Chapter 1

1097 Words
Kinabukasan ay sinundo ako ni Troy sa bago naming tinitirahan ng lola ko dahil ito ang magiging unang araw ng pasok ko sa trabaho. Kinakabahan ako na nae-excite pero sabi naman sa akin ni Sir Edward, ‘wag daw akong mag- alala kasi hindi naman daw ako pababayaan ni Troy. Yo'n ngalang alam ko na hindi ko talaga siya mapagkakatiwalaan. Kaya nilakasan ko nalang ang loob ko kasi para sa aming dalawa din naman ito ng lola ko. Bago ako lumabas ay hinagkan ko muna ang aking lola. “ I love you ‘la, mauna napo ako ha?” paalam ko sa kanya. “Hija, magpapakabait ka ha? Mag-behave ka at ‘wag mong dadalhin sa opisina ang mga ugali mo noong nasa Isla.” Napangiti ako sa sinabi ng aking lola. “Kung pakikitunguhan po ako nila ng maganda wala naman pong magiging problema,” saad ko at naglakad na ako palabas. Nakita ko ang mukha ni Troy na nakangiti habang nakatingin sa akin ng nakakaloko. Nakaramdam ako ng kaba at pag-aalinlangan kasi bigla kong naisip ‘yong panahon na pinalo ko siya ng baseball bat. “Naku, patay! Paano kaya kung naaalala pa rin niya ang ginawa ko sa kanya? Pero sana naman kinalimutan na niya ‘yon. Pero paano pag hindi pala? Oh, ‘di sige makikipagsabayan ako.” Huminga ako ng malalim at nagtungo papunta sa kaniya. “Good morning,” bati niya sa akin ng may ngiti sa labi. Nagtaka tuloy ako. “Aba, mukha yatang nag-iba ang ihip ng hangin ah!” Saad ko sa kanya. “Bakit, Andrea? Masama bang batiin kita? Eh, maganda sa maganda ang umaga ko, eh! Pakialam mo ba?” Saad niya na naka kunot ang noo at nagagalit agad. Grabe itong lalaki na ito. Kabilis magbago ang mood. “Sumakay ka na at late na tayo. Pa- special ka eh, kung ‘di lang dahil sa kuya ko. Hay naku!” Dali-dali na akong sumakay sa sasakyan at hindi umimik. “Bwisit!!” Saad ko na lamang sa isipan ko. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa Opisina ay hindi ko siya tinitingnan man lang . Bagkus tinatanaw ko ang labas ng sasakyan at palingon-lingon ako para tandaan ang mga lugar na dinadaanan namin para sa susunod hindi na niya ako ihahatid-sundo. Hmmmmp! Nang makarating kami ay hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pintuan. “Grabe! Hindi man lang niya ako pinagbukasan ng pintuan. Hindi yata siya gentleman. Hmmmp! Sayang ang kagwapuhan mong lalaki ka,”saad ko sa aking sarili. “Andrea, kapag nariyo tayo sa opisina ‘wag mo akong tatawaging Troy kasi gusto ko ‘pag nandito tayo sa opisina formal at gusto ko ginagalang ako,” saad niya ng pormal ang itsura at pananalita. "Okay." “No! Tawagin mo akong boss.” Napatingin ako sa kaniya ng kunot ang noo at parang nag-iba ang timpla ko sa sinabi niya. Mukha siyang demanding na arogante kaya nakaramdam tuloy ako ng inis sa kanya. “Yes, boss,” saad ko na lang sa kanya at sinundan ko siya sa paglalakad. Naglalakad kami at kitang-kita ko ang mga empleyado niyang nakatingin sa amin at nagbibigay galang. “Goodmorning, Sir!” “May I have your attention please! Everyone this is Andrea Suarez, our new utility girl." “Utility girl? Ano 'yun? Tagatimpla ng kape? Utusan ako?” Saad ko sa aking isipan. Tinignan ko si Troy ng kunot ang noo at nagtataka. “Yes, Andrea, tama ang iniisip mo. Taga timpla ng kape ko, tagalinis ng ofifice ko , taga sagot ng tawag, taga xerox, at taga bili ng pagkain naming lahat dito sa Opisina,” saad niya ng nakangiti ng nakakaloko. “Buwisit!!” Saad ko sa aking isipan at nag hihimutok ang kalooban ko sa inis. Gusto ko sana siyang suntukin at sikmuraan pero inisip ko nalang na sasakyan ko kung anong trip niyang gawin sa akin. Magtitimpi ako at magtyatyaga ako. Wag niya lamang akong sasagarin. “Andrea, can I have a cup of coffee, please! hindi kasi ako nag-almusal, eh, ang totoo kape lang ako sa umaga,” saad niya ng may nakakalukong ngiti. Parang sinasadya niya. “Ah, Andrea lakad ka tapos kaliwa ka makikita mo na agad ang Pantry . Pakihatid na lang sa Office ko ha?” Nagdiriwang ang utak at kalooban ko ngayon. Dahil nakikita kona na unti-unti na akong makakaganti kay Andrea. Nang bigla siyang kumatok at pumasok na may dalang coffee. “Boss, ito na po ang kape niyo.” Dahan-dahan kong inilapag ang kape niya sa lamesa at lalabas na sana ako ng sinabi niyang, “Andrea, “di ko pala nasabi sa ‘yo na ayoko ng matamis. Gusto ko ‘yong medyo mapait.” Kaya kinuha ko ang cup at bumalik ng pantry, Ng pagbalik ko ay ibinababa ko nanaman ang cup sa lamesa niya. Hinintay ko muna ang sasabihin niya at nagsalita na naman. “Masyadong mapait naman ‘to, pwedeng ‘yong katamtaman lang?” Kaya kinuha ko ang tasa niya at bumalik sa pantry at pinagtitinginan ako ng mga katrabaho ko. “Ay, ganyan talaga yan si Sir. Masanay ka na dahil mahilig ‘yan mang-inis,” saad ng isa kong katrabaho kaya napaisip ako, “ ah, gano'n pala, ah. Sige tignan natin.” Kumuha ako ng bagong tasa niya at nilagyan ko ng saktong asukal,coffee mate, coffee, at pinatakan ko ng gamot pampatae. Tumatawa ako sa aking isipan at napapaisip. “Ewan ko na lamang Troy kung makalabas ka pa ng banyo,” saad ko sa aking isipan habang nakangiti ng abot tainga. Kumatok muna ako bago pumasok at nginitian ko siya ng maganda. “Boss, here's your coffee with love," saad ko at dahan-dahan niyang iniabot sa kamay ko at napatingin pa siya sa akin na nagtataka. “Aba! Mukha atang nag-eenjoy ka magtimpla ng kape.” “Yes naman boss,” saad ko na lang at tinitigan ko siyang habang hinihigop nya ang kape. “Yes, sige pa ubusin mo 'yan,” saad ko sa aking isipan. “ Kala mo siguro maiisahan mo ako Troy ah. Never! Ako pa, wais ‘to, “ saad ko sa isipan habang tumatawa ng palihim. Lumabas muna ako ng opisina niya at umupo ako sa ba tabi ng kanyang opisina at hinintay ang susunod na mangyayari. Mayamaya pa ay nakita ko si Troy na naglakad patungo ng banyo at napakatagal niya sa loob. Ako naman si baliw tawa ng tawa. “Ikaw kasi Troy eh, ‘wag ako,” saad ko sa aking sarili at hindi mapigilang tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD