KABANATA4

1519 Words
EVERLIE'S POV "May Gad Everlie, pinuntahan kita sa bar kagabi pero wala kana dun. Pinag alala mo ko ng bongga tapos di mo sinasagot mga tawag ko!" Sermon sakin ni Paula ng makauwi ako sa apartment namin. "Sorry na bakla, may nangyare kasi." Sagot ko dito. Agad naman itong yumakap sa braso ko. "Na virginian kana?" Mahinang tanong nito. "Gaga hindi! Ito napaka halay talaga ng utak mo." Inis na sagot ko dito. "Ano ba kasi yun, pabitin ka mashado." Inis na tanong nito. "May trabaho na ako." Sagot ko. "Alam mo bakla, ikaw lang yung nakilala kong may trabaho na malungkot." Inis na wika nito at nag lakad papuntang kusina, sinundan ko naman ito. "Anong klasing trabaho ba yan at ganyan nalang ang reaksyon mo." "Fake wife" Sagot ko. "Ano!" Sigaw nito sakin at muntik ng maibuga sa harapan ko yung iniinom nyang tubig. "Bakla naman! Ganyan kana ba ka desperate para makapag bayad nv utang kay Mr Tan!" Inis na wika nito sakin. "1.5million ang offer sakin, sa tingin mo tatangihan ko pa yun?" "Teka, one million and 500thousand? Bakla, hindi na ako mag tataka kung panget na lalaki itong magiging fake husband mo." Natatawang wika nito. "Malalaman mo mamaya." Nakangiting sagot ko dito. * 5pm * 7pm ako susunduin ni Garri, ngayong gabi nya kasi ako personal na ipapakilala sa parents nya. Sana lang ay hindi kami mahalata ng mga ito na nag papangap lang kami. *Ding dong* Mukang may bisita nanaman si Bakla. "Ahhhh!" Sigaw tili ni Paula kaya Dali Dali akong lumabas ng kwarto ko. "Fafa Garri! Oh my gosh totoo ba ito!" Pag papanic ni Paula. Napakunot ang noo ko, paano nya nakilala si Garri. Dali-dali akong lumapit sa mga ito. "Hi" Nakangiting bati ni Garri sakin. "Ang aga mo ata, diba 7 pa usapan natin?" Pag tataka ko dito. "Yeah, pero may dadaanan pa kasi tayo. Mabuti nalang at hindi ka pa bihis." Nakangiting wika nito. "Teka lang, bakit mag kakilala kayo? Don't tell me Bakla sya na sya yung magiging fake husband mo?" Wika ni Paula na nanginginig pa. "Sya nga, by the way Garri. This is Paula my Bestfriend." Pag papakilala ko dito. "Nice to meet you Paula." Nakangiting bati ni Garri Dito. "Oh my gosh, mahihimatay na ata ako!" Pag iinarte nito. "Umayos ka nga dyan, nakakahiya kay Garri!" Saway ko dito. "Bakla, hindi mo ba alam na yan ang 1st love ko. Sya yung lalaking pinag dadamot ko sayo sa laptop ko, ahas ka!" Pag dadrama nito sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nito. "Pasensya kana Garri, medyo madrama talaga tong bestfriend ko." Wika ko dito at hinila na si Paula papasok sa kwarto nito. "Anong drama yan bakla, nakakahiya kay Garri!" Inis na wika ko dito. "Ange sakit bakla, hindi ko alam na sayo mapupunta ang korona. Paanong nangyaring ikaw ang napili nya? Ginayuma mo ba sya?" Agad ko itong kinurot sa n****e nya. Bakat na bakat kasi sa suot nitong sando. "Long story, sasabihin ko nalang sayo pag balik ko. Umayos na bakla ah, ayukong mapahiya kay Garri." Muling pag papaalala ko dito. "Kahit masakit, mag papaubaya ako para sayo." Muling pag dadrama nito. "Hays, bahala kana nga dyan." Inis na sabi ko dito at lumabas na ng kwarto nya. "Pasensya kana kay Paula ah, madrama kasi yun." Wika ko kay Garri. "So Tara na?" Nakangiting wika nito at tumayo na. "Pero hindi pa ako nakakapag bihis ng maayos na damit." Sagot ko dito. Actually wala naman talaga akong maayos na damit para ngayong gabi. Kilala nyo naman kung gaano kayaman ang pamilyang haharapin ko. Baka mag mukang basahan lang ako sa paningin nila. "Nasabi na sakin ni Mariel ang tungkol dyan. Kaya tara na para makapag handa ka." Wika nito at nilahad nya sakin ang kamay nya. Nakangiti ko nalang tinangap ang kamay nito. "Huhuhuh, ang sakit nyo sa mata." Dinig kong wika ni Paula habang nag w-walling sa pinto nya. Napansin kong napangiti si Garri. Ito ang unang beses na nakita ko syang ngumiti ng ganun. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito. "Bakla, wag mong ubusin si Fafa Garri ah." Muling pahabol ni Paula bago kami sumakay ng kotse. Napailing nalang ako sa kawawang muka ni Paula. Akala mo namatayan ang bruha. - After 20 minutes na byahe namin, napag tanto kong dito lang kami sa Condo nya. Pag pasok namin napalunok ako ng maging instant shopping mall ang condo nito. Ibat-ibang klase ng mga dress, heels, bag, and accessories. "sir, Arlene will be Ms. Castro's stylist and make up artist for tonight." Pakilala ni Mariel sa babaeng kasing edad ko lang din siguro. "It's nice to meet you." Wika ni Garri dito. "Same as you Mr.Clinton, and nice to meet you too Ms.Castro." wika nito sakin at nakipag kamay din kaya dali-dali naman ako sa pag tangap ng kamay nito. "Kayo na ang bahala kay Everlie." Wika nito at pumanhik na sa kwarto nya. "Shall we start?" Nakangiting tanong ni Arlene kaya tumango ako bilang sagot. Nag simula ito sa pag pili ng dress para sakin. Nakatayo lang ako sa harapan nya then tinatapat nya lang sa katawan ko yung damit. Nang makapili na ito ay binigay nya na kay Mariel yung damit. Kasunod naman nito ay hinila nya ako sa isang table which is make up area. Napalunok ako ng makita ang sarili ko sa salamin. Dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa salamin, kitang kita ko kahit maliliit na balahibo ko sa muka. Nag simula na itong ayusan ako. Madalas si Paula ang nag aayos sakin. Madalas kasi ako nitong pag praktisan ng mga make up tutorials nya or kapag nag ba-vlog ito. **Third personal's pov** 6:30 pm na at naka ready na si Garri, hindi ito mapakali sa kwarto nya. Gustong gusto na nitong lumabas para makita si Everlie ngunit pinag bawalan ito ni Mariel. Mas mabuti daw na mag hintay nalang ito sa silid nya at tatawagin nalang sya pag tapos na. Ilang sandali pa ay kumatok na si Mariel sa pinto nito. Huminga ng malalim si Garri at humarap muna sa salamin bago lumabas. Tumungo na ito kung nasan si Everlie. Napalunok pa ito ng makita itong nakatalikod sa kanya. Alam nya naman na maganda ang dalaga, pero excited pa rin ito na makita ang ayos nito dahil sigurado syang mas lilitaw ang ganda nito. "Sir Garri, I would like to present you my master piece." Nakangiting wika ni Arlene dito. Seryoso namang nakatingin si Garri sa nakatalikod na si Everlie. At nang humarap na si Everlie dito, tila hindi makapag salita si Garri. Natulala na ito sa taglay na kagandahan ng dalaga. "Hey Garri." Tawag sa kanya ni Everlie. Bumalik naman ito sa sarili nya. "Y-yes?" Nauutal pa na sagot nito. "Okey lang ba yung suot ko? Hindi pa O.A?" Medyo naiilang na tanong ni Everlie dito. "No, mas lalo kang gumanda sa ayos mo." Sagot nito sa kanya. Napalunok naman si Everlie ng lumapit sa kanya si Garri. Tila bigla itong nakaramdam ng hiya sa binata. "So let's go, mom and dad is waiting for us." Wika ni Garri dito at nilahad ang kanyang braso dito. Ngumiti naman si Everlie bago ilagay ang kamay nya sa braso ng binata. Walang ka alam alam ang dalawa na kinukuhaan na pala sila ng picture ni Mariel and Arlene. Habang nasa elevator ang dalawa, hindi maiwasan ni Garri ang mapatingin dito. "Kanina mo pa ko tinitingnan, sigurado ka bang okey lang ang ayos ko?" Pag aalalang wika ni Everlie dito. Napaubo naman si Garri dahil kanina pa pala sya napapansin nito. "Hindi ko lang kasi lubos maisip na ganyan ka pala ka ganda pag nakaayos. You look goddess, walang galing pang bobola." Wika nito kaya nakaramdam ng pang iinit sa pisnge si Everlie. "Ikaw din naman, mas gwapo ka sa ayos mo." Nakangiting wika nito. Napansin naman ni Everlie ang ilang hibla ng buhok ni Garri na magulo kaya inayos nya ito. Natigilan naman silang pareho ng mapagtanto nila na sobrang lapit na pala ni sa isat-isa hanggang sa mag bukas na ang elevator nila. Sa pag labas nila ng elevator, nakaagaw agad sila ng pansin. Maraming nag bubulong bulungan, they think na celebrity ang dalawa. Todo yuko lang si Everlie, habang si Garri naman ay proud na proud na silang dalawa ay mag kasama. Wala ng paki si Garri kung kumalat sa social media ang mga picture nila. Mas pabor pa nga ito sa kanya, parae matigil na ang usap usapin tungkol sa pagiging single nya. "Hey, huwag mong itago yung kagandahan mo." Natatawang wika ni Garri. "Ano ka ba, hindi ako sanay na pinag titinginan!" Sagot nito. "Maging proud ka dahil ako ang kasama mo. Maraming babae ang maiingit sayo dahil isang Garrison Austin Clinton ang mapapangasawa mo." Nakangiting wika nya dito. Huminga ng malalim si Everlie, tama si Garrison. Binayaran sya nito ng malaki kaya dapat gawin nya ang best nya. Tumayo ito ng maayos at ngumiti. Mas hinigpitan nya ang pag kakahawak sa braso ni Garri. "Don't be nervous, wala kang dapat ikabahala. Just be yourself Everlie, ako ang bahala sayo." Nakangiting wika Garri dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD