Chapter 2

3434 Words
I gripped the necklace hardly trying to remember where I saw it. This thing was pretty heavy due to the diamond and it was perfectly carved. The shape is heart and the color of the diamond is black. I am sure this is super expensive. I checked the pictures once again, trying to see if my parents wore it pero walang kwentas na nakasuot si Mama pati na'rin si Papa. Kanino kaya ito? When I touched the last photo, it was very thick, unlike the other one. Naka-doble pala ang picture kaya naman ikinagat ko ang flashlight sa aking bibig upang paghiwalayin ang magkadikit na larawan. I've successfully torn them apart but the photo's back is now damaged. Punyeta lagot ako nito. Tinanggal ko ang ibang papel na nakadikit sa likod kaya naman may nakita akong sulat. 'The moment you opened your eyes, we know you're special. You need to be safe and be away from this hypocrite world. We will fuel your desire to stop you from unraveling the truth about the secrets of the world, so they won't find you. You are one of the key of destruction.' Ano raw? Special? Walang hiya. Wala namang kwenta 'tong mga nakasulat. Akala ko pa naman 'Terreze, dahil ikaw ay napakabait at masunurin na bata. Sa'yo na 'yan, ibenta mo at bilhin mo kahit anong gusto mo.' But wait, one of the key of destruction? Whom are they referring to? I turned the photo to see what's in it. I only saw a baby. I'm sure this isn't me because I don't have violet eyes. I scanned the photos again, and it looks weirder now. Our family looks very happy, unlike today. That was very unusual. Sino ba talaga 'tong batang 'to? Baka may anak sa labas si Papa? Bobo lang Terreze? Baka napasali lang sa jewelry box. Ibinalik ko sa loob ang kwentas pati na'rin ang mga litrato. Ta-tanongin ko na lamang si Lola patungkol rito. Ay wag na! Baka hindi siya papayag na ibenta ko ito at kung hindi naman ay manghihingi siya ng parte kapag naibenta. At 'yon ay kung makakalabas ako rito punyeta. Napahikab na lang ako dahil sa antok, mabuti na lamang at walang mga lamok kun'di dengue aabotin ko. Swerte rin pala ang pag-punta ko rito. Naghanap ako ng extrang cartoon para gawing bed sheet. Titiisin ko munang hihiga sa sahig. Ngunit sa kamalas-malasan ay wala talaga akong makita ni-isa, lahat kasi ay may laman. Bakit nga pala ako napunta rito? Ay oo nga! Mga paintings ko noon ay hahanapin ko. Nawala ang antok ko dahil sa excitement. I checked all the boxes to see where are all my paintings. I'm a hundred percent sure that it was placed here. Pero kahit anong pilit kong hanapin sa lahat ng boxes ang mga 'yon ay wala talaga. Since I was a kid, I love to paint. I painted all the things that I remembered in my dreams. My parents said that it wasn't normal. Dreams don't last on our memories, kapag nagising ka raw sa isang panaginip hindi mo na maalala lahat ng detalye nito. Oo may kang kunti, at 'yon ay ang mga bagay na gustong-gusto mong maalala o di kaya'y mga bagay na natatakot ka. They've also said that the approximate dreams will only last 7 minutes. But in my case, I remembered all the details when I woke up. The faces of the people whom I've met and the surroundings that I've seen. Every time I woke up, I'll always draw everything so that I can't forget it. Nawawala kasi siya sa memory ko kapag hindi ko na nakikita ng ilaw araw. Hindi ko naman kasi palaging nakikita ang mga napanaginapan ko dahil pa-ibaiba at kadalasan ay hindi na bumabalik. That's why I always treasure it. Sometimes I can control my dreams, but not too long. I am too weak to have a lucid dream. I've tried so many times to control it, but I always drowned for being overwhelmed and I'll lose. Sinubukan kong akyatin ang itaas na bahagi, nagbabasakali na makita ang mga pininta ko noon ngunit wala talaga. I breathed heavily, is this a sign? Should I pursue my heart's desire or not? "You should stop painting, you are not talented enough. There are many people out there pursued being a painter, pero anong nangyari sa kanila? Walang nangyari. You have no future in that! Paintings are useless. Arts are useless." Papa's words are kept on ringing inside my head. Every word he spilled is like a dagger that deeply pierced my heart. I guess, they've thrown that away or worst, they burned it. Iniisip ko pa lang na itinapon nila, nakakapanghina ng loob, mas lalo na kung sinunog. Pinaghirapan ko pa naman 'yon. Okay lang Terreze, ibenta mo na lang 'tong punyetang kwentas para naman maka-ganti ka sa kanila kahit pa-pano. The door opened and my grand mother's smiley face welcomed me. Anong nakakatawa sa sitwasyon ko? Mabilis akong tumayo sa pag-kaupo habang bit-bit ang jewelry box. "May bisita tayo, magbihis ka dahil ipakikilala kita sakanya." nakangiting bungad ni Lola. "Anong oras na ba Lola? Ina-antok na ako bukas mo na lang ako ipakilala." Napahikab ako sa antok. "Hindi pwede ngayon na! Bilisan mong magbihis at nang maka-uwi ang ating panauhin." Itinulak niya pa ako papuntang kwarto, hindi na ako nag-reklamo dahil wala naman na akong magawa pa. Bakit kaya hindi siya nag-tanong kung anong ginagawa ko sa stock room. Ipinagbabawal pa naman niya ang pagpunta roon. Tapos na akong mag-half bath at isinoot ang aking pantulog. Hindi ako mag-papaganda dahil lamang may bisita, hindi ko na rin isinoot ang aking eyeglasses sapagkat hindi naman ako mag-babasa ng libro. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, ang dami kong tagyawat sa noo ngunit hindi naman kalakihan. Hindi ako maputi, isa akong morena. Hindi katangusan ang ilong ko sakto lang na hindi matawag na pango. "Ang taas na pala ng bangs ko" Kinuha ko ang gunting para sana e trim ng kunti, gusto ko kasing matakpan ang aking noo. Hindi naman malaki ang noo ko, hindi lang talaga ako komportable na walang bangs dahil na rin sa mga maliliit na tagyawat. Biglang may kamay na umagaw sa gunting na hawak ko, si Diane pala. "Ano'ng trip mo at puputulin mo na naman 'yang bangs mo? Nagmumukha kang kambing na may bangs." Inagaw ko sa kanya ang gunting at humarap muli sa salamin. Pakealamerang palaka. "Alam mo Terreze maganda ka naman eh, hindi ka nga lang palaayos. Huwag mo na lang putulin 'yan mag-mumukha kang timang." natatawang sabi niya. "Get out of my room." Pinitik niya naman ang noo ko kaya napahawak ako dahil sa sakit. "Peste! Alam mo bang may mga tigyawat diyan." "Tinitubuan ka na ng tigyawat Terreze? Dalaga ka na nga!" Inalis niya ang bangs na nakatakip sa noo ko at tinignan ang mga maliliit kong tigyawat. Inalis ko ang kamay niya dahil ipagpapatuloy ko pa ang pag-gupit. "Huwag mong kapalin ang pag-putol ng bangs mo Terreze, dapat nipisan mo lang. Magmumukha kang Dora the Explorer na mahaba nga lang ang buhok." I just rolled my eyes. Pakialam ba niya. Buhok ko ' to at gagawin ko kung anong gusto ko. My hair, my say. Gago. Ano 'yon? Dove. "May face wash ako na binili, 'yon ang gamitin mo. Effective 'yon pampawala ng tigyawat. Teka lang— bakit nakadikit pa'rin sa ngipin mo 'yang braces mo? Yucks! Nako Terreze ilang buwan na 'yan dapat noon mo pa 'yan ipinatanggal. Pinadalhan ka naman ng pera nila Auntie, budget para dyan ah!" "Naiwala ko ang pera pam-pa dentist." Nalukot naman ang mukha ni Diane sa sinabi ko. May budget na nakalaan para sa mga pangangailangan ko, kaya nagtitipid ako ng pera dahil hindi ko maibibili ang mga gusto ko. "Alam kong may extra money is, Bawasan mo na lang 'yan don.Hindi naman pwedeng habang buhay na 'yan nakadikit, babaho hininga mo." Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin at ibinuka ang bibig. Hindi pala ako naka-pag floss ng ilang araw dahil tinatamad kaya may dumidikit na cavities sa braces. "Ako na lang ang puputol sa bangs mo Terreze, pangako ibabagay ko sa hugis ng 'yong mukha." "Hindi na... papangit pa." "Hindi ako na... Sige gan'to na lang, kapag hindi mo magustuhan ako ang magbabayad ng brace removal mo. Ano deal?" "Lahat naman ng gagawin mo hindi ko magugustuhan... kaya sa ayaw at gusto mo ikaw ang pababayarin ko sa brace removal ko... Baka nakalimutan mong ikaw ang gumamit sa mga pinadala ni Mama?" "Sige na nga! Nagmamagandang loob na nga 'yong tao." nakabusangot sa sabi niya. "May pasabi-sabi ka pa sa'kin kanina na utang na lang dahil wala kang pera. Nek-nek ng nanay mo." "Ang tabas talaga ng dila mo babae ka! Akin na nga 'yang gunting at nang mapagdiskatihan kita." "Subukan mong gupitin na hindi ko magugustuhan, susunugin ko lahat ng gamit mo." Sinuklay naman niya ang bangs ko habang pangiti-ngiti. Takte kinakabahan ako sa babaeng 'to. "Nakita ko ang ipininta mo kanina... saan mo pala nakita ang mga bagay na 'yon?" "Iyong tinapos ko na ginawa mo kanina? Sa panaginip ko lang nakita 'yon." sagot ko. "Kamangha-mangha ang iyong panaginip Terreze, totoong-too. Naipinta mo ang impye— o siya tapos na... Pwede ka ng tumungin sa salamin." I looked myself in the mirror, I may not have the longest nose but I have long lashes. My eyebrows aren't thick but it's perfectly formed. I have a small face and long black hair. "Oh diba ang ganda mo tignan, napaka inosente ng 'yong mukha, parang hindi makabasag pinggan. Pero nakatago pala sa likod ang demoyo mong ugali." Napairap muli ako. "Sino ba ang bisita?" tanong ko pa kay Diane. Ina-arrange niya naman ang mga libro ko sa tamang lalagyan. Hindi niya parin ako pinansin. "May Obssessive Compulsive Disorder ka ba Elizabeth Diane?!" Nanlalaki ang mata napatingin siya sa'kin. "Anong OC?! Hindi 'no... ang sagwa lang tignan ng mga gamit kapag nakakalat. Hindi ko kasi mapigilan na linisin eh." "Isa 'yan sa mga symptoms gaga! Hindi ka comfortable na makakita ng marumi." "Tara na nga! Ang dami mong alam, may pa symptoms—symptoms ka pa na nalalaman. Alam ko kung ano ang OC, isa akong med-student—"Hindi ko na siya pinatapos at tsaka bumaba na sa hagdanan. "Wala ka talagang kwentang pinsan Terreze!" hiyaw niya. I saw an old woman, not too old sitting on the sofa beside my grandmother. I bet she's the guest wala naman ng ibang tao pa rito. The way she sits, I can say she's rich and powerful. Gestures of human body can be use to describe how they behave uniquely. "Good Evening." I greeted her monotonously. She looked at me with a bright face, unlike the way she looked at my grandmother. It's like they have some misunderstanding, the atmosphere in the room is quite gloomy. "You are Sofy Terreze Lilly Abigail Wright... The only daughter of Amanda and Christopher Wright. It's nice to finally meet you. I am Luzviminda San Diego." she extended her right hand to shake hands with mine. I accepted her hands but I snatched it away quickly. There's electricity flowed in my hand when I held her. She looked at me with confusion. "Did you felt that?" I nodded my head. The two, Lola and Diane watched us with confusion. "I-i h-have to go, my transportation is waitin' for me outside." She quickly grabs her purse. Mukha siyang nag-panic dahil sa nangyari. Anong meron 'don? It's just an electrifying feeling. It happened usually when the person was having a friction or contact with something or just maybe some magnetic energy rises. "What a weirdo." sabi ko pa. Hindi parin gumagalaw sa kanilang pwesto sina Lola at Diane. Sinilip ko sa labas kung may sasakyan pa ba na naghihintay ngunit wala akong nakita. Ambilis naman ata niya maka-alis? I never heard an engine outside. My two dogs are barking loudly right now, they are at the gate. I decided to go outside just to see if someone was still there. Dogs can feel danger, they can hear small things from afar. Nang mahawakan ko na ang pinto para buksan, hinawakan naman ako ni Lola sa braso. Ang mata niya, parang sinasabi na huwag kong buksan ngunit wala namang namutawi sa labi niya. Tinignan ko si Diane, nakatulala pa'rin siya sa upuan. Ano bang problema ng dalawang 'to? "Lola, e-check ko lang naman kung may magnanakaw ba. Tahol ng tahol sina Pol at Le eh. Bitawan mo na braso ko, para ka namang nakakita ka ng multo." Nanginginig na binitawan niya ako. Isinoot ko na ang panlabas na tsinelas ko upang tignan ang nasa labas. The two dogs are still barking while looking above the sky. Napahawak na lang ako sa dalawang bisig ko nang biglang humangin ng malakas at ang mga tuyong dahon ay lumilipad rin na parang ipo-ipo. Napasigaw ako sa takot ng may nakita akong isang bagay na parang space ship na lumilipad sa harap mismo ko. Nadadala pa nito ang mga dahong tuyo at mga alikabok sa daan. Jusko. Nananaginip ba ulit ako? I slapped my face many times trying hard to wake some f*****g sense. Pero hindi. Nakikita ko parin ang bagay na lumilitaw at unting-unting tumataas at lumiliit sa aking paningin. "Terreze tara na sa loob... alas tres na ng umaga, may klase ka pa bukas." Nanlalaking mata napatingin ako kay Diane. Hawak na niya ngayon ang braso ko. Ambilis naman niya napunta sa gawi ko?! Kanina lang ay nakaupo siya sa sofa sa sala. Pero teka, alas tres?! Anak ng puta. Ilang oras na lang kaya ang magiging tulog ko nito. Nang pumasok kami sa loob ay ako naman ang napatulala. Mukhang naka-recover na silang dalawa sa nangyari kanina na hindi ko naman alam. Pero isa lang ang natitiyak ko, may space ship akong nakita. "Apo—"yino-yogyog na pala ako ni Lola. "A-anong nakita mo apo?" tanong ni Lola kaya napatingin ako sakanya. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang nakita ko o kahit man lang naramdaman. Napatingin ako kay Diane, impossibleng wala siyang nakita. Malayo ang pintuan sa gate, sure ako na habang naglalakad siya papunta sa'kin ay may napansin siyang kakaiba. At 'yon ay kung naglalakad siya patungo sa'kin. Napakalayo ng sala sa pintuan at mas lalong malayo ang sala sa gate. Bakit napunta siya sa harapan ko kaagad eh habang nasa pintuan ako naka upo lang siya sa sofa habang nakatulala. I'm not dumb. I know something is'nt right. The baby with violet eyes in the photo was'nt Diane either and the old woman! It's already night time when she visited. Do normal guest visits night time? And Lola's acting weird. How come she didn't scold me when she saw me in the stock room? She always forbid us not to go there. When I went outside from the stock room I was holding the large jewelry box, it's impossible that she had not noticed it. Why didn't she ask about it? And why would someone junks some jewel in a stock room? The door! The door in the stock room instantly slammed shut when I entered! There's no presence of wind so it's very impossible to shut on its own. Many things confuse me right now. When I decided to check outside, she's trying to stop me. I know she's trying to but her mouth was out of a word. The Canada thingy! Why would my parents work there? Are they really Doctors? "Terreze magpahinga ka na. Huwag ka na lang muna pumasok bukas." "Is she an alien?" The question was like a bomb that dropped. No human can run fast without breaking a sweat. No human rides a space f*****g ship. Nagkatinginan naman silang dalawa dahil sa tanong ko. Alam kong isang malaking kabaliwan ang naiisip ko pero hindi na talaga ako mapakali. Sinong matinong tao ba ang bibisita ng gabi? "Terreze this isn't the right time to know everything." Kaya naman ay napakunot ang noo ko sa sinabi ni Diane. "Isn't the right time? Bakit? Ano ba kayo? Aliens din? Nagpapatawa ba kayo?" "Alam naming naiinis ka ngayon apo ngunit hindi ka pa handa. Mahina ang katawan at utak mo, hindi mo kakayanin ang maaring magaganap sa kinabukasan." "So bobo ako Lola gano'on? Ang baba talaga ng tingin niyo sa'kin. Hindi na ako magtataka kung kayo ang nagpatapon ng mga pininta ko noon." "Hindi naman sa walang tiwala si Lola sa'yo Terreze, ngunit mas makakabuti sa'yo na wala kang alam upang hindi ka mapahamak." "Pahamak? Bakit?...Anak ba ako ng isang mafia boss?... Nawawalang prinssessa ba ako? Ako ba ang mate ng isang wolf? May stalker ba akong vampire? Ano?! Sabihin niyo sakin! Naguguluhan na ako!" "Hindi mo naman kailangang guluhin pa ang 'yong isipan apo, may tiwala ako sa'yo ngunit hindi sa iba. Mas mabuti nang wala kang alam. Dadating ang panahon maiintindihan mo rin kami." "Kahit kailan ay hindi ko kayo maiintindihan Lola... Isa lang naman ang tanong ko, alien ba ang babaeng 'yon?... Ngunit ang dami niyong sat-sat. Ang dami niyong sinasabi ngunit hindi naman konektado." "Sinasabi ko sa'yo Terreze... h-hindi pa panahon upang malaman mo ang katotohanan! Hindi ka ba talaga nakakaintindi bata ka?!" "Edi sana kung hindi mo gusto na magtanong ako sa'yo, sana... sana pinigilan mo na akong lumabas! Hindi mo na ako hinayaan pang makita ang bagay na 'yon! Mas lalo niyo lang pinataas ang kuryosidad ko!" "Huwag mong sigaw-sigawan si Lola Terreze! Hinayaan na nga kitang hindi mo ako respetuhin pati ba naman si Lola gaganyanin mo?!" "Sabat ka ng sabat Diane... putak ka ng putak... Parang pwet lang ng manok. Anong kinalalaki ng ulo mo? Natutuwa ka sa sitwasyon ko ngayon 'no?... Natutuwa kang makita na pinapaikot ako..." "Isipin mo na kung anong isipin mo Terreze... ngunit wala kang mahihita sa'kin na kahit ano mang impormasyon." Umalis na si Diane at kami lang dalawa ni Lola ang naiwan sa sala. Masakit isipin ngunit nawawalan talaga ako ng respeto kapag nagagalit ako. I am very impulsive, gagawin ko at sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Tinignan ko sa mata si Lola, umiiyak na pala siya. Sumasakit ang puso ko na para bang may bumabara. Gusto ko siyang lapitan ngunit gulong-gulo pa rin ako. "Apo–" sinubukan niya akong hawakan ngunit lumayo ako. "Ang simpleng tanong Lola... Oo at Hindi lang ang pwedeng sagot...Pero bakit mas ginugulo niyo pa ang isipan ko?" "Hindi ko sinasadyang mangyari to apo, gusto kitang pigilan kanina ngunit hindi ako makapagsalita. Natatakot ako na baka kamuhian mo ako." "Sana hindi mo na lang ako ipinakilala pa sa panauhin mo Lola... Binanatan na kita kanina... sabi ko pa lola pwedeng bukas na lang? Inaantok na ako... Edi sana walang gan'tong pangyayari." "Nakatakdang mangyari ang mga panghayaring 'to apo...Kahit anong hadlang ko sa tadhana, gagawa at gagawa parin ito ng paraan." "Ayan ka na naman Lola! Mas dinaragdagan mo pa ang kuryosidad ko! Pwede bang huwag ka na lang magsalita ng mga bagay na mas lalong nagpapagulo sa isip ko? Hindi mo naman pala kayang sagutin ang katanungan ko." "Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako apo?" "Sagutin mo lang ang tanong ko Lola. Oo lang at Hindi. Pero kung hindi mo rin naman sasagutin, gagawa na lang ako ng paraan para masagot ang mga katanongan ko." "Hindi kita pwedeng hayaan na mag-imbestiga Terreze... magagalit sa'kin ang mga magulang mo." "Edi hayaan niyo silang magalit... Total naman ay ipinatapon nila ang mga ipininta ko." Umupo si Lola sa sofa na katapat ng inupuan ng panauhin kanina at umupo na rin ako. Humupa na ng kaunti ang aking galit. "Oo Terreze, Alien si Luzviminda. Ano na sagot ko na ang katanungan mo diba? Pwede ka ng magpahinga." "Paano? Teka– saan siya nakatira? Alien ka rin po ba? A-ako? Alien po rin ba ako?" "Ito ang ayaw ko Terreze, kapag sinagot ko ang isang tanong mo,.. may idaragdag ka pa...Mas mabuti na hindi ko na lang sagutin ang mga 'yan. Darating din naman ang takdang panahon, malalaman mo rin lahat–lahat ng gusto mong malaman. Hindi lang sa ngayon." "Dahil ba bobo ako Lola?" "Sino ba'ng nagsabi sa'yo na bobo ka? Ang tali-talino mo bata ka. Ang ibig kong sabihin kanina, hindi mo kakayanin ang lahat ng malalaman mo ngayon. You're mentally drained right now." "Last na tanong Lola, hindi na'to patungkol sa Aliens." "Oo sya sige... ano 'yon?" "May nakita akong kwentas na hugis puso kanina sa stock room. Nakalagay 'yon sa isang jewelry box. Hindi siya simpleng kwentas Lola, isa siyang dyamante. Kanino 'yon?" "Matulog ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD