"Ma'am!" Nagmamadaling lumapit si Marina sa kaniya. Kitang-kita sa mukha nito ang pagka balisa. "Bakit? May problema ba?" Tanong niya rito. Umiling ito at agad na hinila siya papasok sa bahay nila. Kumunot ang noo niya ng makitang may mga maleta sa sala nila. "Kaninong maleta ang mga yan?" Aniya. "Oh hi, nandito ka na pala. Anyway I didn't introduced myself formally. I am Athalia, Reuchi's ex-girlfriend." Nakangiting ani nito at nanunuyang nakatingin sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya rito. "Gosh! So Reuchi didn't tell you yet. I'll be staying with you here since next month pa ako babalik sa Istanbul. How sad, di pa pala nasabi ni Reuchi sayo?" Nang-uuyam na aniya. Nagpipigil na nginitian ito ni Merian at sinagot. "Next month? Which is 2 weeks from now." "Yup!" Tu

