HINDI na pinatapos nila Andrea at Troy ang event at na pag pasyahan na nilang umalis. At parihas nilang hinanap si Richard at Amanda ngunit wala sila sa event. May nakapagsabi sa kanila na lumabas na raw si Richard kasama si Amanda. Kung kaya nag katinginan ang dalawa ng may pagtataka sa mukha. "Magkakilala ba sila?" tanong ni Andrea kay Troy. "Hindi ko alam, ngunit hayaan na natin sila ang mahalaga tayo," saad ni Troy na nakatingin kay Andrea at may matamis na ngiti sa labi. Napapangiti tuloy ang dalaga na kinikilig sa sinabi ng binata sa kanya. Nakaramdam tuloy ito ng hiya. Nang bigla hawakan ni Troy ang palad n'ya at hinila siya palabas sa event. 'Ang totoo na hihiya pa rin ako sa kanya, kahit na deep inside. Gusto-gustong ko na hinahawakan nya ang palad ko, para bang nakakara

