"MARHURI!!!"
Napasimangot si Marjorie at tumingin sa kaibigang si Luara na mabilis na pumasok sa kwarto niya at agad siyang niyakap.
"I missed you!!!" Nakangiti nitong sabi. "A day without you feels like years. Hehe." Naupo na ito sa kama niya at dinama ang noo niya.
Napailing na lang siya sa inakto ng kaibigan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Marj?" Naupo naman sa tabi nito si Belle, isa pa nilang kaibigan.
"Ok na ako. Kaso sabi ni Papa huwag daw muna akong pumasok bukas."
"Wait! Nandito si Tito?" Napangiti si Luara at luminga linga sa paligid. Ka-close kasi nito ang Tatay niya at parang tatay na rin ang turing nito rito dahil nga simula pagkabata ay kaibigan na niya ito. Magbestfriend sila ni Luara.
"Wala, Lou! Nakausap ko lang sya sa messenger kanina."
"Ah..." Napatango naman si Luara. "Nagmeryenda ka na ba? Para kasing hindi pa eh..." tanong pa nito at niyugyog ang kamay niya.
"Magmemeryenda na sana ako tapos dumating kayo kaya hindi pa ako nagmeryenda."
"Dapat kanina ka pa nagmeryenda, Marj," sabi naman ni Belle sa kanya. "Magsi-six na..."
Napa-tsk si Luara. "Dapat kasi inaasikaso ka ng kapatid mo. Nasan ba yung gorillang yun?"
Napangiti na lang si Marjorie. Ang tinutukoy ni Luara ay ang kaisa-isa niyang kapatid na si Niel. Mas bata ito sa kanila nang dalawang taon. Madalas itong pag-initan ni Luara dahil sa kapasawayan nito sa kanya.
"Hayaan mo na yun. Baka may practice na naman sila sa basketball."
"Mas inuuna nya pa yun kesa sa kapatid nyang may sakit? Pwede naman syang magpractice sa ibang araw. Malilintikan talaga yun sakin mamaya..."
"Hayaan mo na muna sya, Lou," saway dito ni Belle. "Nandito naman tayo para kay Marj, diba?"
Ngumiti si Marjorie sa kanya. Kahit bagong kaibigan pa lang niya si Belle ay sobrang buti nito sa kanya. Bagong lipat kasi siya ng paaralan na pinag-aaralan ni Luara. Nag-aaral na siya sa Luis University International o mas kilala sa tawag na LUI. Mahigit isang taon pa lamang siyang nag-aaral rito. Si Belle ang naging kaibigan ni Luara noong baguhan ito sa paaralan nila at ngayon ay kaibigan na rin niya ito. Lumipat kasi ito sa LUI pagkatapos ng elementarya. Apat na taon bago sila muling nagsama sa iisang paaralan ni Luara.
"Bakit kasi sya pa naging team captain ng Phoenix. Kung member lang sana sya eh di sana pwede sya magpa-excuse. Nababantayan nya sana si Marhuri. Hindi naman nga sya magaling. Mas magaling pa sa kanya si Shin eh."
"Crush mo lang si Shin pero mas magaling si Niel," pagtatanggol naman ni Marjorie sa kapatid.
"Hmmp! Hayaan na nga natin yang kapatid mong gorilla. Wala naman tayong mapapala dyan," sabi ni Luara.
"Sino bang nag-topic?" Si Belle. "Kung di mo talaga sinabing crush mo si Shin iisipin ko si Niel ang crush mo."
"Lahat naman crush nyang si Lou. Si Niel lang ang hindi," patawang saad ni Marjorie.
"Marunong lang akong mag-appreciate. Saka anong masama sa crush? Hindi ko naman sila pinapangarap maging jowa. Eye candy lang!" Nakabusangot namang pinagtanggol ni Luara ang sarili. "Saka isa lang naman ultimate crush ko. Si Shinnie."
"Parang noong nakaraan si Oh pa yung ultimate crush mo..." Bulong ni Marjorie. "Mapapalitan din yang Shinwon na yan."
"Hindi eh. Feeling ko talaga sya na magiging the one ko."
"Sinabi mo ba rin yan dati sa mga dati mong ultimate crush. Wala namang nagtatagal na crush sayo."
"Pero iba kasi si Shinnie. Feeling ko nga crush nya rin ako."
"Feeling mo..." Walang interes na sagot sa kanya ni Belle.
"Tulungan mo na lang akong magluto ng hapunan natin nina Marj, ok?" Nakangiting sabi ni Luara kay Belle. "Palibhasa wala pa kayong mga crush. Mga tomboy siguro kayo..."
Napatawa na lang si Marjorie sa sinabi nito. Wala daw. Mayroon siyang crush pero nasa malayo na ito. Si Kris.
"Hindi ako tomboy ha!" Pasigaw namang tanggi ni Belle kaya nagulat sina Luara at Marjorie.
"So sino ang crush mo?"
Naisip agad ni Belle ang isa sa mga pinakamatatalinong estudyante sa school nila ngunit hindi niya ito sinabi.
"Hindi naman porke't walang crush tomboy na agad..." pabulong na sabi ni Belle.
"Tara na nga!" Hinawakan ni Luara si Belle at tumayo sila. May nilabas siya sa bag at binigay ito kay Marjorie. "Eto munang cookies at choco drink ang meryendahan mo. Wait ka lang dyan Marj, ha!" Sabi ni Luara at hinila na si Belle papuntang kusina.
Napailing na lang si Marjorie. Naalala tuloy niya si Kris, ang crush niya. Graduate na ito sa high school at sa Canada na ito nag-aaral. Kahit malayo ito ay ito parin ang crush niya. Wala naman siyang ibang makitang mas nakakaangat rito...