Nagmamadaling pumasok ng bahay si Merian at naabutan ang asawa niyang prenteng nakaupo sa sofa at naka number four na porma. Pagkakita sa kaniya ay agad itong tumayo at nakangiting niyakap siya. "I missed you so much." Mahinang ani ng binata. Kababakasan ang saya sa tinig nito. "I've missed you too." Nakangiting aniya sa binata at niyakap ito pabalik. Nakangiting naghiwalay silang dalawa at magkatabing umupo sa sofa. Ipinahilig ng binata ang ulo niya sa dalaga at hinaplos nito iyon. "Have you eaten? How's your business doing now?" Tanong ng dalaga. "Kumain na ako sa plane. It's doing good nag back out lang ang isang big investor kaya nagka problema. Okay na naman, my business can stand on its own without investors. Nagkataon lang talaga na ngayon lang may nag pull out ng investment." M

