On the following morning, the island lay clean as if washed by the night rains. It appeared bright and glowing in the May sun. Ganito namin natatandaan ni Ruel ang isla.
Tatlo lamang ang bayan sa isla ng Sibuyan. There isn't much of a transient population. Everybody seems to know everybody. It's a pretty good place. It is a sort of island paradise.
It lays between China Sea and Sibuyan Sea, at kayang ikutin ang buong circumference road ng isla sa loob lamang ng kulang kalahating oras. Subalit kapag titingnan mo ito, para na ring isang maliit na syudad ang isla. Mayroon na itong isang kolehiyo na nasa bayan ng San Fernando, dalawang pantalan na nasaa Magdiwang at Cahidjiocan. Ang ipinagmamalaki nitong mga beaches at matulaing Mt. Guiting-guiting ang siya nitong pang-akit sa mga turista.
But, sa kabila ng mga improvements at pagdating ng modernisasyon sa isla. Isa pa ring antuking lugar ang isla sa kabuuan. Although naniniwala akong hindi na magtatagal ito.
And doubtless too, there were many who complained acidly about the island being dead on its feet, about the young people leaving for greater opportunities. But such human irritants did not change the rather smug complacency of the place. The population was no more then sixty two thousand scattered in the three towns and it had not changed very much in the past ten years.
Patungo ako sa Cahidjiocan, kung saan naroon ang tirahan nina Ruel at Greg. Hindi brand-new ang Hi-lux ko. Service ito ng kapatid ko na ipinamana nya sa akin ng gawin nya akong field inspector sa kanyang mga projects.
Nang makakita ako ng isang pagawaan ng mga sasakyan pagkalagpas ng isang malaking tulay ay huminto ako.
A man came up to me as I got out of the car. "Tumitirik eh,” sabi ko. “Saka malayo ang naging byahe ko, kailangan na rin akong mag-change oil.”
He looked at the wall clock. "Mamayang alas-tres ng hapon?"
"Sige kung hindi pwedeng mas maaga."
"Sa NCR ang plaka mo?"
"Just on a vacation. May kakilala ako na tagarito si Ruel Enriquez.”
He was a gaunt man with prematurely white hair and bad teeth. Dunukot siya ng sigarilyo na nasa bulsa ng cover-all nya. Kumuha ng isang stick sa lukot na kaha at nagsindi bago nagsalita.
“Kilala dito si Ruel. Alam mo bang patay na siya?”
"Kasama ko siya ng mamatay siya." Pag-amin ko.
Tinitigan ako ng mekaniko at sunod-sunod na hitit-buga ang ginawa nito.
"Sa Bilibid?"
Tumango ako. Tinitingnan ko kung ano ang reaksyon ng kausap ko.
"Mahirap sa loob. Pero hindi naman lahat ng nasa loob ng Bilibid ay talagang may kasalanan. Nabanggit nya sa akin na may kapatid siya na Greg ang pangalan. May ipinararating siya bago namatay.”
Dumura ang mekaniko sa lupa. "Marahil ay alam na ni Greg ang lahat."
"Anong alam na nya? Hindi kita maintindihan."
"May dumating dito na lalaki na kasama din daw ni Ruel sa loob. Hanggang ngayon ay narito pa siya. Dumating siya rito mag-iisang taon na. Teting ang pangalan nya. Trabahador siya ngayon ni Greg sa kanyang trosohan sa bundok. Kilala mo siya tiyak kung magkakasama kayo sa loob.”
"Kilala ko siya," sabi ko.
Paano ko makakalimutan si Teting?
Hindi ko makakakalimutan ang sumpaan namin nina Ruel. Na kapag nakalaya kami at nakalaya na rin si Teting ay hahantingin namin ito hanggang sa dulo ng daigdig.
Tuso at mamamatay-tao, halang ang kaluluwa ni Teting. Pera at babae ang passion nya. At ang pagpatay ay isang libangan lang sa kanya.
At hindi ko alam kung ano ang layunin nya sa pagparito sa Sibuyan. At bakit dito nya hinangad magpunta matapos lumaya. Magka-pareho ba ang aming mga pakay?
Malaking lalaki si Teteng. Bihasa siyang gumamit ng armas. Nakulong siya sa sa salang pagpatay. At lagi nya itong ipinagmamalaki. Sa tingin ko ay dati rin siyang militar. Ang sabi-sabi ay naging bodyguard siya ng isang Congressman sa Cavite.
"Gusto ko siyang makita,” I told the garage man. "Malayo ba rito yung trosohan nina Ruel?"
Iniwan ko sa garahe ang aking sasakyan. Nagpahatid ako sa isang traysikel papunta sa sinasabing trosohan. Nasa kalagitnaan ng kabundulang ng isla ang trosohan.
Malawak ang lumberyard. May tindahan malapit sa daan. May malaking storage ng mga natabas nsmg mga tabla at mga kahoy. Mulsa sa kinaroroonan ko ay maririnig na ang pag-angil ng chainsaw at cutting machines. Sa di kalayuan ay may mga trak na nakapila para magsakay ng mga finish lumber.
Isang bata pang babae ang nasa front office na napagtanungan ko. Itinuturo nya ang mga trak na nasa likuran at kinakargahan ng mga tinabas na tabla ng isang fork-lift.
“Nandoon po si Ka- Teting” sabi sa akin ng babae.
I went back and saw him before he saw me. He was heavier but otherwise unchanged. He stood with another man watching the fork-lift operator loading a stake truck. Naka-suot ng khaki na puruntong si Teting at nakapamulsa ang dalawang kamay. May sinasabi yung kausap ni Teting at labas-gilagid na humahalakhak naman ito na tila nilulunod ang ingay ng makina na tumatabas sa troso na nakasalang.
He turned as I approached him. His face changed. The smoke eyes looked at me, wary, speculative. "Anong ginagawa mo dito Ted?"
"Ikaw ang gusto kong tanungin kung paano ka napunta dito." Ito yung gusto kong sabihin talaga.
“Taga-rito ako, dyan sa kabilang bayan,” ito yung lumabas sa bibig ko.
Bumaling siya sa lalaking kausap nya. "Tom, may bisita ako. Pagkatapos maikarga yung order mo, daanan mo sa harap ang resibo."
He started walking back through the lot between the stacked lumber. I hesitated and followed him. He led the way to a shed on the back corner of the lot. Isang lumang Ford Coupe ang nakaparada sa shed. Malinis ito. Parang walang bahid-dungis. Ito agad ang napuna ko nang buksan nya ang pinto nito at kinambatan akong pumasok sa loob ng sasakyan.
There was a bunk, table, chair, shelf with hot plates and dishes. He had a supply of canned goods, clean clothes hanging on hooks, a pile of magazines and paper-bound books near the head of the bunk. Kumpleto ang rolling home na bumulaga sa aking mga mata.
Nag-aanyaya ang mga mata ni Teting. Iba na yung trato nya sa akin. Dito sa labas ay hindi na nya ako alila. Ang kalayaan sa labas ay nagdudulot sa amin ng katotohanang we are on equal-footing sa labas ng kulungan especially that we have earned our freedom.
"Nagagalak akong makita ka kosa,” sabi nya.
"Nalaman ko sa bayan na dito ka nagtatrabaho,” sabi ko.
"Napadaan ka lang dito sa Cahidjiocan?"
"That's right."
"Mukhang ang layo na ng hitsura mo."
"Hindi naman ako kriminal. Isa lang akong putschist."
"So, tama pala ang sabi nila na dati kang marine."
“Isa akong Ranger, pero walang pera doon. So, mas masarap yung buhay na mas malaya.”
“Malayang pumatay?”
I heard him chuckled and lock gaze with me. He was appraising me.
"I killed politicians."
"You sound like you think that would be a good thing."
There was an amused sneer in his tone that brought it all vividly back. Rebelde lang ako kaya ako nakulong. Hindi ako mamamatay-tao.. Although sa dati kong propesyon, kung kinakailangan at sa tawag ng aking sinumpaang tungkulin; handa rin akong pumatay at mamatay.
Yung galit ko sa kanya sa pambubusabos nya sa amin lalo na kay Ruel ay nagbabalik. Ewan ko kung bakas sa mukha ko ang ngitngit at galit na iyon.
I struck blindly, taking him almost completely by surprise, my right fist hitting his jaw solidly. The impact jarred my arm and shoulder and back. It knocked him back a full step. I wanted him on the floor. I swung again and hit a thick, hard arm. He muffled the third blow and caught my left wrist, then grabbed my right wrist. I tried to snap my wrists free, but he was far too powerful. I was able to resist the grinding twisting force for several seconds. His face was quite impassive. I was slowly forced down onto my knees, tears of anger and humiliation stinging my eyes.
Binitawan nya ang braso ko. At binigyan nya ako ng lumalagapak na karate chop sa gilid ng ulo na nagpatumba sa akin sa sahig. Nagpilit akong bumangon at humawak sa silya para gamitin ito laban sa kanya. Inagaw nya ito sa aking mga kamay. Sinipa nya ako sa dibdib at gumulong ako palabas ng pinto. Ibinalik nya ang upuan at umupo sa gilid ng bunk. Walang anumang nagsindi si Teting ng sigariyo habang nagsisikkap akong tumayo.
He looked at me calmly. "Anong masamang hangin ang pumasok sa kukote mo?"
"Pukeng ina ka!"
He looked bored. "Tumigil ka. Maupo ka. Marami ka pang kakaining bigas. Hindi ka kriminal. Putschist ka lang.”
I sat in the chair. My knees were weak and my wrists hurt. He got up quickly, went to the door and opened it and looked out, closed it and went back to the bunk.
"Wag kang parang bata. Pag-usapan natin si Ruel, Ted.”
"Anong tungkol kay Ruel?"
“Wag ka nang mag-maang-maangan pa Ted. Alam kong alam mo kung bakit ako naritito? Yung sinabi ng kosa ko kasabwat nila sa gold ingots. Kay tagal kitang hinintay dito. Bakit ngayon ka lang?”
"Wala akong alam tungkol sa sinasabi mo. Sinabi nyang itinago nya ito pero hindi nya sinabi kung saan."
He was silent as he thought it over. "Parang hindi ko matatanggap ang sinasabi mo. Bakit narito ka? Ano ang dahilan?”
Tinitigan ko siya.
“Taga San Fernando ako, sa kabilang bayan,” pag-uulit ko.
“Hindi ka nagpunta dito para sa kayamanan?”
"That's right," I said. "Kung alam ko kung nasaan ito. I can go and dig it up right now. That's why I waited a year before I came here. And that's why I came here to see you instead of going and digging it up."
"Bakit ka pa nagpunta dito?"
Nagkibit-balikat ako. "I lost my job. I remembered the money. I thought I'd come here and look around,” pagsisinungaling ko.
"Isang taon na ako dito,” sabi ni Teting.
“I know a hell of a lot more about Ruel, the way he lived, the way his mind worked. Maliit lang ang isla, pero hindi ko pa matagpuan yung sinasasabi nyang kayamanan.”
“Yung kosa mo, yung ka-kutsaba nya? Wala bang alam iyon?”
“Patay na ang ulol na iyon. Inatake sa puso.”
"Then I won't find it either, will I?"
"Then you better take off, Ted. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo."
"Kanya-kanya tayong hunch. Nasa kabilang bayan lang ako. I think dito muna ako sa Cahidjiocan."
He leaned forward. "Pwedeng may alam kang clue na di ko alam. Maaring palpak din ang hunch mo.”
"Wala rin akong alam, at dahil nauna ka na dito baka mas marami ka pang alam. Pero, mas may tiwala naman ako sa hunch ko kesa sa hunch mo.”
Natawa siya sa sinabi ko. The laughter stung my pride. It seemed it was a ludicrous thought to him that I could do anything in the world he couldn't do.
"Nagsayang ka na ng isang taon sa pagbabaka-sakali. At least magsisimula pa lang ako," I said hotly.
Nagkibit-balikat siya. "May pupuntahan pa ako. It might as well be here. What's wasted about it? I've got a good job,” pangangatwiran naman nya.
“Magtulungan tayo. Pagsama-samahin natin yung mga clue na nakuha natin. Pag natagpuan natin ang kayamanan, bibigyan kit ng ikatlong bahagi."
“Di bale na lang," I said, too quickly.
Naupo siyang muli at tinitigan ako ng matiim. "You have something to work on."
"No. I don't."
"Baka sa dulo ay mawalan ka pa kesa sa inaalok kong kaparte mo kung sakali."
"Or all of it instead of a third." Sabi ko naman.
"Finding it and taking it away from here are two different problems." Sabi nya.
"I'll take that chance."
Muli siyang nag-kibit-balikat. "Bahala ka. Go and say hello to Greg. Ikumusta mo ako sa kanya."
"At kay Nerissa?"
“Wala na yung asawa ni Greg. Sumama daw doon sa kalaguyo nitong salesman."
"Baka tinangay na ni Nerissa ang kayamanan."
"Hindi ako naniniwala."
"Ayon kay Ruel alam ni Nerissa ang tungkol sa kayamanan. Hindi ito basta aalis nang hindi ito nakukuha.”
"She did," sabi ni Teting na naka-ngisi. "Maniwala ka sa akin. Umalis siya na walang dalang kayamanan."
SUBAYBAYAN…