'Bakit kaya gano'n siya? Ano'ng nangyari sa kaniya? Nag-iba ang timpla ng mukha niya, lalo na ang mga mata niyang napakalungkot. Nasaan nga ba si Andrea? Ang huling kita ko sa kaniya malaki na ang tiyan niya at malapit ng manganak. Ano'ng nangyari sa kanila?" sunod-sunod at nagtatakang tanong ni Sab sa kaniyang isipan. Habang nagmamaneho 'to. Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya agad niya itong kinuha mula sa bulsa at sinagot ang tawag. "Hello, Sab. Nasaan ka?" tanong ni Marie na nasa kabilang linya. "Dinalaw ko lang si Mr.Montenegro. Kaso lang parang may kakaiba at mali sa kaniya. Tapos ang mga mata niya kitang-kita ko napakalungkot na para bang may nangyaring hindi maganda," sagot ni Sab sa kabilang linya. "Hindi mo pa ba alam? As in wala ka bang alam talaga sa nangyari?

