Chapter Sixteen

2333 Words
Once Forgotten, Always will be Angel Para sa foundation anniversary ng Robles High School kung saan ako nag-aral ay naimbitahan kaming dumalo para sa party kinagabihan. Hindi naman sa ayaw ko'ng pumunta pero hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin ang mga kaklase ko noon. Wala na ako'ng balita sa karamihan sa kanila kahit kay Aless-na bestfriend ko noon. Kamakailan ko lamang siya nakita-no'ng magkasama sila ni Gino. Tuwing naalala ko iyon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama sila. I expected that nothing will come out from Gino about it, but Aless' silence all these years made me sad. "Tapos ka na ba?" napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko nang makita ko sa salamin si Luke na sumandal doon. "Patapos na," tumayo ako at umikot upang makita niya ang above the knee dress na napili ko'ng suotin ngayong gabi. "Black always suits you the best," napahawak ito sa baba habang sinusuri niya ang buong kasuotan ko. "So pangit ito'ng cream white sa akin?" "Hindi naman. Actually you look beautiful. Too bad you don't have a date. Ayaw mong ireto kita sa mga kakilala ko, eh" napabuntong-hininga naman si Luke. Saktong dumalaw si Luke rito sa coffee shop ngayong araw at nalaman niya ang event na pupuntahan ko kaya nagprisinta siyang ihahatid niya ako ro'n. "What's behind your long hair? Hindi pa kita nakitang nagpa-short hair." Napangisi ako habang hawak ko ang laylayan ng buhok ko sa tanong ni Luke. "Tara na, baka ma-late pa ako," hindi ko naman siya sinagot at dumiretso ako palabas ng kuwarto ko. Ang venue ng party ay sa Gilberts, sa Rosa King Asylum. Balita ko ang may-ari nito ay napakayaman and the possess real golds. I didn't believe that at first but as I heart Luke's story I am slowly buying it. "Tawagan mo ako kapag tapos na," paalala naman ni Luke sa akin nang makalabas ako sa kotse. Tinanguan ko lamang siya at pinagmasdan ang kotse niyang umalis. May malaking pintuan sa tapat ko. May mga nagsisipasukan ng bisita pero wala pa ako'ng nakikitang kilala. Hawak ko ang purse ko'ng masiglang pumasok sa loob. The venue is no joke. Para ako'ng nasa Europe. Ang vibe kasi ay europ na Europe! Ang matatayog na poste ay nakakalula. May isang chandelier sa itaas na napakalaki, feeling ko babagsak na sa akin. May red carpet papasok sa main door. May photo booth naman sa may gilid na parang may fashion show dahil ang daming ayaw magpatalo sa pag-pose. I skipped the photobooth. Dumiretso ako sa loob. Napansin ko'ng napaka-engrande ng foundation anniversary na ito, pondo kaya ito ng school kasama ang quota ng bawat estudyante na nakalagay sa envelope? Biro lang. I heard that there are major sponsors of this event. Kung sino man iyon ay napaka-yaman niya. Sinagot daw ng isang sponsor ang venue. Nag-colicit din ang school sa akin kaya naman naimbitihan ako pero mababang halaga lamang ang binigay ko. May Faculty kasi ako'ng kilala kaya taon-taon na ako nabibigyan ng solicitation letter. "Angel!" nagulat na lang ako nang may kumapit sa braso ko. It's Sabel, ang class representative naming noong fourth year at naging kaklase ko talaga siya mula first year hanggang fourth year. "Halla ka ang payat mo na!" sobrang nagulat ako nang makita ko siya. Umikot ito upang ipakita ang figure niya. Mataba kasi si Sabel at laging nabubully noon. Pero hindi mo aakalahing magiging katulad ng figure ng isang model ang katawan niya ngayon. "Ikaw din, ang ganda mo na. Halos hindi kita ma-recognize!" "Ako dapat nagsasabi niyan," napatawa ako ng mahina. "Hindi kasi ang liit mo noong highschool remember? Parang gradeschooler ka lang noon pero high school ka na no'n 'te!" nagtawanan kaming dalawa nang maalala namin ang hitsura naming noon. Petite ako noon pa man. Sabi nila parang hindi raw ako nag-daan sa puberty. Ag matured na ng mga kaklase ko noon pero parang elementary pa lang ako noon. Hindi lang si Sabel ang nakausap naming kaklase naming noong high school. Marami pala silang dumalo. I was happy while we were talking about the old days. I am happy at the same time because I could see that they have already settled their lives. Iba't-ibang kuwento ang narinig ko. May ilan na hindi nakapatuloy sa college dahil sa kahirapan at nabuntis ng maaga, but they were able to stabilize their lives. I'm turning 25 this year, but I didn't talk much about my life dahil wala namang ganap masyado. Nakaramdam ako ng inggit dahil ang dami nilang naikuwento. I'd just say I'm handling my coffee shop business and I'm investing my money to different businesses. That's it. "Pupuntahan ko sana si Professor Rand, siya ang nag-invite sa akin pero..." I know why Sabel hesitated to complete what she was supposed to say. Mula sa direksyong gusto niyang puntahan ay nakita ko si Gino na nakasuot ng itim na tuxedo at may ribbon sa kanyang kwelyo. Kausap niya ang mag officials ng school. Hindi ko yata naisip na dadalo rin siya sa event na ito. "I'll be fine here," sabi ko naman kay Sabel. Napangiti ako nang mapansin ko'ng may mga babaing lumalapit kay Gino. Hindi pa rin yata nalalaos ang kaguwapuhan niya. Lalo na siguro ngayon na isa siyang CEO ng company nila. Nothing really has changed about us. Even before, Gino is out of my reach because I was always out of his league. Kahit ano'ng gawin ko para makahabol sa bilis niya ay hindi ko magawa. Hindi na dapat ako nag-taka kung bakit bigla rin niya ako'ng iniwan. *** Nabagot ako nang magsimula ang program. Higit dalawang oras ang iginugol para sa speech ng mga founders mabuti na lang may intermission number na pantanggal ng umay. Kasama ko sa table sina Sabel Jessa, at ang couple na si Patrick at Eunice. Sila iyong mga nakasama ko sa Highschool nang umalis si Aless. "Since our major sponsors refused to leave a speech may we just ask them a dance?" Bigla ako'ng nagulat nang mag-hiyawan ang mga audience. Hindi kasi talaga ako nakikinig kaya hindi ko alam ang nangyayari. "Alright! Everyone, these two successful couple are product of Robles High School!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa gitna si Gino na inaalalayan si Aless. Sila ba iyong tinuturing ng MC na couple? At major sponsors. Namangha ako sa kagandahan ni Aless, malayong-malyo sa pormahan niya noong high school kami. "Balita ko, anak mayaman pala si Aless, hindi mo rin ba alam?" tanong naman ni Sabel sa tabi ko. Napailing-iling ako habang nakapako ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang may kumurot sa dibdib ko nang makita ko'ng lumandas ang kamay ni Gino sa baywang ni Aless at yumapos ang kamay niya sa batok ni Gino. That was my dream... I wanted to dance with Gino during JS Prom. Pero hindi kami inabot. Mag-third year high school ako nang iniwan niya ako. Both of them are smiling widely as the guests scream for them. Noong naging kami ni Gino ay hirap tinanggap ng karamihan. Ako ba talaga iyong mali sa aming dalawa? Nanikip ang dibdib ko nang inikot ni Gino si Aless. That was supposed to be romantic, but not for me. That is my ex, dancing with my best friend. It would be tragic for me. "It's okay to hate her, Angel," napatingin ako kay Sabel na hinawakan ang balikat ko. "It's okay," she smiled to cheer me up. "Thank you very much Mr. Gino Fontanilla and Ms. Alessandra Corpuz!" nagsipalakpakan ang mga tao nang matapos silang magsayaw. Inalalayan pa rin ni Gino si Aless na makabalik sa kanilang upuan sa harapan. "Now for our next sponsor, too bad wala yatang kapareha ang isang 'to!" nagsitawanan naman ang audience pero wala ako'ng mood makisabay. Ininom ko na lang ng diretso ang iced tea sa mesa. "Puwede ka namang kumuha ng isasayaw sa audience," rinig ko pang saad ng MC. "Halla, Angel," napatingin ako kay Patrick pero napapikit ako dahil biglang lumiwanag dito sa kinauupuan ko. "Miss Bangs, puwede ba kitang i-sayaw?" Pagkalingon ko ay nasa akin na ang atensyon ng lahat. Ngiting-ngiti si Sabel sa tabi ko, at hindi ko rin inaasahang makikita ko ang agent na ito. Napakurap-kurap ako para kumpirmahing siya nga ito dahil malayo ang porma niya ngayon sa usual na porma niya. Gaya ng iba, naka-tuxedo rin siya at naka-aayos ang buhok. He doesn't look like an agent to me at all. "E-Eren..." hindi pa man din ako nakasagot at hinatak na niya ako sa kamay ko papunta sa dance floor. "Hindi ako marunong," nang makarating kami sa gitna ay napakamot ito sa ulo. Bigla na lang napalitan ang ngiti niya ng kaba. "Sana nag-sniping exhibition na lang ako. Nagdala sana ako ng baril," umiling pa nga ito. Hindi ko alam bakit ako natawa bigla. "Baliw. Umiiyak ka na tumatawa?" hindi makapaniwalang saad nito. Iyong luha ko'ng pinipigilan kanina ay tuluyang tumulo nang tumawa ako. "Sniper ka pala." "I'm one of the best when it comes to sniping. Astig ba?" Natawa kaming dalawa. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinahawak ko ito sa baywang ko. Natahimik naman siya sa ginawa ko. Alam ko'ng awkward pero hindi naman siguro magandang mapahiya kaming dalawa sa gabing ito 'di ba? Humawak ako sa balikat niya at dahan-dahan kaming nag-sway. Hindi rin ako marunong masyado pero ilang minuto lang naman kaming magtitiis. "Itumba ko na ba?" nagulat naman ako nang nahuli ako ni Eren na sumulyad kaunti sa direksyon kung nasaan sina Gino. "I can assassinate people. Mahal nga lang." "Syempre, biro lang," maagad nitong sagot bago pa man ako nakasagot. Napakapit ako nang mahigpit sa damit ni Eren nang bigla niya ako'ng niliyad na hindi ko naman inaasahan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko kaya feeling ko safe naman ako. Pero nakatutok ang spot light sa amin kaya napapikit ako. Then he pulled me towards his body. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Nabibingi ako sa lakas ng t***k ng dibdib ko dahil napakalapit na ng mukha namin. He caressed my hair down to my waist. With that he was able to wipe my tears. Hindi ko man lang namalayan na mayroon pa ring luhang nagbabadyang tumulo. *** I should see the garden before I leave. Patapos naman na ang party kaya nag-decide ako'ng lumabas agad. Nagpaalam naman na sina Sabel sa akin kaya lumabas na rin ako. There is a maze garden, may lights na nakakabit sa mga halaman kaya napakaganda ng view. May ilang couple ako'ng nakikita sa paligid na nag pipicture. Namataan ko si Eren na tumatakbo palabas ng back door kung saan din ako lumabas. "Eren!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya kaagad sa akin at tumakbo palapit sa akin. "Sorry, I have to go," agad na saad nito. "May raid kami. Biglaan." Pinangako kasi nito sa akin kanina bago ako bumalik sa upuan ko na ihahatid niya ako pauwi. But I understand his job. "Sige, mag-iingat ka," ngumiti ako sa kanya at agad siyang tumakbo palayo. Hindi ko lang ako makapaniwala na sa bakod talaga siya lumabas ng venue. Eren must be strong. Being an agent is difficult. I envy that part about him . Napansin ko ang isang arc ng bulaklak kaya napatakbo ako doon. Napatingin ako sa itaas, puno ng bulaklak at lights. Napaka-romantic ng vibe. Nang maka-rinig ako ng yabag sa likura ko ay napalingon ako. Nakita ko si Gino na nakapamulsang nakatitig sa akin. *** "Wow Gino! Tignan mo iyong mga bulaklak!" hinatak ko si Gino palapit doon sa mga arko ng bulaklak. Iba't ibang kulay pa ang mga bulak na nakakabit sa bawat ako. May orange, pink at white. Iyong mga vines ay nakakabit sa bakal ng arko. "Sayaw tayo," inirapan naman ako ni Gino at binaw ang kamay niya. Nag-tungo kami rito sa Plaza dahil may project kaming binili. Na-enganyo naman ako sa mga pagkain kaya hinatak-hatak ko siya. "Hindi ako marunong," masungit na saad nito. "Tumayo ka lang tapos ako na ang iikot sa 'yo." Ngiting-ngiti ako'ng umikot at sumayo kay Gino. Hinawakan ko ang kamay niya na kunwari ay siya ang nagiikot sa akin. Parang sayaw na rin ito ng couple, naiintindiha ko namang hindi talaga marunogng si Gino magsayaw. Pero ang ganda ng ambiance, hindi koi to puwedeng palampasin. I want to create memories here with Gino. "Ohh!" Nanlaki ang mga mata ko nang hinatak ako bigla ni Gino kaya naman napasubsob ako sa dibdib niya. Ilang segundong gano'n ang posisyon naming. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Gusto ko'ng yumakap sa kanya pero baka mainis lang siya. "May dadaan, nakaharang ka," tinulak naman ako nito at kumalas sa pagkakahawak sa akin. "Huh? Wala naman?" kunot-noo ako'ng tumingin sa paligid. "M-Meron. 'di mo lang nakita," nag-iwas ng tingi si Gino at napatiuna sa paglalakad. *** Maybe I was wrong, I was able to dance with Gino somehow as I recall that moment. I smiled upon meeting Gino's eyes. Then I looked away. Maybe I was wrong to think of the reason why he left me because I'm the one who didn't deserve him. I've got no dreams other than being his lover while Gino is battling with life for his dreams. I'm the worthless one. "Congratulations, Gino..." ngumiti ako kagaya nang pag-ngiti ko sa kanya noon pa man habang palapit siya sa akin. "I thought you're just addicted to your work. It's good having someone by your side." ...though I really wished that I could be that one. Pero siguro ay tinangay na ng panahon ang nararamdaman mo sa akin. Tumalikod ako nang maramdaman ko'ng muling kumirot ang dibdib ko't parang babagsak nang tuluyan ang mga luha ako. Maglalakad na sana ako palayo ngunit nilingon ko ulit siya. "Pero bakit si Aless pa?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanungin iyon sa kanya. Obviously, I won't get any answers from him. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? "B-Bakit kailangan ang bestfriend ko pa?" tuluyang bumagsak ang mga luha ko sa harapan ni Gino. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD