Maaliwalas ang panahon at parang napalis na yung pamamasa ng kapaligiran na dala ng ulan nang makarating ako sa trosohan.
Makikita sa malawak na lumber yard ang talaksa ng mga tabla na nilagari sa iba’t-ibang sukat. Maririnig ang ingay ng makina na tumatabas sa mga troso na parang nagngangalit na mga ngipin. Umuudok din yung kiln dryer sa di kalayuan. At abala ang mga conveyor at ang forklift upang isalansang ng maayos ang mga tabla at mga tinabas na kahoy mula sa kiln dryer sa mga talaksan na nasa likod mismo ng hardware at lumber store na nasa harapan.
Sa unang tingin, ang pagiging abala ng lumber yard ay nagbabadya ng magandang kita ng trosohan.
Subalit, parang kabalintunaan yung nasa harap na lumber at hardware store. I was expecting na ang tindahan ng mga tabla at kahoy at mga building and construction supplies ay tulald sa mga tipikall na home and building depots sa kamaynilaan. I was expecting na dahil nag-iisa ito sa lugar ay marami itong customer at marami ring mga tindero at tindera, Kundi man punong-puno ito ng mga paninda sa loob.
Maliit lang at makitid ang tindahan sa harap at parang madilim sa loob. Mainit at tanging ang nag-iisang ceiling fan lamang ang nagsisilbing pang-alis init. Pakiramdam ko ay pati yung alikabok at saw-dust mula sa mga tinatabas na mga kahoy at tabla sa likuran ay tangay-tangay ng hangin sa loob ng tindahan.
Parang walang kabuhay-buhay ang loob ng hardware at lumber store. Sa tingin ko ay parang inuubos na lang ng may-ari ang laman na stock ng tindahan at malamang ay isasara na nya ito.
Isang kawaksi sa loob na parang marusing din ang suot na t-shirt ang lumapit sa akin. Tinanong nya kung ano ang kailangan ko. Nang sabihin kong gusto kong maka-usap si Ginoong Greg Enriquez, itinuro nya ako sa isang makeshift na opisina sa dulo ng tindahan. Nang lumapit ako doon, sa salaming pinto ng opisina ay nakita ko ang isang may edad nang lalaki na naka-upo sa kanyang lamesa.
Nag-angat ng tingin ang lalaki nang itulak ko yung hindi naka-lock na glass door ng opisina. Nakita ko agad ang pagkakahawig ng lalaki kay Ruel. Ang pagkakaiba lang ay sa aura ng dalawa. Makisig si Ruel at masayahin. Samantalang ang lalaking kaharap ko ay seryoso at parang pasan nya ang mundo.
He was a big man though, tulad ni Ruel. The wide, high forehead was the same, and the slightly beaked nose and the strong, square jaw. Ang isa pang napuna ko kaagad ay parang may sakit si Gteg. Maputla ang kutis nya. At walang kislap ang kanyang mga mata. Naamoy ko rin na parang amoy-alak ang loob ng opisina.
"May kailangan ka?"
"Ako si Ted Gorospe, taga-San Fernando ako, kaibigan ko si Ruel,” pagpapakilala ko sa aking sarili.
“Kaibigan ka ni Ruel?" He repeated it in an odd way. Parang may yamot at pang-uuyam sa himig ng pagtatanong nya. Pakiramdam ko, para sa kanya ay kasalanan ang maging kaibigan ng kanyang kapatid.
"Magkasama kami ng namatay siya."
"So, kasamahan mo rin si Teting?" Parang may anino nang hindi ko maipaliwanag na damdamin sa mga mata nya nang nabanggit kong kasama ko si Ruel nang mamatay ito. May ibang tono yung pagbanggit nya kay Teting.
“Maupo ka, gusto mo ng kape o Whisky?”
Pinili ko yung Whiskey. Parang masakit pa ang panga ko sa naging praktis namin ni Teting sa likuran. He pushed by my chair and went out to a sink. I heard him rinsing out two glasses. He came back and picked a bottle off the overhead cabinet in the corner and poured a generous drink in each glass.
"Tagay to para sa kapatid ko," sarkastikong sabi ni Greg.
"Para kay Ruel."
"Nakalabas si Teting. Nakalabas ka. Kulang-palad ang kapatid ko." Dama ko yung bigat na nakadagan sa dibdib ni Greg. Expected naman ito, dahil sa nangyari kay Ruel sa loob ng piitan.
"Ganon talaga marahil ang buhay."
"Ano ba talaga ang ikinamatay nya? Ayaw sabihin sa akin ni Teting."
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa labi ko. Kung alam lang ni Greg, hindi nya aampunin si Teting. Mahusay maging hunyango ang mayor-mayor namin sa Bilibid. Minsan, mahusay magbalat-kayo na maamong tupa ang isang tao na kasing-lupit at kasing bagsik ng isang Hyena kapag maninila.
Nagkibit-balikat ako. "Mahirap sa loob. Walang sapat na pasilidad para sa mga nagkakasakit.”
“Nang dalhin siya sa infirmary, hindi na siya nakabalik sa selda. Diretso na siya sa morgue.”
“Ginawa ko lahat ng paraan para makalaya siya. Nasabit lang siya. Nagkataon lang na naroon siya sa lugar nang tambangan ang armored van ng minahan. Di magagawa ni Ruel ang ganoong trabaho. Mayaman kami.”
Napatingin ako sa kaharap ko nang marinig ko ito. Ito talaga ang magiging paniwala nya, kung ito ang alibi ni Ruel kung bakit siya nasangkot sa krimen na naghatid sa kanya sa Bilibid. Sa mga nagmamahal, ang nakikita lang ay ang positibong nais nilang paniwalaan. Laging binubulag ng tiwla at pagmamahal ang paningin ng isang tao. Oblivious sa kanila ang katotohanang, likas sa tao ang magkamali at magkasala.
“Na-frame up lang ang kapatid ko. Kung sana narito siya sana alam nya ang gagawin… Sana hindi ako hahantong sa ganito. Sana, may daramay sa akin.”
Tinungga nya ang baso ng alak. Mulling pinuno at tinungga ulit. Ni hindi nya tinanong kung gusto ko ring lagyan nya ulit ang tagay ko.
"Wala bang na-iki-kwento sa’yo si Ruel?"
“Sabi nya malago ang negosyo nyo."
"Dati. Ang tindahan na ito ay nasa Batangas City mismo. May branch pa kami sa Romblon dati. Ngayon, ito na lang na trosohan ang natira sa amin at ang trucking. Naghihigpit pa ang DENR sa logging permit.”
I felt uncomfortable. Parang inihihinga nya ang kanyang sentimyento. At hindi ko nararamdaman na pwede akong maging hinganan nya ng sama ng loob. "Hindi maganda ang takbo ng ekonomiya. Hndi maganda ang takbo ng negosyo. Alam mo na ang pabago-bagong policy ng gobyerno."
"Depende. Mas pabor ang ekonomiya sa iba. Depende sa uri ng negosyo. Ikaw ba ano ang raket mo?"
"Wala akong trabaho sa ngayon."
He smiled at me in a mirthless way. Pakiramdam ko ay parang lalong nagdilim ang mukha nya ng marinig ang sinabi ko.
"At gusto mo ring manatili dito sa Sibuyan? Kaya ka nagpunta dito sa Cahidjiokan?"
"Pinag-iisipan ko pa ang mga options ko."
"Kinontak ka ba ni Teting?"
Napatingin ako sa kanya sa tanong na ito. Muli nyang nilagyan ng whisky ang baso nya, at nang mapunang wala nang laman ang baso ko ay binuhusan nya rin ito ng alak.
"Di ko alam kung ano ang gusto mong tukuyin. Wala kaming komunikasyon. Hindi ko nga alam na narito siya."
"Pero tinawagan mo siya. Tumawag siya kani-kanina lang. Sinabi nyang baka nga pumunta ka dito sa opisina ko. May isang taon na siyang nagtatrabaho sa akin,” sunod-sunod na sabi ni Greg.
“Kung naghahanap ka rin ng trabaho, wala na akong maibibigay na trabaho para sa’yo…”
"Hindi ako naghahanap ng trabaho…”
Tumawa siya. Pero walang tunog iyon. Nakita ko lang na yumugyog ang balikat nya at napunit yung ismid sa bibig nya. His eyes were funny. I had the feeling that he was either very drunk or out of his head. Yun bang para siyang nasisiraan ng bait!
"Hindi trabaho ang nanap mo? May iba pa kaming tinda dito. Bilang kaibigan ng kapatid ko, sabihin mo lang kung mayroon ako, ibibigay ko. Hindi ako mahirap kausap.”
Nasamid ako nang bigla kong tunggain ang alak sa basok. Naluha ako at nagkanda-ubo. Nang ma-recover ko ang sarili ko ay kinagat ko yung labi ko at kinausap siya:
"Maraming salamat mang Greg. Pero hindi kita maintindihan. Naging mag-kaibigan kami ni Ruel sa loob. At magkababayan pala kami. Naisipan ko lang dumaan dito at makipaghuntahan ng kaunti.”
"Talaga lang ha? Sa likuran ka muna nagpunta. Si Teting muna ang pinuntahan mo."
Napakamot ako sa ulo. Ipinaliwanag ko sa kanya na sa isang pagawaan ng sasakyan ko nalaman ang tungkol sa pagtatrabaho ni Teting sa kanya, nang ipagawa ko yung dala kong kotse. Yung kuryosidad ko kung bakit narito si Teting ang dahilan kaya una ko siyang hinanap. Sinabi ko rin sa kapatid ni Ruel na nagtataka ako kung bakit nya inakala na naririto din ako para maghanap ng trabaho. At bakit nag-o-offer siya na ibigay ang anumang magugustuhan ko sa tindahan nya.
Nanaitg ang saglit na katahimikan sa pagitan namin. Muli nya akong tinagayan. Nang iabot nya sa akin ang baso ay may napuna ako sa mga mata nya. Matiim ang pagkakatitig nya sa akin. Parang sinusukat nito ang aking pagkatao.
“Baka iniisip mo na pabibat sa akin si Teting kaya, wala akong iniaalok na trabaho sa’yo.” Sabi nya. “Baka magsumbong ka sa kanya.”
Pinag-aarallan ko ang sitwasyon namin. Ang takbo ng usapan namin. Pakiramdam ko ay malalim na ang relasyon ni Teting at ni Greg. Pakiramdam ko ay lagpas na ito sa relasyon bilang mag-amo.
“Maayos naman magtrabaho si Teting. Napapasunod nya ang mga trabahador ko sa lumber yard. Mahusay siyang kapatas sa trosohan. At gustong-gusto nga nya na lalong lumakas ang kumpanya. Ito naman dapat ang maging motivation ng bawat nagninegosyo, di ba?”
"Sa palagay ko nga, walang negosyante na ayaw kumita."
Saglit na natigil ang usapan namin nang kumatok sa pinto yung tindero na nakausap ko kanina sa counter.
“Boss Greg, yung may-ari ng bagong ipinatatayong resort hotel sa ibaba ng Mt. Guiting-guiting.” Sabi nito na nginitan ang kasama.
Tumayo ssi Greg at pinaupo ang bagong dating sa silya na nasa harap ng mesa at nakaharap sa kinauupuan ko.
Nakatingin sa akin ang bagong dating. Nang makita nya ang hawak kong baso at ang whisky na nasa ibabaw ng mesa ni Greg ay ngumiti ito.
“Parang nararamdaman nyo na magbabayad ako, Mr. Enriquez. Ang aga ng celebrations nyo.”
Nakita ko yung parang pagdidilim lalo ng mukha ni Greg. Parang lalong nawalan ng sigla ang kanyang mga mata.
“Partial lang ito Mr. Enriquez. Pag na deliver nyo yung kabuuang board feet na inorder namin ang full payment.”
Inabot ng bagong dating ang tseke. Tatlong milyon ang amount na nakalagay sa tseke.
“Parang ayaw tabassin ng foreman mo ang mga tabla na kailangan ko hanggang di ako nag-iisyu ng tseke.”
“Alam ni Teting na may tseke ako mula sa’yo?”
“Pinatatabas na nya ang kabuuang order ko.”
Titig na titig si Greg sa tseke na hawak nya. Ni hindi nya inihatid ng tanaw ang bisita nyang nag-abot ng tseke.