MADISSON POV.
Nangangatog pa rin hanggang ngayon ang mga tuhod ko dahil sa nangyari sa ilog kaninang umaga. Natakot ako nang biglang umalis yung lalaki habang tangay niya ang kabayo ng amo ko. Hindi na ko lumabas ng aking silid dahil natatakot akong mapagalitan ni Ginang Ester lalo na yung may-ari ng kabayo. Natakot na naman ako nang maalala ko na naman ang nangyari sa asawa kong si James.
"James," nahihikbing saad ko rito sa loob ng aking silid. Iniyak ko na lamang rito sa loob ng silid habang naaalala ko ang lahat na nangyari sa akin. Napakasakit lang na isipin kung paano ko maisasaayos ang buhay na aking pamilya. Kailangan kong gumawa ng paraan para maialis ko sila sa lugar na iyon at baka kung ano pa ang gawin ni Don Joaquin sa kapatid ko.
Muli na naman akong napahikbi dito habang nakabaluktot ang mga tuhod. Iniyak ko na lang na iniyak ang sakit na nadarama ko rito sa puso ko. Namiss ko na rin ang asawa ko. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi pwede dahil ayaw sa akin ng mga magulang ng asawa ko.
"Aayusin ko muna ang buhay ko James at babalikan kita kung handa na kong harapin ang mga magulang mo. Hindi ako papayag na hindi kita makita at makasama. Ipinapangako ko ito dahil mahal na mahal kita," bulalas ko rito habang basang-basa na ng luha sa aking pisngi.
Nang matapos kong umiyak rito ay inayos ko din ang aking sarili. Namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak dahil sa masalimoot na pinagdadaanan ko ngayon.
Lumabas ako ng aking silid. Handa naman akong mapalayas ngayon dahil alam kong may nagawa akong pagkakamali ngayon. Unang trabaho ko pa lang ay palpak na agad ako.
Patungo ako ng mansyon ngayon upang ipaalam kay Ginang Ester na ninakaw ang kabayo. Sobrang lakas din kaba sa aking dibdib nang malapit ko nang marating ang mansyon. Nakasalubong ko pa si Mang Tasyo rito sa bakuran at may hawak pa itong puting sobre. Ito na siguro yung perang sasahurin ko pero hindi ko na ito kukunin dahil kulang pa ito sa pambayad sa nawawalang kabayo. Hinanap ko pa ito sa kuwadra kanina ngunit wala naman ito doon. Yung kulay puti lang ang naroon kaya naman handang-handa na kong mapagalitan ngayon at mapalayas.
"Maddy, bakit ka nakasimangot?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mang Tasyo. "Dapat maging masaya ka dahil ang laki ng binigay ni Sir sayo. Tignan mo, ang kapal ng laman ng sobre."
Hindi ako makatingin ng diretso sa kan'ya dahil nanginginig na ko sa takot. Aanhin ko naman yang pera kung ang kapalit naman ay yung nawawalang kabayo. Mas mahal pa iyon kaysa sa sweldo ko.
"Mang Tasyo, hindi ko na ho kukunin 'yan," sambit ko. Kahit kailangan na kailangan ko ng pera ay hindi ko talaga kayang kunin ang pera na iyan dahil sa kasalanang nagawa ko.
"Bakit hindi mo kukunin ito? 50k ang laman ng sobre. Kaya kunin mo na," giit nito. Tumingin ako kay Mang Tasyo. "Anong nangyari diyan sa mga mata m Umiyak ka ba?"
Tumulo na naman ang mga luha ko ngunit mabilis ko rin na pinahid ito.
"Mang Tasyo, yung kabayo po ni sir. Ninakaw ng lalaki sa may ilog. Hindi ko naman po alam kung sinong lalaki iyon dahil ngayon ko lang siya nakita," paliwanag ko.
"Ano kamo? Ninakaw yung kabayo ni Sir? Naku patay tayo diyan. Baka pati rin ako ay mapagalitan ni sir. Anong gagawin natin niyan?"
Pati din si Mang Tasyo ay tila natatakot na din. Ako naman ang dapat na sisihin eh dahil hinayaan kong makatakas yung lalaki.
"May problema ba rito?" Tanong ni Ginang Ester nang bigla itong sumulpot dito. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang aming pinag-uusapan ngayon.
Nagkatinginan kami ni Mang Tasyo. Sumimangot siya at hindi niya alam kung magsasabi ba siya ng totoo. Parang kakapusin naman ako sa paghinga rito dahil mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
"Ester, ibabalik na namin itong sobre. Hindi na kukinin ni Maddy itong pera. Ninakaw si Alfha," na tila nabigla si Ginang Ester sa sinabai ni Mang Tasyo.
"Ano?!" Halos lumaki ang mga mata nito dahil sa gulat. "Anong ninakaw? Hindi pwedeng mawala si Alfha." Natataranta niyang sabi na parang mababaliw na ito.
"Saan ka ba pupunta?" Natatarang tanong ni Mang Tasyo. Hindi sumagot si Ginang Ester dahil nagmamadali ding sumunod si Mang Tasyo at ako ay sumunod na din sa kanila.
Patungo kami sa kuwadra at dito na nagulat si Ginang Ester at nagwawala na ito na parang baliw.
"Bakit mo hinayaang manakaw ang kabayo?! Hindi mo ba alam kung gaano kaespesyal ang kabayo na yun?! Special na regalo 'yon ni Karen sa kan'ya. Tapos ipapanakaw mo lang!" Nanggigigil na sabi niya. Natakot ako sa mga mata niyang nanlilisik.
"Ester, hindi naman iyon sinasadya ni Maddy," giit ni Mang Tasyo. Kahit na anong gawing paliwanag niya ay galit na galit pa din si Ginang Ester.
"Huwag kang mangingialam Tasyo. Ikaw din ang may kasalanan eh kung bakit nawawala ang kabayo ni Sir!"
Yumuko ako. "Pasensiya na po talaga. Hindi ko po sinasadyang mawala yung kabayo ni sir. Hindi ko po alam na nanakawin ng lalaki yung kabayo sa ilog eh. Pasensiya na po hindi ko po sinasadyang mawala 'yon," nanginginig na sabi ko habang pinapaliwanag ko ang nangyari kanina sa ilog.
"Ano na ang gagawin natin niyan Tasyo. Hanapin niyo ang kabayo ni Sir," galit na galit niyang sigaw sa amin.
Nagmadali kaming lumabas ng kuwadro pero nahinto kaming tatlo nang makita namin yung kabayo. Galit na galit ako sa lalaking manyak at magnanakaw pa. Pero bakit siya narito? Binabalik na ba niya yung kabayo?
"Siya!" Mariing turo ko sa lalaking sobrang dumi ng mukha at may putik din ang mga paa nito. "Siya po yung lalaking sinasabi kong magnanakaw. Siya po yung sinasabi kong nagnakaw sa kabayo sa ilog kanina. Hindi lang po iyan ang ginawa niya. Isa rin po yang manyak. Manyakis po 'yan!" Pagdidiin ko na halos matulala si Mang Tasyo at si Ginang Ester.
Nagtaka ako kung bakit biglang natakot ang dalawa at natahimik.
Bumaba ang lalaking manyak. Pinamewangan niya ko.
"Umalis na kayong dalawa rito. Ako na bahala sa kabayo," utos nito sa dalawa. Tumango lang ang dalawa at umalis.
"Teka! Teka!" Pagpapatigil ko pa sa dalawa. "Paano itong lalaking ito. Tumawag kayo ng pulis," sigaw ko. Hindi sila nakinig sa akin dahil pinaalis sila ng lalaking nasa harapan ko. Inis na tinapunan ko siya ng tingin. Nginisian lang niya ko.
"Anong nangyari sa kanila at napaalis mo sila na ganun ganun lang?" Nagtatakang tanong ko.
"Ewan ko, sinusunod naman nila ang utos ko. Ikaw lang naman ang hindi."
Tinalikuran niya ko habang hawak niya ang tali ng kabayo. Pinasok niya sa kuwadra yung kabayo na ang akala ko ay isa siyang magnanakaw.
Pagkalabas niya ay agad naman siyang nagtanggal ng tshirt nito habang patungo siya sa gawi ko. Napaigtad na lang ako rito nang ibato niya sa akin ang kan'yang tshirt.
"Labhan mo yang tshirt ko. Ang gusto ko. Malinis na yan bukas."
Umawang ang ibabang labi ko dahil inuutusan niya kong labhan ang kan'yang damit.
"Sino ka ba para utusan mo ko ha? Ikaw maglaba ng damit mo," sabay bato ko ng damit niyang napakarumi. Tumalim ang mga mata niya nang saktong tumama sa mukha niya ang damit. Nakita ko naman si Mang Tasyo na patungo rito.
"Maddy, nakalimutan ko pala ibigay sayo 'to. Uuwe na din ako eh dahil may gagawin pa kong trabaho."
Inabot niya sa akin yung puting sobre. Binuksan ko naman ito at nanginang ang mga mata ko sa tuwa.
"Ang dami," natutuwang sambit ko. "Ahm... Mang Tasyo, kailan ko ba makikilala ang amo natin? Gusto ko siyang pasalamatan man lang," sabi ko rito pero napakamot lang siya ng kan'yang ulo.
"Ahh... Aalis na ko. Ikaw na bahala rito ha. Sige," paalam nito saka ito tumakbo palayo.
"Mang Tasyo!" Sigaw ko rito ngunit hindi man lang niya ko nilingon. Muli ko na namang hinarap yung lalaking kanina pang nasa harapan ko. Yung damit talaga niya ay hindi man lang niya pinulot sa lupa.
"Bakit ka pa nakatingin ha? Naiinggit ka ba sa pera ko?" Tanong ko ngunit pinaningkitan lang niya ko ng mga mata niya saka niya ko tinalikuran. "Aba! Hoy! Sandali lang!" Sigaw ko. Pinulot ko muna ang kan'yang damit. "Hoy! Saglit lang!" Sigaw ko habang sinusundan siya. Hindi talaga niya ko pinapansin hanggang sa pumasok na ito sa loob ng mansyon.
Hindi ko na alam kung saan nagtungo yung lalaki. Ang bilis niyang mawala.
"Maddy!" Tawag sa akin ni Ginang Ester. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong nito nang makita niya kong narito sa sala.
"Hinahabol ko ho kasi yung lalaking pumasok rito. Baka may nakawin na naman ho 'yon eh," sumbong ko. Napangiwi si Ginang Ester sabay kamot pa niya ng kan'yang ulo. Tapos iniwan lang niya ko rito.
Lahat na lang sila ay tinatalikuran ako. Ano ba ang problema nila at bakit sila ganun?