"Reuchi? Anong problema? Napapansin ko kasing parang balisa ka kanina pa." Ani ng dalaga habang nakatayo ang binata sa terasa ng kwarto nila. "Nagkaroon ng maliit na problema sa business expansion ko sa Dubai." Ani ng binata at nag buntong hininga. Halata ang frustrasyon sa mukha nito. "I need to go there as soon as possible." Mahinang ani ng binata na nakatingin sa kaniya. She smiled a little and hold his firm hands. "Puntahan mo na. Your employees needs you the most right now." Sinserong aniya sa asawa. "I need you to go with me." "Na-uh makakasagabal lang ako dun. Unahin mo muna ang company mo. Nandito lang naman ako eh. Hihintayin kita hanggang sa makauwi ka." Nakangiting aniya. Agad na hinapit siya ng binata at hinalikan sa ulo. "Thank you for understanding my love." He stated.

