Pagkapasok ni Sab sa kaniyang silid ay agad itong dumiretso sa banyo upang maligo. Itinutok nito ang kaniyang mukha sa shower na tumutulo kaya nakapikit 'to. "Ano nga bang dapat kung gawin para makabawi ako at maibsan ang nararamdaman niyang sakit? Pero sure naman ako na kasama niya ang kaniyang asawa. Kaya hindi ko na dapat pa siyang alahanin. O isipin pa," saad nito sa kaniyang isipan at winaglit na lamang nito sa kaniyang isipan ang si Troy. SAMANTALANG si Andrea naman ay nagising dahil sa katok na nangagaling sa kaniyang pintuan. Agad itong nagmadaling tumayo at tinungo ang kumakatok sa kaniyang pintuan. "Magandang umaga, Andrea! Kumusta ka? Napansin kita kagabi. Ginabi ka na ng uwi. Okay ka lang ba? Nasaan ang asawa mo?" sunod-sunod na tanong ng isang may edad na babae. "Aling

