Palabas na si Troy nang makita ang asawa nito na kalalabas lang banyo. Kung kaya agad niya itong nilapitan at hinawaka ang palad ng asawa. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito. "Oo naman, kumusta ang usapan n'yo ni Edward?" sagot at balik natanong ni Andrea habang nakangiti 'to. "Okay na wala naging problema," sagot naman ni Troy sa kaniyang asawa. "Gusto mo na bang umuwi o magliwaliw muna tayo?" tanong nito. Maya maya pa ay biglang nag ring ang cellphone ni Troy kaya sinagot niya 'to ng panandalian. "Hello, sir! Si Arman po 'to. Ako po 'yong nagbibinta ng bahay na malapit po sa bahay nila sir Edward po. At kinausap na rin po ako ni sir Edward. Baka lang naman po gusto n'yong makita ngayon ang bahay ko. At baka magustuhan n'yo po," wika ng lalaki sa kabilang linya. "Okay sige, titingna

