Chapter 7

2562 Words
    "AYOS ka lang?" Bulong ni Benjie kay Loui kaya naman napabaling siya sa  binata. Kung kanina ay may mumunting kuryente na dumaloy sa katawan niya nang dumampi ang mainit na palad nito sa baywang niya, ngayon naman ay tumayong lahat ang kanyang balahibo nang naramdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Boy, all of the things that this man does is sending her senses into overdrive. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya na kahit anong klaseng pagpipigil niya sa sarili ay hindi niya magawa. Aminado naman siyang matigas ang ulo niya ngunit hindi niya akalaing pagdating kay Benjie ay mas lalala pa ang katigasan nito.     "O-oo. "Bakit naman hindi?" Ewan ba niya kung saan niya nakuha ang lakas para sumagot sa tanong ng binata at makipagtagisan ng tingin, gayong buong sistema na niya ang nagkakagulo. Sa pagtatama ng mga mata nila ay nakita na naman niya ang pagdaan ng samo’t-saring emosyon ngunit bigla ring nawala iyon - gaya ng gaano ito kabilis na nakita iyon mula sa mga mata ng binata.       "Konti na lang ‘to guys," narinig niyang sabi ni Iris. Mula kay Benjie ay bumaling siya sa kaibigan at nakita niyang ang camera ay nakatuon sa kanilang dalawa ni Benjie. Nakaplaster din ang ngiti sa mukha nito at mukhang may balak na naman ang kaibigan kaya pinagtaasan niya ito ng kilay.       “What?” bulong ni Iris nang nakita nito ang pagtaas ng kilay niya, habang nakangisi pa rin at bumaling kay Benjie. "After ng scene na ‘to, magpapahinga na muna tayo."     “Benjie, lumapit ka pa kay Loui.” Sumunod naman si Benjie sa pinapagawa ni Iris dito kaya lalo itong napadikit. Dahilan para lalong magkagulo ang sistema niya. Dahilan para lalong mawala ang ginagawa niyang pagpipigil sa nararamdaman niya.     "In three, two, one, take!" Mabilis niyang sinunod ang sinabi ni Iris kanina at kinunan ang parteng kailangan, kaya natapos kaagad nila ito. Nang sumigaw si Iris ng "cut" ay humiwalay siya kaagad kay Benjie.     "Okay na yung last cut. Tama na siguro 'yan para makapagpahinga muna tayo kahit sandali," ani Iris habang pinagmamasdan ang narecord sa camera nito.     "I think it's better to have our lunch," ani naman ni Russel na sinilip ang relo sa palapulsuhan nito. "It's already 11:30 at kanina pa tayo huling kumain."     Bumaling naman si Iris kay Russel at ngumiti sa binata. "Thanks, Russel."     Isang ngiti naman ang isinukli ni Russel kay Iris. "Alright. I'll let the kitchen know for them to serve our lunch."     Hindi nagtagal at bumalik sa kuwarto si Russel para sabihing handa na ang tanghalian nila. Bumaba na sila sa Gazebo ng resort at naroon na lahat ng kasama nila at may kanya-kanya nang puwesto. Ang tanging bakante na lang ay ang mga upuang para sa kanilang apat na huling dumating. Hinila na niya ang silya niya nang si Benjie mismo ang gumawa niyon para sa kanya.     "S-salamat."      Hindi ito sumagot ngunit isang ngiti ang gumuhit mula sa mga labi nito. Ewan niya kung paano niya nagawang ngumiti pabalik lalo pa't nagkakagulo na naman ang puso niya. Na naman.     Umupo siya at bumaling na lang sa pagkain sa harap niya para pakalmahin ang puso niya. Inabot na niya ang bandehado para kumuha ng kanin nang ang binata na ang gumawa noon para sa kanya. Nagra-rumble man ang kanyang kalooban ay isang nagtatakang tingin ang ibinigay niya kay Benjie. Ewan niya kung saan niya nakuha ang lakas ng loob ng mga sandaling iyon ay nagawa niyang tanungin ang binata. "B-bakit mo 'to ginagawa?"     Ngumiti ito sa kanya, ngunit nakita niya rin ang samo't saring emosyon ang dumaan sa mga mata nito na kaagad ring nawala. "Walang rason, Loui. At gusto ko lang na ginagawa ang ganitong mga bagay para sa'yo." Nilagay nito sa harap niya ang pinggang may kanin at ang maliit na mangkok na may sabaw. "Kumain ka na."      Gusto ko lang na ginagawa ang mga ganitong bagay para sa'yo... Paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang iyon na parang sirang plaka. Bakit ganito ka sa akin, Benjie? Mas nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko!     "Kumain ka na," untag ng binata sa kanya - marahil napansin nito na hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya. "Lalamig 'yan."     "Oo na, kakain na." Dinampot niya ang kutsara at tinidor, saka nagsimulang kumain. Gentleman lang si Benjie, Loui, kaya siya ganyan sa'yo. Huwag kang masyadong mag-assume.     ALAS tres na ng hapon nang napagpasyahan  ng mga kabarkada na ituloy na ishoot ang nalalabing parte ng video na ipe-present nila sa kanilang graduation. Nasa pergola silang lahat at nakatambay roon nang lumapit sa kanya si Iris.     "Loui."     "Ano 'yon?"     "Lumapit ka kay Benjie at kunyari kagatin mo ang leeg niya."     "Ano?" kunot ang noo na bumaling siya kay Iris para linawin ang sinabi nito. "Kagatin ang alin?"     "Kagatin mo raw ako sa leeg kunyari," ani Benjie na narinig pala ang sinabi ni Iris. Naguguluhan pa siya sa narinig, kaya naman nanatili siyang nakatayo sa gilid ng poste ng pergola. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat nang bigla siyang hilain nito mula sa kinatatayuan niya  papunta sa mga upuang rattan ngunit tila naumid ang kanyang dila. Ang init na nanggagaling sa kamay nitong nakahawak sa kanyang palapulsuhan ay sapat na para maglahong parang bula ang mga tanong kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ng binata.     "Naku naman talaga itong si Benjie, oh. Ang sweet naman talaga," paninimula na naman ni Iris. Nakaplaster na naman ang ngiti sa mga labi nito na tila may balak na naman itong paglapitin sila ng binata. "Benjie, dito ka umupo."     Binitawan ng binata ang kamay niya at naupo sa silyang nasa harap nila. "Marami pa ba tayong ishoot, Iris?" tanong ng binata kay Iris. Nakangiti pa rin ito at palagay niya na ang kasunod na sasabihin nito ay lalong magpapakabog ng dibdib niya.     "Kaunti na lang 'to, Benjie." Ngayon ay bumaling ito sa kanya, saka hinila ang kamay niya at pinatong nito ang mga braso niya sa balikat ng binata. "Ganito dapat ang puwesto niyo, Loui."     Nang dumampi ang dulo ng daliri niya sa dibdib nito ay naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng puso ni Benjie, gaya niya.     "Ready. In three, two, one. Action!" sigaw ni Iris sa kanilang dalawa ni Benjie.     Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang hilain pa siyang muli ni Benjie palapit, dahilan para mas mapadikit pa siyang lalo rito. Kaunti na lang at magdidikit na ang pisngi niya at leeg nito, dahilan upang humataw pa sa bilis ang pagtibok ng puso niya. Now she could swear that she can hear the loud beating of her heart.     Yumuko siya at tuluyan nang dumikit ang pisngi ni Loui sa leeg ni Benjie. She can still smell traces of his cologne, kahit pa nabasa na ito ng tubig. She was close to hugging him and felt his heartbeat. It was fast and loud. Just like hers. Just what she felt at that moment.     "Cut! Okay na, guys!"      Kaagad siyang lumayo kay Benjie at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya para kahit paano ay kumalma ang puso niyang kanina pa nagwawala.     "Ayos ka lang, Loui?" tanong ni Benjie sa kanya. Nakatingin ito sa kanya at alam niyang pinagmamasdan nito ang ikinikilos niya. Tumango siya at hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob para tingnan ito pabalik. Marahil sa ayaw niyang makita ng binata ang pagkakagulo ng puso niya.     Tumikhim siya at iniba ang usapan. "Hindi ka ba magpapalit ng damit? Kanina ka pa basa. Baka magkasakit ka."     Hindi ito sumagot kaagad at waring may hinihintay itong makita o marinig mula sa kanya ngunit nagbawi rin ito ng tingin kapagkuwan. "Sige, magpapalit lang ako at medyo maginaw na rin itong basang damit ko. Babalik ako agad."     "Ang lalim ng buntong-hininga na 'yon, ah." Sa pag-iisip niya sa binata ay hindi niya namalayang nakalapit na pala si Iris sa kanya. "Parang feeling ko imbis na masaya ka dahil magkalapit kayo ni Benjie ay nalulungkot ka pa."     "So tama pala ang nararamdaman ko kanina pa na pinaglalapit mo kaming dalawa,” sagot ni Loui sa kaibigan. “Baka nakikisakay lang din 'yong tao dahil kaibigan niya tayo at ayaw niyang may mapahiya."     Ngumiti si Iris at umiling. "Nah, I don't think na nakikisakay lang si Benjie kaya ginagawa niya ang mga bagay na iyon, girl." Kapagkuwa'y tumingin si Iris sa kanya na tila binabasa ang nasa isip niya. "I think he has feelings for you too."       Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabing iyon ni Iris. "Iris, imposible 'yon. Hindi puwedeng magkagusto si Benjie sa akin."     "I don't know if you're dense or you just pretend not to notice, but I can see how he looks at you. Una pa lang, napansin ko na iyon, Loui, kaya hindi maitatangging may nararamdaman siya para sa'yo."     "Pero hindi kami puwede, Iris. Alam mo 'yan. Priority ko ang family ko, at siya..." Her voice trailed off at hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa pagdaan ng pamilyar na kirot sa kanyang dibdib. Ang kirot na iyon na minsan niyang naramdaman kay Nathan, ngunit ang pagkakaiba lang ay mas masakit iyon.     At hindi niya alam kung bakit.     "I'm sure maiintindihan ka ng pamilya mo kung sakaling bigyan mo ng puwang si Benjie sa puso mo habang nagsisikap ka para sa kanila. At kung dahil ba sa pangarap niyang magpari, hayaan mong siya ang magdesisyon para doon." Kung kaninang nakatawa ang dalaga ay seryoso na itong nakatingin sa kanya ngayon. "Don't deny the chance for yourself to fall in love even if you know that you'll get hurt in the process."     Muli ay nagtatakang tiningnan niya ang kaibigan. "Teka, huwag mong sabihing -"      Tumango si Iris at ang ngiti ay sumilay nang muli sa mga labi nito. "Yes, I have already accepted Russel, Loui. I've given him a chance here," at gamit ang hintuturo ay itinuro ang dibdib. Matiim pang tumingin sa kanya ang kaibigan at marahil nang naramdaman nito na wala na siyang balak magsabi kung ano ang lugar ni Benjie sa puso niya ay iniba nito ang usapan. "Halika na at hinihintay na tayo ng mga boys."     Kasama si Iris ay bumalik na sila sa poolside, kung nasaan ang iba pa nilang mga kaibigan. Medyo madilim na rin at nasa harap na ng mga ito ang malaking bote ng lambanog na dala ni Iris mula sa Laguna.     "Mukhang napaaga ang session, a?" Napatingin pa siya sa malaking bote na nasa gitna ng mesa, katabi ng isang 1.5 litrong Sprite. Naupo na rin siya sa isa sa mga upuang kahoy na nasa palibot nito.       "Simulan na natin ng maaga, 'to." ani Cy, sabay abot sa kanya ng isang maliit na baso na may lamang lambanog. "Huwag ka mag alala, hindi ka pagbabawalan ni Benjie."     Kumunot ang noo niya sa narinig. Halos iilang minuto lang ang nakalipas nang si Benjie ang topic nila ni Iris at nagdala ito ng panibago niyang iisipin, at heto na naman ang kanilang mga kaibigan na nagpapadagdag ng agiw sa utak niya. "Bakit naman pagbabawalan?"     "Jowa mo na, di ba? Siyempre magagalit kapag uminom ka."     "Anong jowa? Saan n'yo naman napulot 'yan?"     Tumawa naman si Jaycee. "Ay, di pa ba? E ano kayo? Mahihiya kasi ang langgam sa kasweetan nyong dalawa."     Nilagok niya ang laman ng basong nasa harap niya para hindi na siya makapagsabi ng kahit ano tungkol sa binata. Pakiramdam niya kasi ay lalo lang hahaba ang usapan at asaran patungkol sa kanilang dalawa kapag nagsalita pa siya. Napangiwi siya sa tapang ng alak na gumuhit sa lalamunan niya. "Ang tapang naman pala n'yan. Maigi pa ang empe lights, e."       "Paano ba 'yan,' yan ang iinomin natin hanggang mamaya. Iris brought 5 liters of that thing."     "Seryoso?"     "Oo. Kaya ihanda mo nang malasing. Pero marami naman tayo mamaya, that means marami ang uubos."       "Malasing ka man mamaya, nandyan naman si Benjie at aalalayan ka," si Iris. "Hindi ka naman papabayaan no'n. Nasaan na nga pala?"     "Ayan na naman, nagsimula na namang mang-asar ang isang 'to," bulong niya. "Pinagpalit ko lang ng damit, kanina pa basa ang isang 'yon. Baka magkasakit."     Huli na nang napagtanto niya ang salitang lumabas sa bibig niya, kaya naman lumapad ang ngiti ni Iris. "At sinunod ka naman? Wow. Iba na talagang level niyo."     "Ano ka ba, ginawa niya lang yon kasi malamang na-realize niyang magkakasakit siya kapag hinayaan niya ang basang damit niya sa katawan niya. At kailan ka pa naging dictionary para bigyan ng meaning ang ikinikilos ni Benjie patungkol sa akin?"     "Excuses, excuses," hirit naman ni Russel na narinig silang dalawa ni Iris. Kapagkuwa'y napatingin ito sa direksyon ng pathwalk kaya napasunod din ang kanyang mga mata sa tinitingnan nito. "Speaking of, he's here."     She saw him walking towards them, and this time he had changed into a pair of jogging pants and a blue t-shirt. He once again met her eyes, causing her to be lost in those pitch black irises and leaving her in a trance.     "Matunaw, 'yan." kalabit ni Iris sa kanya. "Ikaw rin, wala ka nang titigan."     "Ha?"     "Sabi ko, kapag natunaw' yan, wala ka nang titigan." ulit ng kaibigan habang nakangisi.     Bumaling naman siya rito. "Hindi naman, e."     "Anong hindi, kulang na lang na matunaw yung tao sa katitingin mo. But see what I mean? Para ka niyang tutunawin kung makatingin siya sa'yo."     Nang makalapit sa kanila ang binata ay agad na naupo ang binata sa bakanteng upuan sa tabi niya. Dahilan para mag-ingay ang mga kaibigan nila sa pagsisimula ng pang-aasar sa kanila ng binata.     "Ano kaya kung mag-dinner na tayo, Russel?" ani Iris sa nobyo. "Para maaga niyo ring matapos 'yan." Ininguso nito ang malaking bote ng lambanog sa mesa. Hindi naman ito nakalagpas sa pandinig ni Jaycee kaya si Iris at Russel naman ang pinagbalingan nito ng atensyon.     "Sus, para masolo mo ng maaga si Russel." Nakangisi pa si Jaycee nang sabihin iyon.     Hay, salamat, Jaycee, sina Iris at Russel naman ang nakita mo, mabuti naman. Tuloy mo lang 'yan at quotang-quota na ako sa pang-aasar nyo sa amin ngayon ni Benjie.     "That's a point right there, too, Jayce," ani Russel at natawa pa. "But yes, I'll tell the staff na kakain na tayo." Tumayo na ito sa kinauupuan at binalingan si Iris. "I'll be back."     Hindi nagtagal ay bumalik si Russel at sinabing maghahapunan na sila. At nang matapos ang hapunan nila ay bumalik muna ang iba nilang mga kasama sa kuwarto, habang siya ay nagpaiwan sa Gazebo.     Bumaba siya mula sa Gazebo at nagpasyang maglakad-lakad sa loob ng resort. Binalot na ng dilim ang buong paligid at ang tanging ilaw ay nanggagaling sa mga posteng nakatayo sa pathwalk. The cold wind that blows plus the silence made her savor her much needed solitude. She also knew she needs this time alone to think things over - and that includes her feelings for Benjie.       She reveled in the silence habang naglalakad at manaka-naka siyang napapayakap sa sarili kapag humihihip ang malamig na hangin. Hindi rin nagtagal at narating niya ang poolside ngunit walang tao roon, kaya naman naupo siya sa silyang nasa tapat ng mesang bilog.     "Nandito ka pala," ani Benjie na naupo sa tabi niya. "Kanina pa kita hinahanap."     "Bakit mo naman ako hinahanap?" Napalingon siya rito at muli na naman dumako ang mga mata niya rito. "Huwag mong sabihing na-miss mo ako agad?" biro niya saka binuntutan ng tawa ang sinasabi.     "Ano nga kung na-miss kita?" Ngayon ay tumingin ito sa kanya. Muli ay nakita niya ang mabilis na pagdaan ng halo-halong emosyon sa mga mata nito, mula sa saya, lungkot, panghihinayang - ngunit gaya ng laging nangyayari ay mabilis itong nawawala, gaya ng kung gaano kabilis niya itong nakita.     Ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin, Benjie? Gusto niyang itanong iyon sa binata ngunit nawawalan siya ng lakas ng loob na itanong - dahil mismong siya ay hindi sigurado kung ano nga ba ang nararamdaman niya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD