Tawa ako ng tawa habang hinihintay ko si Troy na lumabas ng banyo. Iniisip ko talaga kung ano na kaya ang itsura niya sa loob. Siguro, pawis na pawis na siya at tinitiis ang sakit ng tiyan niya.
“Ikaw naman kasi Troy eh, kinailangan pa tuloy kitang gamitan ng magic ko. Kung nagpakabait ka lang sana,wala tayong problema ngayon,” saad ko habang pinipigilan ko ang tawa ko sa pamamagitan ng palad ko tapos kinatok ko siya.
“Boss! Boss! Okay ka lang ba Boss?” tanong ko habang pinipigalan ang pagtawa ko.
“Andrea, pumasok ka rito sa loob ng banyo at kunin mo itong cellphone ko at tawagan mo si Dino. Papuntahin mo siya agad dito. Mukhang hindi ko na kaya, na- dehydrate na yata ako,” aniya ng mahina ang boses at parang wala na atang lakas.
Naku po! Nasobrahan ko yata ng patak. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at awa sa kanya.
Baka makapatay pa ako ng hindi oras at magkasala ako.
"Andrea, nandyan ka ba?”
“Yes Boss, naririnig kita.”
“Aba'y gusto mo talaga akong mamatay ano? Ano bang ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka rito sa loob at kunin mo na itong cellphone nang matawagan mo na si Dino.”
'Wait lang, napaisip ako bigla, ah, sabi niya hindi na siya maka tayo tapos malakas pa naman boses niya mukha yatang pinagloloko ako ng lalaki na ito ah.
“Aba Boss mukha yatang malayo sa bituka ‘yan at napakalakas pa ng boses niyo. Abot pa ng
smart padala,” saad ko.
Pinapakiramdaman ko siya ng hindi nag sasalita. Papasukin ko na ba? Naku po! Anong dapat kong gawin? Paano pala kung napaano na siya?
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng banyo at pumasok ako sa loob.
Nakita ko si Troy na naka-upo sa bowl at nakababa ang kasuotan niyang pangbaba na nakayuko.
“Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka rito!! Hindi ka man lang kumatok bago ka pumasok? Labas!” Sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at tumalikod ako bigla.
“Bwisit talaga itong lalaki na ito. Kanina pinapapasok ako sa loob, ngayon namang nakapasok ako sa loob pinapalabas ako. Dapat ako pa ang magtaray sa kanya kasi ako ang babae, eh, pero bakit parang baliktad yata? Iba ka, Troy, lakas ng trip mo,”saad ko sa aking isipan at kinatok ko ulit siya.
“Boss, aalis na ako, magtatanghali na, oh! Wala pa akong natutunan sa inyo, eh. Doon na lang muna ako sa pantry.” Hinintay ko ang sagot niya ngunit ‘di pa rin siya sumagot.
Makalipas ang 30 minutes ay kinatok ko ulit siya pero hindi na siya nagsasalita. Kaya kahit na ano pa man ang makita ko sa loob ng banyo ay tatanggapin ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto at pumasok agad sa loob. Nanlaki ang mga mata ko na hindi makapaniwala. Napaawang ang labi ko sa nakita ko. Nakahandusay siya at walang malay sa sahig at hindi nakasara ang zipper niya. Kaya nakaramdam ako ng init sa mukha at para bang natakot ako sa nakita ko na hindi makapaniwala. Dahil nakita ko ang ulo ng kaniyang sandata
"OMG! Ulo lang ang nakita ko pero nakakatakot na. First time kong makakita ng ganito. Tapos ganito pa nakikita ko. Natatakot tuloy ako.”
Bigla kong tinakpan ang mga mata ko ng palad ko at iniiling ang ulo ko. Lalabas na sana ako nang bigla kong maisip na nakabukas pala ang zipper niya. Baka pag may ibang makakita, eh, masabi pa nila na nakita ko rin. Kaya nilapitan ko si Troy. Ayoko sanang gawin iyon ngunit wala akong choice. Kinapa ko ang zipper at ipinikit ko ang mata ko habang sinasara ang zipper niya. Nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko lubos akalain na gagawin ko ‘to. Nang matapos ko iyong gawin ay dali-dali akong lumabas ng banyo at humingi ako ng tulong sa mga katrabaho ko.
“Si Boss nahimatay sa loob ng banyo,” saad ko.
“We? ‘Di nga? Si Sir, eh malakas pa iyon sa kalabaw, eh,” saad ng mga katrabaho ko at nagtatawanan pa kaya nagseryoso ako ng mukha.
“Hindi ako nagbibiro kahit puntahan niyo pa sa banyo,” saad ko ng medyo malakas ang boses kaya dali-dali silang nagsipasok sa office ni Troy. Tulong-tulong silang binuhat si Troy palabas ng opisina at tinawagan ko si Dino. Paglabas namin ng building ay sabi ni mga katrabaho ko ay samahan ko raw si Troy.
“Hindi na, kaya na nila yan,” saad ko pero nagsalita si Dino.
“Ma’am, dapat po sumama kayo kasi wala po si Sir Edward. Kawawa naman po si Sir Troy,” saad niya kaya napilitan akong sumama at sumakay ng kotse.
Pagdating namin sa hospital ay nilipat sa kama at kina usap ako.
“Ano pong nanyare sa pasyente, ma'am?”
Napatawa ako sa aking isipan.
“Magmula po kaninang umaga pa po siya tae ng tae. Hindi ko po alam kung ano po ba nakain niya?”
saad ko na nagsisinungaling at napapatawa.
“Ah, ganoon po ba, Ma'am baka po may nakain po siguro na kakaiba,”
Napaubo ako ng hindi oras at tinignan ako ng nurse habang sinasalpakan ng dextrose si Troy.
“Sa ngayon ma'am, obserbahan lang po muna natin siya." At may itinurok na kung ano sa dextrose ni Troy.
Iniwan na kami sa silid ng nurse at doktor.
Naghahalong saya ang nararamdam ko kasi nakaganti na ako sa kanya.
Ngunit sa kabilang banda ay nakokonsensya ako ng bahagya. Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko.
“Hello?”
“Hello, Andrea? Si Edward ‘to.”
“Ay, Sir, kayo po pala?”
“Pwede bang maki-usap na ikaw na muna ang bahala kay Troy?”
“Po?”
“Pasensiya ka na Andrea ah, wala kasi si manang Meding tapos nandito pa kasi kami sa bakasyon, kaya medyo matatagalan pa kami at alam ko naman na kaya ni Troy ang sarili niya kahit wala ako. Pasasaan pa't gagaling din naman agad si Troy. Kaya bahala kana Andrea ha?”
“Opo, Sir, don’t worry po. Mag-enjoy po kayo.”
“Salamat, Andrea.” at pinatay na niya ang tawag.
Naku po! napasubo tuloy ako ng hindi oras.
Nang bigla kong naalala ang nangyari kanina sa loob ng banyo. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pinilig ko ang ulo ko at nasabi na,” erase! erase! erase!” Natatakot ako kaya huminga ako ng malalim.
Hay, anu ba itong iniisip ko at napasukan?