"Have a sit everyone." Ani ng binata agad naman ding napaupo ang dalaga sa tabi ng binata. Nakangiting nakatitig ang tatlo kay Merian habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Stop it guys you're intimidating my wife." Suway ng binata sa tatlo at nagngitian. "Mr. Abbas hindi niyo naman kasi binanggit sa amin na ganito pala ka ganda ang aayusan namin." Nakangiting ani ng mestizang babaeng kulay pula ang buhok. "She's very beautiful. Unting ayos lang sigurado akong wala nang mas gaganda pa sa kaniya dun sa party." Ani ng bakla na ikinapula ng mukha ni Merian. "You have a perfect feautures madamé. Parang hinulma sa tamang lugar lahat ng physical features mo." May paghangang ani ng blonde na babae. "MA I want you to meet your glam team." Ani ng binata habang nakaakbay sa kaniya

