CHAPTER THIRTY NINE Siam Alonzo “SURE ka talaga, ‘Pa, na ayaw mong sumama sa amin para manood ng laro?” pagtatanong ko ulit kay Papa habang naglalakad kami palabas ng gate. Actually, pang-apat ko nang beses na tanong sa kanya ‘yan sa loob ng isang oras. “Sure na sure ako, Siam. Basta, enjoy niyo lang ang laro,” sagot ni Papa sa akin bago tumingin kay Kuya Synco. “Synco, iwasan ang makipag-away, ha? Lalo na ikaw, Eith. May pagka-pikon ka pa naman,” habilin pa nito sa mga Kuya ko. Nalipat ang tingin ni Papa kay Neu. “At ikaw, huwag mong itatakas ang anak ko. Sa covered court lang kayo.” Tumayo naman ng tuwid si Neu at sumaludo na parang sundalo. “Yes, Sir!” “Noted, ‘Pa,” sagot ni Kuya Synco saka tumingin sa tatlo. “Narinig niyo ‘yon, ha? Lalo ka na, Eith. May tenga at utak ka at alam k

