"Umalis na nga kayo, ampapangit niyo." Itinaboy ko ang mga groupmates ko dahil nagkukumpol kumpolan na kami dahil sa mga litrato tungkol sa Enchanted Galaxy. Ang init-init tapos dumadagdag pa sila, kaimbyerna.
They rolled their eyes then left us, I'm still with the class pres. that up untill now hindi ko parin kilala kung ano ang pangalan. Hindi ko rin naman siya tatanongin, hindi naman 'yon importante diba?
"What color is that Terreze?" tanong niya habang nakaturo sa isang trashbin na kulay green.
I glared at her. She still insists that I am color blind. Hays. Too much exposure and adjustments to stupid will drain me.
Hindi ko na lang siya pinansin, baka masisiraan lang ako ng bait.
Pumasok na kami sa isang room na puno ng liham, sobrang luma ng mga ito at ang ginamit pa na ballpen ay ink. Ang mga edges ng mga liham ay hindi kompleto at sunog-sunog pa.
Binasa ko isa-isa ang mga liham, pawang mga balita at tagubilin lamang ng mga namayapang bayani. May mga ulat din tungkol sa politiko na naglilingkod noon.
May mga lumang kabinet na hindi na mabubuksan dahil narin sa kalawang.
Bakit ba dine-display pa ang mga walang kwentang bagay dito na hindi magagamit?
Sinubukan kong buksan pero ayaw talaga, kaya naman lumapit ang bakla kong ka-klase at tinulungan ako.
"Pwersahan mo, ang laki-laki ng katawan tapos ang hina-hina."
"Wow et, ikaw na nga 'tong tinulungan, ikaw pa tong demanding, demonyo ka talaga."
"Huwag ka kasing pabebe, hindi ka naman babae." He rolled his eyes.
Sabay namin dalawa yinog-yog ang handle kaya naman bumukas ito ng kunti. Nagkumpulan na naman ang mga ka-klase ko kaya lumayo ako ng kunti. Ang init na kasi hindi ako makahinga ng maayos.
"Anong laman?" tanong sa'kin ng class pres.
"Nakita mo namang lumayo ako diba?Subukan mong tignan, baka sakaling makita mo ang utak mo ron."
Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang foreigner. Napalingon kaming lahat sakanya dahil akala namin isa 'tong guard. Kinikilig naman ang mga babae dahil sa sobrang gwapo nito.
Yeah, I admit his handsome.
I find him very masculine not only because of his physical size. His hard structure and authority made him very male.
His sleeves we're rolled up to his forearms. His lean powerful frame is not very bulky and not very thin.
He's very tall, I think he's around six feet. He had a very long nose, chiseled high jaw and— well I won't be describing his looks anymore because he's glaring at us or shall I say at me?–Eh? What the heck is his problem?
I felt nervousness creep my body. Imagine, A stranger, hot stranger staring no— glaring at you. I didn't even do something wrong today.
He walks towards me with heavy steps, his aura is shouting an authority. I felt my hands were shaking, I don't know what the f**k is happening but this stranger brings out my fear.
Another woman came, also a foreigner. Gosh. May nag sho-shooting ba rito na hindi namin nakikita? Lumingon ako sa likod ko upang tignan ang mga kasama ko and guess what? THEY ARE ALL FREEZING.
Not freezing from the coldness, i***t.
The foreign guy is still glaring at me while slowly walking towards my direction. Napapa-atras ako ng dahan-dahan dahil nakakatakot siya.
Excuse me? Ano ba'ng kasalanang ginawa ko? Gusto kong itanong pero natatakot ako.
"S-stay a-away."
Nilagpasan niya lang ako at tinignan isa-isa ang mga liham na nakadisplay at binuksan ang glass.
The heck?! After what he did, nilagpasan lang ako?
Pero mabuti na rin 'yon, keysa naman may gawin siyang masama sa'kin.
And what is he doing? Alam ba niyang bawal makialam sa mga properties ng museum?
"You're a crazy asshole." I blurted those words that's why he looked at me straight to the eyes. His eyes are filled with warnings.
Gosh, he's creepy!
Tumayo lahat ng balahibo ko ng pinalutang niya ang mga liham gamit ang kanyang kamay at pinapunta sa direction ko. Napaatras uli ako at this time, nabangga ko na ang baklang ka-klase ko.
Naka-squat kasi siya.
Natumba at napagulong pa ito na parang si Humpty Dumpty at ang iba ay nakatayo parin at hindi gumagalaw.
Ako lamang ang gumagalaw dito sheyt.
Ang mga papel na pinalutang niya na papunta sa direction ko ay biglang tumigil. He uses his hand to manipulate it.
Isa-isang umilaw ang edges ng mga liham at nag-form ng isang malaking kartolina.
The letters are puzzle pieces.
Ang mga liham na galing sa mga namayapang bayani ay bigla nabura at napalitan ng mga salitang baybayin . Marunong akong mag-basa nito dahil tinuruan ako ni Lola rati.
Abba
Aman Sinaya
Amihan
Anagolay
Anitun Tabu
Aring Sinukuan
Dian Masalanta
Dumakulem
Dumangan
Idianale
Hanan
Libulan
Mayari
Mapulon
Lakapati
Lakan Bakod
Lakambini
Lakan Danum
Tala
Those are the words that I've read from the back of the letters that were now floating.
The foreign woman, which who came after the guy entered is now holding a large book that came from the cabinet that we tried to open earlier.
She smiling triumphantly while walking towards the guy. She's very beautiful I admit but it's not the right time to praise their appearance.
I turned around to see if everything that's happening is real, I think I'm just dreaming or else lucid dreaming but hell I can still touch and control my whole body.
"What are you?" I asked bravely. There's no time for being a coward here.
The woman looks at me with shock written on her face, I bet she didn't expect that I can still control my body.
The guy next to her is blankly staring at me. It's better if he didn't show any emotions, he's way more dangerous when he's glaring.
"You're one of us." My forehead wrinkled because of what she'd
said.
One of us?
"Take her" He commanded. His voice is cold that sent me shivers.
The woman tried to grab my elbow but I successfully kicked her knee. I'm not going to let them touch me.
"I won't let a f*****g alien controls me."
The man glared because of what I've said. His eyes are still hooded and ruthless.
Ano sa tingin nila hindi ko sila makikilala? No normal human being can levitate an object.
The guy lifted his right arm and then slammed the door. My group mates aren't still moving.
Fuck this life. Why can't these stupid aliens give me a peace of mind? Kung kailan, kailangan ko ng tulong, wala pang dumadating.
"You know what miss, I don't know what are you doing here on earth. As of your age, you're supposedly studying at the EA right now. Sa tingin ko, tumakas ka sa klase mo?" the woman said.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin naman gets ang sinabi niya. Pero wow ha! Nagta-tagalog sila.
"Again, I'm asking you. WHAT. ARE.YOU." I emphasize the word to make it more clear to them.
They looked at each other na parang naguguluhan sila dahil sa tanong ko.
"Don't make fun of us Miss, I know you're just pretending so that we won't punish you. Let's go." She successfully grabbed my elbow.
Nagpatangay na rin ako sa kanila dahil nanghihina na ako, I don't know what's happening to my body pero parang bumalik yata ang nararamdaman ko kanina sa school habang kasama si Diane.
The guy just followed us at tska'y sumakay kami sa isang kotse.
Hindi ako nag-tatanong kung saan nila ako dadalhin, bagkus ay hinayaan ko na lamang silang gawin ang nais nila.
Tiyak ako na sila lang ang makakasagot sa mga katanungan ko tungkol sa aking pag-katao kaya makaka-benipisyo rin ako.
I want to close my eyes badly pero natatakot din ako na baka pagkagising ko, nakalibing na ako.
Kumunot ang noo ko dahil ang tinatahak namin na daan ay patungo sa amin.
"Don't tell me, e uuwi niyo 'ko sa bahay namin?"
"Will you shut up?" The guy irritably said. Inikot ko ang mata ko at umayos na lang sa pag-upo.
Sungit ni Squidward.
I roam my eyes around and I am right, sa bahay nga namin kami pupunta.
The girl held my elbow trying to drag me inside. Tss.
"Bitawan mo'ko, hindi ako tatakas."
"Tumakas ka na nga diba?" Mataray na tanong niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Kanina pa nila pinagpipilitan na tumakas ako sa klase. Hindi ba nila nakita na naka uniform parin ako at kasama ko ang mga ka-klase sa loob ng museum.
"Huwag ka ng sumat-sat, sumama ka na lang ng matiwasay para hindi mabigat ang ipapa-rusa ni kamahalan sa'yo."
Pumasok na kami sa loob at umopo kami sa sofa. Kinuha ko ang bag ko na nakasabit parin sa likod at inilagay sa upuan.
Humiga ako sofa, ginawang unan ang bag at tumingin sa ceiling at nagbuntong hininga. Ano na naman ba ang pinasok ko?
Kinurot ako ng babae na foreigner kaya tinignan ko siya ng masama. Kanina pa'tong punyetang 'to ah!
"Umayos ka nga! Wala ka sa bahay niyo." Sinermonan niya ako. Heck. Nakakaloka na talaga ang mga nangyayari sa'kin.
"Excuse me ha? Ikaw ang wala sa bahay niyo!"
"Kamahalan, magandang hapon."
Tinignan ko si Lola na ngayon ay nakaluhod na ang isang paa at naka bow ang ulo.
"Wait– can someone tell what's happening?!"
Unti-unting itinaas ni Lola ang ulo niya at nagulat siya ng makita niya ako.
Luh? Ba't ba siya nagugulat ayaw ba niyang umuwi ako?
"A-apo, anong–"
Lumapit ako sakanya at tinulungan siyang tumayo. Kahit nag-tatampo ako kay Lola, hindi ko naman siya hahayaan na mahirapan no!
Pingpagan ko ang tuhod niya at tinulungan ko siyang maka-upo. Ano bang meron at kailangan niya pang lumuhod, alam naman niyang matanda na siya at may deperensa na sa tuhod.
Minsan talaga pag-tumatanda, na shu-shunga.
"Did I say dismiss?" The guy coldly said. God! This brute!
Mabilis na bumalik si Lola sa posisyon niya kanina na nakaluhod at nakayuko na parang batang pinagalitan.
"Pasensya na po kamahalan, walang alam ang aking apo tungkol rito. Kaya patawad."
"Apo niyo po siya Aleng Nimfa?!" The alien girl asked.
Duh?! Kaka-sabi lang. Maganda sana boba lang.
"Lola! You need to stand up! Hindi nila 'to teritoryo kaya wala silang karapatan na paluhurin ka!" Inis na wika ko.
Tinulungan ko siyang tumayo pero nag-pupumilit parin siya na lumuhod.
Galit kong tinignan ang dalawang aliens sa harapan ko na prenteng naka-upo sa sofa.
Anong karapatan nila ha?!
"You know what? Damn you stupid aliens!"
I tried to grab my bag from the sofa but the woman gripped my elbow hard. I stared at her coldly without breaking eye contact.
Who they think they are? This is our house. Wala silang karapatan mag-hari-harian dito.
"Sit down." The guy commanded using his dangerous voice to threaten us.
Fucking Brute!
The woman tried to make me sit but I punched her hands. Napahawak siya sa parteng sinuntok at tinignan ako ng masama.
"You're really testing my patience kid."
K-kid? What the f**k?!
Uminit ang ulo ko sa sinabi ng tinawag ni Lola na kamahalan. Tinignan ko siya ng masama, nakatayo parin ako at siya'y nakaupo parin.
Inamba kong itapon ang bag ko sakanya pero hinawakan ako ng babae.
He's the one who breaks our eye contact then he looked at my grandmother's eyes, then nodded his head.
Tumayo na si Lola at napa-hawak pa sa tuhod dahil siguro sa sakit galing sa pag-luhod. Hinawakan niya ako sa kamay at tinignan ako sa mata.
"I wanna rip their heads Lola..." Seryoso ko siyang tinignan. Galit na galit na ako ngayon dahil sa nangyayari at makakapatay na talaga ako ng tao.
Tao nga ba? I chuckled inside my head.
"Kumalma ka Terreze, panauhin natin sila kaya umayos ka."
Umupo na ako sa sofa ulit at tinignan ang dalawang alien. They don't look like exact aliens in the movie.
Aliens in the movies are so ugly, they have green skin and large head. Plus the small body.
Natatawa akong inimagine na ang mukha ko ang nasa ulo ng alien at ang katawan ko sobrang liit.
Ano ba Terreze, seryoso na'to!
"Pasensya na kayo sa apo ko kamahalan, wala kasi siyang ka-alam alam patungkol sa Enchanted Galaxy."
Lumaki ang mata ko dahil sa binanggit ni Lola. Kanina ko pa lang narinig ang tungkol don pero mukhang malaki talaga ng impact non sa akin.
"So ibig sabihin Aleng Nimfa, hindi siya isang studyante sa EA?" Tanong ng babae.
"Obvious ba?" Pamilosopo ko sakanya.
She rolled her eyes then looked at the guy. Nag-papacute amputa.
"Kamahalan, nasabi na rin sa akin ni Luzviminda na rito kayo maglapalipas ng gabi." Lola said happily.
Wait—??
"No way!" I quickly said.
"Yes way!" Nagulat ako ng dumating si Diane at sumabat. Para talagang kabute ang babaeng 'to
Lumuhod siya at nagbigay pugay sa 'kamahalan' kuno. I rolled my eyes.
"Hindi mo ba siya tutulungang tumayo?" Tanong ng babae, ang tinutukoy si Diane. Inaasar niya ako dahil sa ginawa ko kay Lola kanina.
"Feeling close ka?" tanong ko sa kanya.
Napahiya naman siya sa sinabi ko kaya nag-papanggap siya na may tinitignan sa paligid.
Natatawang tumayo si Diane galing sa pagluhod. Narinig kasi nilang lahat ang sagot ko.
"Did I say dismiss?" Sinabi ko kay Diane while mimicking the alien's men voice trying to piss him off.
And I succeed. He's glaring at me now. Nakakatakot parin siya, pero tinatagan ko na lang ang loob ko.
Hindi niya naman siguro kayang pumatay ng tao diba?
Umupo si Diane sa tabi ko kahit sobrang sikip na.
"Ano ba Terreze, umusog ka ron, ang laki-laki pa ng space."
Tangina. Nauna akong umupo ah?
Tinutuluk-tulak niya pa ako papunta sa tabi ng babaeng alien.
"Ayoko nga! Ikaw ang tumabi sa kanya!"
"Ano ba kayo? Umayos nga kayo, nakakahiya." Bulong ni Lola kahit naririning naman ng mga bwesita.
I pouted, I have no choice but to sit beside the alien girl. She smiled at me genuinely.
Eww. Plastic.
Kanina naiinis siya sa'kin ngayon naman may pangiti-ngiti siya.
"Nagagalak ako sapagkat dito niyo po naisipan na magpalipas ng gabi." Natutuwang sabi ni Diane.
Tinignan ko siya habang naka-angat ang labi ko sa inis.
"Nye-nye... Feeling may-ari ng bahay." Bulong ko pa.
Bumungisngis ang tabi ko kaya tinignan ko siya.
"Sa tingin mo may nakakatawa?" Tanong ko sakanya.
Kinurot naman ako ni Diane sa tagiliran kaya napatayo ako.
"Last na Diane, sasapakin kita."
"Hays. Hindi ba kayo titigil ha?" Galit na si Lola dahil sa'ming dalawa.
"We're not staying here for too long..." kamahalan guy said.
"Saan niyo sila patutulugin Lola?" well of course I am the one who asked. Hindi naman siguro obvious sa tanong ko na hindi ko sila wine-welcome diba? diba?
"Alangan naman stock room?" Natatawang sabi ni Diane.
Pinagsingkitan ko siya ng mata dahil iba ang tinutukoy na.
"I knew it! You were the one who locked me!"
She raised her hands trying to defend her self.
"H-hindi a-ako no!" tanggi niya pa.
"Lola!!" sumbong ko pa.
"Tama na, mamaya na kayo mag-away. Luto na ang pag-kain kaya kakain muna tayo." Tumayo na siya.
"Wait lang Lola–" tinignan ko si Diane ng masama. Lagot ka ngayon.
Lumingon sa'kin si Lola ng nagtataka.
"Bakit?" Tanong niya.
"Kanina sa school, pumunta si Diane tapos sinabi niya na huwag daw akong pumunta sa kahit saan mang museum. Bakit po?"
Ngumiti si Lola at umupo muli. Hinawakan niya ang isang kamay ko at tumingin sa mga mata ko ng seryoso habang hinawakan ang kaliwang pisngi ko.
"Kahit ano mang pilit kong ilayo ka, hindi na magbabago pa ang kapalaran mo. Nawa'y sana maiintindihan mo kami. Patawarin mo ko't pinagkait ko sa'yo ang buong katotohanan tungkol sa mundong 'to."
Naluluha na siya at naluluha na rin ako.
Hindi ako naluha sa sinabi niya, bagkus ay naluha ako dahil wala na naman talaga akong naiintindihan sa sinabi niya.
"Iba ang tanong ko Lola, tungkol sa museum, bakit iba na naman ang sinasabi mo? Ulyanin ka na ba talaga?" mahinang boses kong tanong.
Hindi naman ako galit, nag-aalala lang ako kasi ang layo na talaga ng mga sinasabi niya.
Natatawang nagpupunas ng luha si Diane. Tinignan ko siya, bakit ba siya naiiyak? Kami lang ang nag-uusap eh.
"Epal ka girl?" Pang-iinis ko pa.
"Pinuntahan kita kanina sa school mo Terreze dahil ayokong makita mo sila Shaine at kamahalan." Sagot ni Diane.
"Sabi mo sakin hindi ka magbibigay ng kahit ano mang impormasyon? E ano to? Change of heart?" Pang-aasar ko sakanya.
"Tss. Naawa lang ako sayo no!"
"Sabihin mo nakoko-konsensya ka! Ikaw ang nag lock sa'kin sa loob ng stock room!"
"Tignan mo Lola oh! Hindi niya ako nire-respeto."
Natatawang nagpunas ng luha si Lola at tsakay iniwan na kami. Nag-bow muna siya sa 'kamahalan' kuno.
Hindi pa rin nasagot ang tanong ko, ano naman kung makita ko ang kamahalan nila?
Bakit? Required bang mag magbigay pugay ako?
"Shaine, buti na lang at nadala niyo ang pinsan ko rito ng buhay." Natatawang sabi ni Diane.
Tinignan ko ang kamahalan at nakatitig na pala siya sa'kin.
I rolled my eyes and averted my gaze. Hindi porket nire-respeto siya nila Lola ay ganoon na rin ako.
Isa akong Princessa.
Sa bahay nga lang namin.
Kaya ako nagagalit dahil dapat ako ang masusunod dito.
Earth 'to haler? Doon sila sa lugar nila mag-hari huwag dito.
"Oo nga eh, nagulat ako kasi pinatigil ko naman ang oras don, walang sino mang normal na tao ang makakagalaw. Pagtingin ko sakanya ay nakakagalaw siya at galit na galit pa sa'min."
"Who wouldn't be mad? I'm the only one who's left moving. I know something isn't right." I butt in.
"Buti hindi mo sila kinarate." Natatawang sabi ni Diane.
"Nagmamatigas ngang sumama sa'min no'ng una eh, pero nagpatangay naman kalaunan."
"Talaga nagpatangay ka lang?!" Gulat na tanong ni Diane.
"I felt so much tiredness and I can't control my whole body."
Namutla si Diane at mabilis na hinawakan ang noo ko.
"Ano ba?!" Inis kong inalis ang kamay niya.
"Palagi ka na bang nahihilo Terreze? O di kaya'y nahihirapang huminga?"
Kumunot ang noo ko at pilit inaalala, hindi naman ako asthmatic ah! Pero bakit ako hinihingal kanina no'ng hinawakan ko ang noo ng class press namin na hinimatay?
"Terreze! Tinatanong kita— nanghihina ka pa ba gaya kanina?"
"Anong nanghihina Diane?" tanong ni Lola, nakalapit na pala siya ngayon sa'min. Tapos na ata'ng maghanda sa makakain.
"K-kanina Lola, nahihirapang huminga si Terrze—"
"W-wala 'yon" sinamaan ko ng tingin si Diane.
Makisama ka, kung hindi sasapakin kita look ang binigay ko sakanya.
"Aba't bakit apo? Hindi ka naman hikain ah!"
Hays. Napahawak ako sa noo ko. Ako lang ba ang matino rito?
"Wala nga 'yon, normal lang 'yon Lola."
"Hindi normal 'yon!" Sabat naman ni Diane.
Lumingon ako sa gilid ko, wala na pala ang dalawang aliens.
Mas mauna pa yata silang kumain sa'min ah! Naks naman.
Pumasok na ako sa kitchen, nandon kasi ang dining area namin. Like what I've said, hindi kalakihan ang bahay namin. Pero hindi rin naman siya maliit.
Umupo ako sa tapat ng babaeng alien na ngayon ay naka-ngiti na sa'kin. Hindi pa sila nag-simulang kumain. Tinignan ko ang kamahalan na tinatawag nila.
May hawak itong cellphone na ka-kaiba.
Umupo na sila Lola katabi ko at si Diane naman ay katabi no'ng babaeng alien.
Magkaibigan ata sila eh?!
Pareho naman silang boba. Bakit hindi nila isama class press namin? Isa pang bobo 'yon.
Bigla na lang siyang nawala pagkatapos mag-tanong sa'kin tungkol sa laman ng box.
Nagsimula na akong kumain at nakinig lang sa pag-uusap nila. Hindi na ako nakikisabat dahil hindi naman talaga ako pala-salita.
Naramdaman kong may nakatitig sa'kin. Ang 'kamahalan' kuno pala.
Ano ba'ng problema ng isang 'to? I know pangit ako pero huwag naman sana siyang tumitig. Nakakailang eh.
Teka— kailangan pa ako nailang? Tama ata si Diane, may mali na sa katawan ko.
The guy has this dark aura na parang hihimatyin ka kapag tinitigan ka niya ng masama.
I raised my eyebrow trying to intimidate him.
"No using of cellphone while eating," I warned him. Ha! Anong akala niya, siya masusunod rito?
He glared at me, look like he's ready to rip my head.
Well, hindi na ako masyadong natatakot sakanya. This is our house at may kakampi na ako.
Hindi gaya kanina, dalawa sila tapos ako lang mag-isa. Pero as if naman tutulungan ako ng mga ka-klase ko kung gumagalaw sila. Galit ata silang lahat sa'kin.
Sino ba namang makakatagal sa ugali ko?
I stared at him again trying to read his actions.
I can kill him if I want to, hindi naman mag-aatubiling tignan siya ng mga pulis dahil hindi naman siya tao.
Unless he has relatives here.
I can defend my self naman and tell that I was just doing some self-defense, well he's trespassing too.
What are the ways to kill him? Put him in the stock room for a month?
Or buy some poison that can melt his whole body! It will only mix in the water. But the problem is, the hair and the nails will be left.
But it's okay, it doesn't sound risky.
For sure, walang makakapansin 'non!
Pero maiiwan pa rin naman ang kuko at buhok niya. Ang hirap naman!
"You have a criminal mindset kid."
Nag-init na naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Walanghiya.
Hindi na ako bata hoy! Gusto kong isigaw ko sakanya pero ayoko namang magalit si Lola.
But wait— mindset?
"D-did you just f*****g read my mind?!"
He smirked because of my accusations. Oh God! Kanina pa ako sat-sat ng sat-sat sa isip ko!
Gago nakakahiya!
"Damn aliens!" Tumayo na ako hindi na inubos pa ang kinain.
Nakakairita! Gusto kong sumigaw sa inis pero baka marinig nila ako. I don't want them to hear me like a whining spoiled brat.
I opened my laptop to check my f*******: account, may mga messages na nga.
Samantha: Saan ka ba pumunta? Bigla ka na lang nawala :(
Samantha: Hoy! Mabuti na lang ako ang leader kung hindi, hindi kita isasali!
Girlie: Marunong ka bang mag-edit? Ikaw na lang ang mag-edit ng video.
Samantha pala pangalan no'ng class press namin. Well, sa ilang taon namin mag-kasama sa classroom ngayon ko lang nalaman.
I didn't reply to their messages, but instead I opened the video that they send through my email.
After editing, I send it to Samantha.
I take a half bath, I felt so itchy even though I take a bath. I keep on rubbing my neck because the itchiness won't subside.
I checked my self in the mirror to see what's happening to my neck, there are many small red spots formed.
I removed my clothes to take a bath again, but the itchiness is still there.
"God! What's happening to me?!"
The small red spots that I've seen in my neck earlier became larger and larger. My neck looks like f*****g chorizo!
I didn't feel any insect bit me. And it's not normal to see a swollen neck because of it!
I quickly wore my clothes then ran downstairs, I'm now super nervous. Who wouldn't be?!
The last time I checked, I didn't eat any peanut butter!
"Lola!" I shouted loudly.
She hurriedly came to me while her hands still have some soap. Her eyes shown worries for me.
"A-anong nangyari sa leeg mo?!" She grabs my hand and makes me sit on the sofa. The visitors together with Diane also came down.
"Diane! Tumawag ka ng ambulansya!"
My breathing is now heavy due to the swollen of my neck, I can still feel the itchiness so I scratched my neck.
The small red spots appear on my hand, like what I've seen on my neck before it became swollen.
Diane hurriedly ran to the telephone to call some help, I didn't mind the aliens anymore.
"She has a serious allergy." The alien guy said. I want to get even to him right now for invading my privacy by simply reading my mind but I can't focus on them because of the itchiness that keeps on worsening.
Diane sits on the sofa, while Lola still rubbing my hands with alcohol.
"Sinong kasama mo kumain kanina Terreze?" Tanong ni Diane.
"D-don't h-have" I can't clearly utter a word right now.
Ako lang naman mag-isa ang kumakain kanina sa school, pero tumabi sa'kin si Samantha.
Oo nga, tumabi siya sa'kin pero sandwich lang naman ang kinain ko ah! Mayonnaise ang palaman.
"Cancel the ambulance." The alien guy ruthlessly said.
What the f**k?! Anong cancel?! Nahihirapan na nga akong huminga tapos hindi niya pa ako ipapadala sa hospital?!
"Uminom ka na lang ng cetirizine Terreze, babawiin ko na sa ambulansya ang tulong na hinigi ko."
Oh crap! Seryoso sila?! Hindi nila ako tutulungan dahil sa utos ng kamahalan kuno nila?!
Naiiyak na ako dahil sa inis at mas lalo pang sumusikip ang dib-dib ko.
The alien guy seated next to me so I glared at him. If you are reading what's on my mind right now alien, I f*****g hate you!
You're ruthless!
You use your authority to manipulate my family!
"Kamahalan pasensya na pero kailangan na talaga ng tulong ng apo ko—" hindi na natapos ang sasabihin ni Lola dahil itinaas ng gagong alien ang kamay niya upang ipahiwatig na dapat tumigil na si Lola sa pagsasalita.
Wala akong modo pero mas wala siyang modo! Siya na nga 'tong bisista siya pa tong gago!
If ever I will die, I will ghost you!
"I will heal her."