-kanya ng pumipili ng mauupuan.
“Saan pa may bakante, Dad?” tanong niya kay Daddy Robert na naglapag ng backpack nito sa isang upuan.
“Dito sa tabi ko,” anito at itinuro nito ang upuang bakante pa. “Wala pang nakaupo diyan.”
Tumango siya at inilapag na rin ang bag sa upuan. Pasimple siyang tumingin sa paligid, at nakitang wala pa si Benjie. Late din yata ang isang ‘yon. “Tayo pa lang?” tanong niya kay Daddy Robert na noon ay nakaharap na sa computer nito.
“Wala pa ‘yung iba,” sagot ni Daddy Robert sa kanya. Yumuko siya para pindutin ang switch ng computer sa harap niya para buhayin ito, nang nakuha ang kanyang atensyon sa tunog ng pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang mukha ni Benjie at isang ngiti ang sumilay mula sa mga labi nito - dahilan para maging rigodon sa bilis ang pagtibok ng kanyang puso.
Puwede ba puso, kumalma ka. Si Benjie lang ‘yan!
Isang tipid na ngiti ang isinukli niya sa binata, at bumaling siyang muli sa computer para buksan ito. Sinadya niya ring umiwas sa mga mata nito dahil alam niyang hindi kakalma ang pagkakagulo ng kanyang damdamin kapag nanatili ang kanyang paningin sa binata. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang epekto sa kanya ng binata at gusto niya ring awatin ang sarili sa ganitong pakiramdam dahil marami pang mas kailangan ng kanyang atensyon.
BREAK time at nakatambay sina Benjie sa loob ng training room dahil tinamad na silang lumabas. Pare-pareho rin silang wala sa mood para magvideoke na lagi nilang pampalipas-oras kaya naman nagpasya silang magkakaibigan na manatili na lang sila sa room.
“Oo nga pala, Tuesday ngayon, di ba? E di sa school ka dideretso pagkatapos ng shift natin mamaya?” tanong sa kanya ni Loui. Hindi niya inaasahang natatandaan pa pala nito ang sinabi niya tungkol sa pagtuturo niya ng katekismo sa isang school sa Makati tuwing Martes. Iisa lang ang bagay na iyon sa maraming bagay na alam ng dalaga tungkol sa kanya.
“Sanay na ako dahil medyo matagal ko namang ginagawa ito,” sagot naman niya rito. Somehow, he couldn’t look away whenever she was around and felt like he was magnetized by those brown eyes. He first thought that was just because she’s pretty and smart and confident kaya naman naisip niyang simpleng paghanga lang iyon. And now, it seemed that looking at her was the most natural thing to do.
“Di ba sila makukulit? I mean, mahirap turuan?” tanong muli ng dalaga sa kanya, dahilan para maputol ang kanyang pagmumuni-muni.
“Madalas. Lalo na ngayon, high school students ang naka-assign sa akin at may mga pagkakataong kailangan kong maging istrikto para naman makinig sila kahit paano.”
Isang ngiti ang iginawad sa kanya ng dalaga, dahilan para tumalon-talon ang puso niya. And for the nth time today - his eyes was again stuck at her, but a voice rang inside his head - sending him a warning. Hindi dapat, Benjie. Hindi na dapat pang lumagpas sa paghanga lang ang nararamdaman mo para sa kanya.
“Parang wala kasi sa itsura mo ang pagiging istikto,” ani muli ng dalaga at ang ngiti’y hindi nawala sa labi nito. “Ang bait mo kasi.”
“Akala mo lang iyon,” sagot niya at isang ngiti rin ang isinukli niya rito. Hindi naman ito nakatakas sa paningin ni Jaycee, na mukhang kanina pa sila pinapanood. Nakangisi ito at tila tuwang-tuwa pa sa nakikita.
“Kayong dalawa, may spark talaga kayo. Ano ba talagang status nyo? Kayo na ba?”
Kung kanina ay parang rigodon sa bilis ang puso niya nang nagtama ang mga mata nila ng dalaga at ngumiti sa kanya ito, lalo pa ngayon na tinutukso siya rito. Ramdam niya rin ang pamumula ng mukha niya sa hiya.
“Ikaw, Jayce, intriga ka,” ani Loui. Inihit pa ito ng ubo at dinampot ang tumbler na may tubig at uminom. Namumula rin ang mga pisngi nito, marahil sa hiya sa pang-aasar ng kaibigan sa kanilang dalawa.
“Oo nga, Jayce. Magkaibigan lang talaga kami ni Loui,” sumang-ayon siya sa dalaga kahit pa nagkakagulo ang puso niya.
“Alam mo, gatong ka eh,” ani na naman ng dalaga kayo lalo pang natawa si Jaycee. Hindi pa nakuntento at nagpeace-sign pa kay Loui.
“Sus. Diyan na nga kayo, lovebirds. Ang cute niyong dalawa, sana nga totohanin na niyo na ‘yan.”
Nang tumayo si Jaycee sa kinauupuan at iniwan silang dalawa mula sa kinauupuan nito ay nagtama na naman ang kanilang mga mata. Parehong nag-aatubili at nahihiya sa nangyari ilang segundo na ang nakakaraan. Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan ay tumikhim ang dalaga at nagsalitang muli.
“Ano nga pala ang nangyari sa lakad mo no’ng Sabado?” ngayon at tinukoy naman ni Loui ang tungkol sa pakikipagkita niya sa kaibigang kalalabas lamang ng seminaryo. “Nagkita ba kayo ng kaibigan mo?”
“Ah, oo.” Itinaas niya ang braso at ipinakita ang bracelet na ibinigay sa kanya ng kaibigan. “Nagkita kami. Binigay niya rin sa akin ‘to.”
“Nice,” tumango-tango ito at nagpabalik-balik ng tingin mula sa bracelet at sa braso niya. “Ang ganda. Bagay sa’yo.”
“Thank you, pero gusto mo bang sa’yo na lang?” aniya sa dalaga nang narinig niya mula rito na nagustuhan nito ang bracelet, kahit pa bigay ito sa kanya ng kaibigan niya.
Nagtatakang nag-angat ito ng mata at umiling. “No, your friend gave that to you, Benjie. Hindi mo kailangang ibigay sa akin kahit pa sinabi kong maganda.”
“Pero, gusto mo ‘di ba?” aniya at akmang huhubarin ang bracelet mula sa mga braso niya nang dumampi ang mga kamay nito sa braso niya para pigilan siya. Tumayo ang balahibo niya sa simpleng pagdaiti ng mainit na palad nito sa kanyang balat, at hindi niya alam kung bakit.
“That’s yours,” giit pa nito at isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito bago tinanggal ang mga kamay nito sa braso niya. “Keep it. Parang ang unfair mo naman sa kaibigan mo kung ibibigay mo sa akin ang ibinigay niya sa’yo.”
“Uy, ang sweet naman talaga ng dalawang ‘to, oh,” ani Cyril na ngayon ay nakatunghay na sa kanila. “Diyan talaga nagsisimula ‘yan eh.”
“Hindi ako puwedeng ma-inlove dahil priority ko ang family ko..” Seryosong saad ng dalaga. Kung kanina ay nakita niya pa ang pinaghalong kilig at hiya sa mukha nito, ngayon ay wala siyang mabasang emosyon mula rito. Tila rin may gumuhit na sakit sa kanyang dibdib sa narinig ngunit pilit binalewala iyon. At ang narinig niya, ay ipinaalala ang mga bagay na unti-unti na niyang nakakalimutan.
“Hindi rin ako puwedeng ma-inlove dahil papasok ako sa seminaryo.”
LUMIPAS ang mga araw-araw ay mas nakagawian na nila Loui tumambay na lang sa training room dahil pare-pareho na silang tamad bumaba sa ground floor. Gaya ng dati ay kanya-kanya silang nakaupo sa kanilang mga puwesto at nagkukuwentuhan para magpalipas ng oras. Sinipat niya ang relo sa kanyang palapulsuhan at nakitang mahaba pa ang oras bago bumalik si Alex, kaya tumayo siya at lumabas ng room para mag-CR.
Mabilis siyang nakabalik mula sa CR. Nakabukas na ng bahagya ang pinto at hinawakan niya ang seradura para itulak ito pabukas, nang marinig niya ang boses ng mga kabarkada.
“Benjie, saan si Loui?” narinig niyang tanong ni Mommy Jane sa binata.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang huminto at tila hinihintay ang isasagot nito kay Mommy Jane. “Nasa puso ko.”
Nasa puso ko… Iyon ang mga katagang narinig niya para huminto panandali ang mundo niya ng ilang segundo. Nasa puso ko…narinig ko ba talaga ‘yon? Sa kanya ba talaga nanggaling? Milya-milya man sa bilis ang t***k ng kanyang puso ay hindi niya magawang pakalmahin iyon. Tila rin nagkaisip ang kanyang mga kamay na pihitin ang seradura para tuluyang buksan ang pinto sa harap niya. Bumungad sa kanya ang mga nakangiting mukha ng mga kaibigan, kabilang ang binata.
“Hinahanap ka namin kay Benjie, Loui,” ani Mommy Jane na nakangisi pa rin. “Pero nasa puso ka raw niya. Paano ba ‘yan?”
Hindi siya nakasagot. Kung kanina ay nagkakagulo ang kanyang sistema dahil sa narinig niya sa binata, lalo pa nang makita niya ang isang nahihiyang ngiti mula rito. Hindi niya mapanlabanan ang hiya at kilig kaya nawalan siya ng sasabihin at napangiti na lang kay Benjie - na hindi na naman nakaligtas sa paningin ng mga kaibigan.
"May sarili na naman silang mundo," hirit ni Jaycee at hinila ang mga kamay nila ni Benjie at pinagsalikop iyon. Hindi na rin nila nagawa pang makapagprotesta kaya nanatili ang pagkakahawak ng mga kamay nila. "Umamin na kayo, lovebirds, wala namang magrereklamo," ani pa nito. "Kami ang kinikilig sa inyo, eh."
Dahil sa nakikita sa kanilang dalawa ay lalo pang naging maingay ang loob ng training room nila dahil sa pang-aasar. Ngunit kasabay ng nararamdaman niyang kilig ay isang babala ang umusbong - at iyon ay ang hindi siya dapat matuwa sa pagpaparis sa kanilang dalawa ni Benjie. Pero anong magagawa niya kung ang tangang puso niya ay tuwang-tuwa sa nangyayari?
"Nagliligawan na naman kayo, Mr. Gonzales, Ms. Arevalo?" ani Alex na nakataas pa ang kilay habang binubuhay ang projector sa harap ng klase. "Mamaya n'yo na ituloy 'yan at bibigyan ko kayo ng oras para dyan dahil magsisimula na ang klase natin."
Tumahimik naman ang mga kasama nila at bumalik na sa kani-kanilang upuan at kasabay noon ay ang pagbitaw niya sa kamay ni Benjie. "Sana hindi ka napipikon sa pang-aasar sa atin," bulong ng binata sa kanya, kaya umiling siya.
"I'M giving you this last hour for planning the team building on Saturday," ani Alex bago matapos ang shift nila Loui sa araw na iyon. Katatapos lang ng isang module at inaasahan na nilang magbibigay si Alex ng exam sa kanila, gaya ng madalas na ginagawa nito. "I'll be giving you the exams tomorrow instead kaya ayusin n'yo na ang kailangang ayusin para sa team building, alright? I'll just leave you here dahil may meeting ako," tuloy-tuloy na sabi nito saka lumabas na ng training room nila.
"Since Alex gave us the time to discuss this, then I just wanted you guys to know that I have already reserved the rooms for us," pagsisimula ni Russel. Una nang napagkasunduan nilang magbabarkada na sa resort ng pamilya ni Russel sa Batangas gaganapin ang kanilang team building. "Tag-isa ng rooms ang boys at girls. Magsabi kayo kung may iba pang gustong kumuha ng room maliban sa ni-reserve ko. Mayroon ba?"
Tumingin pa si Russel sa kanilang lahat, marahil ay naghihintay ng sagot sa kung sino man sa kanila ang may gustong kumuha ng sariling room. Nang walang sumagot ay pasimpleng sinilip ni Loui si Iris, na nasa tapat ng kanyang silyang inuupuan. Nagtama ang kanilang paningin at isang nakakalokong ngiti ang iginawad niya rito, saka itinuro si Russel na nasa tabi ng kaibigan.
Nakuha naman ni Iris ang ibig niyang sabihin, kaya umirap ito sa kanya. Dahil doon ay lalo siyang natawa kaya naman bumaling siya sa kanyang computer, at nakita na may isa siyang notification ng isang message.
ALozada :
Tawa tawa ka dyan. Mamaya ikaw ang ayain ni Benjie na humiwalay ng kuwarto, tatawanan kita pag nagkataon.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi ni Loui sa pang-aasar niya kay Iris at nagtipa siya ng reply para sa kaibigan.
LArevalo :
Bakit naman kasi di mo ayain si Russel? Siguradong papayag yan.
Saglit na sumilip siya kay Benjie na ngayon ay nakikinig pa rin kay Russel na nagco-compute ng magagastos, kaya naman bumaling siyang muli sa computer niya.
LArevalo :
Si Benjie ba kamo? Hindi yan. Saka bakit naman niya ako aalukin ng gano'n e magkaibigan lang kami?
Pero paano nga kung ayain niya ako? ani ng boses sa utak niya.
Ay nako, Louisse Althea, asa ka naman. Kaibigan ka lang niya di ba? At hinding-hindi gagawin ni Benjie yang iniisip mo. Nakalimutan mo na bang magpapari ang isang 'yan? Pangaral naman ng isang parte ng utak niya. Nakikipag debate pa siya sa sarili niya nang narinig niya ang baritonong boses ni Benjie sa pabulong na paraan, dahilan para magsitayuan ang kanyang balahibo.
"Loui," ani Benjie at tumingin sa kanya na tila may sasabihin. Hindi niya rin alam kung bakit pakiramdam niya na ang kasunod na maririnig niya mula sa binata ay ikakakagulat niya.
"Ano 'yon, Benjie?"
"Gusto mo bang..." panandali itong huminto at muling tumingin sa kanya si Benjie na tila ba kumukuha ng lakas para dugtungan nito ang sasabihin nito. Dahilan para maging rigodon na naman sa bilis ang pagtibok ng puso niya. "Humiwalay tayo ng room?"
Ano daw? Tama ba yong narinig ko? Tinatanong pa rin niya ang sarili sa kung tama ba ang narinig niya nang inulit ng binata ang sinabi niya, at sa pagkakataong ito ay rinig na ito ng lahat ng kaibigan nila.
"Oyy, si Benjie, nag-aaya nang humiwalay sila ni Loui. Anong gagawin nyong dalawa doon sa loob, ha?" paninimula ni Jaycee. "Ayaw na talaga naming maniwala na magkaibigan lang talaga kayong dalawa."
Bagkus na sagutin ang tanong ni Jaycee ay lumapit pang lalo sa kanya ang binata. Hindi nagsalita si Benjie ngunti hinapit siya at kinintalan ng magaang halik sa noo. Shocked and surprised by what he did, she looked up at him and saw a myriad of emotions pass through his eyes but as quickly disappeared as it had appeared. Its as if he don't want for her this to know yet - na tila ba ipinahihiwatig sa kanya na hindi pa ito ang panahon para sa kanya na malaman iyon.
Bakit mo ipinaparamdam 'to sa akin, Benjie? Gusto niyang itanong sa sarili ngunit hindi niya iyon maisatinig. Sa halip ay nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito, kasabay ng nararamdaman niyang pagguho ng mga pangako niya sa sariling hindi na siya magkakagusto pang muli sa isang lalaki matapos masaktan kay Nathan. She can also see those promises to herself to be broken one by one because of the boy in front of her. And along with the promises she broke to herself, she can also hear the alarm bells again - sending her a warning. And that warning - to avoid it while she still can. If she can.