SI SAIRAH

2435 Words
Maaga akong gumising nang araw na iyon. Lumabas ako sa aplaya na walking distance lang mula sa hotel. Ipinasiya kong maglakad-lakad sa beach habang pasikat pa lang ang araw mula sa bundok. Inalis ko sa paa ang suot kong sinelas na goma. Masarap itapak sa basang buhangin ang aking mga paa. Mainit-init ang tubig dagat na dumidila sa aking mga paa. Sumasagi sa ala-ala ko ang aso naming si Zorro. Yung mainit na dila nya sa binti ko kapag nagigising ako ng maaga at lumalapit sa tulugan nya. I miss the warmth of some love ones. The calm waters of the sea licking my feet remind me of them. It was not until I opened the drawer of the built-in cabinet to take out a clean shirt that I realized somebody had been in the room. Alam ko kung paano ko inayos ang pagkakatiklop ng mga damit ko sa loob ng cabinet. Ngayon ay para na itong hinalukay ng delubyo. Tiningnan ko yung iba pang mga drawaers. Ganon din. Parang may hinahanap sa drawers ko ang naghalungkat. Kung sino man yun at ano man ang pakay nya; wala akong valuables na nasa cabinet. At wala din akong naisulat pa sa notebook ko Kundi ang tungkol kay Greg at kay Teting. Hindi naman pwedeng yung chambermaid sa hotel ang gumawa nito o yung babae sa reception desk. At imposible ring mangyari ito noong nagpunta ako sa trosohan ni mang Greg. Tiniyak kong sarado ang pinto ng kwartong ito. So, kanina lang ito habang nasa beach ako. Ini-lock ko ang pinto kanina bago ako nag-paaraw sa aplaya. Bukas ang seradura nang pumasok ako kanina. Sigurado ako na ini-lock ko ito kanina. This means na may sumalisi sa akin nang lumabas ako ng kwarto. Someoneone must be tailing me. O kaya, somebody here wants to rob me. Mabuti na lang at from long habit, I had put my wallet inside the pillowcase. My money was safe. Subalit, pinagpawisan pa rin ako ng malapot. Si Teting. Kung siya ang gumawa nito. Iisa lang ang alam kong pakay nya. At kung nagagawa ni Teting na makapasok sa nakasaradong silid, mas higit na dapat akong mag-ingat habang naririto ako sa Cahidjiocan. Ang isa pang ipinagtataka ko ay paano nya ako natunton dito sa Magdiwang Hotel? Wala akong pinagbigyan o pinagsabihan ng tinitirhan ko dito sa Sibuyan. Isa pa, may kalayuan ang tinutuluyan ko sa Cahidjiocan. Ang malinaw sa akin sa mga sandaling ito ay ang obsesyon ni Teting na makuha ang mga ibinaon ni Ruel. Mas higit na mapanganib ngayon si Teting. Itataya nya lahat, makuha lang nya ang nasabing kayamanan. I had breakfast, looked up an address and drove off to see the girl of the cracked, treasured picture—the girl who, unknown to herself, had eased great loneliness, and strengthened frail courage. Si Dr. Jake Lopes ay isang lisensyadong betirinaryo. Ang bahay nya at ang klinika ay nasa ibayo lang ng munisipyo ng Cahidjiocan. Magkalapit lang ang bahay at ang klinika nya. Walking distance lang. Tahol ng mga aso ang bumulaga sa akin nang bumaba ako mula sa aking sasakyan. Napansin ko rin na may Kural sa likuran ng klinika. May natanaw akong ilang kabayo na nakatali doon. Lumabas ang doktor sa waiting room matapos kong pindutin ang doorbell. Nagulat ako ng bumungad siya mula sa pinto ng interior ng klinika. Malaking lalaki si Dr. Lopez. Mas malaki siya kay Teting. Naisip kong dapat ay malaki talaga ang doktor. Kailangan iyon kung kabayo ang gagamutin nya. "Sarado pa ang klinika, maliban na lang kung may emergency,” sabi nito. Baritono ang boses ng doktor at napuna ko agad ang magkasalubong na kilay nya. "Pasensya na dok, di naman emergency, pero gusto ko sanang makausap ang anak mong si Sairah.” "Tungkol saan?" "Personal land dok, tungkol kay Ruel Enriquez." He seemed to be unhappy about it. "Hindi naman siguro kita mapipigilang makipag-usap sa kanya. Naroon siya sa bahay namin sa kabilang bloke. Paki-sabi mo sa kanya hindi na naman pumasok yung pamangkin ko. Kailangan ko ng katulong magpakain sa mga hayop.” "Sasabihin ko po.” "Umikot ka sa likuran. Nasa kusina yun. Sabihin mo sa kanya pumunta agad dito sa klinika at kailangan ko ng katulong.” I went across the lawn to the house and up the back steps. It was a warm morning and the door was open. Nakamasid ako sa kanya ng itulak nya pabukas ang backdoor. Tipikal lang ang height nya. Itim na itim ang mahaba nyang buhok na hanggang bewang. Naka-shorts siya ng gray at light blue na blouse. Brown ang kulay ng makikislap nyang mga mata. Makinis ang kanyang kutis at makipot ang mamula-mula nyang mga labi. Sa pagtantya ko ay nasa twenty-six o twenty seven ang edad nya. Maraming mga babae na tulad ni Sairah sa mundo. Maganda, kaakit-akit. Ang pinagkakaiba lang nila ay ang kanilang aura. Yung inner expression ng p********e nila. Some women regards their beauty as a power. They wear their allures in arrogance. Some regard their beauty as a weakness. They never held their heads high. But a woman’s beauty evokes of sensuality. Of desirability. Kaya minsan, sinasabing a woman’s beauty can destroy a kingdom. She can be the waterloo of even the most precocious man. Si Sairah? She wore an expression of strength, humility and goodness. Iba ang dating sa akin ng babaeng bumungad sa backdoor. "Parang natutulala ako," I said. Nangiti siya. "Tila nga,” sinakyan nya ang biro ko. Pero totoo na natulala ako. Nakakatulala talaga ang ganda ng dalaga ni Dr. Lopez. I took the picture out of my pocket and handed it to her. She looked at it and then looked sharply at me, eyes narrowed. "Sino ang nagbigay sa’yo nito?" "Kay Ruel Enriquez galing ito." "Kay Ruel? Di ko alam na may kopya siya nito,” saglit siyang natahimik nang may maalala.. “Magkasama kayo sa loob?" Tumango ako. Wala akong dapat ikahiya. Hindi krimen ang pagiging putschist. Hindi ko kailanman inisip na deserve ko ang makulong sa Bilibid. Nakita ko yung simpatiya sa mga mata nya. "Ikinalulungkot ko." "May mga nakukulong na walang kasalanan." "Alam ko. At kung may nagkasala man, ayaw ko silang hatulan. There is always a good thing even inside the worst crime.” “Marami akong gustong itanong sa’yo. Pwede ba kitang maimbitahang mag-lunch ngayon?" "Anong gusto mong malaman sa akin?" The ruse was useful again. "Isa akong reature writer bago nakulong. At isang magandang true-to life story ang buhay ni Ruel.” Nagkatitigan kami. Parang inaarok nya ang katotohanan sa mga sinasabi ko. Ang makikita nya sa mga mata ko ng mga sandaling iyon ay ang pagsamba ko sa kanya. Isang basal na damdamin na naroroon na hawak ko pa lang ang rettrato nya nang nasa kulungan ako. "Naging matalik kaming magkaibigan,” parang dinig ko ang paghugot nya ng malalim na buntung-hininga. “Laan akong tumulong kung para sa kanya. Can you pick me up at twelve?" "I'll be glad to. Pero pwedeng sa akin na lang ang picture na yan?" She hesitated for a momemt and then handed it back to me. "Labing walong taon pa lang ako ng kuhanin yan.” Sabi nyang naka-kunot ang noo. "Hindi mo pa sinasabi sa akin ang pangalan mo." "Ted. Teodorico Gorospe." Saglit na nagtamang muli ang aming mga paningin. Dama kong matidndi ang tama ko kay Sairah. At may piping dalangin na pumupuno sa akin ng mga sandaling iyon. Sana may katugong interest ito on her part.. Kahit katiting lang. The figure Ang nasa larawan na ibinalik nya sa akin ay isang nasa kasibulang babae.. This was a woman na nasa harapan ko ngayon, a fulfillment of all the promises in the picture. A mature and lovely woman. We were shyly awkward with each other. Expected naman ito. This was out first meeting. Nagpaalam na siya at nagmamadaling nagbalik sa loob ng bahay. Sinabi ko yung sinabi ng tatay nya. Nagmamadali akong nagmaneho pabalik sa ksbayanan. Doon sa sinasabi ng bartender na si Honorio na kinatitirikan dati ng lumang bahay nina Ruel. Habang daan ay binabalik-balikan ko si Sairah sa aking isip. Nang napasa-kamay ko ang larawan nya, nilagyan ko iyon ng mga attributes ng lahat ng mga pangarap ko na taglayin ng isang ideal na babae. Though alam kong walang babaen makaka-kuha ng perpekto sa mga ideals ko. Subalit, nang makita ko sa personal si Sairah, naniniwala akong sehe would approximate those ideals. Pero, kahit-anupaman, I think I can love her even she may not possess those ideals. Madali ko namang natagpuan ang sinasabi ni Honorio.. Mabait at magiliw kausap yung nakabili. Malaki yung bahay na hinati ng bagong may-ari sa apat na bahagi at ginawang paupahan. Ma-kwento si Mr. Bautista. Hindi ko na kailangang mag-initiate ng mga tanong. Ibinida nya sa akin ang kundisyon ng bahay bago nya ito nabili. “Tumira si Gteg ng nag-iisa sa bahay na ito ng maglaho ang asawa nya. At sasabihin ko sa’yo. Parang bahay ng oso ang bahay na ito nang magkabilihan kami.” Hindi doon natapos ang reklamo ni Mr. Bautista. Pati yung lawn, hinawan ito at pinala na parang gustong taniman lahat. Peroo pibayaan lang tubuan ng mga talahib.” Sa sinabi nyang iyon ay naisip ko si Teting. Tiyak siya ang naghukay sa malawak na lawan ng lumang bahay nina Ruel. Marahil ay pinagyagaan nyang hukayin ang buong bakuran sa pag-asang naroon ang kayaman na ibinaon ni Ruel. Nang matantya kong tam ana ang oras para sunduin ko si Sairah ay nagpaalam na ako kay Mr. Bautista. Bumalik ako sa bahay nina Dr. Lopez. Nakabihis na si Sairah. Naka denims lang siya at pink na tank tops. Wala siyang kibo nang sumakay sa harap sa passenger side. Inakala kong ang pagiging reserved nya ay dahilan sa pagbabaki-baki nya sa pagsama sa akin para kumain sa labas at magtanong ukol kay Ruel na pwedeng ma-involve ang naging palagayan nila. “Kumusta yung puppy na hawak mo sa picture?” tanong ko. Alam kong weirdo ang tanong. Pero wala akong maisip na topic to break the ice. “Oh… marami na siyang mga apo. Matagal na siyang na-cremate.” “Cremate? Sa aso?” “Why not?” “Bago lang ako dito sa area, saan mo I suggest na mag-lunch tayo? Yung cozy enough para simulan natin ang tungkol kay Ruel?” “Mayroong restaurant dito sa Cahidjiocan na nasa loob ng forest reserve,” sabi nya. Maganda ang lugar. May mga clustered na cottages at may main dining room. Ang mga tagapagsilbi ay naka-uniporme ng mga Chinese kimono. Tama siya, ver cozy ang lugar at ang atmosphere. Pero mabigat sa bulsa ang presyo ng nasa menu. Combo ng mga sea-foods ang pinili nya. May kasama itong red wine. Masasabi kong it was a sumptuous meal. It cost me three thousand pesos. "Gaano mo kilala si Ruel?” she asked me first. "Kulang tatlong taon kaming magkasama sa loob. Sampung taon ang hatol sa akin for participating in that Manila- Pen siege." “Oh…” “Nasa loob na ako nang dumating si Ruel sa loob ng selda. Magkasama kami araw at gabi. Sa pagkain, sa pag-exercise.” Hindi ko na kailangang mag-elaborate kung gaano ko kilala si Ruel. Yun naman ay depende lang sa ibinabahagi nya sa akin tungkol sa kanya, sa buhay nya. At kasama doon ang pansarili kong patgtasa sa karakter nya.” "Naging kami ni Ruel. Nagsimula iyon eight years ago.. Pero parang mahaba pa sa walong taon. Nagkaroon sila ng hindi pagkakkaintindihan and they were mad at each other. At ako naman ay galit din sa ka-steady ko. When he wanted to take me out I went. And we went together from then on.” Tumigil siya sandali at lumagok sa baso ng malamig na tubig sa tabi nya. “Nang magtapos kami ng high school ay pareho kaming lumuwas ng Manila para mag-aral. Dalawang taon Nung huminto siya, huminto din ako at nagbalik din dito sa Sibuyan. Marami ang nag-akal na pakakasal kami." Pilit snh ngiting sumilay sa kanyang mga labi. "I guess I did, too. Pero mabilis na nagbago ang lahat. Pakiramdam ko ay nawalan siya ng gana sa relasyon namin. Subsob-ulo siya sa negosyo nila. Wala na siyang panahon sa akin. Lumawak ang gap sa pagitan namin." "In-love ka ba sa kanya?" Parang nakagitla sa kanya ang tanong na iyon. "I thought I was, of course. Hindi kami magiging close ng ganoon kung walang pagmamahal na namagitan sa amin.” “But looking back now, I don't know as I can explain it. Masyadong popular si Ruel sa school noong high school kami. Magaling siya sa basketball. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. Siya ang naging pangulo ng aming graduating class. Popular din ako. Naging campus beauty queen din ako. Pareho kaming mahilig sumayaw at pareho kaming magaling sa larangang ito. Kaya ang expectation ng marami sa aming mga kakilala ay kami na. At hahantong iyon sa aming pag-iisang dibdib. Anyway, bagay kami. We made a good team, naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?” of what other people wanted us to be. We made a good team. Do you understand that?" "Of course." “Pero nung natapos yun, parang hindi naman masakit sa akin na humantong iyon sa wala, tulad ng iniisip ko. Kung hindi naman natapos iyon, at humantong ito sa kasal namin, okay din naman sa akin.” Pakiramdam ko ay naguguluhan siya. Ang naiintindihan ko sa sinasabi nya, given sa naging ending ng relasyon nila; okay lang sa kanya kung nagkahiwalay man sila o kung humantong sila na maging mag-asawa. "Anong uri bang lalaki si Ruel?" "Popular siya." "Underneath." "Ayokong sirain ang ala-ala nya." "Another drink?" "Tama na, ayokong malasing." "There was something weak with Ruel. Lahat ng bagay sa kanya ay madali. Matalino siya at may malusog na pangangatawan. Madali siyang nakakakuha ng mga kaibigan.” “At, lovers?” “He'd never been—tested. Yun ang inherent weakness nya. May pakiramdam ako na nakasanayan nya na to have the best in everything in his life.” “Then, if he had. Bakit natukso siyang gawin yung heist?” “That was the result of the serious flaw in his character.” "Nagbabago ang tao Sairah." “Before his death he was a very remorseful man.” Nakita ko ang pamamasa sa mga mata nya, "Alam ko. Umaasa akong he will. Umaasa akong pagkatapos ng stint nya doon, he will go back here a changed man.” "Bago siya nakulong, matapos nyo, msy iba pa bang alam ka na na-link sa kanya?” Her eyes were evasive. "Wala na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD