Masinsin ang patak ng ulan. Kapapasok pa lang ng buwan ng Mayo. Ito yung tinatawag ng mga matatanda na unang ulan pagkatapos nng mahabang tag- araw. At ayon pa sa mga matatatanda; ang unang patak daw ng ulan sa Mayo ay ginagawang bendita, o yung holy water sa mga Katolikong simbahan.
It hadn't been bad to drive through the rain until dusk came. In the half-light it was hard to see the road. The rain was heavy enough to reflect my headlights back against the windshield. My mileage on the speedometer told me I couldn't be very far from my destination.
Maayos naman at sementado na ang daan sa bahaging ito ng Sibuyan. At mangilan-ngilan lang ang nasasalubong kong mga sasakyan. May mangilan-ngilan din akong nalalagpasan na mga vans at mga trak sa daan.
Nang makita ko ang hotel sign sa tabi ng daan ay nag-menor ako. Mukhang bago pa ang hotel. Pumasok ako sa entrance at ipinarada ang aking Hi-lux. Mga graba lang na tulad ng mga inilalatag sa daan bago sementuhin o latagan ng aspalto ang naklatag sa parking lot. Ang pinaka-malapit sa opisina ng hotel ang pinili kong paradahan ng aking sasakyan. Wala akong dalang payong.
Disente naman ang silid na binuksan para sa akin ng boy mula sa front desk. Pwede na itong pansamantalang tirahan habang narito ako sa Sibuyan.
I stretched out on the bed and wondered if I had been smart to use my right name on the hotel registry. Kung matatagpuan ko ang pera, wala namang makapagsasabi kung ako nga ang kumuha nito. Okey lang na gamitin ko yung legal na pangalan ko.
Sinikap kong makahap ng tulog habang rumaragasa ang buhos ng ulan sa labas. Subalit, kahit pagod ako sa byahe ay parang mailap pa rin sa akin ang pag-idlip. Nagmula pa ako sa bayan namin sa Taguig at mag-isang nagbyahe papunta sa Batangas Port at sumakay kasama ang aking Hi-Lux sa Ferryboat patungo dito sa Sibuyan. Isang nakakapagod ngunit maayos namang inland driving.
Nang ganap nang tumila ang ulan ay lumabas ako ng silid. Ang harap ng hotel ay isang maliit na pondahan. Pwedeng magpaluto ng pagkain at uminom. Isang magandang babae ang nasa counter. Mataman nya akong tinitigan.
“Transient sir? Contractor, o turista? Parang ngayon ko lang kayo napansin dito,” urirat nito sa akin.
“Natira na ako dito dati,” sabi ko.
“Dyan sa San Fernando. Taga Romblon ako.” Sabi ko pa.
Tumango-tango ang babae at iniabot sa akin ang menu.
“Dyan ka ngayon sa Magdiwang Hotel nanunuluyan?” tanong pa nito. Tumango ako. Di ko sinabi na galing pa ako sa opisina namin sa Taguig.
“Katsi-check in ko lang.”
“Pwede namang ihatid ko sa room nyo yung order nyo.”
Napansin ko yung sinasabi ng kanyang mga mata. Subalit, wala ako sa mood para sa mga ganoong panunukso. Iba ang pakay ko dito sa pagbabalik ko sa Sibuyan. Kailangan kong pag-isipang mabuti kung paano maisasagawa ang pakay ko sa pagbabalik ko dito.
Dati akong pulis sa bayan ng San Fernando, ns isa sa tatlong bayan sa isla ng Sibuyan. Taga-Romblon, Romblon ang mga parents ko. Dalawang taon na ako sa pagiging pulis. Subalit mas higit pa sa pagpu-pulis ang pangarap ko. Kaya nang matanggap ang aplikasyon ko sa Philippine Marines ay para akong tumama sa Sweepstakes. Para sa akin ay isang karangalan ang mapabilang sa Philippine Marines.
Subalit, isa rin ako sa mga tinatawag nilang mga ideologists o yung may mga progresibong kaisipan sa hanay ng mga sundalo. Kaya nang manawagan ang mga pinuno ng aming lihim na samahan sa Philippine Marines ay kasama kami na kumubkob sa Manila Peninsula para ipanawagan ang pagbibitaw noon ni Arroyo. Her government was able to quell the mutiny. Tinawag nila kaming mga putschists. At ikinulong kaming lahat. Sa kalaunan ay napalaya ang mga namuno sa kudeta. Subalit kaming mga nasa ibaba ay nadiretso sa National Bilibid prisons.
At dito sa Bilibid ay nakasalamuha ko ang lahat halos ng uri ng mga taong tinatawag nilang kanser ng lipunan. Subalit, sa katulad ko, masasabing isang kawalan din ng hustisya, kung bakit ako napunta sa ganitong kalagayan. Para sa akin, hindi krimen ang ipaglaban ang Karapatan ng mamamayan laban sa bulok na pamamalakad sa pamahalaan.
At sa loob, dito ko nakilala ang isa ring taga Sibuyan. Sa Cahidjocan naman siya nakatira. At dala marahil ng pagiging magkababayan namin ay naging magka-palagayan kami ng loob ni Ruel. Buddy-buddy kami sa loob. Sanggang-dikit.
Mabait si Ruel. Siya ang gunagawang atsoy at busabos ng mayor-mayor namin sa loob ng selda na si Teting. Kahit ano ay ipinagagawa ni Teting sa kanya. Dahil maputi at magandang lalaki si Ruel ay binibihisan ito ni Teting ng bihis babae at ginagawang babae kapag inaalihan ng libog.
“Hayup talaga yang si Teting. Halang ang kaluluwa ng halimaw na yan,” bulong ko kay Ruel nang makita ko siyang duguan at bugbog sarado mula sa infirmary.
“Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Yung bagong dating, kosa pala ni mayor,” sabi ni Ruel.
“Anong koneksyon doon sa ginawa sa’yong pambubugbog? Kulang na lang ay patayin ka nila.”
“May ipagtatapat ako sa’yo,” bulong sa akin ni Ruel.
“At may ipapakiusap sana ako.”
"Ano ba yun?"
“Ginusto ko rin siya, nakuha ko rin siya, pero wala na siyang silbi ngayon sa akin."
"Hindi kita masundan Ruel. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."
Inilahad nya ang isang bahagi ng kanyang buhay. Ayon sa kwento nya, dalawa lang silang magkapatid ni Greg. Mas matanda sa kanya si Greg ng anim na taon. May negosyo sila sa Sibuyan na minana nila sa kanilang namayapang mga magulang. Mga hauling trucks at nagpuputol ng mga troso na ginagawang mga tabla at iniluluwas sa iba-ibang syudad at probinsya. Mayroon din silang mga lumber and Hardware stores sa Romblon at sa Batangas.
Bukod sa magaling sa negosyo si Greg ay mayroon din itong batang-batang asawa.
“Hindi ko pinagnasaan si Nerissa. Hipag ko siya. Pero, nangyari iyon.”
“She was my brother's wife and I knew it was wrong, but I couldn't stop. We had to sneak around behind his back.”
“Maliit lang na isla ang Sibuyan. Kailangan naming maging maingat. Alam ko na kung anong uri ng babae ang hipag ko. Subalit, mahal na mahal siya ni kuya Greg. At hindi ako makaiwas sa kanyang panunukso.”
“Siya ang umupat sa akin para takasan namin si kuya Greg at magpakalayo-layo. At sinunod ko naman siya. Nag-umpisa kong nakawan ang aming kumpsnya. Para magamit namin ni Nerissa sa plano naming pagtakas kay kuya.”
Inisa-isa nya kung paano nya ginawa ang palihim na pang-uumit sa kita ng kanilang kumpanya. Dahil hindi naman ako negosyante, hindi ko mauunawaan ang ilan sa mga detalye ng sinasabi nyang paraan ng pagnanakaw nya sa kanilang sariling kumpanya.
Ang halaga na sinasabi nya ang natatak sa utak ko. Milyones ang halaga na sinasabi nya.
I listened to his story patiently and tried to remember every detail. I simply knew the place he was talking about. Laking Sibuyan din ako. Of course, what he was telling was a lot of money.
“Hiindi ko magawang magbukas ng ibang bank account para ideposito ang pera. Magkakaroon ng paper trail kung sakali. Inilagay ko ang pera sa malalaking garapon na may takip. Yung mga babasaging sisidlan na para sa mga pagkain, yung may takip na lata na may goma. At ibinaon ko ang mga ito.” Pagpapatuloy ni Ruel.
According to him, his brother would keep asking him why the company was losing money. And he would always lie to him, feigning innocence about the loss. And Nerissa too was getting more restless all the time and more careless. He was afraid Greg would find out, at natatakot siyang mabisto ng kapatid ang mga kasalanan nya dito.
“Nerissa had me sort of hypnotized. We finally set the date when we were going to run away. Everything was planned.” Muli siyang nagpatuloy.
“Wag muna nating ituloy ang lakad natin,” sabi sa kanya ni Nerissa matapos silang panakaw na muling nagniig.
“Pag nagtagumpay ka, makakapagliwaliw tayo sa buong mundo,” sabi pa nito.
Together with an insider, Nerissa was hatching a heist. They planned to steal the gold ingots from the local mine.
“Akala ko ba walang ginto sa Sibuyan at puro copper ore deposits lang ang narito?” tanong ni Ruel sa kausap nila.
“Meron kaya lang clandestine ang operation ng goldmine dito. Ayaw magbayad ng tamang buwis ng minahan.”
“Naisagawa namin ang heist. Kasama kong ibinson sng mga gold ingots na hinijack namin.” Sabi pa ni Ruel.
“Kaya lang natimbog din kami, kaya narito ako sa kulungan.” Pagtatapos ni Ruel.
Nagkatitigan kami ni Ruel. Hinawakan ko yung kamay nya.
“Nagsisisi na ako sa ginawa ko,” sabi nyang namamalisbis ang luha sa mga mata.
“Gusto kong itama mo ang mga nagawa ko kay kuya Greg kapag nakalaya ka. Habam-buhay ang hatol sa akin kasi, napatay namin ang mga gwardya na kasama nang tambangan namin ang armored van.”
“Si Nerissa, tiyak kukunin na nya ang pera at ang ginto.”
"Hindi ko sinabi sa kanya ang kinaroroonan ng pera o ng ginto. Mahirap matagpuan ang kinaroronan ng pera at ginto."
His story gave me a lot to think about. Lumubha ang kalagayan ni Ruel. Subalit, bago siya nalagutan ng hininga ay nasabi nya sa akin ang ilang detakye na paulit-ulit kong binalikan sa isip.
“Hindi na ako magtatagal Ted,” sabi nya.
"Lakasan mo ang loob mo, kaya mo yan."
"Wala na, nararamdaman kong hindi na ako magtatagal pa. Malaya ka na next year di ba? Magbalik ka sa atin sa Sibuyan. Please, ipagtapat mo lahat ang sinabi ko sa’yo kay kuya Greg. Give him the money. Ang mga ginto ay itabi mo para sa’yo. Isa kang mabuting kaibigan."
"Sige, pero saan ito nakabaon?" tanong ko.
"Sabihin mo lahat ng detalye."
“Hanapin mo sii Sisa. Malalalaman nya kung nasaan ang mga ibinaon ko.”
Iyon na ang huling salitang nabigkas nya. Pagkatapos noon ay kinalampag ko ang selda para kunin ang atensyon ng gwardya. Dinala siya sa infirmary. Hindi na siya naibalik sa aming selda.
Sa loob ng kulungan yung kayamanang sinabi ni Ruel ay nagbigay sa akin ng inspirasyon na hangarin ang maagang paglaya. Nagpakabait ako ng husto. Sumapi ako sa mga volunteers sa loob ng kulungan. Kahit pa binubusabos din ako ni Teting ay nagpaka-timpi-timpi ako. Pasalamat ako at may dumating na bagong inmate na maputi at kasing-gwapo ni Ruel. Hindi ko masisikmura na magbihis babae at asawahin ni Teting. Magkakamatayan kami.
Finally, lumaya ako. The thought of the treasure was no longer on the surface of my mind. It was hidden down underneath. I would think about it, but not very often. Ang nasa isip ko ay magsimulang muli. To start from the scratch. Maganda na ang buhay ng parents ko sa Romblon. Contractor na sa mga pagawaing bayan ang isa kong kapatid. At binigyan nya ako ng trabaho bilang inspector sa mga projects nya. Ang kanyang kumpanya ay may branch sa Luzon. Sa Taguig City ang Luzon Office ng kumpanya at doon ako naka-base.
Ayos na sana ang buhay ko at enjoy na ako sa aking bagong pamumuhay. Subalit, muling nagusot ang lahat nang pumasok ang kapatid ko sa pulitika. Malaking pulitiko ang binangga nya. Hindi ko alam kung mananalo ang kapatid ko. Subalit popular naman siya. At may matibay na paninindigang tulad ko. Subalit tiniyak ng nakalaban nya ang kanyang pagkatalo.
Isang araw bago ang eleksyon ay inambush ang kapatid ko. Alam namin kung sino ang culprit. Alam ng mga ka-pulisan sa probinsya namin. Subalit, sa atin ang hustisya ay para lamang sa mga may salapi.
Nakukulong ang mga walang kasalanan at nakalalaya ang mga nagkasala; ito ay sa taginting ng salapi.
Sa mga naging karanasan ko sa kulungan, I realized, kailangan kong tumabla. Pero kailangan ko ng kapangyarihan. Nagbalik sa isip ko ang ibinaon ni Ruel na kayamanan. The idea of his buried treasure and my hunger to avenge my brother’s death burned day and night within me. My incarceration made me realistic about life. About its many facets and possibilities.
Long shot ang gagawin kong paghahanap sa sinasabi ni Ruel. I only have scant clues and information para maging successful yung lakad ko sa Sibuyan.
But I had started the long trip back to Sibuyan with an entirely unrealistic anticipation of success. Matagal na akong hindi nagagawi sa Sibuyan. At ang naipon ko sa ibinibigay na allowance at sahod sa akin sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa kumpanya ng nasawi kong kapatid ang tanging dala-dala ko sa lakad kong ito. Masasabi kong suntok sa buwan ang lakad ko. Subalit, kailangan kong manangan sa sinasabi ni Ruel, at sa mismong hunch ko.
Ang unang araw ko sa Magdiwang Hotel ay ginugol ko sa pag-iinom. Doon ako lumugar sa dako ng aplaya na nakaharap sa Sibuyan Sea. Malamig ang simoy ng hangin doon. Ang Sibuyan ang sinasabing Galapagos ng Asia. Sa loob ng napakatagal na panahon ay nanatiling secluded ang isla. Parang ang mga oras dito ay hindi umuusad noong nakatiira ako dito. Subalit maunlad na ito ngayon. Halos sementado na ang circumferential road. At dalawa na ang pantalan dito, at mayroon nag regular na byahe ang mga ferry boat.
I drank to drown whatever anxiety and apprehensions I was feeling sa muling pagtapak ko sa islang ito. And there was that feeling that somewhere, parang may hinahanap akong hindi ko maintindihan kung ano. Perhaps a woman? A partner in life? Nasa twenties lang ako ng makulong at ngayon ay nasa late thirties na ako. May girlfriend ako na nasa Maynila. Pero, right now parang hindi pa panahon to settle down.