Chapter 5

1819 Words
MADDISON POV. "MADDY," tawag sa akin ni Mang Tasyo. Ilalabas ko na sana sa kuwadra ang kabayo para paliguan ito. "Bakit ho Mang Tasyo?" Tanong ko pagkalapit niya. "Hindi mo na trabaho 'yan. Ibaba mo na ang tali dahil mula ngayon hindi na ikaw ang magpapaligo niyan. Halika, sumunod ka sa akin." Nauna na siyang naglakad habang ako naman ay inaayos pa lang ang tali ng kabayo. Nang matapos ko itong ayusin, patakbong sinundan ko siya patungong mansyon. "Mang Tasyo, bakit po? May problema na naman po ba?" Nagtatakang tanong ko. "Wala naman, tulungan mo lang si Ma'am Carmela na magbitbit ng mga basket. Siya ang Ninang ni Sir. Kung baga, parang pangalawang ina niya na ito," paliwanag niya. Kahit pa ipaliwanag niya ay hindi ko naman kilala kung sino ang amo rito eh. "Mang Tasyo, sino ba talaga ang amo natin dito? Kailan ko ba siya makikilala?" "Bakit mo naman siya gustong makilala? At pasensiya ka na Maddy. Walang interest si Sir na makipag-usap sa ibang tao. Maliban lang kung gusto ka talaga niyang kausapin," turan nito. "Ano po ba ang itsura niya?" Napatingin siya sa akin habang patungo sa loob. "Siyempre gusto ko lang po malaman kung ano ang itsura ng amo natin. Matanda na po ba siya? Siguro kulubot na din siya at may mga puting buhok na rin siguro siya. Siguro ho, pustiso na din yung ngipin niya," sabi ko habang dinidiscribe ko sa kan'ya kung ano ang nasa isip ko ngunit hindi man lang siya magsasalita at ewan ko na kung bakit siya natahimik bigla. "Mang Tasyo, nakahanda na ba ang mga basket na dadalhin sa bukid?" Bigla kong lingon agad nang sumulpot ito sa aming likuran. "Oo, nandun na sa may kuliglig," sagot ni Mang Tasyo sa lalaking manyakis. Hindi ko ba alam kung bakit hinahayaang makalabas-masok ito rito sa loob ng mansyon. Tinapunan siya ng masamang tingin. "Pakiayos na ang lahat ng idadala para makaalis na," utos nito kay Mang Tasyo. "Bakit ikaw ang nag-uutos sa kanila? Tignan mo nga ang sarili mo, gan'yan na gan'yan na naman yung itsura mo kahapon. Hindi ka ba marunong maglinis?" "Naku! Patay na naman ako nito," sabay tampal niya sa kan'yang noo ngunit ang seryoso ng lalaking kaharap ko. Nakatingin lamang siya sa akin at hindi mababakas sa mukha niya ang pagkainterest niya sa ibang tao. Tinalikuran niya kami ni Mang Tasyo nang masabi niya na ang nais nito na kinainis ko naman sa kan'ya. Palaging ganito ang ginagawa niya. Ewan ko sa lalaking iyon napakayabang niya kung kumilos. "Kunin mo na itong dalawang basket. Magmadali ka na at maiiwan ka na ng kuliglig," utos ni Mang Tasyo. "Ano ho? Sasama ako?" Gulat na sabi ko dahil ngayon ko lang maeexperience na sumakay ng kuliglig. "Oo, bilisan mo na. Naroon sa labas yung kuliglig," sabi nito. Nataranta naman ako sa pagtakbo at mabilis na tinungo yung kuliglig. Naroon na sa kuliglig yung lalaking manyakis at siya ang nakaupo sa driver seat. Pagkarating ko ay agad kong inilapag ang dalawang basket dito. Puno ng laman ng palay ang narito. "Saan ako uupo?" Tanong ko. "Kung maarte ka, huwag ka ng sumakay," sabi niya at pinapaandar niya na ang makina ng kuliglig. "Hindi, hindi ako maarte. Sinasabi ko lang kung saan ako uupo eh." "Common sense..." Wala sa sariling sabi niya. "Nakita mong wala ka na ngang mauupuan diyan mo pa gustong umupo pero kung gusto mo. Pwede ka naman rito umupo sa tabi ko." "Ayoko nga kitang makatabi!" Singhal ko. Nataranta na lamang ako rito nang paandarin niya na ang kuliglig. Nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil iniwan niya ko rito. "Aba! Napakawalang modo naman niya. Nakakainis talaga niya!" Yamot na sabi ko. "Hoy! Sandali lang! Hintay!" Sigaw ko habang hinahabol ang papalayong kuliglig. Pagkahinto ng kuliglig, hiningal pa ko pagkahinto ko. Inis na tinapunan ko siya ng tingin. "Ang sama-sama mo. Nakakainis ka na." Pagalit na sigaw ko. Nakaramdam naman ako ng takot sa kan'ya nang marahas niya kong titigan. "Sumakay ka na kung ayaw mong maiwan rito. Pampatagal ka sa trabaho rito. Hindi ka sinasahuran dito para maglaro," singhal niya. "Ano?!" Kasabay nang pagkunot ng aking noo. "Sasakay ka ba o hindi? At kung hindi naman, maglalakad kang papuntang bukid." Hindi na ko nakapagsalita dahil kung magsalita siya ay parang siya ang amo rito. Lahat naman kasi ng inuutos niya sa mga trabahador ay sinusunod nila. Nakangusong sinunod ko ang kan'yang utos. Tumabi ako sa kan'ya pagkasakay ko. Nang paandarin niya na ang kuliglig ay nagulat na lamang ako nang umandar na ito. Paano kasi, tumatalbog ang katawan dahil hindi patag ang daanan patungong bukid. Pero ang sarap sumakay dito. Naeenjoy ko naman ang pagsakay rito kaysa sa jeep. "Kagaya din ba ng kuliglig ang pagsakay ng kabayo? Alin ba sa dalawa ang mas masarap na pagsakyan? Kabayo o kuliglig?" Tanong ko rito. Bahagya itong tumingin sa akin. "Ako, ang mas pinakamasarap na pagsakyan," awtomatikong sagot niya na halos umawang ang ibabang labi ko. Kahit wala naman akong sinabi sa pagpipilian ay iyon ang kan'yang sinagot. "Seryoso akong nagtatanong pero iba ang sagot mo." "Seryoso naman ang sagot ko. Iyon naman talaga ang pinakamasarap na pagsakyan. Correct me if I'm wrong." Parang nahiya na ko magsalita. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isip ng manyakis na ito. "Isa ka bang trabahador dito?" "Huwag mo kong tatanungin about sa personal life ko. Wala kang makukuhang sagot mula sa akin. Narito ka para magtrabaho. Hindi yung puro ka tsismis sa ibang tao. Hindi ako interesado na mapag-usapan ang tungkol dito. Kung sa trabaho, mas okay pang iyon ang itanong mo." Parang napahiya ako sa sinabi niya. Kung magsalita siya parang ang lalim ng sinasaad nito. Sabagay, ganun din naman ako. Ayaw ko ring may makaalam sa personal na buhay ko. Bakit hindi ko naisip iyon? Mas lalo lang ako mapapahamak kung ganito ako makitungo sa kan'ya. "You are married?" Tanong nito na hindi siya nakatingin sa akin. Agad kong tinago ang singsing sa loob ng bulsa ng maong na pantalon. "Huwag mo rin ako tatanungin sa gan'yang bagay. Wala kang makukuhang sagot mula sa akin," balik na sagot ko rin sa kan'ya. "Hindi mo pwedeng itanggi 'yang singsing na yan. Alam ko ang halaga ng singsing na yan. That's too much expensive for its price. I think, mahal na mahal ka ng asawa mo, pero ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka narito? Nilayasan mo ba ang asawa mo o may nangyaring hindi maganda sa inyo? I heard you last night. Umiiyak ka... Bakit?" Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata niya nang tumitig din siya sa akin. "Ayaw sa akin ng mga magulang ng asawa ko. Iyon ang dahilan kaya kami nagkahiwalay. Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Pero ang nangyari sa akin ay hindi ko kailanman malilimutan iyon. Muntik na nila akong gahasain at patayin. Pero maswerte pa din ako dahil nakatakas ako sa malulupit nilang mga kamay. Iyon ang dahilan ng lahat kung bakit ako umiiyak. Pero kailangan kong magpakatatag para sa pamilya ko dahil ako na lang ang kanilang inaasahan," mahabang paliwanag ko. Tila nakaramdam ako na medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil may isang tao ang nakinig sa akin. Mababakas sa mukha niya na parang wala lang sa kan'ya nang ikwento ko sa kan'ya ang pinagdadaanan ko sa buhay. Mas maganda na rin na maglabas ng sama ng loob kaysa ikimkim ang sakit na nadarama dito sa aking puso. Saktong narating namin ang bukid na sinasabi niya. Napakahangin ng lugar na ito at gustong gusto ko ang lugar na ito. "Tyler!" Tawag ng isang Ginang na patungo rito. Pakembot-kembot pa ito nang lumapit rito sa gawing kuliglig. May kasama din siyang isang babae na napakaganda at may porselanang kutis. Bumaba naman ang nagngangalang Tyler. Hinagkan siya ng halik sa pisngi. Nakangiti din yung babaeng papalapit dito at bigla itong napatakbo sa gawi ni Tyler sabay yakap nito sa kan'ya. Hindi lang iyon, pinugpog din siya ng maraming halik sa kan'yang pisngi. "Karen stop! Maraming tao rito." Pagpapatigil ni Tyler sa babaeng nagngangalang Karen. Ibig sabihin, siya yung Karen na sinasabi ni Ginang Ester na special niyang kaibigan at itong babae na ito ay si Carmella na itinuturing niyang pangalawang ina. Sumimangot si Karen. "Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss habang nasa states ako. Pinilit ko si mom na umuwe rito sa Pilipinas dahil gusto kitang bisitahin. Pero ikaw, parang hindi mo naman ako namiss," nagtatampong sabi niya. "Ahhmmm... Excuse me po, saan ko ilalagay itong mga baske" Tanong ko kay Tyler. "Dumiretso ka lang doon," turo niya. "May makikita kang kubo doon. Ilagay mo lang doon at hayaan mo ang mga tao doon na kainin nila ang dala mo. Pagkatapos bumalik ka din dito at aalis tayo agad," utos nito sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya. Ginawa ko naman ang iniutos niya. Nagpunta ako sa kubo at nang marating ko na ay agad na inilapag ko ang dalawang basket sa mesa. Gusto ko pa sanang mag-stay dito pero need ko na din umalis dahil naghihintay sa kuliglig si Tyler. Hindi kaya, yung mag-ina ang may-ari nitong buong lupain na ito? At sino naman si Tyler? Nang marating ko na ang kuliglig, naabutan ko pa silang nag-uusap dito. Nakataas pa ang kilay ng isang babae sa akin. Parang feeling ko ay naiinis siya sa akin. "Sino siya Tyler?" Tanong niya habang nakataas pa ang isa niyang kilay. "Don't mind her Karen. Isa siyang trabahador dito sa hacienda," sagot naman ni Tyler. "Hmmm... Pwede ko ba siyang magiging alalay? Kahit taga-laba lang ng mga damit ko." "No Karen, she's not working with you, at isa pa. Babalik ka din naman ng USA diba?" Tanong ni Tyler. "Hindi na ko babalik doon, hindi ba mom? Kay Tyler na ko magtatrabaho," tanong ni Karen sa mommy niya. "Karen, saka ka na muna magtrabaho. Magagalit ang dad mo dahil hindi mo sinunod ang gusto niya. Bukas na bukas ay babalik na tayo ng Maynila," sagot ng mommy niya. Sumimangot siya. "Ikaw Tyler, sasama ka ba sa amin bukas?" Nakangusong sabi nito. "Sa isang araw pa ko babalik Karen. Tatapusin ko muna ang mga trabaho ko rito," sagot ni Tyler kay Karen sabay irap nito sa akin. "Sige magkita na lang tayo sa Maynila. Tawagan mo din ako if may oras ka," malungkot niyang sabi kay Tyler. "Sige, sige... Susubukan ko," sagot naman ni Tyler. "Sige na Tyler, aalis na din kami ni Karen at kanina pa naghihintay yung driver namin. Bumisita lang kami rito dahil itong si Karen." Naunang umalis si Ma'am Carmella ngunit naiwan rito si Karen. "Karen umalis na si Ninang. Sumunod ka na sa kan'ya," pagtataboy ni Tyler. Pero nagulat na lang ako nang halikan siya sa labi ni Tyler. Tumalikod ako nang magtukaan ang mga ito at dito pa mismo sa harapan ko nila ginawa. "Gusto mo bang malinis akong tignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD