Matapos kong i-jot down yung iba pang impormasyon na sinasabi nung kausap ko sa telepono ay tiningnan ko yung pangatlong pangalan na kinuha ko sa yearbook ni Mr. de Jesus. Nag-isip ako ng matagal. Maaring isa ring dead-end ang pangalan na kinuha ko. Napabuntung-hininga ako. Parang mas lalong lumalabo ang lakad ko. Para akong naghahanap ng karayom sa talakksan ng mga Dayami.
Nang lumabas ako sa telephone booth ay nakita kong lumabas naman si Teting sa kabilang booth. Nakangisi ito. Parang gusto ko uling subukang sapakin siya.
"Mukhang gumaganda ang leads mo."
"I don't know what you're talking about."
"Narinig ko yung usapan nyo sa telepono."
"Go to hell, Teting."
He stood with his big hard fists on his hips, rocking back and forth from heel to toe, smiling placidly at me. "Okay yung mga lakad mo. Lunch kay Sairah, interview doon sa Pilipino head. Tawag sa mga possible leads. Para kang pulis na magaling mag-imbestiga.”
“Pagbutihan mo at nang madali nating makuha yung mga ninakaw ni Ruel.”
Nagpupuyos ako. Ngani-ngani kong dambahin na naman siya at bigyan ng upper-cut. Subalit, nararamdaman ko pa yung karate chop nya. Mataman kong pinagmasdan si Teting. Kung makamamatay lang ang tingin, tiyak tumimbuwang na siya sa kinatatayuan nya.
He was wearing a dark suit, well cut. It looked expensive. His shoes were shined, his shirt crisp. I wished I'd been more alert. It's no great trick to stand in one phone booth and listen to the conversation in the adjoining one. I hadn't even thought of secrecy, of making certain I couldn't be overheard. Now he had almost as much as I did.
"Kumusta yung naging paghaharap nyo ni Greg?"
"Okay naman, bakit mo naitanong?"
"Strange guy, isn't he?"
"He's a little odd."
"And he's damn near broke. That's a shame, isn't it?"
"It's too bad."
"Yung anak lang nung doktor-kabayo ang nagtyatyaga sa kanya. Walang ginagawa ang kapatid ni Ruel Kundi ang maglasing at magbenta ng mga ari-arian. Pati yung cabin nila doon sa may talon ay naibenta na nya.”
“Nabanggit ba ni Ruel na mayroon silang isang magandang cabin na resthouse doon sa may waterfall?”
Nabanggit na sa akin ito ni Ruel. Nawala sa loob ko ang tungkol dito. Ngayon ko lang naalala nang banggitin ito ni Teting.
"Nabanggit nya," I said.
"Napuntahan ko na rin iyon. At nahukay ko na ang lahat ng sulok sa paligid nito. Wala rin doon.”
"Thanks for the information."
"I'm keeping an eye on you, Ted. Interesado ako sa hunch mo."
"f**k you."
"Wag kang pikon. Remember two heads are better than one. Good luck kay Arguelles. Di ko alam kung ano ang pakay mo sa kanya but I will keep posted. Good luck.”
"Thanks."
Nagmamadali akong sumakay ng kotse ko bago ako makunsume. Malayo din ang Magdiwang. Dulo ng bayan ng Magdiwang ang address na ibinigay nung kausap ko sa telepono.
Madali ko namang natunton ang bahay. Nasa likuran lang ito ng isang convenience store malapit sa tulay. Nang pagbuksan ako ng pinto ng babae ay parang nag-alangan itong papasukin ako.
"Franci Arguelles?"
"Nung dalaga pa ako. Nasario ang apelyedo ng mister ko.” Sabi ng babae na may kalong-kalong na anak nang patuluyin ako sa loob.
"Ako si Ted Gorospe, nagsusulat ako ng libro tungkol kay Ruel Enriquez." Simula ko.
“Si Ruel, ang crush ng bayan sa school namin,” nakatingin sa aking mga mata si Francia. Pero pakiwari ko ay ang ala-ala ni Ruel ang nasa isip nya habang pinagmamasdan ako.
May isa pang bata sa tabi nya na sa tantya ko ay nasa limang taong-gulang. Dumukot ako ang pera sa bulsa. Isang lukot na singkwenta pesos ang nadukot ko.
“Bili ka ng meryenda mo sa tindhan sa labas,” sabi ko sa bata.
"Nag-abala ka pa, maghahapunan na kami maya-maya pagdating ni mister."
"Okay lang yan missi, paminsan-minsan lang naman. Sigae na boy." Tumingin muna sa ina ang bata bago kinuha ang inaabot kong pera. Nang walang sinabi ang ina ay nagmamadali na itong tumakbo palabas ng bahay.
"In camp, before he died, he mentioned a Cindy. Could you have been the one?"
"Hindi kami gaanoong magkakilala ni Ruel."
“Pero, tagahanga nya ako. Kaklase ko siya mula elementary hanggang high school. Pero iba yung grupo nya noong high school kami. Alam mo na. Sikat siya at mayaman.”
“Alam mo naman, star-struck ako sa kanya. Pero, realistic din ako. Alam kong hindi nya ako papatulan.”
Naramdaman ko yung sincerity sa boses ni Francia. "You got over it."
"Oo naman. At nalulungkot ako sa nangyari sa kanya.”
"May kilala ka bang Sisa sa grupo nya o sa ibang grupo pa na naging mga ka-klase nya?"
"Sisa… parang may ibinabalik sa ala-ala ko yung pangalang yan. Pero, hindi, teka,” nakita kong mataman siyang nag-isip.
“Wala akong maisip na ka-klase namin na may ganyang pangalan.”
Magsasalita pa sana siya ng dumating ang bata na binigyan ko ng pera na karga-karga ng isang laalki na kamukha nito.
“Nandito na pala ang mister ko,” nasabi bigla ni Francia.
Matapos nya akong ipakilala sa mister nya ay sinabi nya rin ang pakay ko sa kanya.
"Wala nga akong kilalang Sisa sa batch namin o sa mga kaklase namin nung elementary. Pero parang may tunoog sa akin ang pangalang Sisa."
"For a moment I thought it did. It's gone now. I'm sorry."
"Kung may maalaal ka pwede mo akong tawagan?"
She smiled broadly. "Sige pero malayo sa amin ang telepono pupunta pa ako sa bayan."
"Babalik na lang kaya ako one of these days?” sabi ko naman.
"Bakit masyado kang interesadoo doon sa Sisa na iyon?"
Inulit ko yung sinabi ko sa kanya kanina. "Isa kasi sa mga binabanggit ni Ruel na mga babaeng naging mahalaga sa kanya. Kailangan ko siyang ma-interview para ma-high light yung influence nya sa buhay ni Ruel.”
"Wag mong kalilimutang ilagay sa libro ang kabaitan ni Ruel."
"In what way, Mrs. Nasario?"
Parang nag-alangan muna si Francia. Tumingin siya sa asawa na nasa tabi nya. “Dati kasi noong elementary kami, tinutukso nila akong babaeng Apeng. Dahil sa malaking ipen ko sa harap. Isang araw may gago kaming kaklase na bumili ng kending ipen-ipinan tapos inilagay nya sa ngipin nya habang binubuska ako. Tapos nakita siya ni Ruel. Kinuha nya sa kaklase namin ang ipen-ipinan at inihagis sa lapag at tinapakan. Pinagsabihan nya ang kaklase namin. Nung mag-high school kami ay sinimulan kong mag-ipon, Bago kami nagtapos ng high school ay naipaayos ko na ang ngipin ko.”
“Yun ang naalaal ko kay Ruel. Yung ginawa nya ang naging dahilan kaya naayos ang ngipin ko, at nagustuhan ako nitong mister ko.”
Nagkatinginan kami ng mister nya.
“Ilagay mo yan sa susulatin mo."
"I will."
"At kung may maalala ako tungkol sa Sisa na sinasabi mo ay tatawagan kita."
Matapos akong magpasalamat sa mag-asawa ay nilisan ko na ang bahay nina Francia. Habang daan ay tumatakbo din ang isip ko. Nagbalik sa isip ko ang hayup na si Teting. Hindi siya titigil hangga’t hindi napapasakamay nya ang mga ninakaw ni Ruel.
Sairah was right when she used the word creepy. But it was more than that. It made me feel helpless in trying to deal with him. I could think of no appeal that would work. He couldn't be scared or reasoned with. He was as primitive and functional as the design of an ax. He could not even be anticipated, because his logic was not of normal pattern. And then, too, there was the startling physical strength.
Ipinakita na nya ang kanyang kalupitan sa loob. Yung ginawa nya kay Ruel. Isang malupit na mamamatay-tao si Teting. Pakiramdam ko, magtagumpay man akong matagpuan ang mga ibinaon ni Ruel, mahihirapan naman ako kay Teting.
“Finding the loot ang moving it away from here are two different problems.” Ito yung sinabi nya sa akin.
At may pangatlo pa na higit na mapanganib na problema. Siya.
“I will take my chances.”
Back in town I decided I would have a drink at the Inn and a solitary meal and try to think of what the next step should be. Palabas na ako matapos kumain at uminom.
Sampung hakbang mula sa pinto ng Inn ay may mga lalaking bumungad na parang inaabangan talaga ako.
“Sumama ka sa amin sandali Mr. Gorospe.”
SUBAYBAYAN…