"HANSEN!"
Napa-tsk si Hansen nang bigla siyang kinalabit ng kaibigang si Ullyses. Pinause niya ang nilalarong video game at inalis ang headset.
"Ano?"
"Someone's calling you." Sagot nito at iniabot sa kanya ang cellphone. "Chinese kaya 'di ko mabasa.
''Pà''
Nakita niyang ang tatay niya ito kaya agad niya itong sinagot.
"Pà" sagot niya rito at tumayo. Binati niya ito sa wikang Mandarin.
Mahaba ang naging pahayag ng kanyang ama mula sa kabilang linya dahilan upang mapasimangot siya. Pinaaalalahanan siya nito na dapat siyang laging nakikipag-ugnayan kay Park Songyi o Bernadette, ang babaeng ipinagkasundo nito sa kanya. Sinabi pa nitong bilang boyfriend nito ay dapat lagi siyang nakikipag-ugnayan rito. Nalaman din daw nito na bihira na niyang kausapin si Bernadette.
Sinabi niya rito na nakakapag-usap naman sila ng dalaga sa computer kapag nakakauwi na siya sa dormitoryo.
May biglang idinagdag ng matanda at napakunot noo siya. Mas mabuti raw sa tingin nito na makasama niya sa personal si Bernadette. Makakatulong daw ito upang maging maayos ang pagsasama nila.
Napatingin siya sa mga kaibigan nang dagdagan pa ng ama ang sinasabi nito. Suhestyon nitong mag-aral din siya ng kolehiyo sa Canada. Naroon kasi si Bernadette. Binigyan naman siya ng nagtatanong na mukha ng mga kaibigan.
""Pà?" pareklamong sagot niya. Kinuwestyon niya ang ama kung bakit pa sya magsasayang ng pera para makasama si Bernadette samantalang pwede naman siyang makapag-aral sa kasalukuyang kinaroroonan niya.
Tatanungin daw nito kung handang lumipat ng dalaga sa kinaroroonan niya.
“But, Papa—” Hindi siya pumayag pero wala nang sagot mula sa kabilang linya. Binabaan na siya ng Papa niya.
Napabuntong hininga siyang naupo sa harapan ng computer niya.
"What did Uncle Lu say?" tanong sa kanya ni Ullyses, ang kapatid ni Bernadette. Kapareho niya ito ng paaralan. Pinalipat kasi ito ng mga magulang nito sa paaralan niya upang mabantayan siya. Ganoon kahigpit ang mga magulang ng babaeng ipinagkasundo sa kanya.
"Gusto nya akong lumipat sa Canada," matamlay niyang sagot dito.
"What?! They're too much..." Bulong ni Ullyses. Alam nitong hindi niya gusto ang ideyang ipagkasundo sa isang babae
"Or they'll make Bern transfer here," dagdag ni Hansen habang ini-ekis ang nilalaro.
"So what is your plan, Hansen?" Tanong ni Lei na nakaupo sa kama niya.
Napatingin siya sa mga kaibigan.
"I'll talk to Bern. I must know her decision about this," sagot niya at nagbukas ng f*******: para i-chat ito.
Hansen Lu:
Bern, Pa called me.
He asked me if I can
transfer there.
Sinend niya rito ang mensahe kahit nga hindi ito naka-online.
"Until when are you two going to let our parents dictate?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Ullyses. Alam naman kasi nitong ayaw niya at ni Bernadette sa isa't isa.
"I don't know," sagot niya sa kaibigan at napabuntong-hininga na lang. "Tatanungin ko pa ang ate mo kung ano ang plano n'ya."
"I hope you two will be braver to tell your parents the truth. I feel bad for both of you." Inakbayan siya ni Kaizer at ngumiti naman siya rito.
Napatitig siya sa screen at umaasang sasagot si Bernadette. Lagi kasi itong may solusyon kapag nagkakaproblema sila lalong lalo na kung tungkol sa mga magulang nila.
Ipinagkasundo ito sa kanya noong bata pa sila at umabot nga sa puntong pinalipat pa ng mga magulang nila si Bernadette sa Beijing para lang maging malapit sila sa isa't isa.
Sa una ay parang nagugustuhan na niya si Bernadette pero ito naman ang ayaw sa kanya. Kinalaunan ay naisip rin niyang baka nagandahan lang siya rito at hindi naman niya talaga ito gusto. Lumipat siya sa Luis University International sa Pilipinas upang makalimutan ito samantalang bumalik naman ito sa Korea.
Ngunit desidido parin ang mga magulang nila na magkatuluyan sila kaya't halos madalas na pinupuntahan siya ni Bernadette sa LUI. Minsan nga naman ay tumatagal ito nang ilang linggo sa Pilipinas. Akala tuloy ng karamihan ay totoong girlfriend na niya ito.
Gayunpaman ay nagkunwari parin silang nagkakamabutihan kapag nasa harapan ng mga magulang nila. Minsan nga ay si Bernadette na rin mismo ang kumukusang pumunta sa Pilipinas. Lingid sa kanila na dahilan lang nito ang pakikipagmabutihan sa kanya dahil may iba itong mas nais makita at nasa Pilipinas din iyon noong lagi pa itong pumupunta sa Pilipinas.
"YES!"
Agad na napangiti ang dalagang si Bernadette nang sagutin siya ng kaibigang si Kris. Mahigpit niya itong niyakap habang magkatabi sila sa sofa.
"You seem so excited to be back to Philippines," mahinang napatawa naman ang binata. "What's the deal?"
Ngumiti siya rito at humawak sa braso nito. "There's no deal. I'm just happy that we will still be together."
Ngumiti naman ito sa kanya at marahang tinapik ang ulo niya. "I wonder why you suddenly wanted to be with Hansen. Don't tell me you already have feelings for him. Hmm?"
Umiling siya at tumingin rito. "Dad wants us to stay near each other. So I have to transfer to LUI."
Napanguso si Kris at ginulo ang buhok niya. "I thought you already feel something for him. You know he liked you before, right? Why not give him a chance?"
"You already know that I like someone else. He is just a brother for me. And I believe that what he felt for me before was not that serious. So it's fine if I don't give him a chance," mahabang paliwanag niya at ngumiti rito.
"I really want to know whom you really like..." Bulong ni Kris at hinawakan ang kamay niya. "Is he by any chance in Philippines?"
Napangiti siya rito. "It's my secret."
Namangalumbaba si Kris at nakipagtitigan sa kanya. "And a friend of Hansen?"
Namula siya dahil sa sinabi nito at napahalakhak ito. "I knew it. He's just around the corner. I will know who he is soon." Pumalakpak pa ito at tumawa. "I'm excited. I hope one year and a half will be just a flash so I'll already know who that mystery guy is."
Hindi sumagot si Bernadette at tiningnan na lang niya si Kris.
"If only our course is already available in LUI, we'll transfer immediately so I can know who that guy is... And maybe I can help you with him!" Nakangiting pahayag ni Kris at niyugyog ang braso niya.
Tumango lang siya rito at ngumiti.
"And I'll also see my crush everyday again!"
Nawala ang ngiti niya sa sinabing iyon ni Kris.
"Crush?" Hindi makapaniwala niyang sabi. "You have your crush? In Philippines?"
Ngumiti ito nang alangan sa kanya.
"Err... You're not asking me and you're not telling me about yours so I'm not telling you about it."
Iniripan niya si Kris at napabuntonghininga.
"Ok. I'll tell you about him but you have to tell me about him, too," biglang sabi ni Kris at kumapit sa braso niya.
"NO!" mabilis niyang sagot at umalis sa kapit nito.
"Why? Who knows I can help you with him?" Nakangiti pang hirit ni Kris at ngumiti sa kanya.
"No!" Tutol niya. "I don't want to do the first move. I'll rather grown old single that be the one to ask a guy out. Never mind."
"Hmmp." Umismid si Kris at nameywang. "I'll still find out who he is anyway. And I'll help you in any way I can."
Napabagsak ang balikat niya sa sinabing iyon ni Kris.
"Ok. Enough of the drama. I have to cook our lunch already. Help me." Sabi ni Kris at naglakad na ito papuntang kusina.
Napailing si Bernadette habang pinapanood itong maglakad palayo.
Matatanggap kaya nito kapag nalaman nitong ito ang crush niya? Na hindi naman talaga siya masayang makabalik ng Pilipinas? Na masaya lang siya dahil ito ay makakasama niya parin kahit nasa Pilipinas na siya.