Pagkatapos kumain sa canteen ng dalaga sa loob ng hospital ay bumalik na ito sa silid ng kanyang Boss. Pagkapasok nito sa loob ay nakasimangot ito at hindi umiimik. "Andrea, samahan mo akong mag banyo," utos ni Troy sa kanya. "Ha? Ako, sasamahan kita? Okay kalang, Boss? Babae ako tapos ikaw lalaki then papasok tayong dalawa sa banyo. Ano'ng gusto mong isipin ko?" kunot-noong tanong ng dalaga. "IKaw talaga, Boss. Nagbibiro ka ba? Ano'ng tingin mo sa akin babaeng ano?" pahabol na wika pa nito. "Mukha ba akong nagbibiro, Andrea?" seryosong tanong naman ng binata. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng kanyang boss. "Seryoso ka Boss?" tanong muli nito. "Andrea, kanina pa ako na iihi, ang tagal mong bumalik, kung saan-saan ka pa pumupunta alam mo naman

