Chapter 2-HUDAS

1536 Words
MADDISON POV. One week later... "Maddy ano ba? Kung gan'yan lang din ang gagawin mo dito sa bar... Pwede ba, umalis ka na lang rito!" Sigaw ni Ma'am Susan. Siya ang Manager dito sa bar na pinagtatrabahuan ko ngayon. Kakaumpisa ko lang dito nung isang gabi. Matagal na kong umalis sa dating bar na pinapasukan ko dahil iyon ang gusto ni James. Isa pa, ayaw kong malaman ni Don Joaquin at baka ipamukha pa niya sa akin na isa akong gold digger na hinuhuthutan ang kan'yang anak. Pero ni minsan ay hindi ako tumatanggap mg anumang bagay na galing kay James. Kilala pa naman ako ng ibang costumer doon at ang iba ay mga kaibigan ni James. Ayaw ko rin na dinadamay niya ang aking pamilya kaya heto, narito ako ngayon sa Nakar Quezon. Dito ako dinala ng mga paa ko nang may humabol sa akin na limang lalaki. Hindi ko alam nung araw ng kasal namin ay may mga lalaki na pala ang nakaabang sa akin. Pinaamoy nila sa akin ang panyong may pampatulog. Pagkagising ko ay nasa ibang lugar na ko. Ang akala ko ay ligtas na ko ngunit hindi pala. Balak nila akong gahasahin at patayin nang marinig ko ang pag-uusap ng mga lalaking nakasuot ng bonete. Binalot ako ng matinding takot dahil ayaw kong magahasa gaya ng panggagahasa sa aking ina. Bunga lang ako sa panghahalay ng aking ama at iyon ang aking tunay na ama na kinamumuhian ko. Dating nagtatrabaho si mama sa bar pero hindi siya nagbebenta ng puri. Isa siyang waitres gaya ko. Inakala ng lahat na ganoon kababa ang mga uri namin ng aking ina dahil iyon lang naman ang uri ng trabaho ang siyang bumubuhay sa pamilya ni mama nung siya'y dalaga. Isang hudas ang nagkagusto kay mama sa bar na inakalang isang bayaran si mama. Hindi niya gusto ang lalaking iyon dahil may bf si mama noon at siya ang asawa ni mama ngayon na nakulong dahil sa paghihiganti niya sa taong nanghalay kay mama. Ang akala ni papa ay napatay niya ang lalaking gumahasa kay mama ngunit hindi pala. Nakaligtas ang lalaking humalay kay mama at doon nag-umpisa ang lahat kung bakit nakulong ang asawa ni mama. Gusto lamang ni papa na makamit niya ang hustisya sa panghahalay na ginawa ng lalaking hudas kay mama pero hindi pa rin nagtagumpay si papa. Kalaban niya ang batas at ang makapangyarihang taong hindi namin kilala kaya naclose agad ang kaso. Pero bago nakulong si papa, buntis na si mama noong ako ay mag-dadalawang taong gulang. Hindi ako pumayag na mangyari din sa akin ang nangyari kay mama. Gumawa ako ng paraan para makatakas sa lugar na iyon. Binalot na ko ng matinding takot nang maramdaman kong papalapit na ang mga yabag ng mga paa. Sila ay patungo na rito sa kinaroroonan ko. Kahit nasa ikalawang palapag ako, nagawa kong tumalon mula sa nakakatakot na madilim na lugar. Nakatakas ako sa kanila at iyon ang pinakatatakot na nangyari sa aking buhay. Ang tumakbo sa pinaka-madilim na parte at hindi ko alam kung saan ako tutungo nang gabing iyon. Nagdasal ako ng taimtim habang tumatakbo. INisip ko na lang ang Panginoon ko na alam kong siya lang ang makakaligtas sa sinusuong kong kapahamakan. Pero sadya talagang mabait sa akin ang Panginoon dahil may tumulong sa akin na dalawang matanda at doon ako sa kanila tumutuloy ngayon. Napaigtad ako nang hampasin niya ang mesa. Nataranta agad ako sa kilos ko. "Po... Opo, magtatrabaho na po ako," natataranta ako habang nagsasalita. Kanina pa pala itong hawak kong tray na may lamang mga beer at ihahatid ko sana ito sa VIP room. Ngunit hindi ko na nagawang ibigay ito dahil naalala ko ang nangyari sa akin nito lang nakalipas na linggo. May pumatak ng mga luha sa mga mata ko nang maalala ko si James. Laging nadudurog ang puso ko sa tuwing naaalala ko siya. Iniwan ko na siyang walang malay noon at sana ay nasa maayos siyang kalagayan ngayon. Hindi maatim ng puso ko ang ginawa ng kan'yang ama sa anak niya. Napakalupit ng kan'yang ama. Patungo ako sa VIP room. Pagkapasok ko ay bigla na naman akong nakaramdam ng takot. Pero kailangan ko itong labanan dahil ito na lang ang bumubuhay sa pamilya ko. Kailangan ko pang mapadalhan ng pera ang kapatid ko dahil siya na lang ang nag-aaral sa aming dalawa. Habang papalapit ako sa table nila, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may mga babae pa silang mga katabi ay hindi ko pa rin maiwasan itong takot na nararamdaman ko ngayon. "Hoy Miss, ang alak namin?" Sabi ng isa na hindi ko masyadong maaninag ang kan'yang mukha. Isang disco light kasi ang narito sa loob at nakakahilo pang tignan. "Sir ito na ho... P-pasensiya ho kung n-natagalan," nanginginig na sambit ko habang maingat na inilalapag ang mga bote sa center table nila. "Pasmado ba ang boses mo kaya nanginginig o sadyang pagod na 'yang bunganga mo sa kakasubo ng etits." Nagsitawanan ang mga babaeng narito ganun din ang mga lalaking kasama nito. Muli na namang nanumbalik ang sakit na nadarama ko dahil sa isang estranherong may makapal ang mukha. Isa rin siyang hudas na nagpagalit sa buong sistema ko dahil sa hindi kanais-nais niyang mga sinalita. "Sir pasensiya na po talaga. Tawagin niyo na lang po ako doon sa gilid kung may kailangan pa kayo," kalmado kong sabi kahit ang pakiramdam ko ngayon ay naiinis na. "Did I tell you to leave?" Nahinto ako sa paghakbang nang magsalita siyang muli. Kahit nag-salita siya ng english ay naintindihan ko naman ito. Hinarap ko siya kahit hindi ko makita ang mukha nito. "No sir," pa-english kong sagot. "How much do you want for one night?" Sabay kuha niya ng bote saka niya ito diretsong tinungga. Naikuyom ko ang dalawang kamao ko. Bakit lahat na lang sila ay ganun ang tingin nila sa akin? "Sir, hindi po ako nagbebenta ng puri. Ibigay niyo na lamang po sa kanila," turo ko sa mga babaeng haliparot dahil sila naman ang nagbebenta ng puri. "Don't push them on me. I am not interested. I want you. Name your price." Umusok ang ilong ko at talagang ginagalit niya ko. Nakakabuwisit talaga itong hudas na ito. Kung papatulan ko naman siya, ako naman ang mawawalan ng trabaho. "Ahh.. Sir, ang totoo po niyan. Isa ako sa pinandidirihan ng mga lalaki. Marami po kasi akong layad sa pwet. Kaya sinasabi ko na sayo, masisira ang buhay mo" Natawa ang mga lalaking kaibigan niya. "Stop! Damn it!" Mura nito sa mga kaibigan niya nang bahagya itong tumayo. Nainis ang lalaking stranghero sa akin dahil sa pinagsasasabi ko. Kahit hindi namin gaanong maaninag ang mga mukha namin. Sa tingin ko naman ay guwapo ang lalaking ito at matangkad. Pero kahit guwapo siya, bawas pogi points siya sa akin. Ang manyak niya. Akalain mo ba namang sabihan ako na pasmado ang bibig ko dahil daw sa kakasubo ko ng etits? Ni hindi ko nga alam ang lasa niyon kung ano eh. Grabe siya, kahit isa lang akong waitress dito ay ni minsan, hindi ko pa nararanasan yung sinasabi niya. Natakot ako nang magmura ang lalaki. Alam kong nakatitig siya sa akin. Nang biglang may sumulpot na babae at nilapitan niya ang lalaking hudas. "Hi babe," sabi nang babaeng bagong dating saka niya hinalikan ang pisngi ni hudas. "How many times do I have to tell you Samantha that I'm not interested in you? Is that hard to understand? Huh! Get out of my sight and I don't want to see you anymore. You are paid for one night. And if it happens again, you're in for a treat. I'm warning you Samantha, I don't want you making a scandal just because of your shallowness!" mabalasik niyang sabi. "Okay fine! Gusto ko lang naman itanong kung may next pa. Sige, pasensiya na ulit. Hindi na ko babalik dito. Salamat sa isang gabi at sulit na sulit talaga ang binayad mo." Tila hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Marami na pala siyang naging mga babae. Wow, matakaw pala siya sa p***y. Napailing na lang ako rito dahil sa lalaking hudas na ito. Alam kong nakainom na ito at kailangan kong ingatan ang sarili ko sa hudas na ito. Natatakot ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay mama. Need ko na sigurong mag-apply ng ibang trabaho. Yung hindi na ganito. Bukas, magreresign na ko rito at tatanggapin ko na lang ang alok sa akin ni Mang Tasyo na kaibigan ng matandang tumulong sa akin. Malaki naman ang sasahurin ko roon kahit tagapakain lang ng kabayo. Mas maayos pa na kasama ang mga kabayo kaysa rito na puro kamanyakan ang nasa isip ng lalaking ito. Parang excited na ko makapunta sa malawak na rancho ng Sitio Masla. "Isang milyon sa isang gabi. Deal or no deal?" Napaawang ang ibabang labi ko sa halaga ng inaalok sa akin ng lalaking ito." Mas lalo akong nagalit dahil pinipilit niya kong maka-one night niya. "Kahit gaano pa kahirap ang buhay ko, hindi ko tatanggapin ang alok mo. Mahal ko ang asawa ko at siya lamang ang tangi kong pag-aalayan ng aking sarili," sumbat ko na alam kong nainis siya sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD