CLUELESS

2828 Words
I lowered my voice. "May sinabi siya tungkol kay Nerissa." Parang nawalan ng kulay ang mga pisngi nya. "So totoo pala. Ayokong maniwala. But I suspected it. Nasusuka ako kapag naiisip ko iyon. And it was part of the pattern. Everything came so easily. Hindi nya inisip yung ginagawa nyang pagyurak sa dangal ng kanyang kapatid. Puta ang babaeng iyon. Everybody was sorry and shocked when Greg married her." “Ipinagtapat lahat sa akin ni Ruel ang tungkol sa kanila ni Nerissa. Gusto nyang magbalik dito para itama ang lahat kahit pa hindi na nya maibabalik ang mga naganap.” “Alam kong ni minsan ay hindi naghinala si Greg kay Ruel. Subalit, kahit pa malaman nya ngayon ang nangyari, palagay ko ay matatanggap na iyon ni Greg. Alam na nya kung anong uri ng babae ang kanyang asawa.” "Ano ba ang hitsura ni Nerissa?" “Maganda, sexy. Gustong-gusto nyang sinisipulan ng mga lalaki. May mga babaeng beauty and brain. Siya yung beauty lang at walang brain.” "At sumama si Nerissaa sa isang salesman." "That was so stupid of her. Lahat ng luho mayroon siya. At napapa-ikot nya si Greg sa mga kasinungalinga nya. Si Art Alvez ang sinasabing sinamahan nya. Ahente siya ng mga heavy equipment at mga truck. Dalawang taon na ang nakakaraan nang mangyari iyon. Nasa Batangas si Greg. Nung gabing iyon ay magkasama silang dalawa ni Nerissa na nagdi-dinner sa hotel dito sa Cahidjiocan. Hindi na sila dinatnan ni Greg kinabukasan." "Sinubukan ba ni Greg na hanapin ang dalawa?" "Sabi nya, hindi na kailangan. Dinala nya yung pinaka-magagandang damit nya at kumuha pa daw ng pera sa kaha. Pero naniniwala akong babalik na gumagapang ang gagang iyon na humihingi ng tawad kay Greg. At parang nakikini-kinita ko na ang gagawin ni Greg.” "Sa tingin mo tatanggapin pa uli siya ni Greg?" "Di ko alam. Sinusubukan kong tulungan si Greg." She blushed. "Laging sinasabi sa akin ni Daddy na nauubos ang kinikita nya sa klinika sa pagpapakain sa mga napupulot kong mga tuta, kuting, mga aso, at pusa sa daan. Anong magagawa ko, naawa ako sa kanila?” “Parang tulad ni Greg. He hasn't got anyone now. Naawa ako sa kanya. Lagi kong sinasabing tigilan na nya ang pag-inom. Subalit, parang may nilulunod siya sa alak. Pakiramdam ko ay wala na siyang gana pang mabuhay.” "Pinuntahan ko siya sa tindahan nya. Parang wala siya sa tamang wisyo." "Parang wala nang kinikita ang tindahan nya." "Parang okay naman ang lumberyard. Nakita ko doon si Teteng yung kasama namin ni Ruel sa loob." "Sinabi sa akin ni Greg ang tungkol sa kanya. Kaibigan mo ba siya?" "Hindi." "Hindi ko gusto ang taong iyon. Nahihiwagaan ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tinanggap siya ni Greg. Pakiramdam ko ay hawak ng taong ito si Greg sa lalamunan. Parang hindi makapalag si George sa anumang naisin ng Teting na yun. Nayayamot ako sa kanya. Lagi nya akong sinusundan para kausapin tungkol kay Ruel.” "Anong itinatanong nya sa’yo tungkol kay Ruel?" "It didn't make much sense. Gusto nyang malaman kung saan-ssan kami nag-pi-picnic ni Ruel noong high school kami. O kung saan kami nag-ha-hikes. Parang may gusto siyang ipahiwatig na ginagawa namin ni Ruel. Nayayamot ako sa kanya kaya nitong huli iniiwasan ko na siya at ayoko nang makipag-usap sa kanya.” "Nilayuan ka na ba nya pagkatapos?" "Siguro. Di ko maintindihan yung masyado siyang obsessed na malaman ang mga intimate na detalya kay Ruel. Ikaw pa, maiintindihan ko kasi may isinusulat kang libro. Pero siya, parang hindi maganda yung dahilan sa mga itinatanong nya.” The honesty reflected in her eyes made me feel ashamed. Namagitan sa amin ang isang awkward na katahimikan. Nilaro-laro nya ang kutsara sa kanyang plato. And then while not looking up, she asked. "Ipinagtapat ni Ruel ang sa kanila ni Nerissa. May nasabi ba siya sa’yo tungkol sa akin?" She was blushing again. "Nabanggit ka nya. Pero wala siyang gaanong sinabi tungkol sa’yo. Pwede akong mag-imbento para masiyahan ka. Pero wala talaga at hindi ko gagawin iyon.” She raised her head to look directly at me, still blushing. "Wag mo itong ilalagay sa sinusulat mo, pero hindi ko ito ikinahihiya. Iki-kwento ko lang para mas maintindihan mo ang karakter ni Ruel. Sinabi ko na di ba na naging mag-steady na kami since noong senior na kami sa high school. Alam kong napagdaanan mo rin ito. Marami sa mga kakilala ko at sa mga kaibigan ko na nagkaroon ng mga serious na relationship going steady; they engaged on this thing. Sa society natin, thorny issue pa ang pre-marital s*x. But it happens, di ba?” she again paused for a moment. Biting her lips, contemplating sa mga susunod nyang sasabihin. But she continued. “Noong high school kami ni Ruel, we didn’t do it. Nagtimpi kami. Yung standard necking at petting lang. Hindi mapusok si Ruel. I mean, pag-ayaw ko, hindi siya nagpipilit. Pakiramdam ko, mas okay sa kanya ang walang pilitan.” Tinitigan ko si Sairah right after na binanggit nya ito. Not that I was expecting na she was still a virgin. Nakakagat-labi siya nang muling magpatuloy. “But--- it did happened. Noong lumuwas kami ng Maynila para mag-aral sa college. Nag dorm kami pareho. Malungkot sa dorm. Malayo kami sa aming mga pamilya. Natukso kami to cross the line. Nabigla rin ako. In one passionate moment, yun na. But, we both realized, hindi pa kami handa to tie the knot. Marami pang hindi malinaw sa aming relationship. Mutually we agreed, tama na muna ang minsan. Natuwa ako na we know what are our limits. There, I really appreciate him. Sort of admiring his being a perfect gentleman. But, looking back, naisip ko rin, baka iyon mismo ang naging dahilan ng kanyang panlalamig. At sa revelation mo na totoo yung bulong-bulungan sa kanila ng hipag nya; I guess that was it.” Parang tinamaan ako sa mga ipinagtapat nya. I had never come across this kind of honesty. She had freely given me an uncomfortable truth about herself, and I felt bound to reciprocate. “Parang naiintindihan ko yung gusto mong tukuyin. May ganyan din akong karanasan. May girlfriend din ako. Bago nangyari yung brouhaha sa military career ko ay childhood sweetheart ko na si Rita. Noong matanggap ako sa Philippine Marines ay nagyayaya na siyang pakasal kami. But, may nangyari na sa aming dalawa. Hindi lang isang beses. Maraming beses na. At hindi ko pa rin siya pinakasalan hanggang sa mangyari yung sa Manila Pen at mapunta ako sa Bilibid.” "Nakalaya ka na, naghintay ba siya?" Tumango ako. “Yun ang guilty feeling sa parte ko.” “Hindi pa din kayo nagpakasal nang makalaya ka?” “Not yet. Ang unang pumasok sa isip ko ay to start anew from the scratch. Narito pa sa utak ko yung trauma of being incarcerated for a wrong decision. I feel guilty as hell about her. She was loyal all the time I was gone. But noong magkita kami nang makalaya ako, I felt strange at myself, towards her. I felt we become strangers. Alam kong she was expecting na marriage will be automatic sa paglaya ko. She doesn't understand all this. And neither do I. I only know that I feel guilty and I still feel restless." "Will you describe her?" "Si Rita? She's dark-haired. Quite pretty. Very expressive eyes. Maliit lang siya five feet two. Maganda ang aura nya. At kabilang sa mga kinikilalang political clan sa Pampanga ang kanyang ama. She’s a good catch for a wife. But I feel, I am still not ready for the plunge.” "Maybe you shouldn't feel guilty." I frowned at her. "Anong ibig mong sabihin?" "You said she seems like a stranger. Maybe she is. Marahil hindi na ikaw ang dating kilala nya o maging ikaw sa sarili mo ay hindi mo na kilala. Sabi mo, nagbago na si Ruel. So, pwede ring nagbago ka na sa tagal mo sa loob.” "Nagbago na rin ang pagmamahal ko sa kanya?" “Posible.” “Paano kung sa parte nya ay umaasa parin siya na kami talaga? I would be breaking her heart twice.” "Maybe better to break her heart this way than marry her and break it slowly and more thoroughly." "I don't understand." “Nang magkalabuan kami ni Ruel at parang wala na siyang interest sa akin, noong una ay nag-panic ako. Naipagkaloob ko na sa kanya ang aking pagka-babae. To be honest, I felt then na sa kanya lang umiinog ang mundo ko. Ganyan kaming mga babae. When we fall in love it’s everything. Pero, base sa aking experience kay Ruel, I have thought it was a blessing in disguise na hindi ako nagyayang pakasal kami agad matapos may mangyari sa amin. At nagpasalamat din ako na hindi nya ako inalok ng kasal after that. You know why?” “I don’t.” “Sa pre-marital s*x kasi, iniisip ng iba na lugi ang side naming mga babae kapag naisahan na ninyo. Kaya marami ang natatali sa marriage life na resulta ng kapusukan. I realized very complicated ang personality ni Ruel. Magka-contrast kami. Outgoing ang personality nya. Not of serious type. Very impulsive siya. Hala lang ng hala. He lived for the easy life. For pleasure. While ako, gusto ko yung real life. I mean gusto ko yung malalim na essence ng ating ecxistence. So, hindi kami compatible ni Ruel. Pwedeng dahil pareho kaming bata, mapusok at sexually ay mahahanap namin ang fufillment ng s****l needs namin. But along the way, darating yung reality na mas marami kaming incompatibility kesa sa s****l fulfillment. Marriage is not only abour f*****g. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.” “Mas komportable si Ruel sa mga babaeng tulad ni Nerissa.” Sa sinabi nya ay sumagi sa isipan ko si Rita. Mahalaga ang compatibility sa marriage life. Yung komportable kayo sa isa’t-isa. Maybe, Sairah is right. Hindi ako dapat ma-guilty na hindi ko pa pinnapakasalan si Rita. Perhaps we should wait kung talangang kami na nga ba. Kung komportable kami sa isa’t isa after the f*****g. "How about your impression of me?" "You're hunting for something," sabi nya. The strange truth of that statement jolted me. "Nagsusulat ka ng mga kwento ng buhay ng totoong tao. That's just an indication of restlessness. You're looking for something which may both heartened or disheartened you. Iba-iba ang bisa ng isang stimulant sa tao. Ang mga karanasan ay isa ring stimulant. Either they keep you in good stead or break you.” I was really amused nang tinapos nya ang statement na ito sa isang pigil na tawa. Lumabas ang puting ngipin nya. It was enchantingly crooked. “Sabi ng daddy ko parang gusto ko raw maging nanay ng lahat. Parang gusto ko raw ampunin lahat ng mga ulila. Was it a compliment?” Tiningnan nya ang relo nya. “Ah, magwawala na naman nito si daddy. Time to pack up na Mr. Ted Gorospe.” Binayaran ko ang chit namin at nag-iwan ako ng barya para sa tip box and we went out to the car. Habang nasa daan kami, casual kong binanggit yung tungkol sa babaeng binanggit ni Ruel na makakaalam kung nasaan yung ibinaon nya. “May nabanggit pang babae si Ruel na sabi nya ay naging bahagi ng buhay nya. Kilala mo ba si Sisa?” Napakunot-noo si Sairah. "Sisa? I can remember some—No, there wasn't any girl named Sisa dito sa Sibuyan na nakasalamuha namin. Wala akong matandaan. Sure ka ba na Sisa ang pangalan nya?” "I'm positive of it." "Anong sinasabi nya tungkol sa babaeng ito?" "Nabanggit nya lang pero sa tingin ko naging mahalagang bahagi din siya ng buhay ni Ruel.” "Parang lalong lumilinaw sa akin ang pagiging bohemyoo ni Ruel," nasabi ni Sairah. Parating na kami sa driveway ng animal clinic ng daddy nya. Nagmenor ako at inihinto ang sasakyan sa harap ng klinika. Lumabas ako ng sasakyan at binuksan ko ang pinto para sa kanya. At ease na kami sa isa’t-isa nang umalis kami sa restoran. Awkward na naman ang feeling ko nang pagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Gusto kong magkaroon muli ng pagkakataong makita siya pagkatapos nito. Pero di ko malaman kung paano ito sasabihin. Para kasing sinarhan na naman nya ang mundo sa pagitan namin. "Salamat sa pagpapaunlak sa imbitasyon ko." I said and put my hand out. Ginagap nya naman ang kamay ko. May init na nanulay sa mga palad ko nang madama ko ang malambot na palad nya.. "Nagagalak akong makatulong sa istorya mo Ted. You could—let me know if you think of more questions." Magandang pagkakataon ang binuksan ng sinabi nya. I felt a compulsion to let her know how I felt. "Gusto kong makita kang muli kahit hindi na lang dahil sa sinusulat ko." She pulled her hand away gently and faced me squarely, chin up. "Pwede rin." She grinned again. "See? Hindi pakipot si Sairah, di ba?” "I like that. I like your honesty." "Wag kang pabigla-bigla Ted." "Pabigla-bigla? Kay-tagal kong hinangad na makita at makilala in person ang babaeng nasa retrato ni Ruel.” "Now you see her. What do you think?" "I would like to be double sure. Let us be comfortable with each other." "Tawagan mo ako," she said. She whirled and was gone. Just before she went in the door, I remembered what I meant to ask her. I called to her and she stopped and I went up to her. "Sino ang pwede kong kausapin na susunod about Ruel?" She looked slightly disappointed. "Subukan mo si Mr. Ed De Jesus sa Cahidjiocan Institute. Head siya ng Pilipino Dept. Naging adviser siya ni Ruel nung high school. Close sila na parang mag-ama.” Pabalik ako sa hotel na parang nasa alapaap. Hindi makatkat sa isipan ko si Sairah. Marami na akong nakilalang mga babae maliban kay Rita. Hindi kakatwa sa tulad ko ang magkaroon ng maraming babae sa buhay. Ang uniporme ng isang sundalo ay sinasabing likas na magneto para sa mga babae. Because of this, I met a lot of women while I was in uniform. Subalit, I was not thrilled and titillated the way I felt for Sairah now. Nung nasa kulungan ako, her photograph inspired me. At ngayong nakaharap ko na siya. In that short moment na magkaharap kami, I knew, she could be it. She could be the one to fill up the empty place in my heart. Alas tres na ng hapon ng makaalis ako sa klinika ni Dr. Lopez. Pinilit kong iwaksi muna sa isipan ko ang magandang anak ni Dr. Lopez. Ang susunod na hakbang ang dapat kong pag-isipan. Ano ang mga dapat kong itanong kay Mr. Ed de Jesus para matumbok ko kung sino si Sisa sa buhay ni Ruel at makilala ko mismo ang babaeng sinasabi ni Ruel na makakaalam sa lugar na pinagbaunan nya ng mga ninakaw nya. Malapit na ako sa bisinidad ng tinutuluyan kong hotel nang mapansin ko ang pick-up na kanina pa bumubuntot sa akin. Sa kaligayahan ko ay hindi ko napansin ito. Mabilis kong itinabi sa gilid ng daan ang sasakyan ko. Nakita kong huminto rin ito at itinabi sa di kalayuan ang sasakyan. Nakita kong bumaba ng sasakyan si Teting. I marched up to him and said, "Ano yung binabalak mo at binubuntutan mo ako?” “Ikaw din yung paumasok sa silid ko di ba?” Sumandal siya sa kotse at tinitigan ako. “Hindi mo ako matatakasan Ted.” "Ipapa-blotter kita." "Para saan? Anong kaso?." He squinted in the afternoon sunlight. Nang-iinis ang ngisi nya. "Anong mapapala mo sa pagbuntot-buntot sa akin?" "Di ko pa alam sa ngayon. Have a nice lunch with Sairah? Mukhang mas magaling kang dumiskarte. Maganda siya. Baka ayaw nya ng bruskong tulad ko. Pagbutihan mo baka madala mo siya doon.” Bigla siyang tumigil sa kanyang pagsasalita. Sinundan ko ang tingin nya. Bigla akong lumingon sa likuran ko. Iglap lang ang pag-igtad ko. Muntik na akong mahagip ng humahagibis na sasakyan. Sa isang kisap-mata ay napansin ko ang isang panot na lalaki sa harap ng manibela ng humahagibis na sedan. Bago ito tuluyang nakalayo ay malinaw na napansin ko agad ang plate number sa likuran ng sasakyan. Hindi malinaw yung numero pero malinaw ang nakalagay sa plaka. NCR. Tulad ng plaka ko. Binalikan ko si Teting. "Wala kang mahihita sa pagbuntot-buntot mo sa akin. I told you I don't know any more...” Tumigil ako. Na-realized kong walang mangyayari sa pagpapaliwanag ko. Parang hindi nya ako pinapansin. Mabilis siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito pabalik sa Cahidjiocan. Pinuntahan ko ang sasakyan ko. Nang makapasok na ako ay dahan-dahan ko itoong pinaandar. Parang nawala na ako sa hulog. Yung saglit na kaligayahan ko sa piling ni Sairah ay napalitan ng agam-agam. Si Teting ay tinik sa lalamunan. Isang hurdle na kailangan kong lagpasan. SUBAYBAYAN…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD