TINITIGAN ni Troy ng mabuti ang mukha ni Andrea habang hawak-hawak n'ya ito ng kanyang magkabilang palad. Kitang-kita rin n'ya ang mga luha ng dalaga na pumapatak sa pisngi nito. Kung kaya mas lalo n'yang inilapit inilapit ang mukha n'ya at tinitigan ang mga mata ng dalaga. Nang hinalikan ni Troy ng tatlong beses si Andrea at wala siyang nakitang panlalaban mula sa dalaga lalong na ng hind siya sinampal nito ay pinakiramdaman n'ya itong mabuti at sinulit ang pagkakataon. Dahil nais maramdam ni Troy at malaman kung ano ba s'ya para sa dalaga. Sa pangatlong halik na iginawad ni Troy kay Andrea at nagtama ang kanilang mga paningin ay mabilis na t***k ng puso at hindi ako makahinga ng maayos ang dalaga, hindi rin magawang tumingin sa iba ang dalaga. Dahil nabibinge ito lakas at bilis ng t

