Nang makarating na sila sa punto ng lola ni Andrea ay iniligay ni Troy ang bibit na bulaklak nito sa puntod. "La, nandito na po kami. Mis na mis ko na po kayo," wika ni Andrea at tuluyan na ngang naging emosyonal. Dahil sa pangungulila sa lola nito. Nakaramdam naman ng kirot sa kalooban si Troy nang mikita ang asawa nitong lumuluha. "Huwag po kayong mag-alala sa apo n'yo. Hinding-hindi ko po siya pababayaan kahit na ano'ng mangyari. Lalo na po ngayon magkakaapo na kayo sa tuhod," saad naman ni Troy sa puntod ng lola ni Andrea. Dahil sa mga sinabi ni Troy ay nakaramdam ng saya sa kalooban si Andrea at lalong napaluha 'to. Na siya namang humarap ang asawa niya at pinunasan ang pumapatak na luha ni Andrea gamit ang daliri nito. "Huwag ka ng malungkot dahil sa tuwing nakikita kitang umii

