Matagal nang nakaalis yung bisita nya ay parang tigalgal pa rin si Greg. Inilagay nya sa hunos ng kanyang lamesa ang tseke. It was a funny thing to watch him. Parang balewala sa kanya yung ibinayad nung bisita nya. Parang hindi malaking event na nakasingil siya sa araw na ito ng tatlong milyon!
At para matuloy yung isa pang dahilan kung bakit ko siya sinadya sa kanyang opisina ay nagbukas ako ng bagong topic na simula ng aming usapan.
And it wasn't anything like the conversation I had expected. Nahihiwagaan ako sa kapatid ni Ruel. Para siyang talunan pero masaya. Masaya siya sa pagiging talunan.
"Maraming na-ikwento si Ruel tungkol dito sa Cahidjiocan," I said.
"Dito na kami lumaki at nagka-isip."
Though I didn't feel right about it, I took the plunge. "Marami siyang ibinibida tungkol dito sa lugar na ito. At parang naiintriga ako sa mga babae na naibida nya, tulad ni Sairah Lopez, ni Susan at ni Sisa…”
"Kilala ko ang mga sinasabi mo," he said softly, half smiling. "Sairah Lopez? Anak ni Dr. Jake Lopez siya. Yung Susan, baka si Susan Cruz ang sinasabi nya. Magagandang mga babae sila at popular dito. Bago nangyari yung frame up kay Ruel ay naging tipikal ding kabataan ang kapatid ko. Used to run around with lots of girls. Pero noong naging mag-partner na kami sa negosyo ay naging seryoso na siya sa buhay at hindi na naglalagi sa labas. Dito na lang siya naglalagi sa bahay at sa negosyo namin. Kaya tiwala ako kapag narito siya.”
"Kilala mo rin yung Sisa?"
He frowned and thought and shook his head. "Wala akong natatandaan na na-link kay Ruel na Sisa ang pangalan,” sabi nya.
“Si Sairah ay naririto pa sa Cahidjiocan, dalaga pa siya. Si Susan ay nag-asawa na at balita dito ay nasa ibang bansa na kasama ang asawa. Alin man kay Sairah at kay Susan sa tingin ko ay magiging maayos na asawa. Hindi tulad kay Nerissa. Nababanggit ba ni Ruel sa’yo ang asawa ko?”
"Nababanggit nya rin."
"Wala na si Nerissa."
"Nabanggit nga ni Teting."
"Ang maganda kong asawa. Ang taksil na si Nerissa.”
“Habang naririto ka, kung may oras ka, daan ka dito. Makapag kwentuhan at kaunting tagay. Dito lang ako. Dati nung narito pa si Ruel, lagi akong wala, myembro ako ng Rotary, ng Zoning board dito, ng mga civic organizations. Ngayon dito na lang umiikot ang daigdig ko.”
Sa sinabi nya pinapaalis na nya ako. I walked back through the narrow store to the street door. The clerk leaned against one of the counters near the front, picking his teeth with a match. It felt good to get back out into the sunlight. The cheap liquor had left a bad taste in my mouth. Masyadong maaga pa para magbalik ako sa workshop para kunin ang kotse ko. Naisip kong maghanap muna ng matatambayan. Naghanap ako ng bar.
Madali naman akong nakakita. Medyo madilim ang loob na parang sinadyang padilimin para hindi makita ang loob. Ganito naman ang mga bahay-inuman. Marahil para hindi makita kung marumi o malinis ang luga. Anyway, hindi naman ang lugar ang ibinibenta Kundi ang alak.
Naisip kong banlawan ng beer ang whiskey na ininom namin ni mang Greg. Umorder ako ng dalawang bote. Malamig ang beer na ibinigay ng waitress. Habang umiinom ako ay nagbalik sa ala-ala ko si Teting. Ang naging bayolenteng reaksyon ko nang makita ko siya. Yung inabot kong gulpi mula sa sanay nyang mga kamay.
Subalit, sa naging takbo ng usapan namin pagkatapos ng aming babag, dama kong napuntusan ko siya. Hindi nya alam kung saan ako nakatayo tungkol sa bagay na parehong dahilan kung bakit kami ngayon naririto sa Sibuyan. Hindi nya batid kung me ala mako kung nasaan ang sinasabi ni Ruel na ibinaon nya. O kung hanggang saan ang naialaman ko tungkol doon.
Subalit, sa pag-uusap namin ni mang Greg, ang puntos na iyon ay parang balewala din. Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos ng kuya ni Ruel. There was a curious undercurrent sa relationship ni mang Greg at ni Teting. At homdo malinaw sa akin kung ano ang nag-uugnay sa dalawa maliban sa pagiging boss at empleyado ng mga ito.
Bartenders are good sources of information. Napansin ko ang pagkakatitig sa akin ng lalaking nasa counter. Sinenyasan ko siya. Sumenyas ako ng dalawa pa. Wala yung waitress na naghatid kanina ng order kong beer. Mabilis namang lumapit yung nasa counter at dinala yung order ko.
“Boss, ano ang mga pwedeng pasyalan dito sa Cahidjiocan?”
He had a high pitch, thin voice. "Hindi ka taga-rito? Pag weekdays, medyo tahimik dito. Pag Saturday or Sunday maraming gigs. May mga entertainment district din dito pero nasa isang lugar lang dyan sa Paraiso. May mga babae din at may mga sugalan. Puro private lang.”
“Salesman ka ba?”
Nag-isip ako. Impormasyon ang hanap ko. Pwede akong mag-imbento para makahanap ng impormasyon.
“Nagsusulat ako ng libro,” sabi ko.
“Feature-writer ako.”
He showed a quick interest. "Writer ka? Anong mga sinusulat mo?"
"Mga true-to life stories. Nabasa ko yung tungkol sa nangyaring ambushed sa armored van ng Minahan. Yung istorya ni Ruel Enriquez. Yung namatay sa Bilibid.”
"Yung tungkol kay Ruel? My God, that was a shame. Mabait na bata si Ruel."
"Kagagaling ko lang sa kapatid nyang si Greg."
The little man clucked and shook his head. "Parang nawalan ng giya ang buhay ni Greg nang makulong si Ruel. Maganda ang set-up ng magkapatid. Sa tingin ko, halos wala na sa kalahati ang negosyo ni Greg. Isang taon pa lang ang nakalilipas ay naipagbili na nya ang ibang bahagi ng negosyo nilang magkapatid.” Salaysay pa ng lalaki.
“Kung hindi titigil si Greg sa kaiinom, malamang ma-bangkarote siya ng tuluyan. Si Sairah lang ang nagtatyagang mag-payo sa kanya. Kung nakalaya man si Ruel, baka hindi rin sila magkasundong magkapatid. Halos nabenta na ni Greg ang lahat ng ari-arian nila.”
“Masyado kang tsismoso, Honorio,” sabi nung isang lalaki na malapit sa lamesa ko.
"Mind your own business," Sagot naman ng kausap ko. "Uminom ka lang dyan. Hayaan mo kami sa pinag-uusapan namin. Hindi naman ikaw ang topic namin.”
He turned back to me and asked, "Paano mo isusulat ang buhay ni Ruel?"
"Kung paano siya namuhay. Saan siya isinilang. Kapanayamin ang mga naging guro nya. Kausapin ang mga babaeng na-involved sa kanya. I-highlight ang buhay nya bago siya nakulon…”
Honorio glanced at the other table and then hunched himself over me and spoke in a tone so low they couldn't hear him. Naka-ismid siyang nagsalita. “Pwedeng hindi mo ito isama sa sinusulat mo na libro para kay Ruel, pero malaki ang bulung-bulungan dito na hindi lang naging maghipag sina Neressa at Ruel, Kundi naging magkalaguyo pa ang mga ito.”
“Hindi ko masisisi si Ruel. Maganda si Nerissa at malibog. Alam mo bang kumabit din ito sa isang salesman na naligaw dito sa Cahidjiocan? Ayun, ang hitad. Nawalang parang bula. Ang sabi ay tinangay na ito pa-Maynila ng salesman.”
He backed away and gave me a conspiratorial smile. "Ang masakit, natutulog sa pansitan si Goryo, at huli na ang malaman nya ang kalandian ng asawa nya, tinuwaran na siya.”
"May mga iba pa bang kamag-anak sila maliban kay Greg?"
"Wala na kaming alam na iba pa. Namatay ang tatay nila sampung taon na ang nakararaan at nag-asawa agad si Greg makaraang mamatay ang tatay nya. At sama-sama na silang tatlo na nanirahan sa lumang bahay nila dito sa Cahidjiocan. Nitong taon lang na ito ay nabenta na ni Greg ang lumang bahay nila. Ginawa na itong apartment nung nakabili.”
I talked with him for another half hour, but he didn't have very much to add. Hiniling nya na tumambay ako sa bar para makapag-kwentuhan pa kami. I said yes, pero hindi ako nangako. Okay naman sa akin yung bar. Pero hindi okay sa akin ang pagiging tsismoso ni Honorio. Lalo yung hilig nyang pag-usapan ang mga lihim na usap-usapan.
Nang magbalik ako sa workshop ay tapos na yung kotse ko. Matapos naming i-road test ng mekaniko ang kotse ay ibinaba ko uli siya sa workshop nya at binayaran. Madali akong nakabalik sa hotel sa Magdiwang ng wala ng aberya..
Sa silid sa hotel ay binalikan ko sa isip ang lahat ng nakalap kong impormasyon at ang mga naging obserbasyon ko kay mang Greg, kay Teteng at sa ilang bahagi ng Cahidjiocan.
Naisip kong pangatawanan na yung sinabi ko sa bar na isa akong writer. Ipapaalala ko sa sarili ko na next time ay magdadala ako ng notebook at ballpen. Para disimulado. At para din hindi ko makalimutan ang mga detalya ng mga impormasyon na makakalap ko.
Iisa lang ang clue na ibinigay ni Rue; walang makakahanap ng lugar na pinagbaunan nya ng mga inumit nyang pero at nakuha nilang gold inggots. Walang nakakaalam tungkol sa nakabaong pera at ginto. Pero malalaman ito ni Selya kapag sinabi ko ito sa kanya.
Pero, sino si Selya? Ano si Selya sa buhay ni Ruel. At bakit hindi kilala ni Greg si Selya?
Naisip kong tama lang na cover yung isa akong feature writer. Isang magandang true-to life story ang buhay ni Ruel. Isang may-kayang island boy na nasangkot sa isang unsolved na nakawan ng ginto. Yun lang na hanggang sa ngayon ay hindi pa natutuklasan kung nasaan talaga ang mga gold inggots o kung talaga bang may nakuhang gold inggots sa tinambangang armored van at pinatay ang apat sa limang gwardya ng vans ay isa nang human-interest story.
Magiging solid ang alibi ko para sa pangangalap ng impormasyon sa buhay ni Ruel. At hopefully ay humantong ito sa Selya na sinasabi ni Ruel..
My one abortive attempt to find a clue of who Selya was had failed. Walang Selya na kilala si Greg. Maybe, using the ruse of writing up Ruel’s true to life story ay matagpuan ko siya.
Maliwanag na sinabi ni Ruel, she was the girl who would know of a special hiding place. At malalaman agad ng babaeng ito yung lugar kapag sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Ruel.
Subalit, may malaking ‘kung’ din ang lahat ng ito. Kung hindi pa natutuklasan ni Nerissa ang kinalaalagyang ng pera at ng gold inggots. Long-shot talaga ang lahat. Baka sa dulo ay matulad din ang paghahanap ko sa naging paghahanap ni Teting na inabot ng isang taon pero bokya pa rin.
Nang magbalik ako sa bayan para mag-dinner, I bought a notebook in a drugstore. At dinner I filled three pages with notes. I could have filled more. Maraming kwento si Ruel. There hadn't been much else to do. Wala pang sinehan sa isla. May internet café na. Nagbalik ako sa hotel at isinulat ko ang mga resource persons na sinabi ni Greg. Naisip kong unahing kilalanin si Sairah.
Sa mga kwento ni Ruel at sa kaisa-isang larawan na ibinigay ni Ruel sa akin bago siya dalhin sa infirmary ay parang kilalang-kilala ko na si Sairah.
“Yan si Sairah Ted,” naalala kong sabi nya.
“Isa siyang mabait na kaibigan. Gusto ko siya, ang ugali nya, ang lahat-lahat sa kanya.”
May kalumaan na ang larawan.. Isang magandang babae na may kalong na tuta. Hinihimas-himas nito ang tuta habang nakangiti sa kamera. Naka-shorts sya ng pula at at halter top. Kay gandang pagmasdan sa larawan ang maamo nyang mukha.
In some crazy way it became our picture—ni Ruel at ako. Ipinamana nya sa akin ang larawan. and it became mine. It represented an alien world of sanity and kindness. Nakapagtataka na sa sandali ng panghihina ko sa kalagayan ko sa loob ay ang larawan lang ni Sairah ang nagbibigay sa sa akin ng lakas at inspirasyon na lumaban at umasang may bukas pa sa kabila ng pader na kinasadlakan ko.
I look forward to seeing her in person.
Sa liwanag ng lampshade na nasa ulunan ng kama ay muli kong pinagmasdan ang larawan ni Sairah. Pumasok sa isip ko na hindi lang ang kayamang hinahangad kon mapa-saakin ang dahilan kung bakit ako naritong muli sa Sibuyan.
Nakatatak ba sa unconscious ko na hanapin ko in flesh ang nag-mamay-ari ng larawan na nagbigay inspirasyon at liwanag habang nasa loob ako ng kawalang pag-asa ng bilangguan?
I dismissed the thoughts. Perception is different from reality. An impression over a picture could be different when I would come face to face with her. Ibinalik ko ang picture sa aking wallet. Sinikap kong maidlip. Naubos ko yung inorder kong tatlong bote ng beer bago ako nakatulog.
SUBAYBAYAN…