“GOOD morning,” nakangiting bati ni Loui sa mga kasama pagpasok niya ng training room. “Aga mo, ah?” ganting-bati naman ni Daddy Robert pagkakita sa kanya. “Opo.” Isang tango ang isinagot niya rito, at pasimple niyang hinagod ng kanyang paningin ang loob ng training room. Hinahanap ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigurang kukumpleto ng araw niya. Napangiti siya nang bumukas ang pinto at bumungad ang mukhang gusto niyang makita. There you go, Louisse Althea. Benjie’s here. “Good morning, Benjie,” bati niya sa binata. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot sa kanya nito, saka naupo sa pwesto nito. Kapansin-pansin ang pananahimik ng binata ngunit mas pinili niyang hindi na lang pansinin iyon. Baka lang pagod ‘yan, Loui. Martes pa naman ngayon, kaya samb

