Kabanata3

1685 Words
Everlie's Pov Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Napakunot ang noo ko ng makitang nasa condo nanaman ako ni Garri. Jusme nakakahiya na talaga tong pinag gagawa ko. Pag labas ko ng kwarto naabutan kong nakikipag usap ng seryoso si Garri sa isang babae. "S-Sorry kung naabala ko kayo, balik nalang muna ako sa loob." Nahihiyang wika ko ngunit pinigilan ako nito. "Come here, we need to talk." Seryosong wika ni Garry kaya napalunok ako. Pag upo ko sa sofa, nakatitig sakin yung babae. Siguradong girlfriend nya ito. I need to explain kung anong nangyare, ayuko naman na ako ang dahilan ng pag aaway nila. "I'm so sorry miss, huwag ka sanange magalit kay Garry. Wala kaming relasyon, ang totoo nyan tinulungan nya lang ako kagabi dahil nakatulog ako. But believe me, wala talaga kaming relasyon, walang nangyare samin-" "Hahahah, teka lang miss, wag kang mag explain sakin." Wika nito kaya naputol ang pag papaliwanag ko sa kanya. "What do you mean?" Pag tataka ko. "By the way, I'm Mariel Santos, secretary ako ni Sir Garri." Nakangiting wika nito at nakipag kamay sakin. "G-ganun ba, sorry kung napag kamalan kitang girlfriend nya." Nahihiyange sagot ko dito at nakipag kamay sa kanya. "I'm sorry kung naabala ko kayo ni Sir Garri ng ganito kagaaga. Gusto ko lang malaman mo miss na nasa news ka ngayon." Wika nito at may inabot sakin na tablet. Tiningnan ko ang sinasabi nitong article tungkol sakin. Napakunot ang noo ko dahil sa mga nabasa ko. "T-teka lang, ako ba ang sinasabi nilang secret girlfriend ni Garri?" Di makapaniwalang wika ko. "Yes, may mga nakakita sa inyo kagabi sa bar at sa hotel nung buhat buhat ka ni Sir Garry. If you don't mind miss, maari ba kitang operan ng work?" Wika nito habang tahimik lang si Garri. Work daw, need na need ko ang work ngayon. Alam nyo naman na tinangal ako sa trabaho, tapos kailangan ko pang bayaran yung utang ni tatay kay Mr Tan. "Work? Oo naman!" Agad na sagot ko. "Excuse us muna Mariel, kakausapin ko lang si Everlie." Seryosong wika ni Garri at hinila ako nito sa kamay pa puntang kwarto nya. Sobrang seryoso kasi nito. Para bang may malaki itong problemang kinakaharap. "I'm sorry Everlie kung nadamay ka pa sa problema ko." Wika nito. "Okey lang yun, kasalanan ko din naman yun. Ako nga ang may utang na loob sayo dahil lagi nalang kitang naabala sa tuwing nalalasing ako." Nakangiting sagot ko dito. "Pero iba kasi tong problema ko, hindi ko alam kung tama bang maipit ka dito." Sagot nito. "Don't worry Garri, willing akong tulungan ka. Ano ba yun?" Nakangiting tanong ko dito. Bigla itong natahimik habang seryosong nakatingin sakin. "Kailangan kong mag pakasal sa lalong madaling panahon." Wika nito na ikinalungkot ko. Kakikilala palanv namin pero kailangan nya ng mag pakasal. Hindi sa nag assume akong mag kagusto sya sakin, pero alam nyo naman na sya yung yung taong nakakausap ko sa tuwing nag dadrama ako. "So this is goodbye na ba? Sorry Garri, mukang nakakaabala ako sayo. Baka mag away pa kayo ng fiance mo dahil sakin-" "It's not what you think, the main problem here ay wala akong babaeng papakasalan." Wika nito kaya parang nag diwang ang puso ko. "Kahapon kami nag start ng secretary ko na mag hanap ng mag papangap bilang fake wife ko." Wika nito. "Fake wife? Yun ba yung gustong alokin ni Mariel sakin?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "Oo, pero nag dadalawang isip ako. Baka kasi hindi ka pumayag. Hindi naman kita pipilitin dito Everlie, sorry kung nadamay ka pa." Wika nito habang nakayuko. "Mag kano ba?" Tanong ko dito. "What do you mean?" Pag tataka nya. "Mag kano ba ang ibabayad mo kung sakaling mag panggap ako as your wife?" "1.5 million hangang sa matapos ang contrata." Sagot nito kaya nanglaki ange mata ko. "Seryoso ba yan Garri? Sige pumapayag na ako!" Agad na wika ko dito. Natulala naman ito dahil sa sinabi ko. Jusme, madali lang naman siguro mag pangap na asawa nya. Isa pa malaki ang ibabayad nya, sobra sobra na yun pang bayad kay Mr.Tan. "Seryoso ka ba dyan Everlie? Sigurado ka bang kaya mo?" "Garri, I need this job! Ayukong ikasal sa anak ni Mr Tan kaya dapat kong mabayaran ang utang ko sa kanila." Desperate na sagot ko dito. "Kasal? Ikakasal kana din? Teka baka mas lalo tayong mag ka problema nito." "Kaya nga tinatangap ko na yang offer nyo sakin. Please Garri, I need this job. Siguro kaya pinag tagpo talaga tayo ng tadhana to help each other." Nakangiting wika ko dito. "Everlie, I warning you, hindi ito basta-bastang pag papangap lang. Kailangan natin mapaniwala ang buong mundo, specially my parents na totoo tayong nag mamahalan." Seryosong wika nito kaya napalunok ako. "Teka, bakit naman buong mundo? Bakit celebrity ka ba?" Pabirong wika ko dito. Napa-face palm naman ito, mukang stress na ang gwapong nilalang na to. *Tok*tok* Agad kaming napalingon sa pinto. Kaya agad itong binuksan ni Garri. "Sir, ange mommy nyo po kanina pang tumatawag." Natatarantang wika ni Mariel. Napatingin sakin si Garri, mukang seryoso na talaga tong nangyayare. Bakit ba napaka big deal ng pang papangap na to? Ano bang meron, at sino ba talaga tong si Garri? Sa sobrang tensyon, napatalon ako ng biglange tumunog ang doorbell. Agad na nag madali si Mariel na puntahan ito habang kami ni Garri at tahimik lang sa kwarto. "Garri, tangap na ba ako? Wag ka ng mag hanap ng iba, kailangan ko talaga ng pera." Pangungulit ko dito. "Kaya mo ba akong makasama hanggang sa matapos ang kontrata? Kaya mo ba na tumira sa iisang bahay na kasama ako? Kaya mo bang mag paka asawa para sakin?" Sunod sunod na tanong nito. Nag lakad ako at lumapit dito. Napalunok ako ng masobrahan yung pag lapit sa kanya. Parang 12inches nalange yung distansya namin sa isat-isa. Mabuti nalang at medyo matangkad din ako kaya abot ko sya. "Kaya kong gawin lahat, wag lang bed scene." Seryosong wika ko dito habang nakatitig sa mga mata nya. **Garri's Pov** Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sobrang lapit sakin ni Everlie. Napatingin ako sa labi nito, ewan ko ba sa daming titingnan ay dun pa. "Nakakaistorbo ba ako?" Agad na napaatras si Everlie, napakunot ang noo ko ng makita si mom. "Mom, what are you doing here!" Inis na tanong ko dito at agad syang nilapitan. "Well, gusto ko lang malaman kung totoo ba yung sa news about sa secret girlfriend mo at mukang totoo nga." Nakangiting wika ni mom at nilampasan ako nito, dumiretso ito kay Everlie. Sh*t hindi pa kami handa, mashadong napaaga si mom. Paano kung mabisto nya kami? "So ikaw pala ang girlfriend ng anak ko. By the way iha, I'm Rizza Clinton." Wika nito at agad na nakipag kamay kay Everlie. "Mom, let's talk outside." At agad ko itong inakay palabas ng kwarto. Naiwan naman si Everlie sa loob. "Ano ba Garri, gusto ko lang makilala ange girlfriend mo. Bakit mo sya tinatago sakin!" Inis na wika ni mom. "Mom, walang alam si Everlie sa tunay na pag katao ko. Ayukong malaman nya agad ang tungkol dito dahil natatakot ako na baka layuan nya ako." Sagot ko dito kaya natigilan ito sa pag pupumilit nya. "Ganun ba? Sorry son, excited lang talaga akong makilala sya. Sana naman ay hindi kayo mag karoon ng problema kapag nalaman nya kung sino ka talaga." May pag aalalang wika nito. "Sorry mom, pero ipapakilala ko naman sya sa inyo ni dad. Bigyan nyo nalang kami ng tamang oras." Wika ko dito. Niyakap naman ako ng mahigpit ni mom, nag paalam na ito kaya hinatid na ito ni Mariel sa labas. Babalik na sana ako ng kwarto ng makita ko si Everlie na palabas na dito. "Hired na ba ako?" Nakangiting tanong nito. Napabuntong hininga ako at tumango Dito. "Yes! Yes! May work na ako!" Sigaw nito at nag tatalon pa sa tuwa. "Kailangan natin pag aralan ang bawat isa. Ang mga likes and dont's natin para hindi mag taka ang mga taong makakasalamuha natin. At kung saan at kung paano tayo nag kakilala." Panimula ko dito. Seryoso lang naman itong nakikinig sakin. "Teka lang Garri, sino ka ba talaga? Bakit parang napaka big deal nito sayo at sa magulang mo?" Nakakunot noo na tanong nya. "Wala ka talagang idea kung sino si sir Garrison?" Napalingon si Everlie sa kadarating lang na si Mariel. "Anak sya ng CEO ng Clinton's Empire. Sya lang naman ang isa sa nabigyan ng award na The Most Handsome Billionaire in the World." Pag sisimula ni Mariel habang di makapaniwalang nakatingin sakin si Everlie. "Wala ng atrasan to Everlie, nakita kana ni mom so kailangan natin ituloy tong pag papangap natin. Kailangan lang naman nating mag pakasal, at mapatunayan sa kanila na totoo tayong nag mamahalan. Kapag nakuha ko na ang gusto ko kay Dad, pwede na natin simulan ang plano tungkol sa pag hihiwalay natin." Wika ko dito. Sa reaksyon nya kasi siguradong nag dadalawang isip na to ngayon. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Sobrang layo ng istado ng buhay ko sa inyo. Hindi ko alam kung kakayanin kong makibagay sa inyo." Sagot nito sakin. Tila nawala yung excitement nya kanina. "Madali lang naman pag aralan yun Ms.Castro. Sir Garri needs you now, wala na kaming alam na makakatulong sa kanya." Wika ni Mariel. Mabuti nalang at nandito si Mariel, hindi ko alam kung paano makikipag deal kay Everlie. "I heard na may utang ka kay Mr Tan. Kilala ko si Mr Tan dahil minsan na itong sumubok na makipag business partner samin. Mautak ang matandang Chinese na yun. Narinig ko din na kapag hindi ka nag bayad, ipapakasal ka nya sa anak nya. Mas gugustuhin mo bang maikasal dun kesa kay Sir Garri?" Muling wika ni Mariel. Napayuko naman si Everlie, mukang nag iisip ito kung ano ang magiging disisyon nya. "Sige pumapayag na ako, mag tulungan tayo Garri." Wika nito na seryosong nakatingin sakin. "Thank you Everlie." Wika ko dito at pinapirma na sya ni Mariel sa contrata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD