Agad na nag-ayos ng sarili ang dalaga at lumabas ng bahay. Naglakad siya papuntang chapel at nagdasal. Matapos ay agad siyang dinala ng mga paa sa malapit na park ng subdivision. Umupo siya sa bench sa ilalim ng puno. Kahit sandali ay nalimutan niya ang problema niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Ni hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya. "You're so beautiful." Agad na napapiksi ang dalaga ng makarinig ng boses. Agad siyang napatingin sa gawi nito at hindi na nagulat ng makitang si Lafur ang nagsasalita at ngayon ay prenteng naka upo sa tabi niya. "Hi. Mind if I sit with you?" Nakangising tanong nito. "Sana kanina mo pa naisipang magtanong. Nakaupo ka na ano pang magagawa ko? Aalis nalang ak--" "No, no stay here Alinna promise I just want to talk to you. I wa

