"Troy, magpakatatag ka. Magiging maayos din ang lahat," saad naman ni Athena na nakakaramdam ng awa para kay Troy. "Alam kong kailangan mo ng karamay at kasama rito sa bahay. Kaya dito na muna ako matutulog sasamahan kita. Kung kailangan mo ng kausap makikinig ako," saad ni Edward sa nakababatang kapatid. "Andito lang kamj Troy para sa 'yo," saad naman ni Athena. "Okay lang ako, huwag niyo akong masyadong alalahanin. Umuwi na kayo, alama kong hinihintay kayo ng anak n'yo," saad ni Troy sa mag-asawa. "Hindi, Troy. Dito lang ako sa tabi mo. kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo akong gampanan ang pagiging Kuya ko sa 'yo," saad ni Edward. "Salamat, Kuya," saad ni Troy na kita sa mukha ang pagkabisa. "Mabuti pa, pumunta na muna kayo sa terrace para malinisan ko lang ito," saad ni Athena. "

