CHAPTER FORTY ONE Siam Alonzo DALAWANG linggo na rin ang nakalipas mula nang mag-start ulit ang pasok. Kahit na may hang over pa ang mga estudyante at kaming mga teachers sa bakasyon, kinailangan pa namin i-ready ang mga estudyante para sa final exam ng third quarter. So far, after no’n at ang malupitang pagko-compute ng final grades para sa third quarter, hindi na gaanong tambak ang gawain. After ng morning class namin ni Yesza, sa cafeteria rin agad ang diretso namin. Kasama namin si Ma’am Hina para kahit papaano ay may kasama namin ito. Naka-leave na ‘yong dalawang mag-asawa, sina Mr. and Mrs. Vasquez, dahil kabuwanan na ng babaeng guro sa susunod na buwan. Usually, sa may pantry kami kumakain ng lunch, ‘di ba? Ilang araw na rin kasi mula noong may ibang mga guro ang gumamit no’

