Chapter 3

3496 Words
"I want all of you to go to a museum and make a travel vlog about your experiences there... I will group you into seven members." All of my classmates jump in excitement, while I, on the other hand, is still thinking about what happened yesterday. I don't want to pressure my self on what I've seen and I wish I didn't saw it. "Terreze, group tayo.Ikaw na lang ang hahawak sa camera at kami naman ang magsasalita. Pero huwag kang mag-aalala, magpa-palitan naman kayo ni Andrew sa pag-hawak ng camera para naman kahit papaano ay makikita ka sa video." I just nodded my head. Wala naman akong planong sumuway pa. I want to do the task on my own but sadly I can't. There are instances that we need to get out on our comfort zone. "Huwag ka sanang magalit sa'kin Terreze ha? Pero pansin ko lang, nag ko-contact lense ka ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong ng isang ka-klase ko, siya ang class president namin. Siya rin ang lumapit sa'kin at nagsabing mag-ka group mates kami. Mabait naman siya sa'kin pero 'yon nga lang ako ang may problema, ayokong makipaghalubilo. "Why would I wear a contact lens?" She smiled at me sweetly. Ano bang problema ng babaeng 'to at sobrang weird naman ata. Sana lang ay hindi siya magiging dag-dag palaisipan ko dahil kung hindi, sisipain ko ang pag-mumukha nito. Wala akong pakealam kung gusto pa siya ng lahat ng ka-klase namin. "Pasensya ka na. Kanina kasi sa flag ceremony habang nag be-beat ako. Parang nag-iba yata ang kulay ng mga mata mo. Mukha siyang kulay violet na ewan." I rolled my eyes. Ang bobo putek. "Due to the sunlight, it reflects on my eyeglass." Malimit kong sagot. Ayoko ng pahabain pa ang discussion naming dalawa dahil nagugutom na ako. Iniwan ko na siya sa loob na nakatunganga. Hindi ako gumagamit ng kahit ano mang contact lense kahit na medyo malabo na ang mga mata ko and about the violet reflection, it usually happens when white light travels to a glass (pyramid glass) to be exact. It produces a rainbow. Nag-order ako ng sandwhich at iced tea. Snacks time pa naman ngayon at ayokong kumain ng marami dahil baka tataba ako. Pangit na nga ako, magiging mataba pa. Full package ko naman ata. Pinalitan ko ang normal eyeglass ko ng anti-radiation at kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag. Tinignan ko ang f*******: account ko, hindi dahil sa messages kundi sa memes. May biglang nag pop na message galing sa messenger ko. Hindi ko kilala kung sino pero may nakasulat na Enchant Galaxy at black lang 'yong photo. Binasa ko ang nakasulat at ang nakalagay naman ay. 'Tired of life on earth? You're very much welcome to be one of us and be part of Enchanted Galaxy. This isn't part of the Milky Way Galaxy anymore where the planet earth lies. This is the other side of the Universe, where another dimensions exist. There are too many galaxies exist that the astronauts didn't yet discover. Milky Way galaxy is just one of them. All you need to do is to find the portal.' Pag-katapos kong mabasa ay nanginig ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa hindi mapigilang tawa. Anong kalokohan 'to? Do other Galaxies exist? Kahit na Milky Way Galaxy nga hindi pa fully discovered, another Galaxy pa kaya. Kaya naman mabilis akong nag-reply. "I am a police officer, I can track your location right now." Naghihintay ako ng ilang minuto pero ang lumabas lang na reply ay 'We appreciate your effort to contact us. Please type your full name, complete address, and contact number.' Sino ba ang mag-papaloko nito? Hindi ko na lang pinansin pa ang message dahil alam kong kalokohan lang naman. Biglang may bag na bumagsak sa harapan ko kaya napalundag ako ng kunti. Punyeta. Nandito na naman siya. "Nagulat ba kita? Pasensya ka na. T-teka, —A-ano yan? Sandwich? 'Yan lang ba ang kakainin mo? Alam mo naman na may program mamaya at dederetsyo na tayo sa museum pagkatapos. I'm sure magugutom ka." Hindi na ako nag-salita pa. Gusto kong sabihin sa class president namin na ang feeling close niya. Pero ayoko namang mapahiya siya dahil ang daming nakatingin sa pwesto namin. I'm sure ako na naman ang pag-iinitan nila. "Alam mo, sobrang ganda mo. Para kang barbie doll. Napaka inosente ng mukha mo. Sana hindi mo na lang tinatago 'yang mukha mo ng bangs para naman hindi ka nila e bully. Ang weird lang kasi ng get up mo rati. No offense ha?" "Ang dami mong sinasabi. Ano ba'ng kailangan mo?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na imungkahi ang nasa isip. "Ay grabe! Kailangan agad? Nakakasakit ka naman ng feelings. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makipag-friend sa'yo?" I smirked. Hindi ako bobo na madaling ma-uto. Alam kong may kailangan siya sa'kin. "The last time I checked, nobody wants to be with me and now you're offering to be my friend? At the end of the school year? What are you exactly up to?" She pouted. Nahuli ko yata siya sa akto. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila sa lugar kung saan medyo walang tao. Hindi naman ako kinabahan kung may gagawin siya sa'kin na masama. I am capable of protecting my self using some of my martial arts knowledge. Hinintay ko kung anong sasabihin niya. Napalingon-lingon pa siya sa paligid kung may tao ba. Pinagpawisan siya na ewan. "Spill out." She exhaled deeply then smiled at me nervously. Kung ito dadag-dag pa sa problema ko sisipain ko na talaga siya. "Nakita kita kahapon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. How come she seen me? I didn't even attend school yesterday. "A-alam kong nagugulahan ka pero nakita talaga kita kahapon Terreze. Walang halong biro, promise." "I didn't attend school yesterday so it's very impossible. Unless you've seen my dopleganger." I said sarcastically. She smiled at me more. Ano bang problema nito? Sinapian ba itong babaeng 'to? Mukhang may sayad ngiti lang ng ngiti. "Hindi ko sinabing nakita kita rito sa school. Absent din ako kahapon." "Can you spill everything you want? Hindi ako manghuhula peste. Ayoko ng pa suspend-suspend kaya sabihin mo na kung hindi sisipain ko yang putanginang pagmumukha mo." "Ito naman pwede bang relax ka muna— oo na. Excited masyado." pinagpagan niya ang saya niya dahil sinipa ko. Hindi ko na minukha dahil baka iiyak lang 'to. "Kahapon ng madaling araw, nakita kita sa labas ng bahay niyo." "What?! H-how come?" "We're neighbors duh!" Inirapan niya pa ako. Well, I don't even go outside often kaya hindi ko kilala ang mga kapit-bahay ko. Hindi rin naman ako interesado sa buhay ng iba. "Magkaharap lang ang bahay namin at ang sa inyo. Gumagawa ako ng mga assignments no'ng gabing 'yon. Sobrang busy ko at hindi ko na napansin na madaling araw na pala. Tahol ng tahol ang aso niyo kaya naman sumilip ako sa bintana at —" hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Diane. Hinawakan niya ang ulo ng ka-klase ko at bigla na lang itong hinimatay. Napatingin ako kay Diane, galit na galit ang mukha niya ngayon at hawak-hawak na niya ang hinimatay kong ka-klase. "What have you done Diane?!" I asked her angrily. I know she's done something to my classmate. She looked at me also angrily. "Ano 'to gagohan? Ikaw pa ang may ganang magalit sakin e ikaw nga 'tong may kasalanan." Tinulungan ko siyang buhatin ang ka-klase ko patungo sa isang vacant room. Medyo maalikabok sa paligid ngunit may mga upuan naman. We slowly sat her on the chair. Diane locked the door also the windows and then turned on the light. She still look upset. Tinignan ko ang classmate ko, naawa ako sakanya dahil nadamay pa siya sa kalokohan ng pinsan ko. Napadako ang tingin ko kay Diane na may kausap sa telepono, galit na galit parin siya habang may kausap. Hinawakan ko ang noo ng ka-klase ko at biglang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Mabilis kong tinangal ang kamay ko sa noo niya dahil para akong napaso. Hinihingal ako bigla at parang nanghihina ang katawan ko kaya napaupo ako sa upuan. Narinig kong may bumagsak na bagay at biglang nasa harapan ko na agad si Diane. "A-nong nangyari sa'yo Terreze? O-okay ka lang ba?" nag-aalalang mukha ni Diane ang nasa harapan ko ngayon. Hinihingal parin ako, parang nawalan ako ng hangin sa baga at hirap na hirap akong huminga. "Terreze kumalma ka, please. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Tignan moko, Terreze tumingin ka sa mga mata ko. A-ano ba! Nag-aalala na ako Terreze, tignan mo ako sabi please." Hinawakan niya ang noo ko at pilit niyang pinaharap ang mukha ko sa mukha niya. Hinihingal parin ako at naiiyak na. Parang may bumabara sa bibig ko na pinipigilan ang paghinga ko. Biglang umilaw ang kamay ni Diane at hinawakan niya ang noo ko, parang may kuryenteng dumaloy sa ulo ko at gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin ako kay Diane at siya na naman ngayon ang parang nanghihina. Namumutla siya at pinagpawisan. Napadako ang tingin ko sa classmate ko, gising na pala siya at hindi ko man lang napansin kung kailan siya nagising. Tinulungan kong tumayo si Diane at mukhang unti-unti na siyang naka recover dahil nanalsik na naman ang mata niya sa galit nang tignan niya ang classmate ko. Pumatay sindi bigla ang ilaw na parang nasa horror movie. "Ano ba'ng problema mo sakanya Diane? Pinuntahan mo pa kami rito sa school. Alam mo ba'ng late na kami para sa program?" Tinignan niya lang ako at inirapan. Aba't walang hiya 'to. Hinawakan niya ang braso ko at inilayo sa ka-klase ko na parang wala pa sa sarili na nakatingin sa kawalan. "Huwag kang pumunta sa kahit saang museum Terreze. Mas lalo ka lamang maguguluhan." "Wow! Thank you Diane ha?! Thank you sa advice. I appreciate it so much. Nakakatulong ka sa'kin. Pwede ba'ng huwag kang makialam sa buhay ko?" "Hindi mo kasi ako naiintindihan Terreze, kung ikaw ang nasa postion ko alam kong maiinti—" "Kung ako ang nasa position mo, hindi na ako mangingialam sa buhay ng iba. You only fuel my desire to find all the answers." "I'm begging you Terreze, please. Don't make these things too hard for me. I'm just doing someone's favor. We're trying to cover everything just to protect you. Time will come, you'll know everything." "When does the right time huh? I'm goin' insane Diane! My brain is going to explode! I.need.fucking.answe­rs!" "Okay fine! I'm gonna let you do what you want! Pero ito ang tandaan mo. Huwag na huwag mo kaming sisisihin kung may mangyari sa'yong masama. I'm warning you Terreze." Bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko na parang bula at nag off ang ilaw. Hindi parin ako sanay sa mga kababalaghang nangyayari sa paligid ko. May humawak na malamig na kamay sa braso ko kaya mabilis ko itong binalibag. "A-aray ano ba!"Ang classmate ko pala. Mukhang natauhan na ang isang 'to. Hawak-hawak ko ngayon ang leeg niya dahil sa gulat ko. Kung hindi siya nag-salita agad ay nabali ko na ang leeg niya. Medyo madilim ang paligid kahit umaga pa dahil naka off ang ilaw at nakasira lahat ng bintana. Tinanggal ko na ang kamay ko sa leeg niya at hinarap siya. "Ano bang gusto mong sabihin sa'kin kanina? Sabihin mo na at nang makapunta na ako sa program." "A-ano nga ulit ang huling sinabi ko?" "Sabi mo sa'kin tahol ng tahol ang mga aso ko, kaya sumilip ka sa bintana—." "Ay oo! Naalala ko na. Pagkatapos kong sumilip ay may nakita akong parang space ship ng isang alien na naka parking sa rooftop niyo. Third floor ang room ko, at dalawang palapag lang ang bahay niyo." "Tapos?" "Nakita kita na lumabas kaya hindi ko mapigilang mag-taka. Naka pajama kapa non at tahol ng tahol parin ang mga aso niyo. Bigla na lang humangin ng sobrang lakas at lahat yata ng dahon sa mga puno ay nalagas at tsaka nakita kong may isang bagay na lumilipad paitaas, ang space ship —Hindi na kita nakita pang muli sa labas." "Iyon lang ba ang nakita mo? Wala ng iba?" Tumango naman siya kaya naman tumalikod na ako. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. "Hindi mo man lang ba ako hihintayin? Kanina lang iniwan mo ako sa class room at ngayon naman— ang hilig mo talagang mag walk out." "Hoy! Bakit nga pala ako napasok sa loob ng vacant room?" Nasa tabi ko lang siya, dada ng dada at hindi ko naman pinapansin. Para siyang si Diane pinaglihi sa pwet ng manok. "Ang ganda naman pala nitong si Terreze. Hindi lang talaga palaayos." "Ang weird niya nga sa bangs niya eh." Pumasok na ako sa Audio Visual Room kahit na late na ako. Tinignan ko ang relo ko, 30 minutes late na pala ako. Pumasok na ako, sobrang gulo ng paligid. Hindi pa siguro nag-start ang program. Naghanap ako ng mauupuan at sa kamalas-malasan ay katabi pa ng class president namin ang vacant. Ano ba'ng meron sa babaeng 'to at parang pinag dikit kami ng tadhana. Kausap na niya ngayon ang mga friends niya na parang walang nangyari kanina. Para namang hindi siya hinimatay, ang bigat-bigat niya pa ah. Napairap uli ako. Hinawakan ko ang kamay ko at tinignan kung may paso ba pero wala. Ano kayang ginawa ni Diane sa'kanya at bigla siyang hinamatay? She didn't even touch her neck. Kung hinawakan niya ang leeg ng classmate ko, maniniwala akong may pinindot lang siyang ugat kaya ito hinimatay. *** "O Terreze eto lang ang pindotin mo kapag mag—" "I know how this thing works. You don't need to remind me minute by minute." "O-okay. Andrew ikaw na ang humawak sa bag ni Terreze para hindi siya mahirapan." Sinubukan kunin ng ka-klase kong lalaki ang bag ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko pinapahawak kani-kanino ang bag ko dahil may mga gamit na importante sa loob. May diary pa akong dala-dala ngayon. "Ayaw niya eh! Arte naman nito, gumanda lang ng kunti." I started filming everything, while we are still on the road. They keep on blabbing. Hindi ba sila napapagod magsalita? "Welcome to museu sugbo! The first thing to do is to write your names on the logbook." May sumalubong sa'min na tagabantay. Sinulat namin ang pangalan namin, pero hindi na ako nag-abala pang isulat ang totoo kong pangalan. Kinakakabahan din kasi ako sa babala ni Diane kanina. ** (flashback) after the program "You didn't show up at my office Ms. Wright." Linapitan ako ng teacher ko, 'yong nagtanong kung sino ang ang galing sa family of doctors. "You already called at our house sir." "Still, I didn't get the answer to my question." "Grandma said, you didn't ask about it but instead you told her that I did something horrible again." He just smiled at me. Anong nakakatawa? Inirapan ko naman siya. "So, where do your parents worked Ms. Wright?" "Canada." "Be specific. Which hospital did they work?" I just shrugged to indicate that I don't know anything. "Your cousin came here, she said you need a special project. Hindi mo raw gustong sumama sa museum vlog niyo." Si Diane? 'Yon ba ang ipinunta niya rito sa school? Paano niya naman nalaman ang tungkol don? E kakasabi pa lang ng guro namin tungkol don kanina ah. "I'll give you—" "You don't need to sir. I'm completely capable of adjusting to stupids." Tumatawa si sir habang umalis sa harapan ko. Do I look like a f*****g clown? *** "Ito ang ginagamit nila para lagyan ng bangkay at ipalulutang nila sa dagat." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng ka-klase ko. Tinignan ko ang card kung saan may nakalagay na mga salita patungkol sa isang kahoy na hugis bangka. Hindi kasi ako naniniwala sa sinabi niya. Baka gawa-gawa lang niya. Tama nga siya, ayon nga rito, ang mga bangkay raw ay inilalagay sa kahoy na parang bangka upang gawing sisidlan at pinapalutang sa karagatan. Sa ganitong paraan daw ay makakarating sila sa kabilang buhay ng ligtas. "Kapag tignan niyo ang horizon, ang dulo ng dagat ay mga ulap. Ayon sa kasabihan kasi, sa langit napupunta ang mga patay. Ang ulap ay langit. Kaya nila ito pinapalutang." "Heck! Ano yon? Portal way to heaven? Nice one." may nagsalita sa tabi ko kaya ni record ko siya. Galit naman siyang tumingin sa'kin kaya inirapan ko lang siya. "Ako naman ang humawak sa camera Terreze." sabi ni Andrew. Wow! Improve ka Terreze, naaalala mo na pangalan ng classmate mo. Kung kailan malapait ka ng grumaduate. "Naniniwala ba kayo sa Aliens?" Napatingin ako sa class president namin. Gosh. Huwag niya sanang sabihin sa kanila ang nakita niya sa bobong namin kung hindi ipapasok ko siya sa kabaong na bangka. "Anong kalokohan yan Miss P.?" natatawa naman lahat sa sinabi niya except sakin. Tumingin siya sa'kin at kumindat kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Try to spill it. I'll f*****g kill you. "Wala lang, nag-tatanong lang. Nakita ko kasi sa—" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil biglang bumagsak ang isang bolo na luma sa harapan niya kaya napasigaw ang lahat sa takot. Nag-uunahan kaming lumabas sa kwarto ng museum na pinasokan namin. Every room, may mga specific things kasi na nakalagay. "Ikaw kasi Ms. P! Nagtatanong ka pa tungkol sa Aliens! Nagalit tuloy ang mga ninuno natin HAHAHAHA." "Sasabihin ko lang naman sana na may nakita ako sa KMJS na featured patungkol sa UFO's." Humupa na 'yong nangyari kanina at lumapit ako sa president namin na ta-tanga-tanga. "You better shut your mouth or else I'll f*****g put you to a wooden boat that looks like a casket." Ngumiti naman siya sakin ng napaka-tamis. Punyeta to. Akala siguro niya hindi ko siya tutuluyan. "Alam ko namang hindi mo 'yon magagawa sa'kin eh hehehe." "You think I'm bluffing?" "We're friends na diba?" Kumunot ang noo ko. Like duh. I don't need a friend and I don't remember accepting her offer. Well, friendships don't need to be asked. It happens naturally without noticing it. "Alam mo Terreze no'ng marinig ko ang sinabi ni Althea na portal way to heaven. Napaisip ako. Hindi kaya ito ang tinutukoy na portal ng Enchant Galaxy?" Lumaki ang mata ko ng marinig ang Enchant Galaxy. Kanina lang ay may na recieve akong message tungkol rito. "Pano mo nalaman ang tungkol sa Enchant Galaxy?" tanong ko sakanya. Whether I like it or not, I am now connected to this person. She always shared the same thought as mine. Mabuti na rin ang ganito kahit papaano ay hindi lang ako ang naguguluhan. "Nakatanggap ka rin ng message sa Enchant Galaxy Terreze?" gulat na tanong niya sa'kin. May pa gulat-gulat pa siyang nalalaman eh siya nga 'tong unang nagbukas ng topic. Tinguan ko lang siya kaya naman na pasigaw siya sakin habang nakayakap. Tumingin naman ang mga kasama ko sa'min kaya nag peace sign ang kasama ko. "Ano ba! Huwag ka ngang yumakap. Napakainit na nga ng panahon dumidikit ka pa." "Eyy excited lang kasi ako. Chi-neck ko ang page ng Enchant Galaxy at sobrang limit lang ng followers. Nakita ko don ang mga pictures tungkol sa ibang dimensions. Sobrang ganda. Nakakalula." "Scammers yon. Nanghihingi pa ng name at address. Naniwala ka naman agad." "Hindi Terreze, sa profile picture pa lang sobrang ganda na. Maaakit ka talaga na hanapin ang portal na sinasabi nila. Parang totoo kasi. Lalo na no'ng nakita ko ang space ship na naka-park sa rooftop niyo. Mas nadagdagan ang desire ko na hanapin ang portal." "It's not true, there's no portal exist. Even our own Milky Way Galaxy features aren't yet fully discover, how much more another galaxy? They only want money from us ." "Hindi mo kasi chi-neck ang profile pic nila. Tignan mo, sobrang ganda." "Anong ganda? Depress nga ata 'yong page na 'yon dahil black ang profile." "Black? Bulag ka ba?—" kinuha niya ang cellphone niya sa bag at pinakita ang sakin ang pic ng page. "O ayan diba? Black lang ang profile.' "Anong black? E eto nga oo. Isang palasyo. Bulag ka ba?' "Huh? E color black lang ang nakikita ko eh." We scrolled down everything, and all I can see is only words. Naka free data ata eh. "Wala ka ba talagang nakikita Terreze? Ang dami na ng pictures na ipinapakita ko sa'yo. O eto, school nila 'to. O eto beach nila. Hindi ka naman siguro color blind diba?" "Niloloko mo lang yata ako. Black lang ang nakikita ko sa mga photos na pinapikita mo.' "Naka drugs ka ba?' tanong ko sakanya kaya tinawag niya ang isa sa mga ka-klase ko. "Fred anong nakita mo?" tanong niya pa rito. " Wow ang ganda naman niyan. Saang lugar 'yan? Gusto kong pumunta riyan." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil wala talaga akong nakita. "Hindi kaya totoo 'yong nakita kong violet ang mga mata mo Terreze?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD