Maaliwalas ang panahon at parang napalis na yung pamamasa ng kapaligiran na dala ng ulan nang makarating ako sa trosohan.
The lumberyard had looked reasonably prosperous. But the retail lumber and hardware store was not what I expected. From talks with Ruel. I was expecting a big place with five or six clerks. At nasa isip ko yung mga tipikal na tulad sa malalaking one-stop home building depot sa ka-Maynilaan.
Maliit lang at makitid ang tindahan sa harap at parang madilim sa loob. Mainit at tanging ang nag-iisang ceiling fan lamang ang nagsisilbing pang-alis init. Pakiramdam ko ay pati yung alikabok at saw-dust mula sa mga tinatabas na mga kahoy at tabla sa likuran ay tangay-tangay ng hangin sa loob ng tindahan.
Isang kawaksi sa loob na parang marusing din ang suot na t-shirt ang lumapit sa akin. Tinanong nya kung ano ang kailangan ko. Nang sabihin kong gusto kong maka-usap si Ginoong Greg Enriquez, itinuro nya ako sa isang makeshift na opisina sa dulo ng tindahan. Nang lumapit ako doon, sa salaming pinto ng opisina ay nakita ko ang isang may edad nang lalaki na naka-upo sa kanyang lamesa.
Nag-angat ng tingin ang lalaki nang itulak ko yung hindi naka-lock na glass door ng opisina. Nakita ko agad ang pagkakahawig ng lalaki kay Ruel. Ang pagkakaiba lang ay sa aura ng dalawa. Makisig si Ruel at masayahin. Samantalang ang lalaking kaharap ko ay seryoso at parang pasan nya ang mundo.
He was a big man though, tulad ni Ruel. The wide, high forehead was the same, and the slightly beaked nose and the strong, square jaw. Ang isa pang napuna ko kaagad ay parang may sakit si Gteg. Maputla ang kutis nya. At walang kislap ang kanyang mga mata. Naamoy ko rin na parang amoy-alak ang loob ng opisina.
"May kailangan ka?"
"Ako si Ted Gorospe, taga-San Fernando ako, kaibigan ko si Ruel,” pagpapakilala ko sa aking sarili.
“Kaibigan ka ni Ruel?" He repeated it in an odd way. Parang may yamot at pang-uuyam sa himig ng pagtatanong nya.
"Magkasama kami ng namatay siya."
"So, kasamahan mo rin si Teting?" Parang may anino nang hindi ko maipaliwanag na damdamin sa mga mata nya nang nabanggit kong kasama ko si Ruel nang mamatay ito. May ibang tono yung pagbanggit nya kay Teting.
“Maupo ka, gusto mo ng kape o Whiskey?”
Pinili ko yung Whiskey. Parang masakit pa ang panga ko sa naging praktis namin ni Teting sa likuran. He pushed by my chair and went out to a sink. I heard him rinsing out two glasses. He came back and picked a bottle off the overhead cabinet in the corner and poured a generous drink in each glass.
"Tagay to para sa kapatid ko," sarkastikong sabi ni Greg.
"Para kay Ruel."
"Nakalabas si Teting. Nakalabas ka. Kulang-palad ang kapatid ko."
"Ganon talaga marahil ang buhay."
"Ano ba talaga ang ikinamatay nya? Ayaw sabihin sa akin ni Teting."
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa labi ko. Kung alam lang ni Greg, hindi nya aampunin si Teting. Mahusay maging hunyango ang mayor-mayor namin sa Bilibid.
Nagkibit-balikat ako. "Mahirap sa loob. Walang sapat na pasilidad para sa mga nagkakasakit.”
“Nang dalhin siya sa infirmary, hindi na siya nakabalik sa selda. Diretso na siya sa morgue.”
“Ginawa ko lahat ng paraan para makalaya siya. Nasabit lang siya. Nagkataon lang na naroon siya sa lugar nang tambangan ang armored van ng minahan. Di magagawa ni Ruel ang ganoong trabaho. Mayaman kami.”
Napatingin ako sa kaharap ko nang marinig ko ito. Ito talaga ang magiging paniwala nya, kung ito ang alibi ni Ruel kung bakit siya nasangkot sa krimen na naghatid sa kanya sa Bilibid.
“Na-frame up lang ang kapatid ko. Kung sana narito siya sana alam nya ang gagawin…”
“Tungkol saan?"
"Wala bang na-iki-kwento sa’yo si Ruel?"
“Sabi nya malago ang negosyo nyo."
"Dati. Ang tindahan na ito ay nasa Batangas City mismo. May branch pa kami sa Romblon dati. Ngayon, ito na lang na trosohan ang natira sa amin at ang trucking. Naghihigpit pa ang DENR sa logging permit.”
I felt uncomfortable. "Hindi maganda ang takbo ng ekonomiya. Hndi maganda ang takbo ng negosyo."
"Depende. Mas pabor ang ekonomiya sa iba. Depende sa uri ng negosyo. Ikaw ba ano ang raket mo?"
"Wala akong trabaho sa ngayon."
He smiled at me in a mirthless way. "At gusto mong manatili dito sa Sibuyan?"
"Pinag-iisipan ko pa ang mga options ko."
"Kinontak ka ba ni Teting?"
"Di ko alam kung ano ang gusto mong tukuyin. Wala kaming komunikasyon. Hindi ko nga alam na narito siya."
"Pero tinawagan mo siya. Tumawag siya kani-kanina lang. Sinabi nyang baka nga pumunta ka dito sa opisina ko. May isang taon na siyang nagtatrabaho sa akin,” sunod-sunod na sabi ni Greg.
“Kung naghahanap ka rin ng trabaho, wala na akong maibibigay na trabaho para sa’yo…”
"Hindi ako naghahanap ng trabaho…”
He kept smiling. His eyes were funny. I had the feeling that he was either very drunk or out of his head. "Hindi trabaho ang nanap mo? May iba pa kaming tinda dito. Bilang kaibigan ng kapatid ko, sabihin mo lang kung mayroon ako, ibibigay ko.”
"Maraming salamat mang Greg. Pero hindi kita maintindihan. Naging mag-kaibigan kami ni Ruel sa loob. At magkababayan pala kami. Naisipan ko lang dumaan dito at makipaghuntahan ng kaunti.”
"Talaga lang ha? Sa likuran ka muna nagpunta. Si Teting muna ang pinuntahan mo."
Napakamot ako sa ulo. Ipinaliwanag ko sa kanya na sa isang pagawaan ng sasakyan ko nalaman ang tungkol sa pagtatrabaho ni Teting sa kanya, nang ipagawa ko yung dala kong kotse. Yung kuryosidad ko kung bakit narito si Teting ang dahilan kaya una ko siyang hinanap. Sinabi ko rin sa kapatid ni Ruel na nagtataka ako kung bakit nya inakala na naririto din ako para maghanap ng trabaho. At bakit nag-o-offer siya na ibigay ang anumang magugustuhan ko sa tindahan nya.
He looked at me and then bent over and picked up the bottle again. He put some in both glasses. "Okay," sabi nya. "Uminom na lang tayo. Wag mo nang pansinin ang mga sinabi ko. Maayos naman magtrabaho si Teting at kahit paano ay kumikita naman ang lumberyard. Okay na yun ‘di ba?”
"Sa palagay ko nga, okay na yan."
It wasn't anything like the conversation I had expected. Nahihiwagaan ako sa kapatid ni Ruel. Para siyang talunan pero masaya. Masaya siya sa pagiging talunan.
"Maraming na-ikwento si Ruel tungkol dito sa Cahidjiocan," I said.
"Dito na kami lumaki at nagka-isip."
Though I didn't feel right about it, I took the plunge. "Marami siyang ibinibida tungkol dito sa lugar na ito. At parang naiintriga ako sa mga babae na naibida nya, tulad ni Sairah Lopez, ni Susan at ni Sisa…”
"Kilala ko ang mga sinasabi mo," he said softly, half smiling. "Sairah Lopez? Anak ni Dr. Jake Lopez siya. Yung Susan, baka si Susan Cruz ang sinasabi nya. Magagandang mga babae sila at popular dito. Bago nangyari yung frame up kay Ruel ay naging tipikal ding kabataan ang kapatid ko. Used to run around with lots of girls. Pero noong naging mag-partner na kami sa negosyo ay naging seryoso na siya sa buhay at hindi na naglalagi sa labas. Dito na lang siya naglalagi sa bahay at sa negosyo namin. Kaya tiwala ako kapag narito siya.”