CHAPTER THIRTY TWO Siam Alonzo NAPASINGHAP ako na naging dahilan nang pagkasamid at paggising ko. Minulat ko ang mga mata ko at inangat ko ang ulo ko na nakasandal. I rubbed the back of my neck, giving it a soft massage. Medyo masakit ang gilid ng leeg ko dahil alam kong ilang oras din akong nakatulog at nakasandal ang ulo sa kung saan. Tinakpan ko ang bibig ko nang maghikab ako. Nang gising na gising na ang diwa ko, saka ko lang napagtanto na wala nang tao sa loob ng van at nakabukas ang pinto. Napakunot noo ako. “Nasaan na sila?” tanong ko sa sarili. “Nakababa na silang lahat. Nasa resort na tayo, e.” Halos mapatalon at mapasigaw ako sa gulat nang may magsalita sa tabi ko. Nilingon ko ang nagsalita at tumambad sa paningin ko si Neu. “O? Anong ginagawa mo rito? May ginaw

