Agad na napahawak sa ulo niya si Merian ng maramdaman ang kirot nito. Maingat na napasandig siya sa headboard ng kama at pinisil ang ulo. Nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya ay agad siyang napatingin sa mini sofa ng kwarto. Nakatayo ang binata at nakatingin lamang sa kaniya. Walang reaksiyong kababaksan dito. Babatiin sana niya ito ng maalala ang nangyari kahapon. She sighed deeply and looked away. "How do you feel?" Tanong ng binata at unti-unting lumalapit sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Puno ng hinanakit ang puso niya. Ramdam niya ang sakit nito. Umupo ito sa harap niya at akmang hahawak sa noo niya ng umiwas siya. His hands were left hanging, he sighed and stared at her. "Are you mad?" Tanong ng binata. She didn't answer. Nanatili lamang siyang

