MADDISON POV.
"Damn it!" Napahawak ako sa kaliwa kong dibdib nang marinig kong may nagmura sa loob. Parang may pinapagalitan siya.
"Maddy, bakit ka huminto? Halika at ipapakilala na kita kay Sir," sabi ni Mang Tasyo kaya naman humakbang na din ako. Ngayon na daw ako mag-uumpisang magtrabaho dito sa rancho. "Huwag kang matakot. Ganun lang talaga si sir, pero mabait 'yon."
"Ganun po ba ang mabait Mang Tasyo. Sumisigaw po siya eh." Natawa siya.
Natigil ang pagtawa niya nang may makasalubong kaming isang matandang babae. Sinamaan niya ng tingin si Mang Tasyo.
"Ikaw, alam mong ayaw ni sir ang maingay. Tawa ka pa ng tawa. Pwede ba Tasyo, umayos ka kung ayaw mong mapagalitan din ni Sir." Bahagya naman itong tumingin sa akin. "At ikaw? Sino ka at bakit ka narito?"
Nagkatinginan kami ni Mang Tasyo sabay buga ng hangin sa bibig niya.
"Ester, siya si Maddy. Siya ang papalit kay Joanna."
"Ikaw ba ang tinatanong ko Tasyo?" Muli na naman itong tumingin sa akin. "Pwede ka ng mag-umpisa ngayon. Ako na ang magsasabi kay Sir na may bagong palit na si Joanna. Ayaw kasi niya na magpaistorbo ngayon. Mainit ang ulo ni Sir ngayon. Kung ayaw mong ikaw din ang masigawan niya," paliwanag nito.
"Salamat po sa pagtanggap sa akin dito. Hayaan niyo po at hindi ako magpapakita sa Sir niyo. Ayaw ko hong masigawan."
"Sir nating lahat at hindi lang kami. Lahat ng trabahador niya rito ay Sir ang tawag sa kan'ya. Siya nga pala, may maliit na kuwarto doon medyo malayo lang sa kuwadra. Doon ang magiging bahay tulugan mo. May sariling kusina at banyo doon basta kompleto na. Huwag kang mag-alala sa mga personal things mo dahil kompleto na din ang gamit doon. About sa pagkain, pwede ka namang magluto ng sarili mong pagkain kung gusto mo. Lahat naman ng expenses mo ay manggagaling kay Sir kaya wala ka ng dapat na alalahanin pa basta, huwag mong pababayaan ang paborito niyang kabayo." Mahabang turan nito.
"Salamat po." Nanginginang ang mga mata ko sa tuwa dahil may trabaho na ko agad. Pwede naman siguro na magpa-cash advance dahil need ko pang magpadala ng pera sa pamilya ko.
"Ahmm... Pwede po bang magpa-cash advance ng sahod. Need ko lang po kasi magpadala ng pera sa pamilya ko."
"Okay, no problem. Ipapaabot ko na lang sayo mamaya ang unang sweldo mo. Ganun kagalante si Sir."
"Wow, maraming salamat po sa inyo." Natutuwang sabi ko.
"Pasalamatan mo na lang si Sir hindi ako. Tasyo, ihatid mo na siya sa kan'yang bagong tirahan. Bumalik ka na lang mamaya rito at ikaw na ang mag-abot sa kan'ya ng sobre," utos niya kay Mang Tasyo.
"Salamat Ester... Oh halika na para maturuan na kita kung ano ang mga gagawin mo."
"Sige po Mang Tasyo." Hanggang ngayon ay hindi maialis sa mukha ko ang tuwa dahil may disenteng trabaho na ko ngayon.
Patungo na kami sa kuwarto kung saan ako doon manunuluyan. Medyo malayo pala ito ng konti mula sa mansyon na pinasukan namin kanina.
Nang marating ko ang sinasabing kuwarto..Hindi naman ito kuwarto kundi isang apartment siya at ang ganda ganda pa.
"Mang Tasyo ganda naman. nito," namamanghang sabi ko.
"Mas maganda pa sa loob. Halika, pumasok ka." Pumasok naman ako at namangha na naman dahil sobrang linis nito at ang bango bango pa. "Libutin mo para makita mo ang kabuuan. Itsek mo kung kompleto ang gamit na sinasabi ni Ester sayo kanina, at kung hindi totoo yung sinabi niya. Sasabunin ko ang pagmumukha niya." Natawa ako sa sinabi niya.
Nilibot ko naman ang buong silid. Silid lang siya pero may kusina at banyo talaga siya rito sa isang silid at isa pa maluwang din.
"Mang Tasyo, gusto kong makita ang kabayong aalagaan ko," sabi ko rito nang matapos kong libutin mula loob hanggang labas.
"SIGE, halika na para makita mo na rin." Sagot nito.
Patungo na kami sa kuwadra. Dalawang kabayo ang narito. Isang puti at isang black.
"Hindi po ba naninipa 'yan?" Nakakatakot kasi kung maninipa eh.
"Hindi naninipa itong kabayo ni Sir. Mabait itong kabayo niya. Halika na at pwede na itong paliguan."
Kinuha ni Mang Tasyo ang tali saka kami lumabas ng kuwadra. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Mang Tasyo, saan po tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa ilog, may malinis na ilog dito na nagmumula sa falls. Malapit lang naman ito kaya huwag kang mag-alala dahil hindi naman nakakatakot ang lugar na iyon. Oh heto, subukan mong hawakan itong tali ng kabayo. Para sa susunod ay ikaw na ang ang maghahawak."
Inabot naman niya sa akin ang tali habang naglalakad kaming dalawa. Medyo natakot ako sa una at baka tumakbo ang kabayo. Mahirap nang makaladkad ng wala sa oras gaya ni Don Joaquin na mahilig mangaladkad.
Naenjoy ko naman ang paghahawak ng tali pero mas masarap siguro itong sakyan. Bakit naman hindi sinakyan ito ni Mang Tasyo?
"Mang Tasyo, nasubukan niyo po bang sumakay ng kabayo?" Bigla kong tanong.
"Naku! Ayaw ni Sir na pinagsasakyan ng iba ang kabayo niya. Siya lang dapat. Kapag nakita ka niyang pinagsakyan mo ito. Lagot ka, baka palayasin ka niya."
"Napaka-arte naman po niya." Tumawa lang siya.
"Oh siya, narito na tayo at ikaw na ang bahala rito. Madali lang naman ito sundan pauwe dahil diretso lang naman ang daan."
Nahinto si Mang Tasyo ganun din ang kabayo. Dinig ko na ang lagaslas ng tubig.
"Wow, ang ganda po rito..." Namanghang sabi ko ngunit mapait akong ngumiti nang maalala ko ang asawa kong si James. Bigla akong nalungkot habang pinapanood ko ang pagdaloy ng tubig sa ilog.
"Maddy, aalis na ko at kailangan kong balikan si Ester. Kukunin ko lang yung sobre," sabi niya. "Huwag mong pipilitin ang kabayo na umuwe ha dahil magkukusang uuwe yan kung gusto niya."
"Ganun po ba, may isip po pala siya," at natawa naman siya.
"Sige na, aalis na ko. Huwag kang mag-aalala rito dahil may kasama ka namang kabayo."
"Sige po Mang Tasyo, salamat po ng marami sa kabutihang binibigay niyo sa akin."
"Okay lang iyon Maddy. Sige at paliguan mo na siya." Utos nito saka ito umalis sa aking harapan.
Kami na lang ng kabayo ang naiwan rito. Umiinom siya ng tubig sa ilog. Marunong naman siguro maligo ito. Sa isip isip ko.
Lumipas ang isang oras, parang wala yata balak ang kabayong ito na umalis. Sabi ni Mang Tasyo ay huwag ko daw pipilitin na iuwe siya.
"Hay naku namang kabayo ka. Pinagpapawisan ako sayo na magbantay. Jusko! Nakakayamot din pala magbantay ng kabayo kasi nakatunganga lang ako rito na walang ginagawa." Usal ko rito.
Tagiktik na ang pawis ang buo kong mukha dahil tumataas na ang sikat ng araw. Kaya naman napag-isipan kong maligo muna dahil naiinitan ako.
Nagtanggal ako ng pantalon at tshirt ko. Lumusong ako sa tubig na nakapanty at nakabra lang. Nagtungo ako sa gitna upang lumoblob sa ilalim ng tubig. Pero sa pag-ahon ko dito sa gitna ng tubig ay nagualat ako nang may umahon din. Nataranta ako sabay takip sa aking katawan.
"Sino ka?" Tanong ko. "Huwag kang lalapit," nanginginig na sabi ko habang humahakbang ng palayo sa kan'ya.
"Bakit ka lumalayo? Hmmm..." Napatitig ako sa kan'ya. Parang pamilyar siya sa akin pati na rin ang kan'yang boses.
"Sino ka at bakit ka narito" Tanong ko rito. Iniisip kong baka nakawin niya ang kabayo. Natakot ako dahil papalapit na siya sa akin.
"You looks pamilyar and your voice. Parang narinig ko na 'yan." Kumunot ang noo ko dahil ngayon lang naman kami nagkita. Pero yung boses niya ay parang narinig ko na ito. Hindi kaya siya yung lalaking bastos sa bar kagabi? Yung lalaking si Hudas?
"Siguro may balak kang nakawin ang kabayo ni Sir noh?" Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. Pigik siyang natawa saka ito sumeryoso.
"Yes, I'm here to steal the horse." Sabay iling nito na may ngisi sa labi niya.
"Sabi ko na nga ba eh. Isa kang magnanakaw."
Tumakbo agad ako para magbihis pero inunahan lang niya ko. Halos hindi ko masuot-suot ang pantalon ko dahil natataranta ako. Ang lagkit ng pinupukol niyang tingin sa akin habang nagbibihis ako.
"Magnanakaw ka na nga bastos ka pa!" Galit na sambit ko sa kan'ya saka ito tipid na natawa.
Mas lalo akong kinabahan nang sakyan niya ang kabayo nito na kinalaki ng mga mata ko.
"Hoy bumaba ka riyan!" Sabay hila ko sa paa niya kahit hindi pa ko nakakapagsuot ng damit. Ako naman ang mapapagalitan ni Sir kung mawala ang kabayo niya.
"Bitawan mo ang paa ko. I will count you." At nag-umpisa na siyang magbilang.
"Hindi ko bibitawan ang paa mo hangga't hindi ka bumaba sa kabayo! Baba! Kung ayaw mong bumaba. Kakagatin na lang kita!"
"Ouch! F*ck f*ck!" Mura nito. Nagwawala na din yung kabayo dahil sa lalaking ayaw bumaba sa katawan ng kabayo. Mas lalo ko pang diniinan ang pagkagat ko sa binti niya kaya ito napamura at ang nangyari. Nahulog siya sa kabayo nang magwala ito. Pero ang pagkahulog niya ay sumakto sa akin nang siya ay mahulog. Napasubsob ang mukha niya sa aking dede at ako naman ay hindi na magawang makabangon dahil ayaw niyang umalis sa ibabaw ko.