Chapter 3

1344 Words
Minulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan. Nang makita't masilayan ng aking mga mata si Andrea na naka- awang ang labi nito habang natutulog sa upuan. Napasulyap ako sa labi niya na naka-awang at nakikita ko ito na tumutulo ang kaniyang laway. Kaya ako'y napangiti at pasimple ko itong kunuhanan ng litrato. 'Akala mo siguro Andrea, maiisahan mo ako, dahil dito sa litrato mo puwede na kitang i-block mail. Akalain mo may tumutulong lawa'y pa," saad ko sa aking isipan habang tinitigan n'ya ang larawan sa kanyang cellphone at napapangiti Nang nakita nito na magigising na ang dalaga ay biglang humiga at nagtulog-tulugan ang binata. "Aba! Gabi na pala at tulog pa rin itong impakto kong Boss," "Mabuti pa siguro bibili muna ako ng ma-iinum at pagkain, kumakalam na rin naman ang aking sikmura," saad ko sa aking sarili. Lalabas na sana ako ng napansin kong kumukurap kurap ang mga mata ni Troy. Kaya nilapitan 'to ng dalaga at tinitigan ang mukha ng binata. "Mukha yatang gising na itong lalaki na ito. Bakit kailangan pa niyang mag-tulog tulugan?" saad ko sa aking sarili. Bigla itong napaisip, "Alam ko na, dahil malapit lamang ang pintuan sa tabi ni Troy ay pasimple n'yang itong binuksan at padabog itong isinara at bigla s'yang umupo at gumapang sa ilalim ng kama ng binata. "Akala mo siguro hindi ko alam na gising ka," saad ko sa aking isipan at nagtago sa gilid ng ilalim ng kama. Minula't ulit ng binata ang kanyang mga mata dahil naramdam nitong lumabas ng pintuan si Andrea. Kaya nakahinga ng maluwag ang binata at iniisip-isip kung ano nanaman kaya susunod na plano nito sa dalaga. Nang bigla itong nakaramdam ng gutom. "Anu ba naman ito? Nagugutom na ako wala pabang pagkain?" Babangon na sana ang binata nang may naramdaman s'yang humalawak sa kamay n'ya. Kaya nanlaki ang mga mata nito at napasigaw bigla. "AAAHH!" sigaw ng binata. At lalo s'yang nagula't ng makita ang mukha ni Andrea. "Bakit andito ka pa?" takang tanong ng binata sa dalaga. "Boss,' nagulat ba kita?" tanong ng dalaga na may ngiting nakakaluko. "Eh, 'diba nga lumabas kana?" sagot naman ng binata. "Kasi naman, Boss, nakita ko 'yong mga mata mo na kumukurap. Saka, Boss, Bakit kailangan niyo pang magtulog-tulugan? tanong ni Andrea na tumatawa. "Tulog- tulugan kandiyan!" tangging ng binata. "Aminin mo na Boss, kumukurap-kurap kaya mata niyo," pagpupumilit ng dalaga. "Andrea, bumili ka na nga ng pagkain at nagugutom na ako," pag-iiba ng usapan ng binata at inutusan na lamang ang dalaga. "Ay, Boss, hindi ka na muna makakain ng masarap ngayon, sabi ni Doc," sagot ng dalaga. "Bakit hindi?" takang tanong ng binata. "Basta, Boss, bawal. Kaya maglaway muna kayo," sagot ng dalaga ng may nakakalukong ngiti. "Baka, nakakalimutan mo, Andrea. Ako ang boss mo at ako ang masusunod," saad ng binata. "Ay, hinding-hindi ko po nakakalimutan 'yon. Sige po Boss, lalabas na po ako at ng makabili na po ako ng pagkain nyo," saad na lamang ng dalaga. Dali-dali itong lumabas ng pintuan. Pagbalik n'ya ay may dala na itong pagkain. Nang biglang pumasok ang doctor at tinanong, "Kumain na ba kayo Mr. Montenegro?" "Ay hindi pa po doc kakain palang po," sagot ng binata. "Puwedi na kayong kumain, ngunit lugaw lamang or yung mga soft food's," wika ng doctor. 'Nakaramdam ng tuwa ang dalaga dahil sa sinabi ng doctor kay Troy. "Buti nga sa 'yo, kawawa ka namang bata ka," saad ng dalaga sa kanyang isipan habang nakangiti at nakatingin kay Troy. Paglabas ni Doc ay tinitigan ng masama ni Troy ang dalaga. "Asaan na ang pagkain ko? Nagugutom ako," tanong agad ng binata sa dalaga. "Wait lang po, Boss at isasalin ko lang itong lugaw sa bowl," sagot naman ng dalaga. Inilapit ni Andrea ang lugaw kay Troy na nakalagay sa maiit na bowl. Ngunit kanina pa ito iniaabot ng dalaga sa binata at hindi manlang hinahawakan 'yon ng binata, nangangawit na ang kamay ni Andrea. "Boss, akala koba gutom na kayo? Bakit tila ata ayaw niyo pang hawakan?" tanong ng dalaga. "Boss, gutom po ba kayo o hind? Nangangawit na kaya ang kamay ko," reklamo ni Andrea. Nagsalita ang binata at sinabing, "Subuan mo akong kumain." "Anu? Ako, susubuan kitang kumain. Ang galing mo naman," saad ni Andrea. "Binge ka ba Andrea? Baka naman nagbibingi-bingihan ka!" asik ni Troy sa dalaga. "Buwesit! Talaga itong lalaki na ito. Kung makapag utos wagas, ano ba nabili na ba n'ya ako?" tanong nito sa kanyang isipan habang tinitititigan n'ya ng kunot-noo ang mukha ng binata. "Boss! Hindi po yata kayo nabaldado 'di ba? At naigagalaw niyo pa naman 'yang kamay niyo. Bakit kailangan ko pa kayong subuan?" naiinis na tanong ng dalaga. "Kasi may sakit, ako! At isa pa ng dahil sayo kaya andito ako ngayon sa hospital!" galit na wika ng binata. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga at namula ang pisngi nito. Hindi makatingin sa mata ng binata. "Sabi ko na nga ba kasalanan mo kung bakit ako nandito ngayon. Kitang-kita ko sa mukha mo. Hindi ka makatingin sa 'kin ng diretso, namumutla at hindi makapagsalita. "Guilty ka Andrea," saad ng binata at tinitigan ang mukha ng dalaga. "Sabihin mo nga sa akin. Ano ang pinatak mo sa ininum kong kape?" tanong ng binata. Hindi makapagsalita at hindi makatingin ang dalaga sa mga mata ng binata dahil sa mga sinabi nito. "Kaya dapat lang na alagaan mo akong mabuti at subuan mo 'ko ng pagkain bilang kabayaran ng ginawa mo sa 'kin. Isipin mo nalang dahil sayo kaya andito ako," saad ni Troy habang nakatingin ng formal at walang imosyon sa mukha ng dalaga. "Ano pang ginagawa mo diyan? Lumapit ka sa tabi ko subuan mona ako at ako'y nagugutom na," utos ng binata. Lumapit na lamang ang dalaga at hindi umimik, habang sinusubuan n'ya ito. Napapansin ng dalaga na tinititigan s'ya ng binata. Nakakaramdam tuloy ng hiya ang dalaga, ngunit binabaliwala na lamang n'ya ito. Nang may biglang kumatok at pumasok sa kanilang silid. "Wow, Sir Troy ang sweet niyo naman ni Ma'am," saad ni Dino ng may nakakalukong ngiti. "Kailan pa naging kayo Sir? pahabol na tanong nito. "Ay, nagkakamali po kayo ng iniisip kuya Dino. Hindi ko po siya kasintahan at isa pa po hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking ito," saad ni Andrea habang sinusubuan si Troy. "Lalo naman ako, Andrea. At 'wag kang mag assume na magugustuhan kita. Kasi hindi ikaw ang tipo kong babae," saad ni Troy habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa mata ng dalaga. "Ayon naman pala eh. Idi tapos ang usapan.Tapos kanabang kumain? Para makakain naman ako," tanong ng dalaga. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng binata at tinalikuran na n'ya ito. Kinuha ang pagkain na binili sa lamesa at pabagsak n'yang isinara ang pintuan. "Buwesit! 'Akala mo naman kong sino s'yang makapag salita, akala mo kung nabili nya ako. Namumuro ka na talaga sa 'kin Troy, nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo. Hindi tuloy ako makakain ng maayos," saad ng dalaga na halos maluha-luha na. "Sir, dahan-dahan naman po kayo kay Ma'am Andrea, may damdamin din po siya. Ang sakit niyo naman pong magsalita," saad naman ni Dino. "Kulang pa 'yon sa ginawa niya sa 'kin Dino. Noong una'y pinalo niya ako ng baseball bat, tapos ngayon pinainom niya ako ng "PURGA" halos mamatay ako sa sakit ng tiyan ko kakatae. Kung ikaw nasa kalagayan ko Dino anong mararamdaman mo matutuwa kaba?" mahabang salaysay ni Troy. "Baka naman Sir hindi n'ya sinasadya," saad ni Dino. "Hindi nga ba sinasadya 'yong paluin ka ng baseball bat sa mismong ulo at sa hinaharap ko?" panga-ngatwiran ni Troy. "Wala na po akong masabi Sir basta ang 'kin lang po, Sir. Huwag nyo naman po sanang pahirapan si Ma'am Andrea babae pa rin po siya," paalala ni Dino. "At kung galit na galit po kayo ngayon. Baka bukas pagkagising niyo po. Inlove na kayo sa kanya," makahulugang saad ni Dino. "Hinding-hindi mangyayari 'yang sinasabi mo, Dino. Never!" saad ng binata na napapangiti ng nakakaluko habang umiinum ng tubig. To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD